Edukasyon sa Pagpapakatao, Grado 10, mga Modyul 7 at 8:
Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga
Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Edukasyon sa Pagpapakatao, Grado 10, mga Modyul 7 at 8:
Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga
Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
1. Pambungad na Panalangin:
Diyos Ama, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong pagkakataon upang
kami ay muling matuto. Gawaran mo
po kami ng isang bukas na isip at
damdamin upang maisabuhay ang mga
itinuturo sa amin, at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa aming
pagtatagumpay sa buhay. Amen.
6. “Gawin mo ang iyong
tungkulin alang-alang
sa tungkulin”
Ginagawa ng isang tao ang
mabuti dahil ito ang nararapat at
hindi dahil sa kasiyahan
na gawin ito.
9. Ang Gintong Aral
(The Golden Rule)
ni Confucius
“Huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin nila sa iyo.”
Reciprocity / Reversability
10. Ang Pagnanais:
Kilos ng Damdamin
Sa bawat kilos na ating ginagawa,
may nakikita tayong
pagpapahalaga na nakatutulong sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao
tungo sa pagiging personalidad.
12. Binibigyang diin ni Max Scheler
na: HINDI ang layunin o bunga ng
kilos ang batayan sa paghuhusga
ng kabutihan o kasamaan ng
kilos. Ang batayan ay ang
mismong PAGPAPAHALAGANG
IPINAKIKITA habang isinasagawa
ang kilos.
13. Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga ni Max Scheler
Kakayahang
tumagal at
manatili
Mahirap o hindi
mababawasan
ang kalidad ng
pagpapahalaga
Lumikha ng
iba pang
pagpapahalaga
Nagdudulot ng higit na
malalim na kasiyahan o
kaganapan
Malaya sa
organismong
dumaranas nito
15. Pangwakas na Panalangin:
Diyos Ama, pinapasalamatan ka
namin sa mga aral na iyong itinuro sa
pamamagitan ng aming guro. Nawa’y
magamit ang lahat ng mga aral na ito
sa pawang kabutihan lamang.
Gabayan mo kaming muli bukas at
iyong dagdagan ang mga aral na ito.
Amen.