Aralin 2
Diskriminasyon sa
Kasarian
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang natatalakay ang diskriminasyon sa kasarian,
na may tuon sa sumusunod:
1. nasusuri ang konsepto ng diskriminasyon at diskriminasyon sa
kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian,Gay,Bisexual,Transgender);
2. natutukoy ang mga anyo at mga salik na nagiging dahilan ng
diskriminasyon sa kasarian; at
3. nakapagbabahagi nang sariling opinyo at saloobin kung paano
makatutulong sa pagsusulong ng pagkakaroon ng pantay na pagtingin
sa kasarian?
Video tungkol sa gender equality social experiment
“Child Social Experiment Looks at Gender Equality,” Wiremu Crawford
https://youtu.be/QKgKaQzil1A
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinakita sa ​video​?
2. Bakit hindi pantay ang pagbibigay ng premyo?
(​Ipinakita sa video ang ginawang social experiment sa
mga bata. Sila ay pinagligpit ng mga bola na isisilid sa
lalagyan batay sa kulay. Pagkatapos nito, sila ay
binigyan ng premyo.​
(​Mas kaunti ang ibinigay sa mga babae dahil sila ay
babae.​)
3. Paano ito tinugunan ng mga bata?
4. Nangyayari pa ba ang ganitong suliranin sa
kasalukuyan sa kabila ng modernong pamumuhay?
(​Ibinahagi ng mga lalaki ang kanilang sobrang premyo
sa babae upang maging pantay ito.​)
Larawan tungkol sa gender equality, mula sa Debate
Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay
makikita sa kawalan ng hadlang na gampanin ng
lalaki at babae ang iba’t ibang tungkulin nito sa
lipunan. Ngunit kung ang mga tungkuling ito ay
hindi magagawa dahil ang kahusayan at kahinaan
ay ibinabatay sa kasarian, nagkakaroon ng
tinatawag na diskriminasyon.
Mahahalagang Tanong
Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na
tanong:
● Ano ang gender equality?
● Ano ang gender discrimination?
● Ano-ano ang salik na nagiging dahilan ng
diskriminasyon sa kasarian?
Pagsusuri
1. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
2. Bakit kailangan natin isulong ang
pagkakapantay-pantay?
3. Ano ang maaari mong gawin upang matigil ang
diskriminasyon sa kasarian?
Larawan tungkol sa gender equality, mula sa NDTV
Gabay na Tanong:
● Ano ang ipinakikita ng larawan?
● Bakit mahalaga ang pagtutulungang ito?
(​Ipinakikita sa larawan ang pagtutulungan ng
dalawang kasarian.​)
(​Sa pagtutulungan at pag-uunawaan, makakamit ang
pagkakapantay-pantay ng kasarian.​)
Diskriminasyon sa Kasarian
Ano ang Diskriminasyon?
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
● Ang gender discrimination o diskriminasyon
sa kasarian ay tumutukoy sa hindi pantay na
pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil
sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan
sa kasarian.
Sa tuwinang maririnig ang mga salitang “hindi mo kaya
„yan dahil babae ka lang” o “ang hina mo
naman, babae ka kasi,” ito ay malinaw
diskriminasyon sa kasarian.
● Ang ​gender equality​ o ​gender egalitarianism​
ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga
kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon,
trabaho, at pamumuno.
● Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi lamang
sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.
Sa kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian
gaya ng ​lesbian, gay, bisexual, transgender​, ay
ang malimit na nakararanas ng diskriminasyon.
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang salik na nagiging
dahilan ng diskriminasyon sa
kasarian?
(​Ang mga salik na nagiging dahilan
ng diskriminasyon sa kasarian ay
ang paniniwalang kultural, midya,
pananaw ng pamilya, kakulangan
ng edukasyon, at kawalan ng
kaukulang batas.​)
● Paniniwalang kultural - Ang kulturang
kinagisnan ay nakaiimpluwensiya sa paniniwala at
pananaw ng bawat indibiduwal. Ito ay nagiging batayan
upang makita kung tama o mali ang isang gawi batay sa
kaniyang nakasanayan. Halimbawa na lamang nito ang
patriarchal na kultura kung saan pinaniniwalaan ang higit
na kapangyarihan at mas malawak na karapatan ay sa
kalalakihan kumpara sa kababaihan
● Midya - Ayon kay Geena Davis ng Institute on
Gender in Media, ang objectification ng kababaihan ay
laganap sa iba’t ibang uri ng midya sa buong mundo.
Bawat imahen na nakikita sa telebisyon, pelikula, at
magasin ay nagbibigay laya sa pisikal at berbal na pang-
aabuso sa kababaihan. Bilang karagdagan, piling-pili
ang palabas na nagpapakita ng pantay na
pagtingin sa kasarian.
● Pananaw ng Pamilya - Ang pamilya ang
pangunahing pundasyon ng isang bata. Ang paniniwala
ng kinalakihang pamilya ay taglay din ng bata sa
kaniyang paglaki. Kung ang kinalakihang pamilya ay
may mga gawi ng panghuhusga sa kasarian ng
indibiduwal, hindi malayong masanay sa pangungutya
at pang-aasar sa kasarian ang sinumang
lumaki sa pamilyang ito.
● Kakulangan ng Edukasyon - Ang kakulangan
ng sapat na edukasyon ay maaaring maging dahilan
upang hindi maipaglaban ng sinuman ang kanilang
mga karapatan.
● Kawalan ng Kaukulang Batas - Marami pa
ring bansa ang walang kaukulang batas
para sa pantay na pagtingin sa mga tao
kahit ano pa man ang kasarian.
1. Paano makikita sa pamilya, trabaho, at pulitika ang
diskriminasyon sa kasarian?
● Sa pamilya - Pag-iwan sa kababaihan sa
tahanan upang mag-asikaso sa mga gawaing
bahay, pagbibigay pansin sa mga kalalakihan
upang magpatuloy ng negosyo (kulturang Intsik),
hindi pinag-aaral ang anak na babae o pagtigil sa
trabaho.
● Sa trabaho - Ang mga kababaihan noon ay
walang karapatang magtrabaho. May mga
nakakapagtrabaho ngunit mas mababa ang
bayad kumpara sa kalalakihan.
● Sa pulitika - Ang paglahok sa
gawaing pampulitika ay mailap pa rin
sa kababaihan ng Kanlurang Asya.
Sa Pilipinas, noong dekada ’30 lamang nabigyan ng
karapatan ang kababaihan na bumoto at lumahok sa
pambansang eleksyon. Noong 1986, ang mga Pilipino
ay nagkaroon ng unang babaeng pangulon, si Corazon
Aquino na naging simbolo rin ng kalakasan ng
kababaihan sa pulitika ng buong Timog-Silangang
Asya.
Larawan tungkol sa catcalling, mula sa WhenInManila
Ang ​Safe Streets and Public
Space Act​ ay isa nang batas.
Ang mga pambabastos sa
kasarian tulad ng ​stalking,
leering, catcalling at​ wolf-
whistling​ ay parurusahan
ayon sa bagong
batas.
1. Bakit mahalaga ang pagsasabatas ng Safe Streets
and Public Space Act?
2. Sa iyong palagay, kung hindi maipatutupad ang
batas na ito ano ang maaaring mangyari?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa
pagpapaunlad ng kamalayan ng mga
Pilipino sa usaping ito?
Pagpapahalaga
Paano ka makatutulong sa
pagsusulong ng pagkakaroon ng
pantay na pagtingin sa kasarian?
Inaasahang Pag-unawa
● Ang gender equality o gender egalitarianism ay tumutukoy sa
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng
larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno.
● Ang gender discrimination ay tumutukoy sa hindi pantay na
pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-
uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian.
● Ang mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa
kasarian ay ang paniniwalang kultural, midya, pananaw ng
pamilya, kakulangan ng edukasyon, at kawalan ng
kaukulang batas.
Paglalagom
Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi lamang sa
pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa
kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian gaya ng
lesbian, gay, bisexual, transgender ay ang malimit na
nakararanas ng diskriminasyon.
2
1
Ang diskriminasyon sa kasarian ay nagmula sa hindi
pantay na pagbabahagi ng kapangyarihan.
Paglalagom
Ang diskriminasyon sa kasarian ay makikita sa iba’t
ibang anyo batay na rin sa kultura ng lipunang
kinabibilangan.
3
“Ang pagkamit sa
pagkakaroon ng pantay na
pagtingin sa kasarian ay
tungkulin ng lahat.”
Panuto: Basahin at sagutin ang bawat katanungan.
(1 – 4) Ano ang pagkakaiba ng ​gender equality​ at
​gender discrimination?
(5) Ano ang ​Safe Streets and Public Space Act​?
(6 – 10) Ano ang mga salik na nagiging dahilan ng
diskriminasyon sa kasarian?
Kasunduan
1. Ipaliwanag ang
Konsepto sa Kalagayan ng
Kababaihan, L​esbians,
Gays, Bisexual​ at
Transgender​ sa Iba't
Ibang Bansa at Rehiyon
Photo Credits
40
Slide no. 6: Larawan tungkol sa gender equality, mula sa Debate.
Slide no. 12: Larawan tungkol sa gender equality, mula sa NDTV.
Slide no. 27: Larawan tungkol sa catcalling, mula sa
WhenInManila.
Bibliography
41
● Quipper Study Guide AP10 U13, Aralin 2 Diskriminasyon sa Kasarian
● Diana Lyn R. Sarenas (2017), Mga Kontemporaryong Isyu . Quezon City:
Sibs Publishing House, Inc.
● Nicole Kidder, “​Cause and Effect of Gender Discrimination​.” Nakuha mula
sa https://classroom.synonym.com/causes-effects-of-gender-discrimination-
12081838.html​.
● TED, “​Why Gender Equality Is Good for Everyone — Men Included |
Michael Kimmel | TED Talks​.” ​Nakuha mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=7n9IOH0NvyY​.
Diskriminasyon sa Kasarian.pdf

Diskriminasyon sa Kasarian.pdf

  • 1.
  • 2.
    Layunin Pagkatapos ng aralingito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay ang diskriminasyon sa kasarian, na may tuon sa sumusunod: 1. nasusuri ang konsepto ng diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian,Gay,Bisexual,Transgender); 2. natutukoy ang mga anyo at mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian; at 3. nakapagbabahagi nang sariling opinyo at saloobin kung paano makatutulong sa pagsusulong ng pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa kasarian?
  • 3.
    Video tungkol sagender equality social experiment “Child Social Experiment Looks at Gender Equality,” Wiremu Crawford https://youtu.be/QKgKaQzil1A
  • 4.
    Pamprosesong Tanong: 1. Anoang ipinakita sa ​video​? 2. Bakit hindi pantay ang pagbibigay ng premyo? (​Ipinakita sa video ang ginawang social experiment sa mga bata. Sila ay pinagligpit ng mga bola na isisilid sa lalagyan batay sa kulay. Pagkatapos nito, sila ay binigyan ng premyo.​ (​Mas kaunti ang ibinigay sa mga babae dahil sila ay babae.​)
  • 5.
    3. Paano itotinugunan ng mga bata? 4. Nangyayari pa ba ang ganitong suliranin sa kasalukuyan sa kabila ng modernong pamumuhay? (​Ibinahagi ng mga lalaki ang kanilang sobrang premyo sa babae upang maging pantay ito.​)
  • 6.
    Larawan tungkol sagender equality, mula sa Debate
  • 7.
    Ang pagkakapantay-pantay ngkasarian ay makikita sa kawalan ng hadlang na gampanin ng lalaki at babae ang iba’t ibang tungkulin nito sa lipunan. Ngunit kung ang mga tungkuling ito ay hindi magagawa dahil ang kahusayan at kahinaan ay ibinabatay sa kasarian, nagkakaroon ng tinatawag na diskriminasyon.
  • 8.
    Mahahalagang Tanong Sa aralingito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong: ● Ano ang gender equality? ● Ano ang gender discrimination? ● Ano-ano ang salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian?
  • 11.
    Pagsusuri 1. Ano angibig sabihin ng pahayag? 2. Bakit kailangan natin isulong ang pagkakapantay-pantay? 3. Ano ang maaari mong gawin upang matigil ang diskriminasyon sa kasarian?
  • 12.
    Larawan tungkol sagender equality, mula sa NDTV
  • 13.
    Gabay na Tanong: ●Ano ang ipinakikita ng larawan? ● Bakit mahalaga ang pagtutulungang ito? (​Ipinakikita sa larawan ang pagtutulungan ng dalawang kasarian.​) (​Sa pagtutulungan at pag-uunawaan, makakamit ang pagkakapantay-pantay ng kasarian.​)
  • 14.
  • 15.
    Ano ang Diskriminasyon? Angdiskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
  • 16.
    ● Ang genderdiscrimination o diskriminasyon sa kasarian ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian. Sa tuwinang maririnig ang mga salitang “hindi mo kaya „yan dahil babae ka lang” o “ang hina mo naman, babae ka kasi,” ito ay malinaw diskriminasyon sa kasarian.
  • 17.
    ● Ang ​genderequality​ o ​gender egalitarianism​ ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno.
  • 18.
    ● Ang diskriminasyonsa kasarian ay hindi lamang sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian gaya ng ​lesbian, gay, bisexual, transgender​, ay ang malimit na nakararanas ng diskriminasyon.
  • 20.
    Gabay na Tanong: 1.Ano-ano ang salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian? (​Ang mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian ay ang paniniwalang kultural, midya, pananaw ng pamilya, kakulangan ng edukasyon, at kawalan ng kaukulang batas.​)
  • 21.
    ● Paniniwalang kultural- Ang kulturang kinagisnan ay nakaiimpluwensiya sa paniniwala at pananaw ng bawat indibiduwal. Ito ay nagiging batayan upang makita kung tama o mali ang isang gawi batay sa kaniyang nakasanayan. Halimbawa na lamang nito ang patriarchal na kultura kung saan pinaniniwalaan ang higit na kapangyarihan at mas malawak na karapatan ay sa kalalakihan kumpara sa kababaihan
  • 22.
    ● Midya -Ayon kay Geena Davis ng Institute on Gender in Media, ang objectification ng kababaihan ay laganap sa iba’t ibang uri ng midya sa buong mundo. Bawat imahen na nakikita sa telebisyon, pelikula, at magasin ay nagbibigay laya sa pisikal at berbal na pang- aabuso sa kababaihan. Bilang karagdagan, piling-pili ang palabas na nagpapakita ng pantay na pagtingin sa kasarian.
  • 23.
    ● Pananaw ngPamilya - Ang pamilya ang pangunahing pundasyon ng isang bata. Ang paniniwala ng kinalakihang pamilya ay taglay din ng bata sa kaniyang paglaki. Kung ang kinalakihang pamilya ay may mga gawi ng panghuhusga sa kasarian ng indibiduwal, hindi malayong masanay sa pangungutya at pang-aasar sa kasarian ang sinumang lumaki sa pamilyang ito.
  • 24.
    ● Kakulangan ngEdukasyon - Ang kakulangan ng sapat na edukasyon ay maaaring maging dahilan upang hindi maipaglaban ng sinuman ang kanilang mga karapatan. ● Kawalan ng Kaukulang Batas - Marami pa ring bansa ang walang kaukulang batas para sa pantay na pagtingin sa mga tao kahit ano pa man ang kasarian.
  • 26.
    1. Paano makikitasa pamilya, trabaho, at pulitika ang diskriminasyon sa kasarian?
  • 27.
    ● Sa pamilya- Pag-iwan sa kababaihan sa tahanan upang mag-asikaso sa mga gawaing bahay, pagbibigay pansin sa mga kalalakihan upang magpatuloy ng negosyo (kulturang Intsik), hindi pinag-aaral ang anak na babae o pagtigil sa trabaho.
  • 28.
    ● Sa trabaho- Ang mga kababaihan noon ay walang karapatang magtrabaho. May mga nakakapagtrabaho ngunit mas mababa ang bayad kumpara sa kalalakihan. ● Sa pulitika - Ang paglahok sa gawaing pampulitika ay mailap pa rin sa kababaihan ng Kanlurang Asya.
  • 29.
    Sa Pilipinas, noongdekada ’30 lamang nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto at lumahok sa pambansang eleksyon. Noong 1986, ang mga Pilipino ay nagkaroon ng unang babaeng pangulon, si Corazon Aquino na naging simbolo rin ng kalakasan ng kababaihan sa pulitika ng buong Timog-Silangang Asya.
  • 30.
    Larawan tungkol sacatcalling, mula sa WhenInManila
  • 31.
    Ang ​Safe Streetsand Public Space Act​ ay isa nang batas. Ang mga pambabastos sa kasarian tulad ng ​stalking, leering, catcalling at​ wolf- whistling​ ay parurusahan ayon sa bagong batas.
  • 32.
    1. Bakit mahalagaang pagsasabatas ng Safe Streets and Public Space Act? 2. Sa iyong palagay, kung hindi maipatutupad ang batas na ito ano ang maaaring mangyari? 3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng kamalayan ng mga Pilipino sa usaping ito?
  • 33.
    Pagpapahalaga Paano ka makatutulongsa pagsusulong ng pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa kasarian?
  • 34.
    Inaasahang Pag-unawa ● Anggender equality o gender egalitarianism ay tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno. ● Ang gender discrimination ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag- uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian. ● Ang mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian ay ang paniniwalang kultural, midya, pananaw ng pamilya, kakulangan ng edukasyon, at kawalan ng kaukulang batas.
  • 35.
    Paglalagom Ang diskriminasyon sakasarian ay hindi lamang sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian gaya ng lesbian, gay, bisexual, transgender ay ang malimit na nakararanas ng diskriminasyon. 2 1 Ang diskriminasyon sa kasarian ay nagmula sa hindi pantay na pagbabahagi ng kapangyarihan.
  • 36.
    Paglalagom Ang diskriminasyon sakasarian ay makikita sa iba’t ibang anyo batay na rin sa kultura ng lipunang kinabibilangan. 3
  • 37.
    “Ang pagkamit sa pagkakaroonng pantay na pagtingin sa kasarian ay tungkulin ng lahat.”
  • 38.
    Panuto: Basahin atsagutin ang bawat katanungan. (1 – 4) Ano ang pagkakaiba ng ​gender equality​ at ​gender discrimination? (5) Ano ang ​Safe Streets and Public Space Act​? (6 – 10) Ano ang mga salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa kasarian?
  • 39.
    Kasunduan 1. Ipaliwanag ang Konseptosa Kalagayan ng Kababaihan, L​esbians, Gays, Bisexual​ at Transgender​ sa Iba't Ibang Bansa at Rehiyon
  • 40.
    Photo Credits 40 Slide no.6: Larawan tungkol sa gender equality, mula sa Debate. Slide no. 12: Larawan tungkol sa gender equality, mula sa NDTV. Slide no. 27: Larawan tungkol sa catcalling, mula sa WhenInManila.
  • 41.
    Bibliography 41 ● Quipper StudyGuide AP10 U13, Aralin 2 Diskriminasyon sa Kasarian ● Diana Lyn R. Sarenas (2017), Mga Kontemporaryong Isyu . Quezon City: Sibs Publishing House, Inc. ● Nicole Kidder, “​Cause and Effect of Gender Discrimination​.” Nakuha mula sa https://classroom.synonym.com/causes-effects-of-gender-discrimination- 12081838.html​. ● TED, “​Why Gender Equality Is Good for Everyone — Men Included | Michael Kimmel | TED Talks​.” ​Nakuha mula sa https://www.youtube.com/watch?v=7n9IOH0NvyY​.