Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.
Talumpati at mga halimbawa
TALUMPATI TUNGKOL SA KABATAAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kabataan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan at droga ay iwasan sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat. Kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit paano kung hindi sila nagabayan ng tama? May pag-asa pa ba ang bayan? Droga, pre-marital sex, bullying, atbp., yan ang mga problema ng kabataan ngayon. Kaya bilang magulang at nakatatanda dapat natin silang gabayan patungo sa mabuting landas. Sa mga kabataan naman, makinig sa mga mabubuting aral ng mga nakatatanda sa inyo at mag-aral ng mabuti upang buhay niyo ay bumuti.
Sana sa pamamagitan nitong mga talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan droga ay iwasan ay maging inspirasyon natin ito para magsumikap at pangalagaan ang kapwa kabataan para sa kinabukasan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng talumpati tungkol sa kabataan ang pag-asa ng bayan sa Pilipinas. Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kahirapan Sa Pilipinas.
Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon
Kabataan: Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?
Talumpati Para Sa Kabataan
Kabataan, Isipin Ang Kinabukasan
Ang Nais Mabatid Ng Mga Kabataan
Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Talumpati mula sa panitikan.com.ph
Kabataang Pag-asa Ng Bayan Sa Panahon Ng Dota
Kabataan, Simula Ng Pagbabago
Ang Uri Ng Kabataan
Kabataan: Pag-asa Pa Rin Ba Ng Ating Bayan? (Isang Talumpati)
Maikling Talumpati Para Sa Atin
Kabataan, Tuloy Ang Laban
Ang Kabataan Noon At Ngayon
Ang Kabataang Pilipino Sa Makabagong Panahon
Hinaing Ng Kabataan Sa Mga May Katungkulan Sa Bayan
Ang Kabataan Sa Panahon Ngayon
Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Talumpati mula sa takdangaralin.ph
Kabataan Ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-asa
Tugon Ng Mga Kabataan Sa Mga Isyu Ng Lipunan
Kabataan: Pag-asa Pa Nga Ba Ng Bayan?
Ang Paggalang Ng Kabataan Sa Mga Magulang
Kabataan Pag-asa Pa Ba Ng Bayan?
Kabataan: Noon At Ngayon
Ang Tamang Oras
Ang Papel Ng Kabataan Sa Bayan
Kabataan: Pag-asa Pa Rin Ba Ng Bayan?
Banderang Bahaghari
Kabataan, Pag-asa Ng Bayan
Isang Talumpati Para sa Kabataan
Filipino 8 Lesson
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal samagulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Ang awit ay may
May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
Halimbawa nito ang Florante at Laura.
Ang korido ay may
May walong pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para basahin, hindi awitin.
Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng isang korido ang Ibong Adarna.
2. I
Simula noon hanggang sa kasalukuyan
Humahamon sa damdamin at isipan
Paano maipadarama ang pagiging makabayan
Maipamalas man kahit sa munting paraan.
3. II
Filipino ang aking Wika
Naging tulay ito sa pag-unlad ng bansa
Itinuturo sa paaralan upang tagumpay ay makamtan
Ng bawat isang masunuring mamamayan
4. III
Sinasabing, “ang wika ang siyang kaluluwa ng
isang bansa”
Taglay nito ang kultura at pagkakaisa
Marahil nga, sapagkat ang katutubong wika
Nakapaglalarawan sa damdamin nang mabisa.
5. IV
Sa bagong kurikulum ng ating edukasyon
K to 12 ang siyang mag-aahon
Patungo sa bagong mundo at pagkakataon
Upang itong wika, uuunlad sa habang
panahon.
6. V
Ginagamit ang Mother Tongue sa paaralan
Upang kabataan masanay sa wikang
kinagisnan
Mula kinder hanggang ikatlong baitang
Ang unang wika ay upang lalong
maunawaan.
7. VI
Gamitin natin ang Filipino nang malawakan
Sa tahanan, sa paaralan o kahit saan man
Tayo’y magiging huwaran na mga kabataan
Sa mga bagong sibol at sa pagiging
makabayan.
8. VII
Kaya hamon ng bawat isa
Dalhin ang wika kahit saan ka magpunta
Sa loob at labas ng bansa
Ipalaganap ang wikang pambansa.