SlideShare a Scribd company logo
1 of 199
Filipino 5
Ikalawang Markahan, Ikasiyam na
Linggo
Paggamit ng
Pangkalahatang
Sanggunian
Kasanayan Sa Pagkatuto
Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyon
tungkol sa isang isyu
F5EP-IIe-i-6
Unang Araw
Panuto: Tukuyin kung anong
sanggunian ang maaaring
gamitin upang alamin ang mga
sumusunod na impormasyon.
Isulat sa bilog ang iyong sagot.
1. Pag-aaral sa mga
salitang
magkasingkahuluga
n at magkasalungat.
2. Pagbaybay at
pagpapantig sa
salitang
“arkeolohiya”
3. Mga palabas na
sumikat sa taong
2010.
4. Paghahanap ng
kasingkahulugan at
kasalungat ng
salitang “balakid”
5. Pagbasa sa mga
nakakawiling
lathalain sa araw
na ito.
Tukuyin ang mga
pangkalahatang
sanggunian na ipinapakita
sa mga larawan.
1.
2.
3.
Maraming mga sanggunian ang maaaring
pagkunan ng impormasyon depende sa
kung ano ang gusto mong malaman.
Mababasa sa ibaba ang pangkalahatang
sangguniang makatutulong sa iyo upang
mas mapaunlad pa ang iyong mga
natutuhan.
Ano-ano ang mga pangkalahatang
sanggunian? Paano nakatutulong
ang mga ito sa pangangalap at
pagtatala ng mga mahahalagang
impormasyon sa isang paksa o isyu?
Ang pangkalahatang sanggunian ay
ang tawag sa mga aklat o
babasahin nakaraniwang unang
binabasa upang makakalap ng
mahahalagang detalye tungkol sa
isangpaksa o isyu.
1. Diksiyonaryo - Ang mga salita rito
ay nakaayos nang paalpabeto. Ito
ay naglalaman ng kahulugan,
tamang baybay, tamang bigkas,
bahagi ng pananalita at pinagmulan
ng mga salita.
2. Ensiklopedya – Ito ay isang pangkat
ng mga aklat na nakaayos nang
paalpabeto. Naglalaman ito ng mga
mahahalagang impormasyon o
paksa tungkol sa iba’t ibang tao,
bagay at pangyayari,
3. Atlas – Ito ay naglalaman ng mapa ng
iba’t ibang lugar, eksaktong lokasyon,
lawak, dami ng populasyon, lagay ng
ekonomiya. Mababasa mo rin ang mga
anyong lupa at tubig na matatagpuan sa
isang tiyak na lugar.
4. Pahayagan o Diyaryo –
Naglalaman ito ng mga balita
o mga pangyayari sa loob at
labas ng bansa.
5. Almanac - Ito ay aklat na
naglalaman ng mga
pinakamahahalagang pangyayari sa
larangan ng palakasan, politika,
ekonomiya, teknolohiya, na nangyari
sa loob ng isang taon.
6. Tesawro– kasingkahulugan at kasalungat
ng mga salita.
7. Internet - Gamit ang laptop, tablet o
cellphone at internet connectivity, ang
teknolohiyang ito ay napakalaking tulong sa
mga gustong maghanap ng mga
impormasyon sa kahit na anong larangan.
Panuto: Iguhit ang kung
ang tanong naglalarwan ng
wasto sa pangunahing
sanggunian, X kung hindi naman.
1. Ang mga salitang
magkasalungat ba ay
puwede mong
hanapin sa TESAWRO?
2. Kung gusto mong
malaman ang iyong
horoscope, sa
PAHAYAGAN ka ba
titingin?
3. Puwede bang gamitin
ang TESAWRO sa
paghahanap ng lawak
at sukat ng isang
bansa?
4. Sa DIKSYUNARYO ka
ba titingin kung gusto
mong malaman ang
bahagi ng pananalita
ng isang salita?
5. Nakaayos ba ng
paalpabeto ang mga
aklat na
ENCYCLOPEDIA?
Sumulat ng sariling repleksiyon kung
paano mo pa mapauunlad ang
kasanayan sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyong
natutuhan at paggamit ng mga
pangunahing sanggunian.
Ano-ano ang mga
pangkalahatang sanggunian?
Bakit mahalaga ang mga ito sa
pagtatala ng impormasyon sa
isang paksa o isyu?
Panuto: Tukuyin kung anong
sanggunian ang maaaring
gamitin upang alamin ang mga
sumusunod na impormasyon.
Isulat sa kahon ang iyong sagot.
1. Isang uri ng
sanggunian na kung
saan pinagsama-sana
ang mga mapa sa
iisang aklat.
2. Nagbibigay ng
pangkalahatang
impormasyon tungkol
sa iba’t ibang paksa
at lahat ay nakaayos
nang paalpabeto.
3. Nagbibigay ng
kahulugan ng mga
salita, tamang
pagpapantig ng salita,
pagbigkas, pagbaybay
at pagbabantas.
4. Nagbalik-tanaw
kayo tungkol sa mga
trahedya at sakunang
naganap sa ating
bansa noong taong
2020.
5. Nais mong mangalap
ng impormasyon tungkol
sa istatistika ng populasyon
ng bansang Hapon at ang
mga makasaysayang
pangyayari sa lugar na ito.
Ikalawang
Araw
Panuto: Basahin ang
halimbawa ng patalastas na
ito at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
LIKAS SHAMPOO
Ako si Luisa ang Mutya ng Kalinga.
Gamit ko’y likas shampoo. Mabango,
malambot at makintab sa buhok.
Hiyang ako dito! Magmadali!
Pumunta sa pinakamalapit
na tindahan at ito’y subukan.
Buhok nyo’y babango,
lalambot at kikintab!!!!
1. Tungkol saan ang patalastas?
2. Ano ang mensahe nito?
3. Anu-anong mga salita ang ginamit
upang mahikayat ang mga mamimili?
4. Angkop ba ang salitang ginamit sa
patalastas na ito?
Hanapin sa Krosword Puzzle ang
mga sanggunian sa pagtatala ng
mahahalagang impormasyon at
isulat sa patlang ang tamang
sagot.
Tukuyin ang pangkalahatang
sanggunian na dapat gamitin
upang matugunan ang
hinihingi ng bawat bilang.
1. Takdang-aralin mo ang tungkol sa
pagkilala sa lahat ng bansang nasa
ekwador. Anong sanggunian ang gagamitin
mo?
a. almanac
c. diyaryo o pahayagan
b. atlas
d. tesawro
2. Gusto mong malaman ang petsa kung
kailan magkakaroon ng meteor shower
sa taong ito dahil idadagdag mo ito sa
ulat na binubuo mo. Anong sanggunian
ang gagamitin mo?
a. almanac
c. ensiklopedya
b. atlas
d. pahayagan o diyaryo
3. Kailangan mong malaman ang mga
pangunahing balita para sa isang balitaang
isasagawa ninyo sa paaralan bukas. Ano
ang gagamitin mo?
a. diyaryo o pahayagan c. ensikloedya
b. atlas
d. tesawro
4. Takdang-aralin mo sa Filipino ang
kasingkahulugan at kasalungat ng mga
salita. Anong sanggunian ang dapat mong
gamitin?
a. diksiyonaryo
c. ensiklopedya
b. tesawro
d. almanake
5. Kailangan mong malaman ang baybay at
kahulugan ng salitang isinulat ng iyong guro
sa pisara. Ano ang sanggunian na dapat
mong gamitin?
a. diksiyonaryo
c. ensiklopedya
b. tesawro
d. almanake
Mahalaga ang paggamit ng mga
sanggunian sa pananaliksik. Maaaring
matagpuan sa mga sanggunian sa
pananaliksik ang sagot sa halos lahat ng
tanong. Kailangan lamang maging
matiyaga at maparaan sa pananaliksik at
paggamit ng mga sanggunian.
Ang mga sangguniang ito’y maaaring
nakalimbag (printed) at maaari rin
namang mabasa online o ma-download
bilang isang application mula sa app store
o android store para sa mga tablet,
laptop, o computer.
Upang higit na lumawak ang ating
kaalaman sa maraming bagay,
gumagamit tayo ng iba’t ibang
sanggunian. Narito ang ilan sa mga
pangkalahatang sangguniang
maaari nating magamit.
May mga pagkakataon na nais nating
dagdagan ang mga natutuhan mula sa
napakinggan, nabasa, at napanood o kaya
naman nais natin itong patunayan pa o
tiyakin ang pagiging makatotohanan nito
kaya gumagamit pa tayo ng iba’t ibang
sanggunian.
Alam ba ninyo na mahalagang
kasanayan ang pagtatala ng
mahahalagang impormasyon
mula sa binasa? Sa
pamamagitan nito ay:
1. Higit na maunawaan at matatandaan
ang mahahalagang detalye;
2. Mas madaling masasagot ang mga
tanong kaugnay dito;
3. Maaari itong mabalikan agad upang
muling pag-aralan;
4. Maaaring magamit ang mga
naitalang impormasyon sa iba
pang layunin; at
5. Mahahasa ang mapanuri at
kritikal na pag-iisip.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Nais mong malaman kung ano ang
kahulugan ng salitang mitolohiya.
a. diksiyonaryo b. atlas c. tesawro d.
almanac
2. Gusto mong makakuha ng
impormasyon tungkol sa Bulkang
Mayon.
a. diyaryo o peryodiko b. atlas c.
tesawro d. almanac
3. Mababasa rito ang kasingkahulugan at
kasalungat ng mga salita.
a. diyaryo
b. almanac
c. ensiklopedya
d. tesawro
4. Dito mababasa ang pinakabagong
impormasyon tungkol sa politika,
kawilihan, isports, relihiyon, at iba pang
nangyari sa loob ng isang taon.
a. tesawro b. almanac c. diksiyonaryo d.
diyaryo
5. Aklat o mga aklat na kakikitaan ng
mga detalyadong impormasyon
tungkol sa iba’t ibang paksa.
a. almanac b. ensiklopedya c. tesawro
d. atlas
Panuto: Basahin at unawain
nang mabuti ang teksto. Punan
ang diyagram ng wastong
impormasyon.
Bilang isang mag-aaral, paano
mo gagamitin nang maayos
ang mga pangkalahatang
sanggunian para sa iyong
pag-aaral ?
Panuto: Punan ng angkop
na salita ang mga puwang
sa ibaba. Piliin ang sagot sa
kahon sa ibaba.
Mahalaga ang paggamit ng mga (1.)
________________ sa pananaliksik gaya
ng mga diksiyonaryo, almanake, (2.)
_______________, atlas, peryodiko/
diyaryo, tesawro at internet.
Maaaring matagpuan sa mga
sanggunian sa pananaliksik ang
sagot sa halos lahat ng tanong.
Kailangan lamang maging matiyaga
at (3.) _____________sa pananaliksik at
paggamit ng mga sanggunian.
Ang mga sangguniang ito’y maaaring
nakalimbag na (4.) ______________ at
maaari din namang mabasa (5.)
________________bilang isang application
mula sa app store o android store para sa
mga tablet, laptop, o computer.
Panuto: Tukuyin ang sangguniang
dapat gamitin upang matugunan
ang hinihingi sa bawat bilang. Mula sa
kahon, piliin ang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
__________1. Ano ang pinakamalaking
bansa sa Asya?
__________2. Ano ang kasalungat ng
salitang Maputi?
__________3. Ano ang pinakasikat na
pelikula noong taong 2014?
__________4. Ano ang tamang
bigkas ng salitang
palatuntunan?
__________5. Ano ang
pangunahing balita ngayon?
Ikatlong
Araw
Magbalik-aral ka tungkol sa
mga sanggunian. Ano ang ibig
sabihin ng sanggunian?
Magbigay ka ng halimbawa?
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang
pag-iisa-isa ng mga hakbang sa
paggamit ng pangkalahatang
sanggunian. Upang ito ay malinang,
kailangan mong gawin nang matapat
ang mga gawain.
Pagmasdan ang mga
larawan. Ano-ano ang
mga ito? Paano ito
ginagamit?
Basahin ang talata at sagutin ang mga
tanong.
Ang mga mag-aaral sa Grade 5- Mapanuri ay
may aktibiting gagawin. Pinangkat ni Bb. Delos
Santos ang mga ito ng 5 pangkat. Ang bawat
pangkat ay magre-reseach/magsaliksik
tungkol sa pangkalahatang sanggunian.
Ito ay kanilang iuulat sa klase kinabukasan.
Ang bawat pangkat ay nag-uusap kung
paano nila ito maisagawa nang maayos kahit
di sila magkakaharap. Ang bawat isa sa grupo
ay nagbigay ng kani-kanilang mga ginawa at
ang lider naman ang nagbuod sa nagawang
pagsasaliksik.
Kinabukasan, iniulat (online) ng
tagapag-ulat ang kanilang
mga gawa. Natuwa ang
kanilang guro sa naging resulta
ng aktibiti.
1. Anong aktibiti ang ipinagawa ni Bb.
Delos Santos sa mga mag-aaral?
2. Maisagawa kaya ng mga bata ang
aktibiti?
3. Paano kaya nila ito maisagawa nang
maayos?
4. Ano ang naging dahilan kung bakit naging
matagumpay ang aktibiti kahit na di sila face
to face o nasa new normal class?
5. Sa inyong palagay, magiging produktibo at
epektib kung maging positibo ang bawat isa
sa anomang gawain? Patunayan.
Ang pangkalahatang sanggunian
ay nakatutulong upang malaman
ang mga bagay na nais nating
malaman o matuklasan.
Mga halimbawa:
1. Encyclopedia - isang set ng mga aklat
na naglalaman ng maiikling artikulo o
pangunahing impormasyon tungkol sa
iba’t ibang paksa tulad ng tao, bagay,
hayop, pook o pangyayari. Nakaayos ito
ng paalpabeto.
2. Dictionary – aklat na naglalaman ng mga
salita, kahulugan ng salita, paano bigkasin
ang salita at anong uri ito ng pananalita.
3. Almanac – aklat na nagtataglay ng
pinakahuling impormasyon tungkol sa mga
punto ng kawilihan, rehiyon, politika at iba
pa.
4. Atlas – dito matutukoy ang mga mapang
nagsasaad ng mga distansiya, lawak o
lokasyon ng isang lugar
5. Internet – isang malawak na network ng
mga kompyuter na ginagamit upang
makapagbukas ng iba’t ibang klase ng
impormasyon mula sa World Wide Web.
6. Pahayagan - naglalaman ito ng
mga balita o tala tungkol sa
mga kaganapan na nagyayari sa
lipunan, impormasyon tulad
ng patalastas.
Anong sangguniang aklat ang ang
tinutukoy. Isulat ang sagot sa patlang.
__________________1. Nagbalik tanaw
tayo tungkol sa mga trahedya at
sakunang naganap sa ating bansa
noong taong 2019.
__________________2. Isang sanggunian na
kung saan pinagsama-sama ang
mga mapa sa iisang aklat.
__________________3. Nagbibigay ng
pangkalahatang impormasyon tungkol
sa iba’t ibang paksa at lahat ay nakaayos ng
paalpabeto.
__________________4. Gusto mong
malaman kung alin sa mga
kontinente ang may
pinakamalawak na lupaing
nasasakupan.
__________________5. Nagbibigay
ng kahulugan ng mga salita,
tamang pagpapantig ng salita,
pagbibigkas, pagbabaybay at
pagbabantas.
Ngayon naman ay subukan mong
gawin ang bahaging ito. Isagawa
ang aktibiti sa ibaba. Anong
sangguniang aklat ang ang tinutukoy.
Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. Makikita sa aklat
na ito ang kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng isang
salita.
__________________2. Paghahanap sa
mapa ng Pilipinas.
__________________3. Tamang pagbaybay o
pagpapantig sa salitang
“anthropolohiya.”
__________________4. Mga bansa sa
kontinenteng Asya at mga lugar nito.
__________________5. Mga palabas sa sine
ngayong buwan.
Ang pangkalahatang sanggunian ay
mahalaga sa bawat isa. Ito’y
nakatutulong upang madaragdagan ang
ating kaaalaman. Marapat gamitin
ang naangkop na sanggunian sa mga
nais malaman o matuklasan.
Tukuyin ang angkop na
sanggunian ang gamitin sa mga
sumusunod. Piliin ang sagot sa
kahon. Ilagay sa hiwalay na papel
ang sagot.
_______1. Aling sanggunian ang iyong
gagamitin upang malaman mo
detalyadong impormasyon tungkol sa
pinakamataas na bundok sa mundo?
________2. Nais mong malaman ang
gamot sa COVID-19.
________3. Nagpapatulong ang iyong
nakababatang kapatid sa kahulugan at
wastong baybay ng mga salita.
________4. Anong sanggunian ang gagamitin
upang malaman ang mga impormasyon
tungkol sa industriya ng bansang Japan sa
bawat taon?
_________5. Aling sanggunian ang
gagamitin mo upang ipakita sa iyong
pinsan ang bansang Pilipinas at China.
Isulat ang TAMA, kung wasto ang
pangkalahatang sangguniang
ginamit at MALI, kung di wasto.
_______6. Atlas ang binuklat ni Jaime
upang malaman ang kahulugan ng
salitang naayon.
_______7. Bumili ng pahayagan si Mang
Nestor dahil nais niyang malaman/
magbasa ng balita ngayong araw.
_______8. Madaling natutuhan ni Agnes
ang araling tungkol sa longhitud at
latitude gamit ang encyclopedia.
_______9. Mabilis makagawa ng proyekto
o anomang aralin gamit ang internet
connection.
_______10. Nawalan ng ilaw sila Mon,
mayroon silang aralin tungkol sa mga
scientist, kaya humiram siya ng
encyclopedia sa kabitbahay upang
magawa ang aralin.
Filipino 5
Ikalawang Markahan, Ikasiyam na
Linggo
Pagtatala ng
Impormasyon mula
sa Binasang Teksto
Kasanayan Sa Pagkatuto
Naitatala ang mga
impormasyon mula sa
binasang teksto F5EP-IIa-f-
10
Ikaapat na
Araw
Bilang panimula ng gawain, ikaw ay
magiging taga kompanya. Gumawa ng
isang poster o patalastas tungkol sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuti
at matapat na kaibigan. Gawin ito sa
isang short coupon bond.
Ang pagtatala ng imposmasyon ay ang
pagiisa-isa ng mahahalagang datos na
maaaring makuha sa isang tekstong
binasa. Sa pagsulat ng mahahalagang
paksa, maaaring ito ay naglalaman ng isa
o higit pang salita, parirala, o
pangungusap.
Ang mga datos o impormasyon
ay maaaring magamit sa
pagsagot ng mga katanungan
mula sa babasahing teksto.
Basahin at unawain ang teksto
sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na tanong
batay sa iyong nabasa.
Droga
Ang droga ay isang uri ng substansyang
gamot na kapag sinubukang
tikman ay may malaking epekto sa
katawan dahil naka-pagpapasigla ito at
naka-pagpapalakas.
Pero ang lubusan at labis-labis na
paggamit nito bilang pampalakas
at pampagising ay may malaking
epekto din sa ating paraan ng
pag-iisip.
Marami ang nagsasabi na ito ay gamot
na nakapagpapagaling ng ilang
karamdaman. Pero sa dami rin ng mga
sinasabi tungkol sa mali at masamang
epekto nito sa pag-iisip, natatakot ang
ilan na subukang tikman ito.
Kung iisipin, totoo namang gamot na
pampalakas ang droga. Ang mga taong
naadik sa paggamit nito ay lumilikha ng gulo
sa lipunan. Madalas na sila na lamang ang
laman ng mga balita tungkol sa matindi at
brutal na pananakit/ pagpatay sa mga
babae, batang babae, lalaki, batang lalaki
at pamilya pa nga.
Nagiging makasarili dahil sa kanilang
kagustuhan na masapatan ang kanilang
adiksyon, nagagawa nilang magbenta ng
mga bagaybagay ng hindi pinag-iisipan
ito. Isa pa, nagagawa din nilang
magnakaw, manggahasa at pumatay.
Marahil matutuldukan lamang
ang suliranin na ito kung mas
lalong pag -iigtingin ng gobyerno
ang batas ukol sa pagsugpo nito.
Sagutin ang mga tanong:
__________________ 1. Ano ang droga?
__________________ 2. Anu ano ang
masamang epekto ng droga sa
katawan ng mga taong gumamit
nito?
__________________ 3. Ano
masamang epektong dala ng
droga sa ating lipunan?
__________________ 4. Paano
masusugpo ang droga?
Ano ang iyong naging basehan sa pagtatala
ng mga impormasyon mula sa nabasa mong
teksto? Ang mga ito ba ay gaya ng nasa
ibaba?
Mahalaga na nauunawaan mo ang tektong
iyong binabasa upang mas madali
mong maitala ang mahahalagang datos o
impormasyon na nakapaloob dito.
Sa pagtatala ng impormasyon, kinukuha rito
ang mahahalagang bahagi ng teksto na
posibleng sumasagot sa mga tanong na ano,
sino, saan, kailan, paano, at bakit. Mas
madali mong magagawa ito kung iisa-isahin
mo ang mga mahahalagang kaisipan o
ideya mula sa binasa mong teksto.
Maaaring naglalaman ng isa o higit pang
salita, parirala, o pangungusap ang
impormasyon na iyong itatala. Ang mga
nabanggit ay maaaring mong maging gabay
upang mas lalong maunawaan mo ang mga
paraan na maaari mong gawin sa pagkuha o
pagtatala ng impormasyon mula sa iyong
binasang teksto.
Basahin ang teksto sa ibaba.
Sagutin ang mga tanong at
isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Ano-ano ang kahalagahan
ng pagsusulat ng islogan?
Paano ito
nakaiimpluwensiya ng
pananaw sa buhay?
Online Learning
Ang online learning ang isa sa
magandang pagbabago sa paraan ng
pag-aaral para madagdagan ang ating
kaalaman at kakayahan dahil pwede
itong gawin kahit saan, kahit kailan.
Gumagamit ng internet at hindi sa
tradisyonal na silid-aralan ang
pagtuturo gamit ang online learning.
Ito ay isang kategorya ng distance
learning na tinatawag din e-learning
o electronic learning.
Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaaring
magkaroon ng daan tungo sa edukasyon,
kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may
internet. Kaysa magaksaya ng panahon
kakagamit ng social media, isang paraan
para maging produktibo tayo online, ay sa
pamamagitan ng online courses.
Mga tanong:
____________________1. Ano ang online
learning?
____________________2. Ano ang
kailangan upang maisagawa ang
online learning?
____________________3. Saan
isinasagawa ang online learning?
____________________4. Bakit
naglunsad ang Departamento ng
Edukasyon ng online learning?
Bumuo ng isang maikling teksto
mula sa pamagat at mga
impormasyon nakatala sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
Piliin ang mahahalagang
impormasyong nakapaloob
mula sa binasang teksto.
Itala ang mga ito sa loob ng graphic
organizer.
Filipino: Wikang Pambansa
Taun-taon ay hindi nakakalimutan ng mga
Pilipino na ipagdiwang ang Linggo ng Wika.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng
Agosto.
Ang selebrasyong ito
ay sumasalamin sa
kahalagahan ng Filipino bilang
pambansang wika ng ating
bansa.
Ang lahat ng mga institusyong pang-
edukasyon gaya ng mga paaralan at
unibersidad, at maging ibang sangay ng
pamahalaan ay nakikilahok sa iba’t ibang
gawaing nagpapakita ng malayang pag
gunita sa Linggo ng Wika.
Naging paraan na rin ng mga
Pilipino ang pagsasagawa ng
mga munting patimpalak at
gawaing may kinalaman sa
selebrasyong ito.
Ang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay,
mga pagtatanghal, parada, ay ilan
lamang sa iba pang gawain na
isinasagawa upang maipakita ang
malaya at makabuluhang paggamit ng
wikang Filipino.
Ano anong mga hakbang ang iyong ginamit
upang makapagtala ng mga
impormasyon mula sa binasang teksto?
Ganito ba ang iyong mga sagot? Kung
gayon, tama ang kalinangan na iyong
natutunan sa pagtatala ng mga
impormasyon mula sa binasang teksto?
Ang mga hakbang na ito ay ang mga
sumusunod:
● Pag unawa sa tekstong binasa
● Pag isa-isa ng mga ideya at impormasyong
nakapaloob sa binasang teksto
● Pagkuha ng mahahalagang impormasyong
sumasagot sa mga tanong na ano, sino,
saan, kailan, paano, at bakit.
Basahin ang teksto at
sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
Kalamidad: Paano Mapaghahandaan?
Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi
maaaring iwasan ngunit maaaring
paghandaan. Isa itong pangyayari na
kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng
milyun-milyong halaga ng ari-arian.
Ang mga kalamidad tulad ng
baha, lindol, landslide, tsunami at
buhawi ay nag-iiwan ng
napakalaking pinsala sa ating
lahat.
Maaari tayong maghanda bago pa man
dumating ang sakuna. Ilan sa mga
paghahanda na maaari nating gawin ay ang
mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming
pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na
mga damit, powerbank para sa mga
cellphone at mga kandila o lampara kung
sakaling mawalan ng kuryente.
Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at
pakikinig sa radyo ng balita para maging
updated sa mga pangyayari bago pa man
dumating ang kalamidad nang sa gayon ay
mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng
pamilya na hindi pa nakakauwi sa bahay.
Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang
mga bata upang maiwasang masaktan
ang sinuman sa kanila sa oras ng
kalamidad. Ang pinakamahalaga sa
lahat ay huwag magpanik upang
manatiling malinaw ang isipan.
Mga Tanong:
___________________ 1. Ano ang
kalamidad?
___________________ 2. Anu-ano
ang mga halimbawa ng
kalamidad?
___________________ 3. Ano ang mga
paghahanda na maaari nating gawing
upang makaiwas sa mga sakunang dala ng
mga kalamidad?
___________________ 4. Bakit mahalagang
maging kalmado tayo sa oras ng
kalamidad?
Ikalimang
Araw
Magbalik aral ka sa nakaraang aralin. Ano
ang gagamitin mong sanggunian kung
maghahanap ka ng sumusunod:
1. Tiyak na lokasyon ng bansang
Singapore.
2. Mahalagang impormasyon tungkol sa
hayop na Kuala.
3. Tamang bigkas ng salitang
tubo.
4. Ang latitude na sukat ng isang
bansa.
5. Mga naganap kahapon sa
kongreso.
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang
pagtatala ng mga impormasyon
mula sa binasang teksto. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin
nang matapat ang mga gawain.
Itala ang maaaring
impormasyon na makukuha
o maiisip mula sa larawan.
Ngayong handa ka na, simulan na natin ang
pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa
sa isang balita nang may pag-unawa.
Sagutin ang mga tanong.
2021 budget ng PCOO suportado ni Bong Go
(Pilipino Star Ngayon ) - October 15, 2020 -
12:00am MANILA, Philippines —
Sinuportahan ni Senator Christopher “Bong”
Go ang panukalang 2021 budget ng
Presidential Communications Operations
Office (PCOO) kasabay ng panawagan sa
ahensiya na ipagpatuloy ang pagbabahagi
ng tama at napapanahong ulat tungkol sa
pamahalaan.
Ayon kay Go, napakahalaga ng papel ng
PCOO bilang lead communications arm ng
gobyerno sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng impormasyon, gayundin sa paglaban sa
mga mapanlinlang o pekeng balita na
nakapagbibigay ng kalituhan sa publiko, lalo
ngayong may pandemya.
Idiniin niya na ang PCOO at attached
agencies nito ang nagpapalakas sa
sambayanang Filipino na mapalalim ang
kanilang sibikong pagkilos para mabigyan
ng impormasyon, ma-educate at
malinawan hinggil sa pambansang
interes.
Pinuri ni Go ang mga nagiging
accomplishments ng PCOO sa
pamumuno ni Secretary Martin
Andanar para mapalawak at
mapalakas ang communication
efforts ng pamahalaan.
1. Tungkol saan ang binasang
impormasyon?
2. Sino ang sumuporta sa 2021 budget?
3. Ano ang ibig sabihin ng PCOO?
4. Bakit mahalaga ang papel na
gagamapanan ng PCOO?
5. Ano kaya ang mangyayari
kapag di maaprubahan ang
budget 2021?
6. Ano-ano ang iba pang
impormasyon na makikita sa
binasa? Isa-isahin ito.
Ang pagtatala ay pagsulat ng
impormasyong nakalap sa binasang
teksto. Kinakailangang mabasa at
maunawaan ang binasa upang maitala
ang mga importanteng detalye mula sa
binasang teksto.
Laging itatala ang mga
impormasyong sasagot sa
tanong na ANO, SAAN, KAILAN,
SINO, BAKIT at PAANO.
Ngayon naman ay subukan mong
gawin ang bahaging ito.
Basahing mabuti. Sagutin ang
tanong at ilagay ang iyong sagot
sa papel.
Tayo’y Magkaisa Para sa Kapayapaan
Naniniwala ka ba sa pahayag na ito, “unity in
diversity”? Lubhang nakababagabag ang
mga huling ulat tungkol sa mga pambobomba
sa Mindanao na ikisanawi ng maraming tao.
Kung minsan ang nakararindi na ang
pagtuturuan ng pamahalaan at MILF sa mga
posibilidad na kalutasan sa mga pangyayari.
Itinatanggi ng huli ang suspetsa ng una
na sila ang may kagagawan ng terorismo.
Idinagdag pa rito ang walang kuwentang
awayan sa pagitan ng mga relihiyon,
bagay na walang puwang sa modernong
lipunan.
Bagama’t tunay na nakatitigatig
ng damdamin ang mga
nakaraang pangyayari, hindi
dapat idawit ang relihiyon sa
usapang ito.
Manapa’y magkaisa’t magkahawak-
hawak ng kamay ang bawat isa, na
dapat ay maging matalino ang lahat ng
nasasangkot at maunawaang may
solusyon sa problema bukod sa
pagpapatayan at pag-uubusan ng lahi.
1. Tungkol saan ang binasang teksto?
2. Sino-sino ang mga nabanggit sa
teksto?
3. Anong lugar ang pinagyarihan ng
kaguluhan?
4. Bakit may patayang nagaganap sa
lugar na nabanggit?
5. Magbigay ng 3 paraan kung
paano ka makatutulong sa
pagbibigay ng kapayapaan sa ating
bansa.
Basahin nang may pag-
unawa ang teksto.
Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa papel.
Handa Ka na Ba?
Kay bilis ng pag-unlad nitong bayan
sa larangan ng modernisasyon at
industriyalismo. Hatid ba ito ng
karunungang buhat sa edukasyon?
Marahil bunga ito ng karunungan sa
pagtuklas ng teknolohiya at siyensiya.
Hindi naman masama, bagkus ay mabuti,
ngunit para lamang nakapagtataka.
Sinasabing ang pag-unlad ay hatid ng
modernisasyon atindustriyalisasyon sa bansa
pero bakit may mga tao pa ring lubhang
nagdarahop sa kalagayang pangkabuhayan.
Marami pa ring taong palaboylaboy sa
lansangan at namamalimos. Nariyan pa ang
mga batang kapos sa pinag-aralan dahil
hindi sila nakatuntong sa paaralan dahil nasa
lansangang namamalimos. Kahit na
gumagawa na ang pamahalaan at mga
taong may busilak na puso upang maturuan
ang taong nasa lansangan.
May mga iba pa rin ang patuloy sa
nakagawiang gawain. Samantalang may
mga taong nabubuhay sa siyensiya at
teknolohiya…sa computers… sa fax …
sa cellphone… at text at sa iba pang
makabagong mekanismo para sa
kaunlaran.
Paano makasasabay ang mga taong
hindi nakapag-aral? Ikaw, handa
ka na ba sa makabagong mundo na
tila yata punong-puno ng
pagbabalatkayo? Anong masasabi
mo? Handa Ka na ba?
1. Ano-ano ang mga nabanggit na
makabagong teknolohiya sa tekstong
binasa?
2. Batay sa teksto, ilarawan ang mga
tao sa panahon ng modernisasyon.
3. Mula sa binasa, bakit may mga
taong naghihikahos pa rin kahit
umuunlad na ating bansa?
4. Ikaw ba’y handa sa anomang
pagbabago sa ating mundo?
Paano?
5. Bilang isang mag-aaral, ano
ang maaaring mong gawin
upang mapabuti ang
kalagayan ng mga tao sa
panahon ng pagbabago?
Ugaliing magbasa, itala ang
mahalagang impormasyon upang
makatulong sa madaling pang-
unawa. Laging tandaan ang mga
sagot sa tanong na Ano, Saan, Kailan,
Sino, Bakit at Paano.
Basahin ang teksto sa ibaba.
Itala ang mahahalagang
impormasyong nakapaloob
dito sa kolum.
Epekto ng bullying
Ang salitang bullying ay maaaring napaka
simple lang kung iisipin. Pero lingid sa
kaalaman ng lahat, ang salitang bullying ay
kayang sumira ng isang buhay, kayang
lumugmok ng isang tao, at higit sa lahat ay
kumitil ng isang buhay.
Hindi biro ang isang salitang
akala natin ay napakasimple
lamang ngunit ang epekto
pala ay ganoon nalang ka
bigat at nakakatakot.
Ang bullying o pangungutya sa kapwa ay isa
sa mga problemang kinakaharap
ng lipunan sa kasalukuyan. Ang bullying sa
kasalukuyan ay hindi lamang limitado
sa mga kabataan sa paaralan, maging sa
trabaho at sa mga nakakatanda ay
mayroong bullying na nagganap narin.
Talaga nga na laganap na ito ngayon.
Mga simpleng pagpintas sa pisikal na
anyo ng isang tao hanggang sa mga
pagmamaliit sa kakayahan at
kapansanan ay bakas sa lipunan.
Ang epekto ng mga ganitong
pamimintas at pagmamaliit ay
lubhang nakakabahala lalong-lalo na
sa mga taong hindi ganoon ka taas
ang pasensya at pag-intindi.
Kaya ang kadalasang nangyayare,
ay nagreresulta sa depresyon na
humahantong sa masalimuot na
pagpapakamatay. Ang mga
pagpapakamatay na bunga ng
bullying ay lubhang nakababahala.
Kaya mahalagang sa maagang panahon ay
mamulat ang lipunan sa masamng
epekto ng bullying upang maiwasan ang
mga ganitong pangyayari. Mahalaga ang
aktibong partisipasyon ng buong lipunan o
komunidad upang masugpo ang patuloy
na pagdami ng biktima ng bullying.
Punan ang kolum
sa ibaba.
FILIPINO 5 Quarter 2 PowerPoint Presentation

More Related Content

What's hot

el fili
el filiel fili
el fili
ging10
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Emelyn Inguito
 
Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42
mojarie madrilejo
 

What's hot (20)

Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40Noli me tangere kabanata 40
Noli me tangere kabanata 40
 
Noli me tangere kabanata 47
Noli me tangere kabanata 47Noli me tangere kabanata 47
Noli me tangere kabanata 47
 
DULA ppt 04-08-18
DULA ppt 04-08-18DULA ppt 04-08-18
DULA ppt 04-08-18
 
Mga Tauhan sa Florante at Laura
Mga Tauhan sa Florante at LauraMga Tauhan sa Florante at Laura
Mga Tauhan sa Florante at Laura
 
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga ManoboTulalang: Epiko ng mga Manobo
Tulalang: Epiko ng mga Manobo
 
Noli me tangere kabanata 38
Noli me tangere kabanata 38Noli me tangere kabanata 38
Noli me tangere kabanata 38
 
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-BayanNaging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
Naging Sultan Si Pilandok/ Kuwentong-Bayan
 
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 3 (Ang Hapunan)
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptxANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
ANG MATANDA AND ANG DAGAT (BUOD).pptx
 
el fili
el filiel fili
el fili
 
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga HiganteSina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
 
Panimula Grade 8
Panimula Grade 8Panimula Grade 8
Panimula Grade 8
 
Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)Epiko (Prinsipe Bantugan)
Epiko (Prinsipe Bantugan)
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Florante at Laura
Florante at Laura Florante at Laura
Florante at Laura
 
Aralin 3, grade 8 filipino
Aralin 3, grade 8 filipinoAralin 3, grade 8 filipino
Aralin 3, grade 8 filipino
 
Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42
 
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
 TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
 

Similar to FILIPINO 5 Quarter 2 PowerPoint Presentation

G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
BenjohnAbaoRanido
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
dandemetrio26
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
JONALIZA BANDOL
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
CherryVhimLanurias1
 
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
MariaFeIntina
 
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptxPaksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
RyzaTarcena1
 
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxM4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
NoryKrisLaigo
 
Mabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulatMabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulat
icgamatero
 

Similar to FILIPINO 5 Quarter 2 PowerPoint Presentation (20)

G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
 
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptxQ2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
Q2. A11. PANANALIKSIK (MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK.pptx
 
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docxDLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
DLL_FILIPINO4_Q2_W3_newedumaymay.docx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
 
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.docPagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
Pagbasa11_Q4_Mod12_Pagsasaayos-ng-Dokumentasyon.doc
 
Komunikasyon modyul
Komunikasyon modyulKomunikasyon modyul
Komunikasyon modyul
 
Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10Final filipino11 q3_m10
Final filipino11 q3_m10
 
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptxFILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
 
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
ppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppppp...
 
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik.pptx
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik.pptxPaggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik.pptx
Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian sa Pananaliksik.pptx
 
ap g9.docx
ap g9.docxap g9.docx
ap g9.docx
 
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
7_Q2-Komunikasyon [Autosaved].pptx
 
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docxFilipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
Filipino11-PAPNITTSP-Week-3-LE-1-Aralin-5.docx
 
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptxPaksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
Paksa 3-Pagbasa at Pananaliksik-FILIPINO-1 RYZA.pptx
 
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptxM4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
M4 Ibat-ibang teknik sa Pagpapalawak ng Paksa.pptx
 
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docxMELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
MELC-BASED DLL QUARTER 1 WEEK 5.docx
 
DLL_FILIPINO 4_Q2_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q2_W1.docxDLL_FILIPINO 4_Q2_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q2_W1.docx
 
Mabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulatMabisang pagsusulat
Mabisang pagsusulat
 

Recently uploaded

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 

Recently uploaded (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 

FILIPINO 5 Quarter 2 PowerPoint Presentation

  • 1. Filipino 5 Ikalawang Markahan, Ikasiyam na Linggo Paggamit ng Pangkalahatang Sanggunian
  • 2. Kasanayan Sa Pagkatuto Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang isyu F5EP-IIe-i-6
  • 4. Panuto: Tukuyin kung anong sanggunian ang maaaring gamitin upang alamin ang mga sumusunod na impormasyon. Isulat sa bilog ang iyong sagot.
  • 5. 1. Pag-aaral sa mga salitang magkasingkahuluga n at magkasalungat.
  • 6. 2. Pagbaybay at pagpapantig sa salitang “arkeolohiya”
  • 7. 3. Mga palabas na sumikat sa taong 2010.
  • 8. 4. Paghahanap ng kasingkahulugan at kasalungat ng salitang “balakid”
  • 9. 5. Pagbasa sa mga nakakawiling lathalain sa araw na ito.
  • 10. Tukuyin ang mga pangkalahatang sanggunian na ipinapakita sa mga larawan.
  • 11. 1.
  • 12. 2.
  • 13. 3.
  • 14. Maraming mga sanggunian ang maaaring pagkunan ng impormasyon depende sa kung ano ang gusto mong malaman. Mababasa sa ibaba ang pangkalahatang sangguniang makatutulong sa iyo upang mas mapaunlad pa ang iyong mga natutuhan.
  • 15. Ano-ano ang mga pangkalahatang sanggunian? Paano nakatutulong ang mga ito sa pangangalap at pagtatala ng mga mahahalagang impormasyon sa isang paksa o isyu?
  • 16. Ang pangkalahatang sanggunian ay ang tawag sa mga aklat o babasahin nakaraniwang unang binabasa upang makakalap ng mahahalagang detalye tungkol sa isangpaksa o isyu.
  • 17. 1. Diksiyonaryo - Ang mga salita rito ay nakaayos nang paalpabeto. Ito ay naglalaman ng kahulugan, tamang baybay, tamang bigkas, bahagi ng pananalita at pinagmulan ng mga salita.
  • 18. 2. Ensiklopedya – Ito ay isang pangkat ng mga aklat na nakaayos nang paalpabeto. Naglalaman ito ng mga mahahalagang impormasyon o paksa tungkol sa iba’t ibang tao, bagay at pangyayari,
  • 19. 3. Atlas – Ito ay naglalaman ng mapa ng iba’t ibang lugar, eksaktong lokasyon, lawak, dami ng populasyon, lagay ng ekonomiya. Mababasa mo rin ang mga anyong lupa at tubig na matatagpuan sa isang tiyak na lugar.
  • 20. 4. Pahayagan o Diyaryo – Naglalaman ito ng mga balita o mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
  • 21. 5. Almanac - Ito ay aklat na naglalaman ng mga pinakamahahalagang pangyayari sa larangan ng palakasan, politika, ekonomiya, teknolohiya, na nangyari sa loob ng isang taon.
  • 22. 6. Tesawro– kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita. 7. Internet - Gamit ang laptop, tablet o cellphone at internet connectivity, ang teknolohiyang ito ay napakalaking tulong sa mga gustong maghanap ng mga impormasyon sa kahit na anong larangan.
  • 23. Panuto: Iguhit ang kung ang tanong naglalarwan ng wasto sa pangunahing sanggunian, X kung hindi naman.
  • 24. 1. Ang mga salitang magkasalungat ba ay puwede mong hanapin sa TESAWRO?
  • 25. 2. Kung gusto mong malaman ang iyong horoscope, sa PAHAYAGAN ka ba titingin?
  • 26. 3. Puwede bang gamitin ang TESAWRO sa paghahanap ng lawak at sukat ng isang bansa?
  • 27. 4. Sa DIKSYUNARYO ka ba titingin kung gusto mong malaman ang bahagi ng pananalita ng isang salita?
  • 28. 5. Nakaayos ba ng paalpabeto ang mga aklat na ENCYCLOPEDIA?
  • 29. Sumulat ng sariling repleksiyon kung paano mo pa mapauunlad ang kasanayan sa pagtatala ng mahahalagang impormasyong natutuhan at paggamit ng mga pangunahing sanggunian.
  • 30. Ano-ano ang mga pangkalahatang sanggunian? Bakit mahalaga ang mga ito sa pagtatala ng impormasyon sa isang paksa o isyu?
  • 31. Panuto: Tukuyin kung anong sanggunian ang maaaring gamitin upang alamin ang mga sumusunod na impormasyon. Isulat sa kahon ang iyong sagot.
  • 32. 1. Isang uri ng sanggunian na kung saan pinagsama-sana ang mga mapa sa iisang aklat.
  • 33. 2. Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa at lahat ay nakaayos nang paalpabeto.
  • 34. 3. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbigkas, pagbaybay at pagbabantas.
  • 35. 4. Nagbalik-tanaw kayo tungkol sa mga trahedya at sakunang naganap sa ating bansa noong taong 2020.
  • 36. 5. Nais mong mangalap ng impormasyon tungkol sa istatistika ng populasyon ng bansang Hapon at ang mga makasaysayang pangyayari sa lugar na ito.
  • 38. Panuto: Basahin ang halimbawa ng patalastas na ito at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
  • 39. LIKAS SHAMPOO Ako si Luisa ang Mutya ng Kalinga. Gamit ko’y likas shampoo. Mabango, malambot at makintab sa buhok. Hiyang ako dito! Magmadali!
  • 40. Pumunta sa pinakamalapit na tindahan at ito’y subukan. Buhok nyo’y babango, lalambot at kikintab!!!!
  • 41. 1. Tungkol saan ang patalastas? 2. Ano ang mensahe nito? 3. Anu-anong mga salita ang ginamit upang mahikayat ang mga mamimili? 4. Angkop ba ang salitang ginamit sa patalastas na ito?
  • 42. Hanapin sa Krosword Puzzle ang mga sanggunian sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon at isulat sa patlang ang tamang sagot.
  • 43.
  • 44. Tukuyin ang pangkalahatang sanggunian na dapat gamitin upang matugunan ang hinihingi ng bawat bilang.
  • 45. 1. Takdang-aralin mo ang tungkol sa pagkilala sa lahat ng bansang nasa ekwador. Anong sanggunian ang gagamitin mo? a. almanac c. diyaryo o pahayagan b. atlas d. tesawro
  • 46. 2. Gusto mong malaman ang petsa kung kailan magkakaroon ng meteor shower sa taong ito dahil idadagdag mo ito sa ulat na binubuo mo. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
  • 47. a. almanac c. ensiklopedya b. atlas d. pahayagan o diyaryo
  • 48. 3. Kailangan mong malaman ang mga pangunahing balita para sa isang balitaang isasagawa ninyo sa paaralan bukas. Ano ang gagamitin mo? a. diyaryo o pahayagan c. ensikloedya b. atlas d. tesawro
  • 49. 4. Takdang-aralin mo sa Filipino ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita. Anong sanggunian ang dapat mong gamitin? a. diksiyonaryo c. ensiklopedya b. tesawro d. almanake
  • 50. 5. Kailangan mong malaman ang baybay at kahulugan ng salitang isinulat ng iyong guro sa pisara. Ano ang sanggunian na dapat mong gamitin? a. diksiyonaryo c. ensiklopedya b. tesawro d. almanake
  • 51. Mahalaga ang paggamit ng mga sanggunian sa pananaliksik. Maaaring matagpuan sa mga sanggunian sa pananaliksik ang sagot sa halos lahat ng tanong. Kailangan lamang maging matiyaga at maparaan sa pananaliksik at paggamit ng mga sanggunian.
  • 52. Ang mga sangguniang ito’y maaaring nakalimbag (printed) at maaari rin namang mabasa online o ma-download bilang isang application mula sa app store o android store para sa mga tablet, laptop, o computer.
  • 53. Upang higit na lumawak ang ating kaalaman sa maraming bagay, gumagamit tayo ng iba’t ibang sanggunian. Narito ang ilan sa mga pangkalahatang sangguniang maaari nating magamit.
  • 54.
  • 55.
  • 56.
  • 57.
  • 58.
  • 59. May mga pagkakataon na nais nating dagdagan ang mga natutuhan mula sa napakinggan, nabasa, at napanood o kaya naman nais natin itong patunayan pa o tiyakin ang pagiging makatotohanan nito kaya gumagamit pa tayo ng iba’t ibang sanggunian.
  • 60. Alam ba ninyo na mahalagang kasanayan ang pagtatala ng mahahalagang impormasyon mula sa binasa? Sa pamamagitan nito ay:
  • 61. 1. Higit na maunawaan at matatandaan ang mahahalagang detalye; 2. Mas madaling masasagot ang mga tanong kaugnay dito; 3. Maaari itong mabalikan agad upang muling pag-aralan;
  • 62. 4. Maaaring magamit ang mga naitalang impormasyon sa iba pang layunin; at 5. Mahahasa ang mapanuri at kritikal na pag-iisip.
  • 63. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Nais mong malaman kung ano ang kahulugan ng salitang mitolohiya. a. diksiyonaryo b. atlas c. tesawro d. almanac
  • 64. 2. Gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa Bulkang Mayon. a. diyaryo o peryodiko b. atlas c. tesawro d. almanac
  • 65. 3. Mababasa rito ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita. a. diyaryo b. almanac c. ensiklopedya d. tesawro
  • 66. 4. Dito mababasa ang pinakabagong impormasyon tungkol sa politika, kawilihan, isports, relihiyon, at iba pang nangyari sa loob ng isang taon. a. tesawro b. almanac c. diksiyonaryo d. diyaryo
  • 67. 5. Aklat o mga aklat na kakikitaan ng mga detalyadong impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa. a. almanac b. ensiklopedya c. tesawro d. atlas
  • 68. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang teksto. Punan ang diyagram ng wastong impormasyon.
  • 69.
  • 70.
  • 71. Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin nang maayos ang mga pangkalahatang sanggunian para sa iyong pag-aaral ?
  • 72. Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga puwang sa ibaba. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.
  • 73.
  • 74. Mahalaga ang paggamit ng mga (1.) ________________ sa pananaliksik gaya ng mga diksiyonaryo, almanake, (2.) _______________, atlas, peryodiko/ diyaryo, tesawro at internet.
  • 75. Maaaring matagpuan sa mga sanggunian sa pananaliksik ang sagot sa halos lahat ng tanong. Kailangan lamang maging matiyaga at (3.) _____________sa pananaliksik at paggamit ng mga sanggunian.
  • 76. Ang mga sangguniang ito’y maaaring nakalimbag na (4.) ______________ at maaari din namang mabasa (5.) ________________bilang isang application mula sa app store o android store para sa mga tablet, laptop, o computer.
  • 77. Panuto: Tukuyin ang sangguniang dapat gamitin upang matugunan ang hinihingi sa bawat bilang. Mula sa kahon, piliin ang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
  • 78.
  • 79. __________1. Ano ang pinakamalaking bansa sa Asya? __________2. Ano ang kasalungat ng salitang Maputi? __________3. Ano ang pinakasikat na pelikula noong taong 2014?
  • 80. __________4. Ano ang tamang bigkas ng salitang palatuntunan? __________5. Ano ang pangunahing balita ngayon?
  • 82. Magbalik-aral ka tungkol sa mga sanggunian. Ano ang ibig sabihin ng sanggunian? Magbigay ka ng halimbawa?
  • 83. Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pag-iisa-isa ng mga hakbang sa paggamit ng pangkalahatang sanggunian. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.
  • 84. Pagmasdan ang mga larawan. Ano-ano ang mga ito? Paano ito ginagamit?
  • 85.
  • 86. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Ang mga mag-aaral sa Grade 5- Mapanuri ay may aktibiting gagawin. Pinangkat ni Bb. Delos Santos ang mga ito ng 5 pangkat. Ang bawat pangkat ay magre-reseach/magsaliksik tungkol sa pangkalahatang sanggunian.
  • 87. Ito ay kanilang iuulat sa klase kinabukasan. Ang bawat pangkat ay nag-uusap kung paano nila ito maisagawa nang maayos kahit di sila magkakaharap. Ang bawat isa sa grupo ay nagbigay ng kani-kanilang mga ginawa at ang lider naman ang nagbuod sa nagawang pagsasaliksik.
  • 88. Kinabukasan, iniulat (online) ng tagapag-ulat ang kanilang mga gawa. Natuwa ang kanilang guro sa naging resulta ng aktibiti.
  • 89. 1. Anong aktibiti ang ipinagawa ni Bb. Delos Santos sa mga mag-aaral? 2. Maisagawa kaya ng mga bata ang aktibiti? 3. Paano kaya nila ito maisagawa nang maayos?
  • 90. 4. Ano ang naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang aktibiti kahit na di sila face to face o nasa new normal class? 5. Sa inyong palagay, magiging produktibo at epektib kung maging positibo ang bawat isa sa anomang gawain? Patunayan.
  • 91. Ang pangkalahatang sanggunian ay nakatutulong upang malaman ang mga bagay na nais nating malaman o matuklasan.
  • 92. Mga halimbawa: 1. Encyclopedia - isang set ng mga aklat na naglalaman ng maiikling artikulo o pangunahing impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. Nakaayos ito ng paalpabeto.
  • 93. 2. Dictionary – aklat na naglalaman ng mga salita, kahulugan ng salita, paano bigkasin ang salita at anong uri ito ng pananalita. 3. Almanac – aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, rehiyon, politika at iba pa.
  • 94. 4. Atlas – dito matutukoy ang mga mapang nagsasaad ng mga distansiya, lawak o lokasyon ng isang lugar 5. Internet – isang malawak na network ng mga kompyuter na ginagamit upang makapagbukas ng iba’t ibang klase ng impormasyon mula sa World Wide Web.
  • 95. 6. Pahayagan - naglalaman ito ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nagyayari sa lipunan, impormasyon tulad ng patalastas.
  • 96. Anong sangguniang aklat ang ang tinutukoy. Isulat ang sagot sa patlang. __________________1. Nagbalik tanaw tayo tungkol sa mga trahedya at sakunang naganap sa ating bansa noong taong 2019.
  • 97. __________________2. Isang sanggunian na kung saan pinagsama-sama ang mga mapa sa iisang aklat. __________________3. Nagbibigay ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa at lahat ay nakaayos ng paalpabeto.
  • 98. __________________4. Gusto mong malaman kung alin sa mga kontinente ang may pinakamalawak na lupaing nasasakupan.
  • 99. __________________5. Nagbibigay ng kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita, pagbibigkas, pagbabaybay at pagbabantas.
  • 100. Ngayon naman ay subukan mong gawin ang bahaging ito. Isagawa ang aktibiti sa ibaba. Anong sangguniang aklat ang ang tinutukoy. Isulat ang sagot sa patlang.
  • 101. ________________1. Makikita sa aklat na ito ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng isang salita. __________________2. Paghahanap sa mapa ng Pilipinas.
  • 102. __________________3. Tamang pagbaybay o pagpapantig sa salitang “anthropolohiya.” __________________4. Mga bansa sa kontinenteng Asya at mga lugar nito. __________________5. Mga palabas sa sine ngayong buwan.
  • 103. Ang pangkalahatang sanggunian ay mahalaga sa bawat isa. Ito’y nakatutulong upang madaragdagan ang ating kaaalaman. Marapat gamitin ang naangkop na sanggunian sa mga nais malaman o matuklasan.
  • 104. Tukuyin ang angkop na sanggunian ang gamitin sa mga sumusunod. Piliin ang sagot sa kahon. Ilagay sa hiwalay na papel ang sagot.
  • 105.
  • 106. _______1. Aling sanggunian ang iyong gagamitin upang malaman mo detalyadong impormasyon tungkol sa pinakamataas na bundok sa mundo? ________2. Nais mong malaman ang gamot sa COVID-19.
  • 107. ________3. Nagpapatulong ang iyong nakababatang kapatid sa kahulugan at wastong baybay ng mga salita. ________4. Anong sanggunian ang gagamitin upang malaman ang mga impormasyon tungkol sa industriya ng bansang Japan sa bawat taon?
  • 108. _________5. Aling sanggunian ang gagamitin mo upang ipakita sa iyong pinsan ang bansang Pilipinas at China. Isulat ang TAMA, kung wasto ang pangkalahatang sangguniang ginamit at MALI, kung di wasto.
  • 109. _______6. Atlas ang binuklat ni Jaime upang malaman ang kahulugan ng salitang naayon. _______7. Bumili ng pahayagan si Mang Nestor dahil nais niyang malaman/ magbasa ng balita ngayong araw.
  • 110. _______8. Madaling natutuhan ni Agnes ang araling tungkol sa longhitud at latitude gamit ang encyclopedia. _______9. Mabilis makagawa ng proyekto o anomang aralin gamit ang internet connection.
  • 111. _______10. Nawalan ng ilaw sila Mon, mayroon silang aralin tungkol sa mga scientist, kaya humiram siya ng encyclopedia sa kabitbahay upang magawa ang aralin.
  • 112. Filipino 5 Ikalawang Markahan, Ikasiyam na Linggo Pagtatala ng Impormasyon mula sa Binasang Teksto
  • 113. Kasanayan Sa Pagkatuto Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto F5EP-IIa-f- 10
  • 115. Bilang panimula ng gawain, ikaw ay magiging taga kompanya. Gumawa ng isang poster o patalastas tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuti at matapat na kaibigan. Gawin ito sa isang short coupon bond.
  • 116.
  • 117. Ang pagtatala ng imposmasyon ay ang pagiisa-isa ng mahahalagang datos na maaaring makuha sa isang tekstong binasa. Sa pagsulat ng mahahalagang paksa, maaaring ito ay naglalaman ng isa o higit pang salita, parirala, o pangungusap.
  • 118. Ang mga datos o impormasyon ay maaaring magamit sa pagsagot ng mga katanungan mula sa babasahing teksto.
  • 119. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong nabasa.
  • 120. Droga Ang droga ay isang uri ng substansyang gamot na kapag sinubukang tikman ay may malaking epekto sa katawan dahil naka-pagpapasigla ito at naka-pagpapalakas.
  • 121. Pero ang lubusan at labis-labis na paggamit nito bilang pampalakas at pampagising ay may malaking epekto din sa ating paraan ng pag-iisip.
  • 122. Marami ang nagsasabi na ito ay gamot na nakapagpapagaling ng ilang karamdaman. Pero sa dami rin ng mga sinasabi tungkol sa mali at masamang epekto nito sa pag-iisip, natatakot ang ilan na subukang tikman ito.
  • 123. Kung iisipin, totoo namang gamot na pampalakas ang droga. Ang mga taong naadik sa paggamit nito ay lumilikha ng gulo sa lipunan. Madalas na sila na lamang ang laman ng mga balita tungkol sa matindi at brutal na pananakit/ pagpatay sa mga babae, batang babae, lalaki, batang lalaki at pamilya pa nga.
  • 124. Nagiging makasarili dahil sa kanilang kagustuhan na masapatan ang kanilang adiksyon, nagagawa nilang magbenta ng mga bagaybagay ng hindi pinag-iisipan ito. Isa pa, nagagawa din nilang magnakaw, manggahasa at pumatay.
  • 125. Marahil matutuldukan lamang ang suliranin na ito kung mas lalong pag -iigtingin ng gobyerno ang batas ukol sa pagsugpo nito.
  • 126. Sagutin ang mga tanong: __________________ 1. Ano ang droga? __________________ 2. Anu ano ang masamang epekto ng droga sa katawan ng mga taong gumamit nito?
  • 127. __________________ 3. Ano masamang epektong dala ng droga sa ating lipunan? __________________ 4. Paano masusugpo ang droga?
  • 128. Ano ang iyong naging basehan sa pagtatala ng mga impormasyon mula sa nabasa mong teksto? Ang mga ito ba ay gaya ng nasa ibaba? Mahalaga na nauunawaan mo ang tektong iyong binabasa upang mas madali mong maitala ang mahahalagang datos o impormasyon na nakapaloob dito.
  • 129. Sa pagtatala ng impormasyon, kinukuha rito ang mahahalagang bahagi ng teksto na posibleng sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit. Mas madali mong magagawa ito kung iisa-isahin mo ang mga mahahalagang kaisipan o ideya mula sa binasa mong teksto.
  • 130. Maaaring naglalaman ng isa o higit pang salita, parirala, o pangungusap ang impormasyon na iyong itatala. Ang mga nabanggit ay maaaring mong maging gabay upang mas lalong maunawaan mo ang mga paraan na maaari mong gawin sa pagkuha o pagtatala ng impormasyon mula sa iyong binasang teksto.
  • 131. Basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
  • 132. Ano-ano ang kahalagahan ng pagsusulat ng islogan? Paano ito nakaiimpluwensiya ng pananaw sa buhay?
  • 133. Online Learning Ang online learning ang isa sa magandang pagbabago sa paraan ng pag-aaral para madagdagan ang ating kaalaman at kakayahan dahil pwede itong gawin kahit saan, kahit kailan.
  • 134. Gumagamit ng internet at hindi sa tradisyonal na silid-aralan ang pagtuturo gamit ang online learning. Ito ay isang kategorya ng distance learning na tinatawag din e-learning o electronic learning.
  • 135. Dahil dito, halos lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng daan tungo sa edukasyon, kahit nasaan pa sila, basta’t sila ay may internet. Kaysa magaksaya ng panahon kakagamit ng social media, isang paraan para maging produktibo tayo online, ay sa pamamagitan ng online courses.
  • 136. Mga tanong: ____________________1. Ano ang online learning? ____________________2. Ano ang kailangan upang maisagawa ang online learning?
  • 137. ____________________3. Saan isinasagawa ang online learning? ____________________4. Bakit naglunsad ang Departamento ng Edukasyon ng online learning?
  • 138. Bumuo ng isang maikling teksto mula sa pamagat at mga impormasyon nakatala sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
  • 139.
  • 140.
  • 141. Piliin ang mahahalagang impormasyong nakapaloob mula sa binasang teksto.
  • 142. Itala ang mga ito sa loob ng graphic organizer. Filipino: Wikang Pambansa Taun-taon ay hindi nakakalimutan ng mga Pilipino na ipagdiwang ang Linggo ng Wika. Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto.
  • 143. Ang selebrasyong ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika ng ating bansa.
  • 144. Ang lahat ng mga institusyong pang- edukasyon gaya ng mga paaralan at unibersidad, at maging ibang sangay ng pamahalaan ay nakikilahok sa iba’t ibang gawaing nagpapakita ng malayang pag gunita sa Linggo ng Wika.
  • 145. Naging paraan na rin ng mga Pilipino ang pagsasagawa ng mga munting patimpalak at gawaing may kinalaman sa selebrasyong ito.
  • 146. Ang paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, ay ilan lamang sa iba pang gawain na isinasagawa upang maipakita ang malaya at makabuluhang paggamit ng wikang Filipino.
  • 147.
  • 148. Ano anong mga hakbang ang iyong ginamit upang makapagtala ng mga impormasyon mula sa binasang teksto? Ganito ba ang iyong mga sagot? Kung gayon, tama ang kalinangan na iyong natutunan sa pagtatala ng mga impormasyon mula sa binasang teksto?
  • 149. Ang mga hakbang na ito ay ang mga sumusunod: ● Pag unawa sa tekstong binasa ● Pag isa-isa ng mga ideya at impormasyong nakapaloob sa binasang teksto ● Pagkuha ng mahahalagang impormasyong sumasagot sa mga tanong na ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit.
  • 150. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
  • 151. Kalamidad: Paano Mapaghahandaan? Ang kalamidad ay isang pangyayari na hindi maaaring iwasan ngunit maaaring paghandaan. Isa itong pangyayari na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng milyun-milyong halaga ng ari-arian.
  • 152. Ang mga kalamidad tulad ng baha, lindol, landslide, tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat.
  • 153. Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente.
  • 154. Mahalaga rin ang panonood sa telebisyon at pakikinig sa radyo ng balita para maging updated sa mga pangyayari bago pa man dumating ang kalamidad nang sa gayon ay mabigyan agad ng abiso ang miyembro ng pamilya na hindi pa nakakauwi sa bahay.
  • 155. Siguraduhin rin nasa loob ng bahay ang mga bata upang maiwasang masaktan ang sinuman sa kanila sa oras ng kalamidad. Ang pinakamahalaga sa lahat ay huwag magpanik upang manatiling malinaw ang isipan.
  • 156. Mga Tanong: ___________________ 1. Ano ang kalamidad? ___________________ 2. Anu-ano ang mga halimbawa ng kalamidad?
  • 157. ___________________ 3. Ano ang mga paghahanda na maaari nating gawing upang makaiwas sa mga sakunang dala ng mga kalamidad? ___________________ 4. Bakit mahalagang maging kalmado tayo sa oras ng kalamidad?
  • 159. Magbalik aral ka sa nakaraang aralin. Ano ang gagamitin mong sanggunian kung maghahanap ka ng sumusunod: 1. Tiyak na lokasyon ng bansang Singapore. 2. Mahalagang impormasyon tungkol sa hayop na Kuala.
  • 160. 3. Tamang bigkas ng salitang tubo. 4. Ang latitude na sukat ng isang bansa. 5. Mga naganap kahapon sa kongreso.
  • 161. Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagtatala ng mga impormasyon mula sa binasang teksto. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.
  • 162. Itala ang maaaring impormasyon na makukuha o maiisip mula sa larawan.
  • 163.
  • 164. Ngayong handa ka na, simulan na natin ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa sa isang balita nang may pag-unawa. Sagutin ang mga tanong. 2021 budget ng PCOO suportado ni Bong Go (Pilipino Star Ngayon ) - October 15, 2020 - 12:00am MANILA, Philippines —
  • 165. Sinuportahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang 2021 budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kasabay ng panawagan sa ahensiya na ipagpatuloy ang pagbabahagi ng tama at napapanahong ulat tungkol sa pamahalaan.
  • 166. Ayon kay Go, napakahalaga ng papel ng PCOO bilang lead communications arm ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon, gayundin sa paglaban sa mga mapanlinlang o pekeng balita na nakapagbibigay ng kalituhan sa publiko, lalo ngayong may pandemya.
  • 167. Idiniin niya na ang PCOO at attached agencies nito ang nagpapalakas sa sambayanang Filipino na mapalalim ang kanilang sibikong pagkilos para mabigyan ng impormasyon, ma-educate at malinawan hinggil sa pambansang interes.
  • 168. Pinuri ni Go ang mga nagiging accomplishments ng PCOO sa pamumuno ni Secretary Martin Andanar para mapalawak at mapalakas ang communication efforts ng pamahalaan.
  • 169. 1. Tungkol saan ang binasang impormasyon? 2. Sino ang sumuporta sa 2021 budget? 3. Ano ang ibig sabihin ng PCOO? 4. Bakit mahalaga ang papel na gagamapanan ng PCOO?
  • 170. 5. Ano kaya ang mangyayari kapag di maaprubahan ang budget 2021? 6. Ano-ano ang iba pang impormasyon na makikita sa binasa? Isa-isahin ito.
  • 171. Ang pagtatala ay pagsulat ng impormasyong nakalap sa binasang teksto. Kinakailangang mabasa at maunawaan ang binasa upang maitala ang mga importanteng detalye mula sa binasang teksto.
  • 172. Laging itatala ang mga impormasyong sasagot sa tanong na ANO, SAAN, KAILAN, SINO, BAKIT at PAANO.
  • 173. Ngayon naman ay subukan mong gawin ang bahaging ito. Basahing mabuti. Sagutin ang tanong at ilagay ang iyong sagot sa papel.
  • 174. Tayo’y Magkaisa Para sa Kapayapaan Naniniwala ka ba sa pahayag na ito, “unity in diversity”? Lubhang nakababagabag ang mga huling ulat tungkol sa mga pambobomba sa Mindanao na ikisanawi ng maraming tao. Kung minsan ang nakararindi na ang pagtuturuan ng pamahalaan at MILF sa mga posibilidad na kalutasan sa mga pangyayari.
  • 175. Itinatanggi ng huli ang suspetsa ng una na sila ang may kagagawan ng terorismo. Idinagdag pa rito ang walang kuwentang awayan sa pagitan ng mga relihiyon, bagay na walang puwang sa modernong lipunan.
  • 176. Bagama’t tunay na nakatitigatig ng damdamin ang mga nakaraang pangyayari, hindi dapat idawit ang relihiyon sa usapang ito.
  • 177. Manapa’y magkaisa’t magkahawak- hawak ng kamay ang bawat isa, na dapat ay maging matalino ang lahat ng nasasangkot at maunawaang may solusyon sa problema bukod sa pagpapatayan at pag-uubusan ng lahi.
  • 178. 1. Tungkol saan ang binasang teksto? 2. Sino-sino ang mga nabanggit sa teksto? 3. Anong lugar ang pinagyarihan ng kaguluhan?
  • 179. 4. Bakit may patayang nagaganap sa lugar na nabanggit? 5. Magbigay ng 3 paraan kung paano ka makatutulong sa pagbibigay ng kapayapaan sa ating bansa.
  • 180. Basahin nang may pag- unawa ang teksto. Sagutin ang mga tanong.
  • 181. Isulat ang sagot sa papel. Handa Ka na Ba? Kay bilis ng pag-unlad nitong bayan sa larangan ng modernisasyon at industriyalismo. Hatid ba ito ng karunungang buhat sa edukasyon?
  • 182. Marahil bunga ito ng karunungan sa pagtuklas ng teknolohiya at siyensiya. Hindi naman masama, bagkus ay mabuti, ngunit para lamang nakapagtataka. Sinasabing ang pag-unlad ay hatid ng modernisasyon atindustriyalisasyon sa bansa pero bakit may mga tao pa ring lubhang nagdarahop sa kalagayang pangkabuhayan.
  • 183. Marami pa ring taong palaboylaboy sa lansangan at namamalimos. Nariyan pa ang mga batang kapos sa pinag-aralan dahil hindi sila nakatuntong sa paaralan dahil nasa lansangang namamalimos. Kahit na gumagawa na ang pamahalaan at mga taong may busilak na puso upang maturuan ang taong nasa lansangan.
  • 184. May mga iba pa rin ang patuloy sa nakagawiang gawain. Samantalang may mga taong nabubuhay sa siyensiya at teknolohiya…sa computers… sa fax … sa cellphone… at text at sa iba pang makabagong mekanismo para sa kaunlaran.
  • 185. Paano makasasabay ang mga taong hindi nakapag-aral? Ikaw, handa ka na ba sa makabagong mundo na tila yata punong-puno ng pagbabalatkayo? Anong masasabi mo? Handa Ka na ba?
  • 186. 1. Ano-ano ang mga nabanggit na makabagong teknolohiya sa tekstong binasa? 2. Batay sa teksto, ilarawan ang mga tao sa panahon ng modernisasyon.
  • 187. 3. Mula sa binasa, bakit may mga taong naghihikahos pa rin kahit umuunlad na ating bansa? 4. Ikaw ba’y handa sa anomang pagbabago sa ating mundo? Paano?
  • 188. 5. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaaring mong gawin upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao sa panahon ng pagbabago?
  • 189. Ugaliing magbasa, itala ang mahalagang impormasyon upang makatulong sa madaling pang- unawa. Laging tandaan ang mga sagot sa tanong na Ano, Saan, Kailan, Sino, Bakit at Paano.
  • 190. Basahin ang teksto sa ibaba. Itala ang mahahalagang impormasyong nakapaloob dito sa kolum.
  • 191. Epekto ng bullying Ang salitang bullying ay maaaring napaka simple lang kung iisipin. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, ang salitang bullying ay kayang sumira ng isang buhay, kayang lumugmok ng isang tao, at higit sa lahat ay kumitil ng isang buhay.
  • 192. Hindi biro ang isang salitang akala natin ay napakasimple lamang ngunit ang epekto pala ay ganoon nalang ka bigat at nakakatakot.
  • 193. Ang bullying o pangungutya sa kapwa ay isa sa mga problemang kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. Ang bullying sa kasalukuyan ay hindi lamang limitado sa mga kabataan sa paaralan, maging sa trabaho at sa mga nakakatanda ay mayroong bullying na nagganap narin.
  • 194. Talaga nga na laganap na ito ngayon. Mga simpleng pagpintas sa pisikal na anyo ng isang tao hanggang sa mga pagmamaliit sa kakayahan at kapansanan ay bakas sa lipunan.
  • 195. Ang epekto ng mga ganitong pamimintas at pagmamaliit ay lubhang nakakabahala lalong-lalo na sa mga taong hindi ganoon ka taas ang pasensya at pag-intindi.
  • 196. Kaya ang kadalasang nangyayare, ay nagreresulta sa depresyon na humahantong sa masalimuot na pagpapakamatay. Ang mga pagpapakamatay na bunga ng bullying ay lubhang nakababahala.
  • 197. Kaya mahalagang sa maagang panahon ay mamulat ang lipunan sa masamng epekto ng bullying upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari. Mahalaga ang aktibong partisipasyon ng buong lipunan o komunidad upang masugpo ang patuloy na pagdami ng biktima ng bullying.