MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
Ms. Luvyanka Polistico
PRESYO
Malaking salik ang presyo ng mga bilihin o
serbisyo sa pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
Kapag mababa ang presyo ng serbisyo at
produkto tulad ng damit, sapatos, pagkain at iba
pa, madaling mahikayat ang tao na bumili ng mga
ito gayong hindi naman talaga kailangan.
PAG-AANUNSIYO
Nagbabago ang kagustuhan ng tao batay sa
kaniyang mga napapanood sa telebisyon,
naririnig sa radio, nababasa sa mga pahayagan at
nakikita sa social media platforms.
PANLASA
May magkakaibang panlasa ang bawat
indibidwal na siyang nakakaapekto sa
kanyang mga pangangailangan at
kagustuhan.
PANAHON
Nagkakaroon ng pagtaas o pagbaba ang
lebel ng kagustuhan sa mga bagay depende
sa panahon.
OKASYON
Nagbabago ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao depende sa okasyon.
MAKABAGONG INOBASYON AT
IMBENSIYON
Dahil nais ng ibang tao na maging sunod sa uso,
ninanais niyang magkaroon o makagamit ng mga
bagay tulad ng laptop o tablet at iba pang mga
modernong kagamitan na siyang
nakapagpapasiya at nakapagpaparamdam ng
komportableng buhay.
MATAAS NA SUWELDO
Ang pangangailangan ay
naimpluwensiyahan ng kita o suweldo.
TRABAHO O HANAPBUHAY
Nakaapekto sa kagustuhan at pangangailangan
ang kalagayan o posisyon ng tao sa lipunan.
EDAD
Patuloy na nagbabago ang pangangailangan
at kagustuhan ng tao mula sa kaniyang
pagiging sanggol hanggang sa kaniyang
pagtanda.
MGA KATANGIAN AT SARILING
PAGPAPAHALAGA
Ang katangian at sariling pagpapahalaga ng tao
ang isang salik na nagtutulak sa kaniya
maghangad ng iba’t-ibang bagay.
EDUKASYON
Nakaapekto sa pagkakaiba ng
pangangailangan ang antas ng
edukasyong natamo ng isang indibidwal.

Mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan