4. Carlo mahilig ka
bang magbasa?
Oo naman! Marami nga
akong paboritong basahin
eh. Nakakatuwa kaya ang
pagbabasa.
Ano ang paborito
mong kwentong
babasahin?
5. Naku mukhang
maganda nga
iyan. Pahiramin
mo naman ako
sa Linggo.
Paborito ko ang kwentong
“Ang Mahabang-Mahabang
Pangalan” nabili ko ito sa
Maynila noong isang araw.
Sige ba!
6. Mahilig ka rin bang
magbasa?
Ano ang pamagat ng aklat o
kwento na iyong gustong-
gustong basahin?
8. Basahin ang mga sumusunod na
salita
• Carlo
• Marami
• Ang Mahabang – Mahabang
Pangalan
• Maynila
• Linggo
9. Ang mga sumusunod na salita ay mga
salitang nagpapakita ng tamang gamit
ng MALAKING TITIK
• Carlo
• Marami
• Ang Mahabang – Mahabang Pangalan
• Maynila
• Linggo
10. Gamit ng Malaking Titik
Ang mga malalaking titik ay
ginagamit natin sa magkakaibang
dahilan.
Ito ay hindi basta-basta ginagamit
kung kailan lang natin gusto.
11. Gamit ng Malaking Titik
1. Sa simula ng pangungusap
- Ang unang titik sa isang pangungusap
ay nagsisimula sa malaking titik.
HALIMBAWA
Ang magkaibigan ay nag-uusap.
Marami akong paboritong basahin.
12. 2. Sa TIYAK na PANGNGALAN (nouns)
- Ang lahat na tiyak na ngalan ng TAO,
BAGAY, LUGAR, PANGYAYARI at HAYOP ay
nakasulat sa malaking titik.
HALIMBAWA
Anna - TAO
Mongol – BAGAY (lapis)
Bohol- LUGAR
Pasko – PANGYAYARI
Bantay – HAYOP (aso)
13. 3. Sa pamagat ng aklat o palabas
- Ang mga aklat, ang kwento ganoon din
ang mga palabas ay ginagamitan ng
malaking titik. Ang bawat salita ay
nagsisimula sa malaking titik.
HALIMBAWA
Ang Pagbabago sa Buhay ng Batang
si Jose – (pamagat ng kwento)
Pluma 1 –(pamagat ng aklat) Going
Bulilit- (palabas)
TV Patrol – (palabas)
14. 4. Sa mga buwan (months) at araw
(days)
HALIMBAWA
Buwan Araw
Enero Lunes
Hunyo Martes
Setyembre Huwebes
Disyembre Linggo
15. Tandaan!!
Ang mga malalaking titik ay
ginagamit natin sa simula ng
pangungusap, tiyak na ngalan ng
pangngalan, pamagat ng kwento o
palabas at sa mga buwan at araw..