2. Noong ikalabing-walong daangtaon sa bundok ng
Arayat ay may isang
diwatang engkantada.
Siya ay napakaganda,
ang katawan niya ay
balingkinitan at ang
buhok ay kulot at mahaba.
3. Mahaba ang kanyang pilik mata malantik ang kilay. Ang
ilong niya ay katamtaman ang tangos. Ang labi ay mala
rosas at ang balat ay kayumanggi kaligatan. Nakasuot
siya ng manipis at nanganganinag kaya litaw ang
magandang hugis ng katawan..
4. Kung anong ganda ang kanyang anyo, ay lalong
maganda ang kanyang ugali. Siya ay malubagin at
maunawain at laging handing dumamay sa kanyang
kapwa.
5. Natatamnan ng iba’t-ibang
uri ng punongkahoy at naglipana rin ang mga
hayop doon. At ang pinagtatakahan ng mga tao
ay kung bakit malalaki ang mga bungangkahoy
at maamo ang mga hayop.
6. Pag-aari ni Maria ang mga punongkahoy at mga
hayop sa Arayat. Ang mga bungangkahoy at mga
hayop ay ipinamimigay niya sa mahihirap na tao.
7. Pag-gising nila sa umaga ang mga bungangkahoy ay
nasa hagdanan na lang nila. Alam nilang iyon ay
inilagay doon ni Maria habang sila ay natutulog pa.
8. Subalit paglipas ng panahon ang mga tao’y
nagbago at naging sakim. Hindi sila makuntento sa
ipinagkakaloob sa kanila. Ibig nila ay marami pang
bagay ang kanilang makamtan.
9. . Minsan nagkaisa ang mga kalalakihan na
puntahan at akyatin ang bundok ng Arayat. Sa
paanan palang ng bundok ay naroroon ang mga
punong hitik sa bunga.
10. Ang mga tao ay abalang-abala pagpapasasa sa
mga bungang kahoy nang dumating si Maria.
Silang lahat ay nagulat dahil sa nakasisilaw na
liwanag na nakapaligid kay Maria. Silang lahat ay
natakot.
11. Unang nagsalita si Maria, “mga lalaki, kayo’y aking
tinatanggap sa aking bakuran, kayo ay maaring
manguha ng punongkahoy. Kumain kayo
hanggang gusto ninyo, subalit huwag lang sana
kayong mag-uwi ng anuman na wala akong
pahintulot,” at pagkaraan ay naglaho ang
engkantada.
12. . Ang mga tao’y namitas ng mga bungangkahoy at
nagpakabusog, nanghuli ng mga hayop. Binaliwala
nila ang babala ni Maria na huwag siang mag-uwi
ng kahit ano.
13. Bumaba sila mula sa bundok. Nagtataka sila kung
bakit ang pasan-pasan nilang mga sako ay pabigat
ng pabigat. Nang ibaba nila at buksan, nakita
nilang ang laman ng mga sako ay bato. Saka nila
naalaala ang banta ni Maria.
14. Ngunit bago sila nakababa. “Mga walang hiya!
Kayo’y tinulungan ko sa sandali ng inyong
kagipitan iyan pa ang igaganti niyo sa akin.
Sapagkat kayo ay matatakaw, kayo’y gagawin
kong mga baboy
15. ” Iniwaswas ni Maria ang kanyang baston at ang
mga tao ay naging baboy. Nagmalaki pa ang
mga tao kaya’t itinigil na ni Maria ang pagbibigay
ng tulong sa kanila
16. Sa paniwalang ang hinihiling ni Maria ay sa
kabutihan din nila, sumuko sila kay Maria at mula
noon ay nakilala na si Mariang Sinukuan.