" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
Isang akdang nagtatalakay sa mga tauhang may taglay na supernatural na katangian. Kakikitaan ng pagmamahal sa isang tapat na kaibigang pinagkakautangan ng loob.
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)Jenita Guinoo
Isa sa mga kabanata ng El Filibusterismo na kung saan nagtatalakay sa buhay ng isang mahirap laban sa mayayaman. At paghingi ng suporta mula sa pamahalaan para sa kapakanan ng bayan.
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
Isang akdang nagtatalakay sa mga tauhang may taglay na supernatural na katangian. Kakikitaan ng pagmamahal sa isang tapat na kaibigang pinagkakautangan ng loob.
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)Jenita Guinoo
Isa sa mga kabanata ng El Filibusterismo na kung saan nagtatalakay sa buhay ng isang mahirap laban sa mayayaman. At paghingi ng suporta mula sa pamahalaan para sa kapakanan ng bayan.
1. Pangalan: _____________________ Iskor: __________
Taon/Pangkat: _________________ Petsa: __________
Pagsusulit sa Filipino
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan
ang titik ng wastong sagot.
1. Ayon sa kanya, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan.
a. Salazar c. Webster
b. Abadilla d. Arrogante
2. Ito ay isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
a. oda c. dula
b. elehiya d. awiting-bayan
3. Ito ay nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.
a. El Cid Compeador c. Canterburry Tales
b. Divina Comedia d. Illiad at Oddysey
4. Ito ay maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa.
a. parabula c. talambuhay
b. sanaysay d. anekdota
5. Ito ay isang tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
a. dalit c. soneto
b. pastoral d. elehiya
6. Ito ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng
mga namatayan.
a. tulang padula c. tulang pandamdamin
b. tulang pasalaysay d. tulang patnigan
7. Ito ay naglalayon na ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan.
a. Marxismo c. Klasismo
b. Realismo d. Naturalismo
2. 8. Ito ay maaaring ituring na “pagbabalik sa klasismo”.
a. Humanismo c. Formalismo
b. Imahismo d. Eksistensyalismo
9. Ayon sa kanya, ang panulaan ay anyo ng wika na ang oryentasyon ay sa sarili nitong
anyo o porma.
a. Taine c. Jean-Paul Sartre
b. Derrida d. Jakobson
10. Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang
feminista.
a. Formalismo c. Feminismo
b. Sosyolohikal d. Realismo
11. Ito ay mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. alamat c. parabula
b. pabula d. anekdota
12. Ito ay naglalayon na ipakita nang walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
a. Naturalismo c. Dekonstruksyon
b. Sosyolohikal d. Imahismo
13. Inilalarawan nito ang internal na buhay o motivo ng tao sa pagkilos.
a. Kritikal na Realismo c. Sosyalistang Realismo
b. Pinong Realismo d. Sikolohikal na Realismo
14. Ayon sa kanya, ang panitikan ay bunga ng sandali ng lahi at ng panahon at kapaligiran.
a. Irving Babbit c. Morris
b. Taine d. Auguste Comte
15. Sa pagsusuring ito, tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga panlipunang
institusyon.
a. Sosyolohikal c. Klasismo
b. Humanismo d. Formalismo
II. Pagkilala: Kilalanin kung ano ang tinutukoy ng pahayag. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang sa tabi ng bilang.
_______________1. Ito ay mahabang tulang awit na maaaring isalaysay ng lalaki o
babae tuwing may kapistahan o mahalagang pagdiriwang.
_______________2. Ito ay isang magandang uri ng kawayan na matatagpuan sa
paanan ng mga bundok-bundukan ng Mangatarem, Paniqui at Camiling.
3. _______________3. Ito ay isang maikling panimulang awitin bago simulan ang isang
pagtatanghal.
_______________4. Ito ay nagpapahayag ng kapangyarihan sa buhay Tagalog.
_______________5. Ito ang tanging rehiyon na nilikha sa bisa ng Presidential Decree
824 ni Pangulong Marcos.
_______________6. Ito ang tinaguriang Prinsesa ng Kabisayaan.
_______________7. Ito ay isang dramang itinatanghal tuwing may kapistahan na ang
tema ay ang digmaan ng mga Kristyano at Muslim.
_______________8. Ito ay isang dramang musikal na naging vehikulo ng mga
subersibong gawain laban sa mga Kastila.
_______________9. Ito ang namumuno sa bawat barangay at siyang tagapagpasya sa
mga usaping komyunal.
_______________10. Ito ay paligsahan sa pag-awit tuwing may kapistahan.
_______________11. Ito ay akdang nagmula sa Arabya at Persya.
_______________12. Ito ay kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng
Pransya.
_______________13. Ito ay nangangahulugang lumakad sa tubig.
_______________14. Ito ay tinaguriang Queen City of the South.
_______________15. Ito ay isang nakakatuwang tula na may apat na linya.
III. Paghahanay-hanay: Piliin sa Hanay B ang akdang isinulat ng mga nasa Hanay
A. Isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot sa patlang sa unahan ng bawat
bilang.
___1. Prinsesa ng Kumintang a. Leona Florentino
___2. Illiad at Oddysey b. Patrocinio Villafuerte
___3. Nagmamadali ang Maynila c. Pedro Bukaneg
___4. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa d. Juan Crisostomo Soto
___5. Ugali ng Tagabukid e. Fernando Ma. Guerrero
___6. Biag ni Lam-ang f. Isagani Cruz
___7. Ikaw (Ika) g. Romeo Virtusio
___8. Si Miss Phathupats h. Merlinda Cantre
___9. Napun, Ngeni at Bukas i. Romualdo Protacio
___10. Kung Penafrancia Fyesta j. Rolando Bernales
___11. Kay Rizal k. Aurelio Tolentino
___12. Halu-halo l. Andres Bonifacio
4. ___13. Nalpay a Namnama m. Erwin Sustento
___14. Bigong Pag-asa n. Homer
___15. Oda sa Gabi o. Serafin Guinigundo
p. E.Y. Cunanan
q. Grace Lee
IV. Tama at Mali: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto ang diwa ng pahayag.
________1. Ang kapatagan ng Luzon ay kakikitaan din ng malalawak na lupaing
tinatamnan ng palay at tubo.
________2. Bunga ng kolonisasyon at ng pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan, ang
literatura ng mga Pilipino ay yumaman.
________3. Si Mohammed ay isang tagasunod ni Malang-Balagtas na nagpabinyag
sa Kristyanismo.
________4. Ang asawa ni Maciong sa Nagmamadali ang Maynila ay si Lucia.
________5. Ang Litanya kay Ninoy ay akda ni Serafin Guinigundo.
________6. Ang pagdating ng Kastila ang itinuturing na Golden Age ng literaturang
Hiligaynon.
________7. Ang Literatura ng Silangang Visayas ay nakasulat sa wikang Waray at
wikang Cebuano.
________8. Ang Peninsula ng Zamboanga ay dating Timog Mindanao.
________9. Ang sentrong administratibo ng Rehiyon X ay Cagayan de Oro.
________10. Ang ARMM ay isang espesyal na rehiyon.
________11. Ang halimaw na maraming paa ay si Tarabusaw.
________12. Ang Darangan ay tulang pasalaysay ng mga Moro sa kabayanihan ng
mga tao sa Magindanao.
________13. Ang hari ng Bumbaran ay si Haring Miskoyaw.
________14. Ang mamamayan sa Pampanga ay may dayalektong mula sa Malayo-
Polynesian.
________15. Ang literatura ng Metro Manila ay napakahirap uriin.
V. Pagpapaliwanag: Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag.
1. Ayon kay Jean-Paul Sartre, “nauuna ang eksistens bago ang esens.” (5 pts.)
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____
2. Ang literatura sa Muslim Mindanao ay karaniwang oral na tradisyon. Ang
komunidad ang nagmamay-ari ng akda at hindi iisang tao lamang. (5 pts.)
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
__
-GOOD LUCK-
Inihanda ni:
Kaycee M. Ebora