PANGKAT 5: BOYLE: LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA
PADRE FLORENTINO
SINO SI PADRE FLORENTINO?
ď‚· Klerigong Indiyo na tiyuhin ni Isagani
ď‚· Hindi mahilig makapaghalubilo sa ibang tao
ď‚· Walang bisyo
ď‚· Anak ng napakayaman at kilalang tao sa Maynila
ď‚· Walang hilig sa bokasyon ng pagpapari subalit dahil sa panata ng ina, napilitang pumasok
sa semenaryo
ď‚· Idinaos ang kanyang unang misa na tatlong araw ang nagging pagdiriwang hanggang sa
namatay ang kanyang ina.
ď‚· Isang lingo bago ang kanyang unang misa ay nagpakasal ang kanyang kasintahan sa kung
sinong lalaki.
BUOD NG KABANATA 2
Pangyayari:
Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao – kasama ng mga makina,
bulwak na tubig na nakahalo, at walang tigil na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga
kabataan, mga mag-aaral at indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si
Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang nasubsob sa paghithit ng apyan.
Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan Basilio ang ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng
wikang Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa pag-inom ng alak. Matapos umalis
ni Simoun ay inisinalaysay ang buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at
sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito anyayahing umakyat.
Kaugaliang Pilipino:
Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa; pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan
tungo sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa
kalooban niya; kalagayan ng pag-iisip muna sa balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi
natutupad ang mga balak.
PANGKAT 5: BOYLE: LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA
Sakit ng Lipunan:
Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng payan na silang nakakasira ng mga tao;
pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang
Kastila
Isyung Panlipunan:
Paggamit ng bawal na gamot
Sinabi sa kabanatang ito na si Kapitan Tiyago ay gumagamit ng opyo, isang bawal na
gamot. Dahil dito, ang kanyang kalusugan ay nagdurusa.
Mga Pahiwatig ng Kabanata:
Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan
upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.
Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng
kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon. “ Anumang bagay na naisin ng
magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay nasusunod.”
BUOD NG KABANATA 3
Pangyayari:
Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan
nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan
nito. Nagsimula silang magkwento ukol sa mga iba’t ibang alamat – ang Malapad-na-Bato Ito
ay banal sa katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirahan daw ng mga tulisan
ay nawala ang takot sa espiritu at nasalin sa mga tulisan.; ang tungkol kay Donya Geronima na
ang kasintahang nangakong siya’y pakakasalan ay nag-arsobispo. Si Simoun ay nakipagtalo ukol
sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong sa isang kweba; Alamat ni San Nicolas, ang
pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang
PANGKAT 5: BOYLE: LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA
demonyong buwaya; ang huli’y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya’y binaril
at nagkaroon ng kulay dugo ang lawa’t hindi na siya muling nakita. Namutla si Simoun at
nagsawalang kibo na lamang.
Kaugaliang Pilipino:
Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo
ay laging tama; pagtigil sa paniniwala sa pamahiin at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa
Kristiyanismo.
Sakit ng Lipunan:
Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis
sa taong walang sala
Pahiwatig ng Kabanata:
Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang
kasintahan. Ito’y nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina.
BUOD NG KABANATA 39
Pangyayari:
Nalungkot si Padre Florentino kung kaya’t siya’y tumugtog ng armonium. Kaaalis
lamang ni Don Triburcio nang may dumating na liham galing sa tinyente. Malubha si Simounng
humarap ito kay Padre Florentino. Walang ibang inisip si Padre Florentino kundi ang iligtas si
Simoun. Si Simoun ay uminom ng lason at walang balak na mailigtas ang kanyang sarili. At
ipinagtapat nito ang kanyang nakatagong sekreto: (1) Ang kanyang totoong pangalan at (2) Ang
hangarin ng kanyang pagbabalik. Inihingi ng tawad ng pari sa Diyos ang binata sa mga
pagkukulong nito at inamin rin niya na siya’y nagkamali. Matapos ang pagtatapat ay napailing si
Simoun at nagbuntong hininga at nabatid ni Padre Florentino na ang binata ay wala ng buhay.
Nangilid sa luha si Padre Florentino. Mapayapang nagdasal ito at ipinamana niya sa karagatang
ang naiwang kayaman ni Simoun.
PANGKAT 5: BOYLE: LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA
Simbolismo:
ď‚· Magkaibang pananaw tungkol sa Diyos at sa paraanng paghihiganti.
ď‚· Pagiging tapat sa sarili at maprinsipyo.
ď‚· Ang pagtapon ng kayamanan sa dagat.
ď‚· Ang pag-aminni Simoun sa kanyang sekreto.
ď‚· Ang hindi pagnais ni simoun na maligtas ang kanyang sarili
ď‚· Kabaitan ng mga minamaliit na Indiyo.
Mga Pahiwatig ng Kabanata:
 “Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.”
 “Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.”
 “Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarungan.”
 “Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng
karangalan ng tao.”
 “Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.”
MGA KATANUNGAN:
1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?
Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.
2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang
mabatidniyang siya ay darakpin kinagabihan?
Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.
3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang
tunayniyang pangalan?
Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal.
Kung sa gayon, hindi siyamapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang
mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ngkumpisalan.
4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin
anguna, pangalawa at pangatlong pagkabigo?
PANGKAT 5: BOYLE: LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA
a. Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si
Simoun. Hindi niyanaisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa
kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang
lubhang mahiwaga.
“Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ang dugo ng napakaraming
pagkakasala?”
- Padre Florentino

Fili report

  • 1.
    PANGKAT 5: BOYLE:LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA PADRE FLORENTINO SINO SI PADRE FLORENTINO?  Klerigong Indiyo na tiyuhin ni Isagani  Hindi mahilig makapaghalubilo sa ibang tao  Walang bisyo  Anak ng napakayaman at kilalang tao sa Maynila  Walang hilig sa bokasyon ng pagpapari subalit dahil sa panata ng ina, napilitang pumasok sa semenaryo  Idinaos ang kanyang unang misa na tatlong araw ang nagging pagdiriwang hanggang sa namatay ang kanyang ina.  Isang lingo bago ang kanyang unang misa ay nagpakasal ang kanyang kasintahan sa kung sinong lalaki. BUOD NG KABANATA 2 Pangyayari: Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang karamihan ng mga tao – kasama ng mga makina, bulwak na tubig na nakahalo, at walang tigil na paswit ng bapor – mayroong mga intsik, mga kabataan, mga mag-aaral at indyo. Ipinakilala si Basilio, isang mag-aaral ng medisina, at si Isagani at isinalaysay ang kalagayan ni Kapitan Tiyago na siyang nasubsob sa paghithit ng apyan. Pinag-usapan nila kasama ni Kapitan Basilio ang ukol sa panukala nila ukol sa Akademya ng wikang Kastila. Dumating si Simoun at sila’y nagtalo ukol sa pag-inom ng alak. Matapos umalis ni Simoun ay inisinalaysay ang buhay ng padreng kumupkop kay Isagani, si Padre Florentino, at sinabihang anak na huwag magpapakita sa kapitan upang hindi ito anyayahing umakyat. Kaugaliang Pilipino: Paniniwalang ang bata ay may kinabukasan pa; pagnanais sa pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa kaunlaran; pagsang-ayon ng anak sa mga kagustuhan ng magulang, labag man ito sa kalooban niya; kalagayan ng pag-iisip muna sa balakid bago ang kabutihan kaya’t hindi natutupad ang mga balak.
  • 2.
    PANGKAT 5: BOYLE:LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA Sakit ng Lipunan: Ang pag-inom ng serbesa o alak at paghithit ng payan na silang nakakasira ng mga tao; pagtanggi ng pamahalaan na bigyan ng sapat na edukasyon ang kabataan, lalo na sa wikang Kastila Isyung Panlipunan: Paggamit ng bawal na gamot Sinabi sa kabanatang ito na si Kapitan Tiyago ay gumagamit ng opyo, isang bawal na gamot. Dahil dito, ang kanyang kalusugan ay nagdurusa. Mga Pahiwatig ng Kabanata: Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan. Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon. “ Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa kalooban ng anak ay nasusunod.” BUOD NG KABANATA 3 Pangyayari: Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta ay nagbibiruan at nagsasayahan. Pinag-uusapan nila ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik na tila lumalagpak at ang mga kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento ukol sa mga iba’t ibang alamat – ang Malapad-na-Bato Ito ay banal sa katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirahan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu at nasalin sa mga tulisan.; ang tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahang nangakong siya’y pakakasalan ay nag-arsobispo. Si Simoun ay nakipagtalo ukol sa ginawa kay Donya Geronima na kinulong sa isang kweba; Alamat ni San Nicolas, ang pagsaklolo ng isang Intsik sa Panginoong hindi nya pinaniwalaan dahil sa paglabas ng isang
  • 3.
    PANGKAT 5: BOYLE:LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA demonyong buwaya; ang huli’y tungkol sa isang Ibarra na siyang tumalon sa lawa, siya’y binaril at nagkaroon ng kulay dugo ang lawa’t hindi na siya muling nakita. Namutla si Simoun at nagsawalang kibo na lamang. Kaugaliang Pilipino: Pananampalataya sa Panginoon; paniniwala sa mga espiritu; paniniwalang ang arsobispo ay laging tama; pagtigil sa paniniwala sa pamahiin at espiritu dala ng mga Kastila, lalo na sa Kristiyanismo. Sakit ng Lipunan: Pagpapatapon sa isang mabuting tao sa kulungan para lamang matahimik ito; pagtutugis sa taong walang sala Pahiwatig ng Kabanata: Ayon sa alamat, Si Donya Geronima ay tumanda dahil sa kahihintay sa kaniyang kasintahan. Ito’y nagpapahayag ng pagkamatapat ng babaing Pilipina. BUOD NG KABANATA 39 Pangyayari: Nalungkot si Padre Florentino kung kaya’t siya’y tumugtog ng armonium. Kaaalis lamang ni Don Triburcio nang may dumating na liham galing sa tinyente. Malubha si Simounng humarap ito kay Padre Florentino. Walang ibang inisip si Padre Florentino kundi ang iligtas si Simoun. Si Simoun ay uminom ng lason at walang balak na mailigtas ang kanyang sarili. At ipinagtapat nito ang kanyang nakatagong sekreto: (1) Ang kanyang totoong pangalan at (2) Ang hangarin ng kanyang pagbabalik. Inihingi ng tawad ng pari sa Diyos ang binata sa mga pagkukulong nito at inamin rin niya na siya’y nagkamali. Matapos ang pagtatapat ay napailing si Simoun at nagbuntong hininga at nabatid ni Padre Florentino na ang binata ay wala ng buhay. Nangilid sa luha si Padre Florentino. Mapayapang nagdasal ito at ipinamana niya sa karagatang ang naiwang kayaman ni Simoun.
  • 4.
    PANGKAT 5: BOYLE:LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA Simbolismo:  Magkaibang pananaw tungkol sa Diyos at sa paraanng paghihiganti.  Pagiging tapat sa sarili at maprinsipyo.  Ang pagtapon ng kayamanan sa dagat.  Ang pag-aminni Simoun sa kanyang sekreto.  Ang hindi pagnais ni simoun na maligtas ang kanyang sarili  Kabaitan ng mga minamaliit na Indiyo. Mga Pahiwatig ng Kabanata:  “Ang kayamanan ay malaking tukso sa buhay ng tao.”  “Kailangang maging mabuti ang kaparaanan upang maging mabuti ang wakas.”  “Binibigyang diin ang katotohanang kung walang kalayaan ay walang katarungan.”  “Ang kalayaa’y maaaring makamit sa tulong ng pagpapataas ng uri ng katuwiran at ng karangalan ng tao.”  “Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.” MGA KATANUNGAN: 1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun? Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba. 2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatidniyang siya ay darakpin kinagabihan? Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal. 3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunayniyang pangalan? Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siyamapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ngkumpisalan. 4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin anguna, pangalawa at pangatlong pagkabigo?
  • 5.
    PANGKAT 5: BOYLE:LOPEZ, LUIB, NALAZA, NOMBRE, OCSO, ORTEGA a. Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niyanaisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga. “Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ang dugo ng napakaraming pagkakasala?” - Padre Florentino