SlideShare a Scribd company logo
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: _______________________________________Pangkat: ______________Petsa: _______ Iskor: _____
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang letra nang may wastong sagot.
1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang
lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang.
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa
kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit
nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
3. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya MALIBAN sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
a.May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b.May pakilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c.May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang
d.Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
5. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a.Personal na katangiang tanggap ng pamayanan
b.Angking talino at kakayahan sa pamumuno
c.Pagkapanalo sa halalan
d.Kakayahang gumawa ng batas
6. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
a.Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b.Pagkakaroon ng kaalitan
c.Bayanihan at kapit-bahay
d.Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
7. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas
sa kulay ng balat?
a. Malala Yuosafzai b. Martin Luther king c. Nelson Mandela d. Ninoy Aquino
8. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”?
a. Pantay ang lahat ng tao sa mata ng Diyos.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.
9. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan kahit na kaya o hindi
naman niya ito kayang bilhin dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
d. Lahat ng nabanggit
10. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.
b. Ang pantay ay pagbibigyay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan.
d.Ang pantay ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.
11. Alin ang angkop na salita na nagpapaunlad ang lahat na walang taong sobrang mayaman at maraming
mahirap?
a. pagkakapantay-pantay b. patas c. mabuting Ekonomiya d. pagbabudget
12. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
a.pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b.pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
c.pagtatalakay ng mga suliraning panlipunan
d.pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
13. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. mamamayan b. pangulo c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat
14. Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na
manaig sa lipunan”
a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas.
c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin
15. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
16. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang ___________.
a. kabutihan para sa sarili b. kabutihan para sa iba
c. kakainin sa susunod na araw d. maka-mundong Gawain
17. Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moralidad sa mga kabataan?
a. Hikayatin sumali sa mga paligsahang lokal.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay.
c. Hikayating mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampulitikang adhikain.
18. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
a. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
b. Napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
c. Natutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
d. Nagsisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
19. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian.
b. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.
c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
20 Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat?
a. para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/ pamayanan
b. para maging maayos ang buhay ng bawat isa
c. upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila
d. para sa ikauunlad ng bayan

More Related Content

Similar to first quarter esp 9.docx

1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx
Joy Dimaculangan
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
tuckie bejar
 
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdfEsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
KhristelGalamay
 
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang PanlahatModyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
Glenda Acera
 
monthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docxmonthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docx
CheneeFerolino1
 
grade-9-Module-9.pptx
grade-9-Module-9.pptxgrade-9-Module-9.pptx
grade-9-Module-9.pptx
cjoypingaron
 
VAL.ED. (Module 5 to 8)
VAL.ED. (Module 5 to 8)VAL.ED. (Module 5 to 8)
VAL.ED. (Module 5 to 8)
Eemlliuq Agalalan
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
EmmylouMolitoPesidas
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
南 睿
 
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
edeldearceIII
 
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
edeldearceIII
 
Pagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptxPagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptx
RhodaCalilung
 
EsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptxEsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptx
Quennie11
 
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdfEsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
WinnieSuasoDoroBalud1
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
Andrei Manigbas
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
ErmaJalem1
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
ErmaJalem1
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
andrelyn diaz
 
ESP-10-Final.pdf
ESP-10-Final.pdfESP-10-Final.pdf
ESP-10-Final.pdf
kavikakaye
 

Similar to first quarter esp 9.docx (20)

1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx1Q_ESP9 EXAM.docx
1Q_ESP9 EXAM.docx
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
 
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdfEsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
EsP DLL 9 Mod 1-Lloyd.pdf
 
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang PanlahatModyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
Modyul 1 Layunin ng Lipunan:Kabutihang Panlahat
 
monthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docxmonthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docx
 
grade-9-Module-9.pptx
grade-9-Module-9.pptxgrade-9-Module-9.pptx
grade-9-Module-9.pptx
 
VAL.ED. (Module 5 to 8)
VAL.ED. (Module 5 to 8)VAL.ED. (Module 5 to 8)
VAL.ED. (Module 5 to 8)
 
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdfModyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
Modyul 1- Katuturan at kahalagahan ng Ekonomics.pdf
 
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomicsModyul 1  katuturan at kahalagahan ng ekonomics
Modyul 1 katuturan at kahalagahan ng ekonomics
 
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
 
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
434002074-Esp-modyul-9-Katarungang-Panlipunan.ppt
 
Pagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptxPagmamahal sa bayan.pptx
Pagmamahal sa bayan.pptx
 
EsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptxEsP Q1 W3.1.pptx
EsP Q1 W3.1.pptx
 
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdfEsP-DLL-9-Mod5.pdf
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
 
Esp 8
Esp 8Esp 8
Esp 8
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Values Education 9 LM
 
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docxEsP DLL 9 Mod 1-NAMOC  - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
 
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docxEsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
 
ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2ESP 9 MODYUL 2
ESP 9 MODYUL 2
 
ESP-10-Final.pdf
ESP-10-Final.pdfESP-10-Final.pdf
ESP-10-Final.pdf
 

More from NoresaDaculaEngcongA

Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docxSci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
NoresaDaculaEngcongA
 

More from NoresaDaculaEngcongA (6)

wwwww.docx
wwwww.docxwwwww.docx
wwwww.docx
 
wwwww.docx
wwwww.docxwwwww.docx
wwwww.docx
 
dddllll.docx
dddllll.docxdddllll.docx
dddllll.docx
 
Antonio Meloto or.docx
Antonio Meloto or.docxAntonio Meloto or.docx
Antonio Meloto or.docx
 
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docxSci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
 
EsP-First-Q-2022-23.docx
EsP-First-Q-2022-23.docxEsP-First-Q-2022-23.docx
EsP-First-Q-2022-23.docx
 

first quarter esp 9.docx

  • 1. UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Pangalan: _______________________________________Pangkat: ______________Petsa: _______ Iskor: _____ Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang letra nang may wastong sagot. 1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang. a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao. b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito. c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao. d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao. 2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa: a. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan 3. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya MALIBAN sa: a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay. b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan. c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan 4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala? a.May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno b.May pakilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan c.May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang d.Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan 5. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal? a.Personal na katangiang tanggap ng pamayanan b.Angking talino at kakayahan sa pamumuno c.Pagkapanalo sa halalan d.Kakayahang gumawa ng batas 6. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity? a.Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan b.Pagkakaroon ng kaalitan c.Bayanihan at kapit-bahay d.Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong 7. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat? a. Malala Yuosafzai b. Martin Luther king c. Nelson Mandela d. Ninoy Aquino 8. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”? a. Pantay ang lahat ng tao sa mata ng Diyos. b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao. c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao. d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao. 9. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay? a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan kahit na kaya o hindi naman niya ito kayang bilhin dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis. b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya. c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan. d. Lahat ng nabanggit 10. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas? a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay
  • 2. pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan. b. Ang pantay ay pagbibigyay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan. c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan. Ang patas naman ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan. d.Ang pantay ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao. 11. Alin ang angkop na salita na nagpapaunlad ang lahat na walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap? a. pagkakapantay-pantay b. patas c. mabuting Ekonomiya d. pagbabudget 12. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil? a.pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan b.pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan c.pagtatalakay ng mga suliraning panlipunan d.pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan 13. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss? a. mamamayan b. pangulo c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat 14. Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan” a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao. b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas. c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal. d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin 15. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan? a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao. b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan. c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan. d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao. 16. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang ___________. a. kabutihan para sa sarili b. kabutihan para sa iba c. kakainin sa susunod na araw d. maka-mundong Gawain 17. Paano makatutulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moralidad sa mga kabataan? a. Hikayatin sumali sa mga paligsahang lokal. b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay. c. Hikayating mag-aral sa semenaryo. d. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampulitikang adhikain. 18. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya? a. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya. b. Napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan. c. Natutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa. d. Nagsisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan. 19. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari? a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian. b. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi. c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit. d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari. 20 Bakit mahalaga na makamit ang kabutihang panlahat? a. para magkaroon ng matiwasay na samahan sa isang lipunan/ pamayanan b. para maging maayos ang buhay ng bawat isa c. upang maipakita sa madla na may nagagawang tulong para sa kanila d. para sa ikauunlad ng bayan