Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
Schools Division of Agusan del Norte
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
I. Mga Layunin
Sa katapusan ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natutukoy ang mga sanhi at epekto ng pagbabago ng klima;
b) napapahalagahan ang kapaligiran/kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtulong sa
buong lipunan; at
c) nakabubuo ng paraan/solusyon upang maiiwasan ang pagbabago ng klima na kinakaharap ng
mga mamamayan.
II. Paksang Aralin: CLIMATE CHANGE
Sanggunian:
 Francisco S. PM et.al (2015) Mga Kontemporaryong Isyu 10. The Library Publishing House, Inc.
 Pahina: 15-17
 Gabay sa Kurikulum: pahina 214-215
 https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-aralin-2-ang-kapaligiran-at-ang-climate-change
 https://climate.gov.ph/files/Typology%20Code%20Manual.pdf
 https://images.app.goo.gl/J1H(&gcADjNpzYiJ8
Kagamitan: Internet, PowerPoint Presentation, Laptop, at Mga Larawan.
Pagpapahalaga: Pagkakaisa at pagtutulungan sa paggawa ng kabutihan at kagandahan sa
kapaligiran/kalikasan sa buong lipunan.
III. Pamaraan sa Pagtuturo
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral
A.) Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Kamusta ang lahat?
Nakagagalak naman at okay ang lahat!
“Magandang umaga po, Gng. Amora.”
“ Okay, po Ma’am”
2. Pagdarasal
Tatawagin ko si Mark para manguna sa
panalangin. Mark: Manalangin tayo. (nanalangin ang
lahat)
3. Pagtala ng liban sa klase
Sumagot narito po pagtinawag ko ang iyong
pangalan.
Nakagagalak naman at walang lumiban sa araw
na ito!
“narito po”
4. Mga Panuntunan sa Virtual Classroom.
1. Maging magalang.
2. Makinig ng mabuti.
3. Buksan ang iyong kamera.
4. I-mute ang iyong mikropono maliban kung
ikaw ang magsalita.
5. Itaas ang iyong kamay kung nais mong
sumagot.
5. Balik-Aral
Mga mag-aaral, natandaan pa ba ninyo ang ating
nakaraang leksyon?
Kung gayon, ano ang ating nakaraang leksyon,
Maryrose?
“Opo, Ma’am”
Magaling! Maryrose.
Ano ba ang natutunanan ninyo tungkol sa Disaster
Risk Reduction and Management?
Tama! Mahusay mag-aaral.
Maryrose: Tungkol po sa Disaster Risk
Reduction and Management.
“ Ang natutunan po namin ay dapat po ito ay
pahalagahan at maging handa upang
maiwasan ang mga iba’t-ibang sakuna.”
6. Pagganyak
(Magpapakita ng dalawang larawan kaugnay sa
mundo)
Larawan A Larawan B
Mga mag-aaral, paano ninyo maiilarawan ang
larawan A at larawan B?
Tama, Mga mag-aaral!
Ano kaya sa palagay ninyo, bakit may pagbabago na
ang larawan B?
Tama!
Ano kaya ang sanhi at epekto bakit may pagbabago
ang klima? Upang maliwanagan ka, halina at ating
unawain ito sa pamamagitan na susunod na mga
gawain.
“Ang larawan A ay nagpapakita ng isang
matiwasay at magandang daigdig at habang
ang larawan B po ay nagpapakita na may
pagbabago at nasisira na po ang ating
daigdig.”
“ Dahil po sa mga maling gawain, katulad ng
pagsusunog ng plastik, pagpuputol ng mga
punong kahoy, at nasisira na po ang ating
ozone layer, atbp. Kaya nagpapahiwatig ito
na may pagbabago na ang klima”
B. Panlinang na Gawain (4As)
1. Gawain (Activity)
(Mag-presenta ng mga larawan tungkol sa iba’t
ibang sanhi at mga epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.)
Pamaraan: Kilalanin ang mga sanhi at tukuyin ang
mga maaaring epekto na makikita sa larawan.
Sanhi: ___________________________________
Epekto: __________________________________
Sanhi: Industrial processes
Epekto: polusyon sa hangin,
epidemya/pandemya, atbp.
Sanhi: ___________________________________
Epekto: __________________________________
Sanhi: ___________________________________
Epekto: __________________________________
Sanhi: __________________________________
Epekto: _________________________________
Mahusay, mga mag-aaral!
Ang lahat ng mga nabanggit ay ilan lamang sa mga
maaaring maging sanhi at epekto ng climate change o
pagbabago ng klima. Dahil sa sukdulan ang
pagbabago, mahirap hulaan kung ano ang susunod na
mangyayari sa klima. Kung gayon, mas mahirap
maging handa sa ganitong mga pagbabago. Isa pang
matinding hamon ng pagbabago ng klima na ito ay
hindi lamang ito nangyayari sa isang lugar. Ito ay
nangyayari sa buong mundo. Halimbawa na lang ng
Global Pandemic na Covid-19, lubhang mainit na
panahon, at sunod-sunod na bagyo na nauuwi sa
matinding pagbaha taon-taon. Upang matugunan ang
mga problemang ito, dapat tayong makiisa at
tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran.
Naiintindihan ba mga mag-aaral?
Mahusay! Magpatuloy tayo.
Sanhi: Greenhouse gas
Epekto: Mas mainit na temperatura,
pagkasira ng agrikultura,
epidemya/pandemya, atbp.
Sanhi: Pagkabulok ng organikong bagay o
Basura
Epekto: pagbabago ng ecosystem, epidemya/
pandemya, pagbaha, atbp.
Sanhi: Deforestation
Epekto: pagkasira ng agrikultura, mainit na
panahon, pagbaha, landslide, atbp.
“Opo”
2. Pagsusuri (Analysis)
Ano ang inyong nauunawaan sa mga sanhi at epekto
ng pagbabago ng klima?
Tama!
Bilang mamamayan, paano mo mabibigyang-halaga
ang kapaligiran/kalikasan sa pamamagitan ng
pagkakaisa at pagtulong sa buong lipunan?
“Nauunawaan po namin, ang lahat ng ating
maling ginawa sa ating kapaligiran ay may
mga bunga, tulad na lang po ng pagpuputol
ng kahoy ang bunga po nito ay pagkasira ng
agrikultura, mainit na panahon, pagbaha, at
landslide.”
“Bilang isang mamamayan , pahahalagahan
ko ang aking kapaligiran na may
pangangalaga, respito, at dapat may
programa ang bawat lipunan kung saan tayo
ay nagkakaisa at nagtutulungan katulad na
lang ng pagsasagawa ng Clean Up Drive.”
Ang lahat ay tama at magaling, dapat nating tandaan
mga mag-aaral na dapat nating mahalin ang ating
kapaligiran dahil ito ay bigay ng Maykapal.
Naiintindihan ba mga mag-aaral?
“Opo, ma’am”
3. Paghahalaw (Abstract)
“CLIMATE CHANGE O PAGBABAGO NG KLIMA”
Climate Change- ay isang katagang “Global Warming”
(pag-init ng mundo). Ito ay tumutukoy din sa
paglamig tulad ng pangyayari noong “Ice Age”, at
paghangin na tumutagal ng mahabang panahon
(dekada o mas mahaba pa)
SANHI NG CLIMATE CHANGE
Greenhouse Gas- ito ay gas compound na sumasagap
ng init ng araw at inilalabas ito bilang infrared
radiation na naiipon sa ibabaw ng daigdig.
Ang mga Pangunahing Greenhouse Gas sa daigdig ay:
• Water vapor
• Carbon dioxide
• Methane
• Nitrous oxide
• Ozone
• Mga Cloroflourocarbon o CFC
• Kinukulob ng mga ito ang init na nagmumula sa
araw.
MAN MADE
Industrial Revolution- Nagsimula ang kontribusyon
ng tao sa pagdami ng greenhouse gas noong
nagsimula ang INDUSTRIAL REVOLUTION noong
1700s. Ito ang panahon na malawakan ang paggamit
ng fossil fuel tulad ng langis ng naglalabas ng CARBON
DIOXIDE at CARBON MONOXIDE.
Coal Mining- Ang pagmimina ay isang uri ng
kabuhayan na kung saan sila ay kumukuha ng mga
yamang lupa o mineral na tulad ng ginto, pilak at iba
pa na maaaring gamitin sa iba't ibang paraan
Deforestation- Ang Deforestation ay ang pag-alis ng
mga puno at iba pang likas na kaanyuan ng mga
kabundukan o kagubatan para gamitin sa pang-
ekonomiyang pagsulong. Ito ay kitang-kita sa mga
tropikong lugar na maraming mga kagubatan.
Pagkabulok ng Oganikong Bagay-Ang akumulasyon
ng organikong basura, ang sistema ng alkantarilya at
ang mga dam na hindi pinananatili ay naglalabas ng
methane gas sa kapaligiran, kaya't nagdulot ng global
warming.
Pagkuha ng Natural Gas at Langis- Kapag kumukuha
ng natural gas at langis, ang methane gas ay
pinakawalan. Pumasok ito sa atmospera, sanhi ng
pag-init ng mundo.
EPEKTO NG CLIMATE CHANGE
1. Mas mainit na Pangkalahatang Temperatura ng
Daigdig- Ang pagbabago ng klima ay sanhi ng pag-init
ng mundo.
2. Mas Malakas na Bagyo- Ang dahilan kung bakit
namumuo ang mga bagyo ay dahil sap ag-init ng
karagatan.
3. Pagtaas ng Tubig sa Dagat- Dahil sa pag-init ng
mundo, ang mga natutunaw na yelo ay dadaloy
patungo sa karagatan kung saan magdudulot ito ng
pagtaas ng tubig.
4. Mga Nakahahawang Sakit- Ang pagkalat ng mga
nakakahawang sakit ay maaari ring maging problema
dahil sa pabago-bagong klima.
5. Pagkasira ng Agrikultura- Ang climate change ay
makahahadlang din sa pagkakaroon ng maayos ng
pagtakbo ng agrikultura sa bansa.
6. Pagbabago ng Ecosystem- Ang ECOSYSTEM ay
isang lugar kung saan ang mga nakatira dito ay likas
na nagkakaroon ng mga pag-uugnayan.
Ano ang climate change, Jola?
Mahusay, Jola!
Ibigay ang mga sanhi ng climate change, Khalil?
Mahusay, Khalil!
Ano naman ang bunga ng climate change, Trisha?
Mahusay, Trisha!
Ang lahat ay tama at mahusay ako ay nalulugod sa
inyong mga sagot at laging tandaan na dapat maging
responsabling mamamayan para maiwasan ang
pagbabago ng klima.
May mga karagdagan ba kayong mga impormasyon
tungkol sa pagbabago ng klima?
Kung gayon, magpatuloy tayo.
Jola: Ang climate change ay isang katagang
“Global Warming” (pag-init ng mundo). Ito ay
tumutukoy din sa paglamig tulad ng
pangyayari noong “Ice Age”, at paghangin na
tumutagal ng mahabang panahon (dekada o
mas mahaba pa.)
Khalil: Greenhouse Gas, Coal Mining,
Deforestation, Pagkabulok ng Organikong
Bagay, Pagkuha ng Natural Gas at Langis, at
Industrial processes.
Trisha: Mainit na Temperatura, Malakas na
Bagyo, Pagtaas ng Tubig, Nakakahawang
Sakit, Pagkasira ng Agrikultura, at Pagbabago
ng Ecosystem.
“Opo”
“Wala na po”
4. Paglalapat (Application)
Ngayon ay magpapakita ako ng mga larawan at ang
gagawin ninyo ay bubuo kayo ng mga paraan upang
masolusyonan at maiwasan natin ang pagbabago ng
klima sa buong mundo. Handa na ba kayo mag-aaral?
Magsimula tayo!
Ano ang paraan upang masolusyonan ang basura,
Joseph?
Tama, mahusay, Joseph
“Opo”
Joseph: Itapon sa tamang basurahan at e-
segregate ang nabubulok at di-nabubulok.
Ano ang paraan upang masolusyonan ang
deforestation, Claire?
Tama, mahusay! Claire.
Ano naman ang paraan o solusyon sa pagmimina,
Lor?
Mahusay! Lor.
Ano ang paraan upang maiwasan natin ang pagsunog
ng mga basura o plastik, Kyna?
Magaling, Kyna!
Tandaan mga mag-aaral, maging handa, responsable,
pangalagaan ang kapaligiran, at sumunod sa tagubilin
ng pamahalaan para ang lahat ng mga ito ay ating
maiiwasan. At makiisa sa pamahalaan tungkol sa
Climate Change o Pagbabago ng Klima. Dahil mas
maganda na may kapaligiran o mundo tayong
matiwasay, malinis, maganda ang hangin, walang
sakit, at higit sa lahat ang susunod na henerasyon
upang meron tayong napapamana na magandang
mundo sa kanila. Niintindihan ba mga mag-aaral?
Mahusay! Ako ay masaya at nalulugod sa inyong mga
sagot.
(Magpapakita ng Video Clip kaugnay sa Magandang
Mundo)
Claire: Reforestation at huwag basta-bastang
pumutol ng kahoy kung hindi naman ito
ginagamit sa tamang paraan.
Lor: Ang pagmimina ay isa sa mapagkukunan
ng kita peru para sa akin dapat po to itigil
dahil ito ay nakakasira sa kalikasan.
Kyna: Dapat po gagawa tayo ng compost pit
at e-recycle ang mga nakikinabangan. At
dapat din po limitado na ang paggamit ng
mga plastik, para po makakasiguro tayo na
maiiwasan ang pagdami ng basura.
“Opo”
IV. Ebalwasyon
Direksyon: Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang
tamang sagot sa nakalaang espasyo.
___________1. Ang pagbabago sa klima ay dulot ng polusyon na ikinakalat sa hangin bunga ng mga
material o kagamitan na binuo mula dito.
___________2. Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan sa isyu ng climate change.
___________3. Ang mga mamamayan ay kinakailangan ding makialam sa isyu ng climate change.
___________4. Ang framework ng mga gobyerno sa paggamit ng edukasyon bilang paraan na
mapalawak ang kaalaman tungkol sa climate change.
___________5. Ang climate change ay isang malubhang suliranin ng pamahalaan.
___________6. Ang mga mamamayan ay dapat makiisa sa pamahalaan tungkol sa climate change.
V. Takdang Aralin
Bumuo ng isang programa na ipatutupad sa inyong barangay tungkol sa pangangalaga sa kalikasan
upang maiwasan ang pagbabago ng klima o climate change. Maging batayan ang mga sumusunod na
nilalaman:
 Pamagat
 Layunin
 Mga kalahok
 Mga Pamamaraan ng Pagsasagawa
Rubrik sa Pangangalaga sa Kalikasan
Pamantayan Mahusay
(5 puntos)
Katamtaman
(3 puntos)
Kailangan pangmagsanay
(1 puntos)
Makakatotohanan at
madaling
maisakatuparan ang
layunin ng proyekto.
Malinaw na nailahad
ang pamraan.
Malikhain at mahusay
ang pagplano ng
proyekto
Inihanda ni:

JHS Grade 10 Araling Panlipunan lesson plan.docx

  • 1.
    Republic of thePhilippines Department of Education Caraga Administrative Region Schools Division of Agusan del Norte Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 I. Mga Layunin Sa katapusan ng leksyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a) natutukoy ang mga sanhi at epekto ng pagbabago ng klima; b) napapahalagahan ang kapaligiran/kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtulong sa buong lipunan; at c) nakabubuo ng paraan/solusyon upang maiiwasan ang pagbabago ng klima na kinakaharap ng mga mamamayan. II. Paksang Aralin: CLIMATE CHANGE Sanggunian:  Francisco S. PM et.al (2015) Mga Kontemporaryong Isyu 10. The Library Publishing House, Inc.  Pahina: 15-17  Gabay sa Kurikulum: pahina 214-215  https://www.slideshare.net/kheesa/grade-10-aralin-2-ang-kapaligiran-at-ang-climate-change  https://climate.gov.ph/files/Typology%20Code%20Manual.pdf  https://images.app.goo.gl/J1H(&gcADjNpzYiJ8 Kagamitan: Internet, PowerPoint Presentation, Laptop, at Mga Larawan. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at pagtutulungan sa paggawa ng kabutihan at kagandahan sa kapaligiran/kalikasan sa buong lipunan. III. Pamaraan sa Pagtuturo Gawaing Guro Gawaing mag-aaral A.) Panimulang Gawain 1. Pagbati Magandang umaga mga bata! Kamusta ang lahat? Nakagagalak naman at okay ang lahat! “Magandang umaga po, Gng. Amora.” “ Okay, po Ma’am” 2. Pagdarasal Tatawagin ko si Mark para manguna sa panalangin. Mark: Manalangin tayo. (nanalangin ang lahat) 3. Pagtala ng liban sa klase Sumagot narito po pagtinawag ko ang iyong pangalan. Nakagagalak naman at walang lumiban sa araw na ito! “narito po” 4. Mga Panuntunan sa Virtual Classroom. 1. Maging magalang. 2. Makinig ng mabuti. 3. Buksan ang iyong kamera. 4. I-mute ang iyong mikropono maliban kung ikaw ang magsalita. 5. Itaas ang iyong kamay kung nais mong sumagot. 5. Balik-Aral Mga mag-aaral, natandaan pa ba ninyo ang ating nakaraang leksyon? Kung gayon, ano ang ating nakaraang leksyon, Maryrose? “Opo, Ma’am”
  • 2.
    Magaling! Maryrose. Ano baang natutunanan ninyo tungkol sa Disaster Risk Reduction and Management? Tama! Mahusay mag-aaral. Maryrose: Tungkol po sa Disaster Risk Reduction and Management. “ Ang natutunan po namin ay dapat po ito ay pahalagahan at maging handa upang maiwasan ang mga iba’t-ibang sakuna.” 6. Pagganyak (Magpapakita ng dalawang larawan kaugnay sa mundo) Larawan A Larawan B Mga mag-aaral, paano ninyo maiilarawan ang larawan A at larawan B? Tama, Mga mag-aaral! Ano kaya sa palagay ninyo, bakit may pagbabago na ang larawan B? Tama! Ano kaya ang sanhi at epekto bakit may pagbabago ang klima? Upang maliwanagan ka, halina at ating unawain ito sa pamamagitan na susunod na mga gawain. “Ang larawan A ay nagpapakita ng isang matiwasay at magandang daigdig at habang ang larawan B po ay nagpapakita na may pagbabago at nasisira na po ang ating daigdig.” “ Dahil po sa mga maling gawain, katulad ng pagsusunog ng plastik, pagpuputol ng mga punong kahoy, at nasisira na po ang ating ozone layer, atbp. Kaya nagpapahiwatig ito na may pagbabago na ang klima” B. Panlinang na Gawain (4As) 1. Gawain (Activity) (Mag-presenta ng mga larawan tungkol sa iba’t ibang sanhi at mga epekto ng climate change o pagbabago ng klima.) Pamaraan: Kilalanin ang mga sanhi at tukuyin ang mga maaaring epekto na makikita sa larawan. Sanhi: ___________________________________ Epekto: __________________________________ Sanhi: Industrial processes Epekto: polusyon sa hangin, epidemya/pandemya, atbp.
  • 3.
    Sanhi: ___________________________________ Epekto: __________________________________ Sanhi:___________________________________ Epekto: __________________________________ Sanhi: __________________________________ Epekto: _________________________________ Mahusay, mga mag-aaral! Ang lahat ng mga nabanggit ay ilan lamang sa mga maaaring maging sanhi at epekto ng climate change o pagbabago ng klima. Dahil sa sukdulan ang pagbabago, mahirap hulaan kung ano ang susunod na mangyayari sa klima. Kung gayon, mas mahirap maging handa sa ganitong mga pagbabago. Isa pang matinding hamon ng pagbabago ng klima na ito ay hindi lamang ito nangyayari sa isang lugar. Ito ay nangyayari sa buong mundo. Halimbawa na lang ng Global Pandemic na Covid-19, lubhang mainit na panahon, at sunod-sunod na bagyo na nauuwi sa matinding pagbaha taon-taon. Upang matugunan ang mga problemang ito, dapat tayong makiisa at tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran. Naiintindihan ba mga mag-aaral? Mahusay! Magpatuloy tayo. Sanhi: Greenhouse gas Epekto: Mas mainit na temperatura, pagkasira ng agrikultura, epidemya/pandemya, atbp. Sanhi: Pagkabulok ng organikong bagay o Basura Epekto: pagbabago ng ecosystem, epidemya/ pandemya, pagbaha, atbp. Sanhi: Deforestation Epekto: pagkasira ng agrikultura, mainit na panahon, pagbaha, landslide, atbp. “Opo” 2. Pagsusuri (Analysis) Ano ang inyong nauunawaan sa mga sanhi at epekto ng pagbabago ng klima? Tama! Bilang mamamayan, paano mo mabibigyang-halaga ang kapaligiran/kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtulong sa buong lipunan? “Nauunawaan po namin, ang lahat ng ating maling ginawa sa ating kapaligiran ay may mga bunga, tulad na lang po ng pagpuputol ng kahoy ang bunga po nito ay pagkasira ng agrikultura, mainit na panahon, pagbaha, at landslide.” “Bilang isang mamamayan , pahahalagahan ko ang aking kapaligiran na may pangangalaga, respito, at dapat may programa ang bawat lipunan kung saan tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan katulad na lang ng pagsasagawa ng Clean Up Drive.”
  • 4.
    Ang lahat aytama at magaling, dapat nating tandaan mga mag-aaral na dapat nating mahalin ang ating kapaligiran dahil ito ay bigay ng Maykapal. Naiintindihan ba mga mag-aaral? “Opo, ma’am” 3. Paghahalaw (Abstract) “CLIMATE CHANGE O PAGBABAGO NG KLIMA” Climate Change- ay isang katagang “Global Warming” (pag-init ng mundo). Ito ay tumutukoy din sa paglamig tulad ng pangyayari noong “Ice Age”, at paghangin na tumutagal ng mahabang panahon (dekada o mas mahaba pa) SANHI NG CLIMATE CHANGE Greenhouse Gas- ito ay gas compound na sumasagap ng init ng araw at inilalabas ito bilang infrared radiation na naiipon sa ibabaw ng daigdig. Ang mga Pangunahing Greenhouse Gas sa daigdig ay: • Water vapor • Carbon dioxide • Methane • Nitrous oxide • Ozone • Mga Cloroflourocarbon o CFC • Kinukulob ng mga ito ang init na nagmumula sa araw. MAN MADE Industrial Revolution- Nagsimula ang kontribusyon ng tao sa pagdami ng greenhouse gas noong nagsimula ang INDUSTRIAL REVOLUTION noong 1700s. Ito ang panahon na malawakan ang paggamit ng fossil fuel tulad ng langis ng naglalabas ng CARBON DIOXIDE at CARBON MONOXIDE. Coal Mining- Ang pagmimina ay isang uri ng kabuhayan na kung saan sila ay kumukuha ng mga yamang lupa o mineral na tulad ng ginto, pilak at iba pa na maaaring gamitin sa iba't ibang paraan Deforestation- Ang Deforestation ay ang pag-alis ng mga puno at iba pang likas na kaanyuan ng mga kabundukan o kagubatan para gamitin sa pang- ekonomiyang pagsulong. Ito ay kitang-kita sa mga tropikong lugar na maraming mga kagubatan. Pagkabulok ng Oganikong Bagay-Ang akumulasyon ng organikong basura, ang sistema ng alkantarilya at ang mga dam na hindi pinananatili ay naglalabas ng methane gas sa kapaligiran, kaya't nagdulot ng global warming. Pagkuha ng Natural Gas at Langis- Kapag kumukuha ng natural gas at langis, ang methane gas ay pinakawalan. Pumasok ito sa atmospera, sanhi ng pag-init ng mundo. EPEKTO NG CLIMATE CHANGE 1. Mas mainit na Pangkalahatang Temperatura ng Daigdig- Ang pagbabago ng klima ay sanhi ng pag-init ng mundo. 2. Mas Malakas na Bagyo- Ang dahilan kung bakit namumuo ang mga bagyo ay dahil sap ag-init ng karagatan. 3. Pagtaas ng Tubig sa Dagat- Dahil sa pag-init ng mundo, ang mga natutunaw na yelo ay dadaloy patungo sa karagatan kung saan magdudulot ito ng pagtaas ng tubig.
  • 5.
    4. Mga NakahahawangSakit- Ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit ay maaari ring maging problema dahil sa pabago-bagong klima. 5. Pagkasira ng Agrikultura- Ang climate change ay makahahadlang din sa pagkakaroon ng maayos ng pagtakbo ng agrikultura sa bansa. 6. Pagbabago ng Ecosystem- Ang ECOSYSTEM ay isang lugar kung saan ang mga nakatira dito ay likas na nagkakaroon ng mga pag-uugnayan. Ano ang climate change, Jola? Mahusay, Jola! Ibigay ang mga sanhi ng climate change, Khalil? Mahusay, Khalil! Ano naman ang bunga ng climate change, Trisha? Mahusay, Trisha! Ang lahat ay tama at mahusay ako ay nalulugod sa inyong mga sagot at laging tandaan na dapat maging responsabling mamamayan para maiwasan ang pagbabago ng klima. May mga karagdagan ba kayong mga impormasyon tungkol sa pagbabago ng klima? Kung gayon, magpatuloy tayo. Jola: Ang climate change ay isang katagang “Global Warming” (pag-init ng mundo). Ito ay tumutukoy din sa paglamig tulad ng pangyayari noong “Ice Age”, at paghangin na tumutagal ng mahabang panahon (dekada o mas mahaba pa.) Khalil: Greenhouse Gas, Coal Mining, Deforestation, Pagkabulok ng Organikong Bagay, Pagkuha ng Natural Gas at Langis, at Industrial processes. Trisha: Mainit na Temperatura, Malakas na Bagyo, Pagtaas ng Tubig, Nakakahawang Sakit, Pagkasira ng Agrikultura, at Pagbabago ng Ecosystem. “Opo” “Wala na po” 4. Paglalapat (Application) Ngayon ay magpapakita ako ng mga larawan at ang gagawin ninyo ay bubuo kayo ng mga paraan upang masolusyonan at maiwasan natin ang pagbabago ng klima sa buong mundo. Handa na ba kayo mag-aaral? Magsimula tayo! Ano ang paraan upang masolusyonan ang basura, Joseph? Tama, mahusay, Joseph “Opo” Joseph: Itapon sa tamang basurahan at e- segregate ang nabubulok at di-nabubulok.
  • 6.
    Ano ang paraanupang masolusyonan ang deforestation, Claire? Tama, mahusay! Claire. Ano naman ang paraan o solusyon sa pagmimina, Lor? Mahusay! Lor. Ano ang paraan upang maiwasan natin ang pagsunog ng mga basura o plastik, Kyna? Magaling, Kyna! Tandaan mga mag-aaral, maging handa, responsable, pangalagaan ang kapaligiran, at sumunod sa tagubilin ng pamahalaan para ang lahat ng mga ito ay ating maiiwasan. At makiisa sa pamahalaan tungkol sa Climate Change o Pagbabago ng Klima. Dahil mas maganda na may kapaligiran o mundo tayong matiwasay, malinis, maganda ang hangin, walang sakit, at higit sa lahat ang susunod na henerasyon upang meron tayong napapamana na magandang mundo sa kanila. Niintindihan ba mga mag-aaral? Mahusay! Ako ay masaya at nalulugod sa inyong mga sagot. (Magpapakita ng Video Clip kaugnay sa Magandang Mundo) Claire: Reforestation at huwag basta-bastang pumutol ng kahoy kung hindi naman ito ginagamit sa tamang paraan. Lor: Ang pagmimina ay isa sa mapagkukunan ng kita peru para sa akin dapat po to itigil dahil ito ay nakakasira sa kalikasan. Kyna: Dapat po gagawa tayo ng compost pit at e-recycle ang mga nakikinabangan. At dapat din po limitado na ang paggamit ng mga plastik, para po makakasiguro tayo na maiiwasan ang pagdami ng basura. “Opo” IV. Ebalwasyon Direksyon: Tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang tamang sagot sa nakalaang espasyo. ___________1. Ang pagbabago sa klima ay dulot ng polusyon na ikinakalat sa hangin bunga ng mga material o kagamitan na binuo mula dito. ___________2. Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan sa isyu ng climate change. ___________3. Ang mga mamamayan ay kinakailangan ding makialam sa isyu ng climate change. ___________4. Ang framework ng mga gobyerno sa paggamit ng edukasyon bilang paraan na mapalawak ang kaalaman tungkol sa climate change. ___________5. Ang climate change ay isang malubhang suliranin ng pamahalaan. ___________6. Ang mga mamamayan ay dapat makiisa sa pamahalaan tungkol sa climate change.
  • 7.
    V. Takdang Aralin Bumuong isang programa na ipatutupad sa inyong barangay tungkol sa pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan ang pagbabago ng klima o climate change. Maging batayan ang mga sumusunod na nilalaman:  Pamagat  Layunin  Mga kalahok  Mga Pamamaraan ng Pagsasagawa Rubrik sa Pangangalaga sa Kalikasan Pamantayan Mahusay (5 puntos) Katamtaman (3 puntos) Kailangan pangmagsanay (1 puntos) Makakatotohanan at madaling maisakatuparan ang layunin ng proyekto. Malinaw na nailahad ang pamraan. Malikhain at mahusay ang pagplano ng proyekto Inihanda ni: