SlideShare a Scribd company logo
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-VII
Pangalan:______________________________________ Seksyon: ___________Petsa:_______________ Iskor: ______
PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang sa ibaba. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
______1. Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN sa:
A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
D. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya
ng lipunan
______2. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata MALIBAN sa ______.
A. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
C. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
______3. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata?
A. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan
B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
C. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang
kasing edad
D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na
labas sa kanyang pamilya
______4. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng
kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
B. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa
magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
______5. Si Moira ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na
kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa
maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Moira?
A. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din.
B. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
C. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamag-aral.
D. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.
______6. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang
pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
B. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
C. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
D. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili
laban sa kanya sa hinaharap.
______7. Si Beste ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
dahil sa takot na hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang
gawin ni Beste?
A. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang
talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan.
B. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat
ang kanyang tiwala sa sarili
C. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan.
D. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat.
______8. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal
upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay
tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
mag-isip.
D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa
proseso ng pagsasanay.
______9. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan?
A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
C. Upang makapaglingkod sa pamayanan
D. Lahat ng nabanggit
______10. Si Francis ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan
sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team.
Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan
sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring
maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Francis?
A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang
kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay
kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang
masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
______11. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng
pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa
paligsahan at mga pagtatanghal
C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
______12. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili MALIBAN sa:
A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon
C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili
D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan
______13. Mababa ang marka ni Lea sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang
marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa
pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Lea?
A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at
pagsusulat sa Ingles
B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin
D. Lahat ng nabanggit
______14. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
_______15. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa tao
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
______16. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangatuwiran at
paglutas ng suliranin.
A. Mathematical/Logical B. Verbal/Linguistic C. Visual/Spatial D. Bodily/Kinesthetic
_______17. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
A. Musical/Rhythmic B. Verbal/Linguistic C. Interpersonal D. Naturalist
_______18. Mabilis na natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.
A. Existential B. Intrapersonal C. Visual/Spatial D. Bodily/Kinesthetic
_______19. Natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw.
A. Intrapersonal B. Interpersonal C. Musical/Rhythmic D. Visual Spatial
_______20. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
A. Artistic B. Persuasive C. Musical D. Clerical
_______21. Sino ang bumuo ng teoryang tumutukoy sa iba’t ibang katalinuhan o Multiple Intelligences.
A. Brian Green B.Howard Gardner C. Sean Covey D. Albert Einstein
_______22. Mula nang nagdalaga si Yasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at
napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang
ina. Ano ang pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin?
A. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
B. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
C. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na
sama ng loob.
D. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil
sila ang nakatatanda
_______23. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki.
Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito nang buong sigla at husay
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento at kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito.
______24. Ang taong nasisiyahan gawin ang isang bagay ay nagsisikap na matapos ang gawain at may pagmalaki na gawin
ito ng maayos. Anong nagpapakita nito sa kanyang sarili?
A. paggalang at pagpapaunlad ng tiwala sa sarili
B. nagbibigay kasiyahan
C. palatandaan ito sa mga uri ng trabaho
D. lahat ng nabanggit
______ 25. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
A. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating
B. Mapangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
C. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang pauli-ulit na mga kalamidad
D. Lahat ng nabanggit

More Related Content

Similar to EsP-First-Q-2022-23.docx

Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-coverEsp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
John Vhen Cedric Meniano
 
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADINGESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
Lemuel Estrada
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
LiGhT ArOhL
 
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)Melisse Anne Capoquian
 
ESP-7.pdf
ESP-7.pdfESP-7.pdf
ESP-7.pdf
kavikakaye
 
birtud.docx
birtud.docxbirtud.docx
birtud.docx
SheilaSerna3
 
2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd esp
omej
 
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
R Borres
 
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
exam esp 8 2nd gp With key answer.docxexam esp 8 2nd gp With key answer.docx
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
Mherly Dela Cruz
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Edna Azarcon
 
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
MirabelAndo1
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
LiGhT ArOhL
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Lemuel Estrada
 
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-convertedUnang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
ReyesErica1
 
ESP-8 (1).pdf
ESP-8 (1).pdfESP-8 (1).pdf
ESP-8 (1).pdf
kavikakaye
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
AireneMillan1
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
AireneMillan1
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
AireneMillan1
 
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docxDLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
JasminAndAngie
 
FIRST-QUARTER-ESP.docx
FIRST-QUARTER-ESP.docxFIRST-QUARTER-ESP.docx
FIRST-QUARTER-ESP.docx
ChikayRamos
 

Similar to EsP-First-Q-2022-23.docx (20)

Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-coverEsp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover
 
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADINGESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
 
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)
Esp g7-learner-s-module-q1-2-with-cover-120713061123-phpapp02(1)
 
ESP-7.pdf
ESP-7.pdfESP-7.pdf
ESP-7.pdf
 
birtud.docx
birtud.docxbirtud.docx
birtud.docx
 
2nd esp
2nd esp2nd esp
2nd esp
 
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Edukasyon sa Pagpapakatao (Quarter 1 to 4)
 
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
exam esp 8 2nd gp With key answer.docxexam esp 8 2nd gp With key answer.docx
exam esp 8 2nd gp With key answer.docx
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
 
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
421686259-Test-Questions-Unang-Markahang-Pagsusulit-EsP-8.docx
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
 
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-convertedUnang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
Unang takdang-pagsusulit-sa-edukasyon-sa-pagpapakatao-8-converted
 
ESP-8 (1).pdf
ESP-8 (1).pdfESP-8 (1).pdf
ESP-8 (1).pdf
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docxDLL-ESP10-Module-1.1  Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
DLL-ESP10-Module-1.1 Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao.docx
 
FIRST-QUARTER-ESP.docx
FIRST-QUARTER-ESP.docxFIRST-QUARTER-ESP.docx
FIRST-QUARTER-ESP.docx
 

More from NoresaDaculaEngcongA

Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docxSci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
NoresaDaculaEngcongA
 

More from NoresaDaculaEngcongA (6)

wwwww.docx
wwwww.docxwwwww.docx
wwwww.docx
 
wwwww.docx
wwwww.docxwwwww.docx
wwwww.docx
 
dddllll.docx
dddllll.docxdddllll.docx
dddllll.docx
 
Antonio Meloto or.docx
Antonio Meloto or.docxAntonio Meloto or.docx
Antonio Meloto or.docx
 
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docxSci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
Sci-9_Q1-TOS diagnostic.docx
 
first quarter esp 9.docx
first quarter esp 9.docxfirst quarter esp 9.docx
first quarter esp 9.docx
 

EsP-First-Q-2022-23.docx

  • 1. UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-VII Pangalan:______________________________________ Seksyon: ___________Petsa:_______________ Iskor: ______ PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang sa ibaba. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng pinakaangkop na sagot. ______1. Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN sa: A. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay B. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon C. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad D. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan ______2. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata MALIBAN sa ______. A. Pagsisikap na makakilos nang angkop sa kanyang edad B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki C. Pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa D. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad ______3. Bakit mahalaga ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata? A. Upang masiguro niya na may tao na tatanggap sa kanyang mga kalakasan at kahinaan B. Upang magkaroon siya ng kalaro na magtuturo sa kanya ng pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad C. Upang mapatunayan sa lahat ng tao na may kakayahan siyang makipag-ugnayan nang maayos sa kanyang kasing edad D. Upang magkaroon siya ng makakasundo na tutulong sa kaniya upang matanggap sa isang pangkat na labas sa kanyang pamilya ______4. Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon. B. Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap. C. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon. D. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer. ______5. Si Moira ay iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napaliligiran siya ng mga mayayaman na kamag-aral. Labis ang kanyang pagkabalisa dahil alam niyang hindi naman siya makasasabay sa mga ito sa maraming bagay. Ano ang pinakamakatuwirang gawin ni Moira? A. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya mga iskolar na mahirap din. B. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao. C. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa mga mayayamang kamag-aral. D. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at sa mga kapwa niyang iskolar na mahirap kung sila naman ang kasama. ______6. Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa. B. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan. C. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto. D. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap. ______7. Si Beste ay mababa ang tiwala sa sarili sa kabila ng kanyang talento. Hindi niya ito ipinakikita sa paaralan
  • 2. dahil sa takot na hindi ito maging kalugod-lugod sa iba pang mga mag-aaral. Ano ang makatuwirang gawin ni Beste? A. Kausapin niya ang kanyang sarili at sabihin na hindi matatalo ng hindi pagtanggap ng iba sa kanyang talento ang kanyang pagnanais na umangat dahil sa kanyang kakayahan. B. Humingi siya ng papuri mula sa kanyang mga kaibigan at kapamilya na makatutulong upang maiangat ang kanyang tiwala sa sarili C. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang mangibabaw ang kanyang kalakasan. D. Huwag niyang iisipin na mas magaling ang iba sa kanya, bagkus isipin niya na siya ay nakaaangat sa lahat. ______8. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa: A. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay. B. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. C. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip. D. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay. ______9. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at kakayahan? A. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan B. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan C. Upang makapaglingkod sa pamayanan D. Lahat ng nabanggit ______10. Si Francis ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Francis? A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan. C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito. D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro. ______11. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao. B. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal C. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento D. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa ______12. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili MALIBAN sa: A. Ito ay hindi namamana B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon C. Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan ______13. Mababa ang marka ni Lea sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng inlges. Ano ang maaarig maging solusyon sa suliranin ni Lea? A. Maglapat ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles B. Tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura C. Tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paularin D. Lahat ng nabanggit ______14. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
  • 3. A. Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin B. Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento C. Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento D. Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon _______15. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan? A. Nakapagpapasaya sa tao B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap ______16. Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangatuwiran at paglutas ng suliranin. A. Mathematical/Logical B. Verbal/Linguistic C. Visual/Spatial D. Bodily/Kinesthetic _______17. Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. A. Musical/Rhythmic B. Verbal/Linguistic C. Interpersonal D. Naturalist _______18. Mabilis na natututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. A. Existential B. Intrapersonal C. Visual/Spatial D. Bodily/Kinesthetic _______19. Natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. A. Intrapersonal B. Interpersonal C. Musical/Rhythmic D. Visual Spatial _______20. Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay. A. Artistic B. Persuasive C. Musical D. Clerical _______21. Sino ang bumuo ng teoryang tumutukoy sa iba’t ibang katalinuhan o Multiple Intelligences. A. Brian Green B.Howard Gardner C. Sean Covey D. Albert Einstein _______22. Mula nang nagdalaga si Yasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin? A. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin. B. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina. C. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na sama ng loob. D. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda _______23. Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay: A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito nang buong sigla at husay C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upang tulungan ang kapwa D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento at kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito. ______24. Ang taong nasisiyahan gawin ang isang bagay ay nagsisikap na matapos ang gawain at may pagmalaki na gawin ito ng maayos. Anong nagpapakita nito sa kanyang sarili? A. paggalang at pagpapaunlad ng tiwala sa sarili B. nagbibigay kasiyahan C. palatandaan ito sa mga uri ng trabaho D. lahat ng nabanggit ______ 25. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan? A. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating B. Mapangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao C. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang pauli-ulit na mga kalamidad D. Lahat ng nabanggit