2. Ang wika ay pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga
simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at patern na lumilikha sa isang
kumplikado at simetrikal na estruktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan. (Archibald
A. Hill)
3. Dahil dito, ang tao’y hindi makaiiwas sa pakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa sapagkat sa lahat ng kanyang gawain, wika ang
ginagamit ito man ay berbal o di-berbal. Sa pagpapahayag ng
kanyang damdamin, saloobin, pananaw tungkol sa isang paksa,
pangyayari, sitwasyon at iba pa, wika ang kanyang kasangkapan
upang maipaabot ang ninanais sa kanyang kapwa, kaharap man
niya ito o hindi. Sa kanyang paglalahad, ginagamit ng tao ang
aparato sa pagsasalita: a) ang kanyang baga kung saan
nanggagaling ang hangin at lakas; ang artikulador o ang kumakatal
na bagay; at ang resonador o patunugan.
4. Ayon naman kay Henry Gleason ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura. Ang bawat wika ay may sariling arbitraryo (set
ng salita) na siyang ginagamit ng mga tao sa iisang
lipunan o pangkat. Katulad halimbawa ng mga guro,
ang mga salitang grade sheet, assignment, project, participation,
quiz at iba pa ay kanilang arbitraryo. Gayundin sa iba
pang larangan o propesyon.
5. Ang wikang buhay, saanman at kailanman ito’y
umuunlad habang ginagamit. Nagaganap ito sa
prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga
elementong pangwika at intensyonal sa bisa ng
progresibong pagpaplanong pangwika. Ang
nagkakakontak na mga wika at nagkakahiraman sa alin
man sa nabanggit na mga aspeto bagaman higit na
ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y ibinubunsod
ng partikular o espesyal na pangangailangan ng
humihiram na wika. (KWF. 1997:20)
6. Upang patuloy na maging buhay ang isang wika
kailangan itong gamitin at ituro sa iba sapagkat sa
paggamit at pagtuturo sa iba ito ay yumayabong at
umuunlad. Hindi rin maiiwasan ng isang wika ang
humiram ng salita sa iba pang mga wika sa bansa o
sa iba pang wika dahil ang panghihiram ay isa sa mga
proseso upang ang isang wika ay patuloy na mabuhay
sa isang partikular na lipunan.
7. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ay siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan bilang instrumento, maaaring
matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at sentimental na
pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para maisangkot at
makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga
pangangailangan nito. Walang isa man sa atin ang nakikipag-ugnayan
o nakikipagkomunikasyon sa ating kapwa na hindi gumagamit ng
wika. Dahil sa paggamit natin ng wika mas madali nating
naipahahayag ang ating nais o gusto sa ating kapwa, mas malinaw
nating naipaaabot ang ating saloobin at kaisipan tungkol sa isang
paksa.
8. Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng
mga salitang ginagamit at naiintindihan ng
isang maituturing na komunidad. Ito ay
naririnig at binibigkas na pananalita na
nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng
kalakip na mga sangkap ng pananalita.
9. Habang tumatagal ang wika ay napauunlad at
napayayabong dahil na rin sa patuloy itong ginagamit.
Sa kanyang pag-unlad ang wika ay hindi na lamang
binibigkas, ito ay naisusulat na rin at naipakikita
gamit ang mga simbolo na nakikita natin sa daan,
establisyemento, mga produktong binibili at kumpas,
galaw ng ating ating katawan upang iparating ang
ating pagsang-ayon o pagsalungat sa isang bagay.