2. BUOD
Ang desisyon ukol sa Akademya ng Wikang Kastila ay nasa
kamay ni Don Custodio.
Nakapag-asawa siya ng isang mayaman na dalaga at gamit
ang kayamanang ito, ay nakapagtayo ng negosyo.
Bumalik siya sa Espanya ngunit walang pumansin sa kanya
sapagkat kulang ang kanyang pinag-aralan.
Agad rin siyang bumalik sa Pilipinas at nagkunwaring
maganda ang naging karanasan sa Madrid.
Bumuo ng pasya si Don Custodio sa loob ng labing limang
araw at matapos ay handa na niyang ipaalam ito sa lahat.
3. TAUHAN
Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo
Kahulugan ng pangalan:
Custodio – tagabantay ng sangkatauhan
Salazar – nakatira malapit sa palasyo
(malapit sa kapangyarihan)
Sanchez – banal ang adhika
Monteredondo – “paikot-ikot sa bundok” o napakasipag
Kilala bilang Buena Tinta
mahusay na manunulat
nakuha mula sa pagkakaibigan nila ni Ben Zayb
Obras Pias, Banco Español Filipino, Sociedad Economica de
Amigo del Pais, Junta de Sanidad, Junta Central
4. Mga Katangian:
may mañana habit
aktibong pulitiko
may katalinuhan at karahasan
mapagmataas
mababang tingin sa indio
hindi relihiyoso
Mga Panukala:
Latagan ng tabla ang mga lansangan sa Pilipinas at ipako tulad ng ginawa
sa mga sahig sa bahay.
Gawing tatlong gulong ang mga sasakyan upang maiwasan ang mga
sakungang dulot ng mga sakunang dulot ng mga sasakyang dalawa ang
gulong.
Nang siya ay nasa Junta de Sanidad, iniutos siya na paasuhan lahat ng
mga sulat at telegrama na buhat sa mga bayang may sakit na nakahahawa.
Sa habag niya sa mga bilanggo na nagtatrabaho sa init ng araw, at upang
makatipid ang gobyerno, iminungkahi ni Don Custodio na magbahag na
lamang ang mga bilanggo at sa gabi pagtrabahuhin.
5. KAISIPAN
Mataas ang pagpapalagay ng mga Pilipino
sa mga banyaga at agad-agad tayong
humahanga sa kanila. Hindi na natin sinusuri
ang kanilang mga tunay na pagkatao at
kakayahan.
May mga taong may posisyon sa
pamahalaan na hindi naman kwulipikado
para dito.
6. TALA SA KASAYSAYAN
Ang Demonstrasyon ng
Gobernadorcillo
Noong Marso 1, 1888, nagmartsa sa
Maynila ang mahigit sa tatlong daang mga
Pilipino na pinamunuan ng kanilang mga
gobernadorcillo, at ng mga miyembro ng
principalia. Nagpetisyon sila sa Gobyerno Sibil
ng Maynila na ilipat sa ibang lugar ang
arsobispo, ipatigil ang mga kautusang
panrelihiyon, at ilipat ang pamamahala ng mga
parokya sa kamay ng mga paring Pilipino.
7. PAGHAHAMBING SA KASALUKUYAN
Mahina ang sistema ng pamahalaan noong
panahon ng kolonyalismo ng Espanya at ng
panahon ngayon.
Hindi magagaling ang mga pinuno ng
bayan, mayroon ang iba na makasariling
adhikain