6. Ang Matulunging Mag-anak
Ang mag-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila
ay pumunta sa kalapit na barangay upang tulungan
nga mga nasunugan. Sina Aling Nena at Manong
Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Ben, Tina at
Leo ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain
na ipamimigay. “Ako na ang maglalagay ng mga
noodles sa plastik” sabi ni Ben. “Ikaw naman, Tina, ang
maglalagay ng mga de-lata, siya naman ang
maglalagay ng mga bigas” sabay turo ng dalawang
bata kay Leo.
7. 1. “Ako na ang maglalagay ng mga noodles sa
plastik” sabi ni Ben.
Basahin ang mga pangungusap galing sa kuwento.
2. “Ikaw naman, Tina, ang maglalagay ng
mga de-lata.
3. “Siya naman ang maglalagay ng mga bigas”
sabay turo ng dalawang bata kay Leo.
8. - uri ng panghalip na humahalili sa
ngalan ng tao.
PANGHALIP
PANAO
- ito ay mula sa salitang "tao",
kaya't nagpapahiwatig na "para
sa tao" o "pangtao".
9. - ito ay ginagamit ng tagapagsalita
na tumutukoy sa kaniyang sarili.
Halimbawa:
Mga gamit ng Panghalip Panao
Ako ay nasa
Ikalawang
Baitang.
10. - ito ay tumutukoy sa tao na
kinakausap.
Mga gamit ng Panghalip Panao
Halimbaw
a:
Ikaw na ang bahala
sa mga kalat sa bahay.
11. - ito ay katagang ginagamit na pampalit sa
pangalan ng tao na pinag-uusapan.
Mga gamit ng Panghalip Panao
Halimbaw
a:
Siya ang aming
nakatatandang
kapatid.
12. - ito ay ginagamit ng higit sa isang
tao na nagsasalita o sumusulat, at sa
pagtukoy sa kanilang sarili.
Mga gamit ng Panghalip Panao
Halimbaw
a:
Tayo ang lalahok
sa paligsahan.
13. - Ito ay ginagamit bilang pamalit sa
pangngalan ng dalawa o higit pang
tao na kinakausap.
Mga gamit ng Panghalip Panao
Halimbaw
a:
Kayo ng Kuya
Amadeo mo ang
maglilinis ng
garahe.
14. - ito ay ginagamit bilang pamalit sa
pangngalan ng dalawa o higit pang
tao na pinag-uusapan.
Mga gamit ng Panghalip Panao
Halimbaw
a:
Sila ang mga
kaibigan ko sa
Maynila.
15. - Ang mga Panghalip Panao ay ako, ikaw,
siya, tayo, kayo at sila.
- Ito ay ginagamit na pangpalit o panghalili
sa mga pangalan ng tao.
- Ito ay mula sa salitang "tao", kaya't
nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao".
16. Panuto: Tingnan ang larawan. Piliin sa panaklong at bilugan
ang wastong panghalip panao batay sa larawang
ipinapakita.
1.(Ako, Ikaw) ay nagsisipilyo.
2. (Ako, Kami) ay magkaibigan.
17. 3. (Siya, Tayo) ang ating guro.
4.(Ikaw, Sila) ay magkakapamilya.
5.(Siya, Tayo) ay maglaro ng basketbol.
18. Panuto: Sa loob ng mga regalo ay may sorpresang panghalip panao.
Pumili ng isa at gamitin ito sa pangungusap.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25. Napakasya naman! Tatawagan ko
muna si Bert upang (3) _________
na ang magdadala ng keyk.
Walang problema,
Anna.(2)_______na
ang magbibigay
nito sa kanya.
Shena,
(1)________ na
ang magbigay
ng regalong ito
kay Gng. Cruz.
Panuto: Punan nang tamang panghalip na panao ( ako, ikaw , siya)
upang mabuo ang usapan.
Ikaw
Ako
siya
26. Maraming Salamat sa inyong sorpresa
mga bata. (4)_________ ay talagang masaya
ngayon. Sana ay patuloy kayong mag-aral
ng mabuti.
Walang anuman po, Gng.
Cruz. Maligayang kaarawan
ulit.
(5) ________, ang pinakagusto
naming guro!
Ako
Ikaw
27. Panuto: Bilugan ang wastong salitang pamalit sa ngalan ng tao (tayo,
kayo at sila) upang mabuo ang pangungusap.
1. Sina Romeo at Carlo ay mahilig maglaro ng basketbol.
________ ay sikat sa larong ito.
a. Tayo b. Kayo c. Sila
2. Hali na kayo mga anak at sama-samang magtanim na _______, sabi ng
ina.
a. tayo b. kayo c. sila
3 . Ikaw at si Mario ang gagawa ng proyekto natin sa Filipino dahil may
pupuntahan pa akong meting, wika ni Karl.
_______ nalang din ang magpapasa nito kay Bb. Marcos.
a. Tayo b. Kayo c. Sila
28. 4. Dahil, Pilipinas ang bansa natin, ________ ay mga
Pilipino.
a. Tayo b. Kayo c. Sila
5. Ang magkakaibigang Mary, Joy at Alma ay mahilig
kumanta.
_________ ay nagmana sa kanilang mga magulang.
a. Tayo b. kayo c. Sila
29. Panuto: Gamitin ang mga panghalip na nasa loob ng mansanas
upang mabuo ang pangungusap. Isulat ito sa patlang.
Ako Ikaw Siya Kayo Tayo Sila
1. Sina Marco, Joe at Lara ay magsasanay ng badminton.
___________ ay lalahok sa paligsahan sa badminton.
2. Ikaw, si Alex at Gino ay kababata ko.
___________ ba ay mahilig din manghuli ng ibon?
3. _________ ba ang nakakita ng pitaka ko Ron?, tanong ni Sam
kay Ron.
30. Ako Ikaw Siya Kayo Tayo Sila
4. Cora ang tawag nila sa akin.
___________ ay masiyahing bata.
5. Ako at ikaw ay matalik na kaibigan
___________ ay palaging naglalaro.
6. Si Tina ay mahilig sa bulaklak.
___________ ay palaging nagtatanim nito.
Magandang Araw. Narito ulit ako si teacher Jawanne upang turuan ulit kayo sa Asignaturang Filipino sa Ikalawang Baitang, Ikatlong Markahan. Sana ay nasa mabuti pa rin kayong kalagayan. ang ating Aralin ngayong araw ay mga salitang pamalit sa Ngalan ng tao.
Bago tayo magsimula, magkakaron muna tayo ng panuntunan sa ating silid-aralan. Anong mga alituntunin ba ang dapat nating ilapat kapag ang guro ay nagkakaroon ng klase? Sige, magbigay nga ng mga alituntunin.
Bago tayo magpatuloy, magbalik-aral muna tayo. Sabihin kung ang mga sumusunod na larawan ay tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Unahin natin ang larawang ito. Tama, pangyayari. Ito ay larawan ng pagdiriwang ng Pasko. Ito naman ay bagay. Lugar o pook naman ang larawang ito. Itong sumunod ay tao at panghuli ay hayop. Ano ang tawag sa mga ito? Tama, PANGNGALAN.
Tingnan ang mga larawan, Ano ang nakikita ninyo? Tama, may isang bahay na nasusunog. May kakikilala ka na bang nasunugan ng bahay? Nakakalungkot diba? Kaya dapat laging mag-ingat lalo na tuwing buwan ng Marso? Alam nyo ba kung bakit?
Dahil sa pagpasok ng buwan ng Marso, simula na rin ng Summer Season o tag-init na isa sa mga nangungunang sanhi o dahilan ng sunog. Ito rin ang buwan na kung saan maraming naitatalang insidente ng sunog ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Kaya ang buwan ng Marso ay itinakdang "Fire Prevention Month".
Ang sunog ay walang pinipiling oras at biktima buong taon. Pwede ba kayong magbigay ng mga hakbang o mga pag-iingat sa pag-iwas sa sunog? (Iba-Iba ang sagot)
•Itabi/itago ang mga lighters at mga posporo na hindi maaabot ng mga bata.•Ilayo ang mga nakasinding kandila sa mga kurtina.•Siguraduhing nakasadong mabuti ang kalan pagkatapos itong gamitin.•I-check ang LPG tank pati na rin ang hose nito kung mayroong singaw.•Palitan ang mga depektibong mga kable ng kuryente.•Itabi ang mga nagliliyab na bagay malayo sa kusina.•Huwag mag overload ng mga saksakan ng mga appliances.
Kaya laging maging alerto sa mga posibleng mangyari sa panahon ng sakuna. Lagi tayong mag ingat upang maiwasan ang kapahamakan.
Ngayon, tingnan naming natin ang dalawang larawan. Ano ang kanilang mga ginagawa? Tama, sila ay nag-eempake ng mga donations/ relief goods. At sa baba naman sila ay namimigay ng pagkain sa mga tao. Napakabait at matulungin nila, diba?
Mayroon akong maikling kwento para sa inyo. Ito ay tungkol sa isang pamilyang matulungin. Makinig mabuti at babasahin ko ang kuwento.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Sino ang tatlong bata sa kuwento? (Ben, Tina at Leo)
2. Bakit sila pumunta sa kalapit na barangay? (Upang tumulong)
3. Anong uri ng mga bata ang magkakapatid? (mabait)
4. Anong katangiang taglay ng mag-anak? (matulungin)
5. Kung may nangangailangan na kapwa, ano ang gagawin mo?
(Iba-Iba ang sagot)
ESP Intergration:
Tandaan: Ang pakikipagtulungan o pagdamay sa mga nangangailangan ay pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa
Basahin ang mga pangungusap galing sa kuwento.
*Ano ang ginamit ni Ben na pantukoy sa kanyang sarili habang sinasabi niya na siya ang maglalagay ng mga noodles sa plastic? (Ako)
*Ano ang ginamit niyang pangtukoy kay Tina habang sinasabing maglalagay si Tina ng mga de-lata? (Ikaw)
*Ano naman ang ginamit na pantukoy nila kay Leo, na siyang maglalagay ng mga bigas? (Siya)
Ang mga salitang ako, ikaw at siya ay mga Panghalip Panao.
Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga ito?
Ano nga ba ang panghalip panao? Ang panghalip panao ay uri ng panghalip na humahalili sa ngalan ng tao. Ito ay mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig
na "para sa tao" o "pangtao“
Kailan ba ginagamit ang mga ito? Alamin natin.
Mga Gamit ng Panghalip Panao
Ako. Ito ay ginagamit ng tagapagsalita na tumutukoy sa kaniyang sarili.
Halimbawa: Ako ay nasa Ikalawang Baitang.
Ikaw. Ito ay tumutukoy sa tao na kinakausap.
Halimbawa: Ikaw na ang bahala sa mga kalat sa bahay.
Siya. Ito ay katagang ginagamit na pampalit sa pangalan ng tao na pinag-uusapan.
Halimbawa: Siya ang aming nakatatandang kapatid.
Tayo. Ito ay ginagamit ng higit sa isang tao na nagsasalita o sumusulat, at sa pagtukoy sa kanilang sarili.
Halimbawa: Tayo ang lalahok sa paligsahan.
Kayo. Ito ay ginagamit bilang pamalit sa pangngalan ng dalawa o higit pang tao na kinakausap.
Halimbawa: Kayo ng Kuya Amadeo mo ang maglilinis ng garahe.
Sila. Ito ay ginagamit bilang pamalit sa pangngalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan.
Halimbawa: Sila ang mga kaibigan ko sa Maynila.
Naintindihan nyo na ba ang mga panghalip panao?
Alam nyo na ba kung kalian sila ginagamit?
Anu-ano nga ang mga ito?
Tandaan : Ang mga Panghalip Panao ay ako, ikaw, siya, tayo, kayo at sila.
Ito ay ginagamit na pangpalit o panghalili sa mga pangalan ng tao.
Ito ay mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao".
Kaya ang tawag sa dito ay Panghalip Panao.
Para sa inyong Gawain, piliin sa panaklong ang wastong panghalip panao batay sa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Para sa inyong Gawain, piliin sa panaklong ang wastong panghalip panao batay sa larawan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain 3:
Panuto: Punan nang tamang panghalip na panao( ako, ikaw , siya) upang mabuo ang
usapan.
Halimbawa: Gusto ko sanang sumama sa mga kaibigan ko na magbakasyon sa Boracay Island pero hindi ako pinayagan ng aking mga magulang ko.