Nag-iiba ang paggamit ng
wika ng isang indibiduwal
depende sa taong kanyang
kausap. Minsan iniaayon din
niya ito sa lugar kung saan
siya naroon at kaniya ring
kinokonsidera ang paksa ng
usapin na tinatalakay.
Lahat ng mga ito ay paktor
na bibibigyang-pansin ng
isang indibiduwal sa
kanyang pakikipag-ugnayan
sa iba. Bakit nga ba ito
ginagawa ng mga taong
nasasangkot sa isang
komunikatibong gawain?
 Malaki ang kinalaman dito ng
konseptong kakayahang
sosyolingguwistiko na ipinakilala nina
Canale at Swain (1983) at ipinaliwanag
din ni Savignon sa Communicative
Competence Theory and Classroom
Practice: Text and Context in Second
Language Learning (1997) sa kanyang
mas malalimang pagtingin dito sa
konteksto ng pagtuturo ng wika.
Sa pagpapaliwanag ni Savignon
(1997), sinabi niyang ang
kakayahang
sosyolingguwistik ay isang
kakayahan ng gumagamit ng
wika na nangangailangan ng
pag-unawa sa konteksto ng
lipunan kung saan niya ito
ginagamit.
Kabilang sa pag unawang ito
ang kaalaman sa gampanin ng
mga kasangkot sa
komunikasyon, ang mga
ibinabahagi nilang kaalaman, at
ang tunguhin ng pag-
uugnayang nagaganap.
Sinabi rin niyang sa sapat
lamang na kaalaman sa
mga bagay na ito
masasabing angkop ang
isang pahayag.
MGA KONSIDERASYON
SA MABISANG
KOMUNIKASYON
Ayon sa mga pag-aaral, ang isang
katutubong mananalita ay maalam sa
mga pamantayang hinihingi ng
kanyang komunidad sa paggamit ng
sariling wika, subalit ang isang
banyaga o di-taal na mananalita na ito
ay maaaring mahirapan sa kahingian
ng kaangkupan sa paggamit ng
naturang wika.
Dahil dito, mahalaga ang pag-
alam sa mga sosyokultural na
pamantayan ng kaangkupan na
ididikta ng lipunang nagsasalita ng
wikang ito. Upang mabigyang-
pagkakataon ang isang indibiduwal
na mapataas ang antas ng kanyang
kakayahang sosyolingguwistik, lalo
na sa paggamit ng ikalawa o
banyagang wika,
mahalagang malinaw sa kanya
ang mga mahahalagang paktor
ng lingguwistikong interaksyon
na ipinakilala ng
sosyolingguwistang si Dell
Hymes noong 1974. Ginamit niya
ang akronim na SPEAKING
upang ilarawan ang mga
komunikasyong ito.
Setting Saan ang pook pag- uusap o ugnayan
ng mga tao?
Participants Sino-sino ang mga kalahok sa
pag-uusap o pakikipagtalastasan?
Ends Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na
ito?
Act Sequence Paano ang takbo ng usapan?
Keys Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o
di- pormal?
Instrumentalities Anong tsanel ang
ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
Norms Ano ang paksa ng usapan?
Ano ang umiiral na panuntunan sa
pagtalakay sa nasabing paksa?
Genre Ano ang diskursong
ginagamit? Nagsasalaysay ba,
nangangatuwiran, nakikipagtalo?
Ano ang espesipikong sitwasyong
ginamit?
Kung ilalapat ang mga
konsiderasyong ito ng
mabisang komunikasyon sa
realidad ng pakikipag-
ugnayan, magiging maayos
ang daloy ng komunikasyon at
maiiwasan ang mga suliraning
posibleng mangyari.
Nasabi ang ganitong
pagpapalagay sapagkat kung
ang isang indibiduwal na
kasangkot sa isang tiyak na
sitwasyong komunikatibo ay
malaya sa lahat ng mga ito,
makaaayon siya nang tama
ayon sa hinihingi ng
pagkakataon.
HALIMBAWA
Magiging kampante siya sa
pakikipagtalastasan sapagkat malinaw na
sa kanya kung saan magaganap ang pag-
uusap (setting), at kung sino ang mga
makakasama sa naturang pag-uusap
(participants). Makapaghahanda rin siya ng
mga kakailanganin base kung saan ito
gaganapin at kung sino ang makakasama
niya.
Gayon din kung malinaw ang
layunin ng komunikasyon sa mga
kasangkot dito (ends), maibahagi
nila nang maayos ang mga
impormasyong dapat magmula sa
kanila ng walang pag-aalinlangan
at may kasapatan.
Maayos din ang pagbabahagi
sa mga ito sapagkat may
depinidong pamamaraan na
kung paano dadaloy ang
usapan (act sequence) at kung
paano ang moda sa naturang
pagpapadaloy (keys).
Ang ganitong kaalaman ng isang
indibiduwal ay mas higit na
makapagbibigay sa kanya ng
isang ideya kung anong mga
estratehiya ang kailangan niyang
isagawa upang maging kapaki-
pakinabang ang kanyang
pagsangkot sa komunikasyon at
hindi ito masaya.
Mas higit din niyang
mapaghuhusay ang
kanyang pakikipag-
ugnayan kung malay siya
sa uri ng tsanel na
gagamitin
(instrumentalities).
Kung kailangang
gumamit ng isang
tsanel na di-gaanong
bihasa ang kasangkot,
makahahanap siya ng
mga teknik na
mapaghusay pa ito.
Kung ito naman ay tsanel na
gamay na niya, magiging madali
ang kanyang paghahayag sa
mga kakailanging
impormasyon. Maaari rin siyang
makatulong sa mga kasama
upang mas mapadali at
mapahusay ang ugnayan.
• Mahalaga ring maging
malinaw ang mga
pamantayang inaaasahan
(norms) at ang hangganan ng
pag-uusap ukol sa paksa dahil
idinidikta nito ang
karampatang pamamaraan sa
pagtalakay dito.
Ipinahihiwating din nito
ang pagpapanatili ng
paggalang sa indibiduwal
ng bawat kasangkot sa
komunikasyon.
Panghuli, kung depinido
at malinaw ang uri ng
diskursong gagamitin
(genre), mas maihahatid
nang mabisa ang
mensaheng nais ipabatid.
Ang totoo’y malaki ang
gampanin ng genre sa
epektibong pagpababatid
sapagkat hinahamon nito
ang isip at damdamin ng
mga kasangkot sa
komunikatibong sitwasyon.
Ang pagtayasa kaangkupan
ng pagpapahayag sa
komunikatibong sitwasyon ay
nagsasangkot higit sa
kaalaman sa kung ano ang
dapat nasabihin sa isang
sitwasyon, o kung paano ito
sasabihin.
Nagsasangkot din ito
kung kailan ang
kasangkot sa
komunikasyon ay dapat
na tumahimik o
magmukhang walang
alam.
Halimbawa, kapag ang anak ay
pinagagalitan ng magulang at
napakaraming pangaral dahil sa mga
ginawa nito, kahit may sapat na
rasyonal na dahilan ang anak, mas
makabubuting tumahimik na lamang
siya. Ganoon din sa isang mainit na
sitwasyon ng baliktaktakan na
nagkakainitang ang mga kasangkot.
Kung kabahagi ka nito, ang
pag aktong tila walang alam
ay angkop upang hindi
sumidhi ang tensyon kahit
pa sabihing tama ang iyong
mga nalalaman.
Mahalaga, kung gayon, na pag-
ibayuhin ang kakayahang unawain
ang mga ekspektasyon sa lipunan
at kung kailan ang akmang
panahon ng pagpapahayag.
Kaakibat nito, lagi ring isaisip kung
ano ang dapat sabihin at kung
paano ito sasabihin
Umaayon ito sa pahayag nina
Jocson, et al. (2014) na upang mas
maging epektibo sa pakikipag-
ugnayan sa lipunang ginagalawan,
dapat na:
1. Pahalagan ang lugar ng usapan,
igalang ang kausap, maging
konsistent sa paksang pinag-uusapan,
isaalang-alang ang genre ng usapan
gayon din ang layunin ng pag-uusap,
at higit sa lahat, pasalita man o
pasulat ang komunikasyon, linawing
mabuti ang mga mensaheng pinag-
uusapan; at
2.Kapag ang mabisang konsiderasyong
ito na ipinahayag ay masusunod at
magagawa ng isang indibiduwal, hindi
magiging mahirap ang ganap na pag-
unawa. Buong-layang magkakaroon ng
palitang ng mga kaalaman,
komprehensibong impormasyon
tungkol sa mga kaganapan sa paligid, at
paggalang sa damdamin ng kausap.
KAHALAGAHAN
• Mahalaga ito upang tayo ay makaintindi sa
mga sinasabi ng mga tao sa lugar na ating
pupuntahan at magkakaroon tayo ng
kakayahang na pakisamahan ang iba’t-
ibang uri ng mga taong makakasalamuha.
HADLANG SA
INTERKULTURAL
NA KOMUNIKASYON
1. Pag-alala – hindi mapakali dahil
iniisip na maaaring hindi
maintindihan nang lubos ng
kausap ang nais ipahiwatig.
2. Pagpapalagay sa
Pagkakatulad kaysa Pagkakaiba-
pinopukos lamang ang mga bagay
na magkatulad (halimbawa,
karanasan sa buhay) at hindi
binibigyang pansin ang
pagkakaiba katulad ng kultura,
pinapaniwalaan atbp.
3. Etnosentrismo - ang
pagkakaroon ng paniniwalang
pinakamahalaga at higit na
nakatataas o nakaaangat ang
isang lipi o lahi kaysa iba pa.

Kakayahang kakayahang-sosyolingguwistik (1).pptx

  • 2.
    Nag-iiba ang paggamitng wika ng isang indibiduwal depende sa taong kanyang kausap. Minsan iniaayon din niya ito sa lugar kung saan siya naroon at kaniya ring kinokonsidera ang paksa ng usapin na tinatalakay.
  • 3.
    Lahat ng mgaito ay paktor na bibibigyang-pansin ng isang indibiduwal sa kanyang pakikipag-ugnayan sa iba. Bakit nga ba ito ginagawa ng mga taong nasasangkot sa isang komunikatibong gawain?
  • 4.
     Malaki angkinalaman dito ng konseptong kakayahang sosyolingguwistiko na ipinakilala nina Canale at Swain (1983) at ipinaliwanag din ni Savignon sa Communicative Competence Theory and Classroom Practice: Text and Context in Second Language Learning (1997) sa kanyang mas malalimang pagtingin dito sa konteksto ng pagtuturo ng wika.
  • 6.
    Sa pagpapaliwanag niSavignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang sosyolingguwistik ay isang kakayahan ng gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.
  • 7.
    Kabilang sa pagunawang ito ang kaalaman sa gampanin ng mga kasangkot sa komunikasyon, ang mga ibinabahagi nilang kaalaman, at ang tunguhin ng pag- uugnayang nagaganap.
  • 8.
    Sinabi rin niyangsa sapat lamang na kaalaman sa mga bagay na ito masasabing angkop ang isang pahayag.
  • 9.
  • 10.
    Ayon sa mgapag-aaral, ang isang katutubong mananalita ay maalam sa mga pamantayang hinihingi ng kanyang komunidad sa paggamit ng sariling wika, subalit ang isang banyaga o di-taal na mananalita na ito ay maaaring mahirapan sa kahingian ng kaangkupan sa paggamit ng naturang wika.
  • 11.
    Dahil dito, mahalagaang pag- alam sa mga sosyokultural na pamantayan ng kaangkupan na ididikta ng lipunang nagsasalita ng wikang ito. Upang mabigyang- pagkakataon ang isang indibiduwal na mapataas ang antas ng kanyang kakayahang sosyolingguwistik, lalo na sa paggamit ng ikalawa o banyagang wika,
  • 12.
    mahalagang malinaw sakanya ang mga mahahalagang paktor ng lingguwistikong interaksyon na ipinakilala ng sosyolingguwistang si Dell Hymes noong 1974. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING upang ilarawan ang mga komunikasyong ito.
  • 13.
    Setting Saan angpook pag- uusap o ugnayan ng mga tao? Participants Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o pakikipagtalastasan? Ends Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na ito? Act Sequence Paano ang takbo ng usapan? Keys Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di- pormal? Instrumentalities Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
  • 14.
    Norms Ano angpaksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtalakay sa nasabing paksa? Genre Ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran, nakikipagtalo? Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit?
  • 15.
    Kung ilalapat angmga konsiderasyong ito ng mabisang komunikasyon sa realidad ng pakikipag- ugnayan, magiging maayos ang daloy ng komunikasyon at maiiwasan ang mga suliraning posibleng mangyari.
  • 16.
    Nasabi ang ganitong pagpapalagaysapagkat kung ang isang indibiduwal na kasangkot sa isang tiyak na sitwasyong komunikatibo ay malaya sa lahat ng mga ito, makaaayon siya nang tama ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
  • 17.
    HALIMBAWA Magiging kampante siyasa pakikipagtalastasan sapagkat malinaw na sa kanya kung saan magaganap ang pag- uusap (setting), at kung sino ang mga makakasama sa naturang pag-uusap (participants). Makapaghahanda rin siya ng mga kakailanganin base kung saan ito gaganapin at kung sino ang makakasama niya.
  • 18.
    Gayon din kungmalinaw ang layunin ng komunikasyon sa mga kasangkot dito (ends), maibahagi nila nang maayos ang mga impormasyong dapat magmula sa kanila ng walang pag-aalinlangan at may kasapatan.
  • 19.
    Maayos din angpagbabahagi sa mga ito sapagkat may depinidong pamamaraan na kung paano dadaloy ang usapan (act sequence) at kung paano ang moda sa naturang pagpapadaloy (keys).
  • 20.
    Ang ganitong kaalamanng isang indibiduwal ay mas higit na makapagbibigay sa kanya ng isang ideya kung anong mga estratehiya ang kailangan niyang isagawa upang maging kapaki- pakinabang ang kanyang pagsangkot sa komunikasyon at hindi ito masaya.
  • 21.
    Mas higit dinniyang mapaghuhusay ang kanyang pakikipag- ugnayan kung malay siya sa uri ng tsanel na gagamitin (instrumentalities).
  • 22.
    Kung kailangang gumamit ngisang tsanel na di-gaanong bihasa ang kasangkot, makahahanap siya ng mga teknik na mapaghusay pa ito.
  • 23.
    Kung ito namanay tsanel na gamay na niya, magiging madali ang kanyang paghahayag sa mga kakailanging impormasyon. Maaari rin siyang makatulong sa mga kasama upang mas mapadali at mapahusay ang ugnayan.
  • 24.
    • Mahalaga ringmaging malinaw ang mga pamantayang inaaasahan (norms) at ang hangganan ng pag-uusap ukol sa paksa dahil idinidikta nito ang karampatang pamamaraan sa pagtalakay dito.
  • 25.
    Ipinahihiwating din nito angpagpapanatili ng paggalang sa indibiduwal ng bawat kasangkot sa komunikasyon.
  • 26.
    Panghuli, kung depinido atmalinaw ang uri ng diskursong gagamitin (genre), mas maihahatid nang mabisa ang mensaheng nais ipabatid.
  • 27.
    Ang totoo’y malakiang gampanin ng genre sa epektibong pagpababatid sapagkat hinahamon nito ang isip at damdamin ng mga kasangkot sa komunikatibong sitwasyon.
  • 28.
    Ang pagtayasa kaangkupan ngpagpapahayag sa komunikatibong sitwasyon ay nagsasangkot higit sa kaalaman sa kung ano ang dapat nasabihin sa isang sitwasyon, o kung paano ito sasabihin.
  • 29.
    Nagsasangkot din ito kungkailan ang kasangkot sa komunikasyon ay dapat na tumahimik o magmukhang walang alam.
  • 30.
    Halimbawa, kapag anganak ay pinagagalitan ng magulang at napakaraming pangaral dahil sa mga ginawa nito, kahit may sapat na rasyonal na dahilan ang anak, mas makabubuting tumahimik na lamang siya. Ganoon din sa isang mainit na sitwasyon ng baliktaktakan na nagkakainitang ang mga kasangkot.
  • 31.
    Kung kabahagi kanito, ang pag aktong tila walang alam ay angkop upang hindi sumidhi ang tensyon kahit pa sabihing tama ang iyong mga nalalaman.
  • 32.
    Mahalaga, kung gayon,na pag- ibayuhin ang kakayahang unawain ang mga ekspektasyon sa lipunan at kung kailan ang akmang panahon ng pagpapahayag. Kaakibat nito, lagi ring isaisip kung ano ang dapat sabihin at kung paano ito sasabihin
  • 33.
    Umaayon ito sapahayag nina Jocson, et al. (2014) na upang mas maging epektibo sa pakikipag- ugnayan sa lipunang ginagalawan, dapat na:
  • 34.
    1. Pahalagan anglugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-uusapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayon din ang layunin ng pag-uusap, at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag- uusapan; at
  • 35.
    2.Kapag ang mabisangkonsiderasyong ito na ipinahayag ay masusunod at magagawa ng isang indibiduwal, hindi magiging mahirap ang ganap na pag- unawa. Buong-layang magkakaroon ng palitang ng mga kaalaman, komprehensibong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa paligid, at paggalang sa damdamin ng kausap.
  • 36.
    KAHALAGAHAN • Mahalaga itoupang tayo ay makaintindi sa mga sinasabi ng mga tao sa lugar na ating pupuntahan at magkakaroon tayo ng kakayahang na pakisamahan ang iba’t- ibang uri ng mga taong makakasalamuha.
  • 37.
    HADLANG SA INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON 1.Pag-alala – hindi mapakali dahil iniisip na maaaring hindi maintindihan nang lubos ng kausap ang nais ipahiwatig.
  • 38.
    2. Pagpapalagay sa Pagkakatuladkaysa Pagkakaiba- pinopukos lamang ang mga bagay na magkatulad (halimbawa, karanasan sa buhay) at hindi binibigyang pansin ang pagkakaiba katulad ng kultura, pinapaniwalaan atbp.
  • 39.
    3. Etnosentrismo -ang pagkakaroon ng paniniwalang pinakamahalaga at higit na nakatataas o nakaaangat ang isang lipi o lahi kaysa iba pa.