2. • S’ya ay ipinanganak noong ika-16 Enero 1928 sa Lungsod ng
loag, Ilocos Norte.
• Isang kuwentista, nobelista at mandudula.
• Tagapayong legal ng GUMIL (Gunglo Dagiti Manunurat Nga
Ilokano) Metro Manila
• Unang Gantimpala sa Patimpalak ng Palanca, 1981
3. Ang katotohanan ang binigbigyan diin at may layunin na ilahad ang tunay na buhay na
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa Lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan
at diskriminasyon. Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno.
Eto na pare. Nang dumating na sila sa ospital, sabi ng waswas ko – sa ospital na ginawa namin,
pare – salubungan daw sa kanila ang mga nars at attendant. Akala siguro, pare, misis ni Mr.
Cajucom ang waswas ko. Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang
tiyan, at sabi raw ke Mr. Cajucom: “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga
sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.
- Ipinakita rito na sa ating lipunanang ginagalawan, hindi maiaalis na pera ang s’yang sukatan
ng pagkatao. Para sa mga mayayaman, hindi madaling tapak-tapakan mo sila o balewalain lang.
Subalit sa mga mahihirap naman, Madali lang itong gawin sapagkat ano nga ba ang magagawa
nila?
4. Gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda. Ito ay
nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang
binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang pinaka-
mensahe ng akda.
Kalabaw- simbolismong Pilipino, katangian na ipinapakita ng pangunahing tauhan
sa pagiging masipag at matiyaga sa trabaho upang masustentuhan ang
pangangailangan ng kanyang pamilya.
Buwaya- ito ay ang mga taong gahaman sa pera at hindi tutulong hangga't walang
kapalit.
5. Uring Pampanitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at
nagsalaysay ang may akda ng mga pangyayari sa kwento.
Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panunumbalik ng isip kung saan inilahad
ng may-akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng
mga pangayayari sa nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ang dahilan kung
bakit nakulong ang pangunahing tauhan rito.
6. Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi
nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito ang
hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Sosyolohikal
Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na
makikitang inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.
Sikolohikal
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali dahil
may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing tauhan
dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong nagkaroon ng
pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.
7. Ang korupsiyon at perwisyo ay
mula sa mga taong
nakatataas. Hindi maitatama
ang isang pagkakamali ng isa
pang pagkakamali.
8. Ginawa ang akdang 'Di Mo
Masilip Ang Langit' upang itama o
ipakita ang pagtrato ng mga taong
nakatataas sa mga taong
nakabababa.