3. Pinagmulan ng tao
Ang fossils ay ang
anumang tumigas na
labi ng mga halaman,
hayop at tao
samantalang ang
artifactsay anumang
mga kasangkapang
ginagamit ng tao.
6. Dalawang aspektong pinagbatayan ng
pinagmulan ng tao:
Ebolusyong bayolohikal - ang pagbabago sa pisikal ng tao tulad
ng paglaki ng bungo at maging ang paglalakad at posisyon ng
katawan ay ang siyang pangunahing ginamit na batayan sa pag-
unlad.
Ebolusyong kultural - ang mga kasangkapang
ginamit ng mga sinaunang tao ay ang
pinagbatayan sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao.
7. Teorya ng Ebolusyon
- kuwento ng pinagmulan ng tao ng isang
French naturalist na si Jean Baptiste
Lamarck (1809)
Origin of Species noong 1859
-Nagpalabas ng isa pang teorya
sina Charles Darwin at A.R.
Wallace noong 1858
8. “
8
⬗ Ayon sa teoryang ito, tila isang
hagdanan (ladder) ang pinagdaanang
ebolusyon ng tao, kung saan ang
nagsilbing pundasyon ay ang ninunong
malabakulaw (apelike ancestors) at ang
mga modernong tao (Homo sapiens) ang
nasa pinakatuktok
9. 9
hominid ang mga kabilang sa pamilya
(hominidae) ng bipedal primate
mammal na kinabibilangan ng
pinakamodernong tao.
Ang silangang bahagi ng Africa ay
pinaninirahan ng iba’t-ibang uri ng mga
hominid.
Ang mga ito ay hinati ng mga dalubhasa sa
tatlong pangkat- ang Ardipithecus Ramidus,
Australopithecine at Homo.
10. 10
Ang Ardipithecus ramidusay hango sa wika
ng Afar, Ethiopia na ardi na
nangangahulugang ground floor at ramidna
ang ibig sabihin ay root. Tinatayang sila ay
may taglay na katangian ng chimpanzee
(dahil sa ngipin) at tao (dahil sa pagiging
bipedal). Artifacts Ardipithecus Ramidus
11. Ang Australopithecineay hango sa wikang
Latin na nangangahulugang Southern Ape.
Ito ay nagtataglay ng magkaparehong
katangiang tao at bakulaw. Sila ang
sinasabing mga ninuno ng makabagong tao.
11
12. 12
Homo naman ay nagmula sa
salitang Latin na
nangangahulugang “tao”. Sila ay may
mas malalaking utak at may
kakayahang makalikha ng mga
kagamitan.
Homo Habilis(handy man), Homo
Erectus(upright man), at Homo
Sapiens(wise man). Ang mga Homo
Erectus ay ang unang pangkat na
lumabas sa kontinenteng Africa at
nagpuntasa iba’tibang kontinente
kasama na ang Asya.
13. 13
Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Unang
Asyano Ang Panahon ng Bato ay ang panahon ng
paglilinang ng tao na nahahati sa dalawa:
Paleolitiko(Lumang Bato) at Neolitiko(Bagong Bato)
A. Panahong Paleolitiko ang mga tao ay:
• Nomadiko (walang permanenteng tirahan
• gumagamit na ng kamay di kagaya ng hayop
• nakapagsalita at nakatanggap ng anumang impormasyon
• mas malaki ang utak bunga ng pagiging mas matalino sa mga
hayop
• nakakalakad na ng maayos at may pisikal na katangian
• mga gamit na yari sa matatalim na bato at graba
• gumagamit ng apoy
14. 14
B. Panahong Neolitiko ang mga tao ay:
• napag-aralang gumamit ng matalas, makinis at
matulis na kasangkapang yari sa bato
• natutong magsaka at mag-alaga ng hayop
• namuhay sa permanenteng lugar
• naging malikhain gaya ng paghahabi ng
tela,paggawa ng lutuan, basket, palayok at gamit sa
bahay
• namuhay na magkasama na naging sanhi sa pagkabuo
ng isang pamayanan, pagkaroon ng lider, at
pagtatag ng organisadong pamahalaan
15. 15
C . Panahon ng Metalang mga tao ay:
• gumamit ng mga bagay na yari sa metal (tanso o copper)
• gumawa ng mga mamahaling bagay gaya ng alahas at kagamitang
pandigma
• nakaimbento ng bronze, pinaghalong metal na tanso at metal na tin
• nakalikha ng mga kagamitang pansaka at kagamitang panlaban o mga armas
na may matatalim na bahagi
• sa China, gumawa sila ng mga gamit na pang-alay sa mga diyos at mga
bariles na mula sa bronse
• nadiskubre din ang iron o bakal
• gumawa ng kagamitang yari sa bakal na siyang panlaban sa mababangis na
hayop
• natutong maghabi at mag-ukit sa mga kahoy mangalakal gamit ang sistemang
barter at barya
• gumawa ng mga sasakyang pandagat para sa kanilang kalakalan
16. 16
Konsepto ng Kabihasnan at SibilisasyonNang dumating ang
mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa Asya ay
nabuo ang mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na
“SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang
Latin na “civitas” na ang ibig sabihin ay “siyudad”at “civilis” na
nangangahulugannamang “ng mga mamamayan”. Kung gayon,
ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
17. 17
Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN”naman ay
isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na
mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang
ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o
magaling. Kung gayon ang kabihasnan ay
pamumuhay na nakagawian at pinipino ng
maraming pangkat ng tao. Sakop nito ang mga
pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay sa
lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang
wika, kaugalian, paniniwala at sining
18. 18
May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan:
• organisado at sentralisadong pamahalaan
• masalimuot na relihiyon
• espesyalisyon sa gawaing pang-ekonomiya at Panahong
Neolitiko
• uring panlipunan
• mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya
• sining, at arkitektura
• Sistema ng pagsusulat.