Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral ng kilos at asal ng tao upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan gamit ang limitadong resources. May dalawang pangunahing uri ng ekonomiks: maykroekonomiks na nakatuon sa maliliit na yunit tulad ng demand at suplay, at makroekonomiks na tinatalakay ang mas malaking aspeto gaya ng pambansang kita at kawalan ng trabaho. Kabilang sa mga dibisyon ng ekonomiks ang produksiyon, pagkonsumo, pagpapalitan, at pamamahagi, kasama na ang iba't ibang kaisipan ng mga ekonomista tulad nina Adam Smith at John Maynard Keynes.