SlideShare a Scribd company logo
Ang Kuwentong ito ay galing sa Bibliya. Totoo ito dahil ito’y Salita ng
Diyos. Ang Diyos ang Bida sa Kuwentong ito. Siya ay banal. At lahat
ng kanyang ginagawa ay tama, mabuti at perpekto.
Sa pasimula, nilikha niya ang langit at mundo. Sa pamamagitan lang
ng kanyang mga salita, nalikha ang lahat sa loob ng anim na araw.
Pinaganda niya ang mundo at pinuno ng halaman at hayop.
Sa ika-anim na araw, sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao –
lalaki at babae – ayon sa ating larawan.” Nilikha niya ang tao para
sambahin siya at mamuhay ayon sa nais niya.
Pinatira ng Diyos sina Adan at Eba sa isang hardin. Pinagpala sila ng
Diyos at sinabi, “Magpakarami kayo at pamahalaan ang lahat ng
nilikha ko sa mundo.” Naging malapit ang relasyon nila sa Diyos.
Pero di nagtagal, pinili nilang magrebelde laban sa Diyos. Ginawa nila
ang gusto nilang gawin, kahit na ito ay pagsuway sa utos ng Diyos.
Matuwid ang Diyos at di niya basta-basta babalewalain ang
kasalanan. Kaya pinalayas sila sa hardin. Dahil nalayo sila sa Diyos,
pumasok sa buhay ng tao ang pag-aaway, paghihirap, at kamatayan.
Pagkatapos nito, dumami nang dumami ang mga tao. Kumalat ang
kasalanan sa mga anak nina Adan at Eba – hanggang sa mga
sumunod na henerasyon.
Kahit na ang tao’y nilikha sa larawan ng Diyos, pinili ng lahat ng tao
na sumuway sa Diyos. Naging marahas sila sa isa’t isa. Nagpatuloy
ito sa mga sumunod pang ilang libong taon.
Sa kabila ng kasamaan ng tao, may plano ang Diyos na ayusin ang
relasyon ng tao sa kanya. Nagsimula ito kay Abraham. Nagbitiw ang
Diyos ng isang matibay na pangako sa kanya.
Sinabi ng Diyos sa kanya, “Gagawin kitang ama ng isang malaking
bansa. Ang buong mundo ay pagpapalain ko sa pamamagitan
mo. Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging akin.”
Kahit matanda na si Abraham, naniwala pa rin siya sa pangako ng
Diyos na bibigyan siya ng anak. Dahil nagtiwala siya sa Diyos,
itinuring siyang matuwid at may malapit na relasyon sa Diyos.
Nagkaanak si Abraham, at lumaki nang lumaki ang pamilya niya.
Tinawag silang mga Israelita. Sila ang magpapakita sa lahat ng tao
kung paano mamuhay ayon sa nais ng Diyos.
Binigyan sila ng Diyos ng isang malaki at saganang lupain.
Nagtagumpay sila laban sa mga kaaway nila. Lalo pa silang
pinagpala ng Diyos bilang pagtupad sa mga pangako niya.
Di nagtagal, ginawa nila kung ano ang gusto nila. Nagrebelde sila,
sumamba sa mga dios-diosan, at sumuway sa mga utos ng Dios.
Dahil sa pagrerebelde nila, pinarusahan sila ng Diyos. Pinalayas sila
sa lupain nila at inalipin ng mga bansang kaaway nila.
Pero hindi pa rin sila pinabayaan ng Diyos. Nagpadala siya ng mga
mensahero sa kanila para bigyan sila ng babala tungkol sa bigat ng
parusa ng Diyos, at hikayatin silang magbalik-loob sa Diyos.
Nangako ang Diyos na isa sa lahi nila ang darating para akuin ang
mga kasalanan nila at ilapit silang muli sa Diyos. Hindi lang ito para
sa lahi nila, kundi para sa lahat ng lahi sa buong mundo.
Ilandaang taon na hindi nagsalita ang Diyos sa kanila. Sa panahong
ito, tinatawag na silang Judio. Nasa ilalim na sila ng pamamahala ng
kaharian ng Roma, at naghihintay sa darating na Tagapagligtas.
Nakasulat sa aklat ng mga propeta na darating ang isang
Tagapagligtas na mula sa lahi ni Abraham. Ipapanganak siya ng isang
birhen sa bayan ng Bethlehem. Siya ang aako sa kasalanan ng lahat
at maghahari magpakailanman.
Makalipas ang ilandaang taon, nagpadala ang Diyos ng isang anghel
sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria.
Sabi ng anghel, “Magkakaroon ka ng isang anak na lalaki. Ang
kaharian niya ay walang katapusan. Mabubuntis ka sa
pamamagitan ng Espiritu. At siya’y tatawaging Anak ng Diyos.”
Sinabi din niya na ang lalaking ito ang pinakahihintay na Hari at
Tagapagligtas. Totoo nga, nagsilang si Maria sa Bethlehem ng isang
lalaki. Pinangalanan siyang Jesus, na ang ibig sabihin, “Ang Diyos na
Nagliligtas.”
Lumaki si Jesus na kinalulugdan ng Diyos at ng mga tao. Sa buong
buhay niya, lagi niyang pinipiling sumunod sa gusto ng Diyos at laging
gawin kung ano ang tama at mabuti sa paningin ng Diyos.
Pinatunayan ni Jesus na siya nga ang ipinangakong Tagapagligtas sa
pamamagitan ng maraming mga himala tulad ng pagpapagaling sa
mga maysakit. Sa pamamagitan nito, ipinakita niya ang kanyang
kapangyarihan bilang tunay na Diyos at Panginoong dapat sundin.
Nanawagan si Jesus sa mga tao, “Dumating na ang Kaharian ng
Diyos. Magsisi na kayo at maniwala sa Magandang Balita.” May
ilang nakinig at sumunod sa kanya.
Sa kabila ng mga ginawa niya, marami ang kumalaban sa kanya, lalo
na ang mga pinuno ng relihiyon nila. Ipinadakip siya, binugbog,
pinahirapan at ipinako sa krus hanggang mamatay.
Pero ito rin ang itinakdang paraan ng Diyos para iligtas tayo sa ating
mga kasalanan. Ang buhay at kamatayan ni Jesus ang naging
pantubos sa ating mga kasalanan.
Namatay si Jesus, inilibing, at sa ikatlong araw, muling siyang
nabuhay. Sa pamamagitan nito, nagtagumpay siya laban sa
kasalanan at sa kamatayan. Nasaksihan ito ng 500 katao.
Sabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Puntahan n’yo ang lahat ng
lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan n’yo sila at
turuang sumunod sa lahat ng utos ko. Sasamahan ko kayo sa
pamamagitan ng aking Espiritu.”
Pagkatapos, bumalik na si Jesus sa kanyang Ama sa langit. Kitang-
kita ng mga tagasunod niya ang pag-akyat niya sa ulap.
Pagkaraan ng ilang araw, dumating nga ang Espiritu ng Diyos sa mga
tagasunod ni Jesus. Siya ang magpapaalala sa kanila ng lahat ng
itinuro ni Jesus, babago sa kanila para maging tulad ni Jesus, at
magbibigay ng kakayahang mamuhay sa kagustuhan ng Diyos.
Ito ang simula ng Iglesiya (Church), isang komunidad o pamilya ng
Diyos na sama-samang sumasamba sa kanya, nagmamahalan sa
isa’t isa at pinagtutulungan ang misyong iniwan ni Jesus.
Inaanyayahan tayo ng Diyos na ang buhay natin ay maging bahagi ng
napakagandang Kuwentong ito. Sa pamamagitan ng bautismo sa
tubig, ipinapakita natin ang pagsisisi, pagtitiwala at pagsunod natin
kay Jesus.
Babalik si Jesus. Sa araw na iyon, ang lahat ng kasalanan, hirap, at
kamatayan ay tuluyan nang maglalaho. Masayang makakasama natin
ang Diyos magpakailanman. Pero ang mga di nagtiwala kay Jesus ay
tatanggap ng walang hanggang parusa.
Habang hinihintay natin ang pagbabalik niya, patuloy tayong
mamumuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos. Patuloy din nating
ikukuwento at ipapakita sa mga tao kung ano ang buhay na ang
sinusunod ay ang Panginoong Jesus.

More Related Content

What's hot

Si langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklongSi langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklong
Michaela Gonzales
 
Abraham's Sacrifice of Isaac
Abraham's Sacrifice of IsaacAbraham's Sacrifice of Isaac
Abraham's Sacrifice of Isaac
phjesuits
 
God's faithfulness
God's faithfulnessGod's faithfulness
God's faithfulness
Elmer05
 
Creation story
Creation storyCreation story
Creation story
aealey
 
Katekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginKatekesis sa panalangin
Katekesis sa panalangin
Joemer Aragon
 
Noah and the great flood
Noah and the great floodNoah and the great flood
Noah and the great flood
Dexvor tex
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang BuhayDerick Parfan
 
Flores de mayo rmj
Flores de mayo rmjFlores de mayo rmj
Flores de mayo rmj
RodelJapson4
 
Story Of Noah
Story Of NoahStory Of Noah
Story Of Noah
wwwilma
 
The birth of jesus
The birth of jesusThe birth of jesus
The birth of jesus
nicolesangha
 
Noah and the great flood tagalog
Noah and the great flood tagalogNoah and the great flood tagalog
Noah and the great flood tagalogMarvinea Fernandez
 
Fall Of Man
Fall Of ManFall Of Man
Fall Of Man
ACTS238 Believer
 
The Book Of Ruth
The Book Of RuthThe Book Of Ruth
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng DiyosPagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
Ayes Bacatan
 
Joseph the Dreamer
Joseph the DreamerJoseph the Dreamer
Joseph the Dreamer
Patricia Paterno
 
Adam And Eve
Adam And EveAdam And Eve
Adam And Eve
David Walters
 
7 Days of Creation with Scripture
7 Days of Creation with Scripture7 Days of Creation with Scripture
7 Days of Creation with Scripture
Creative Sunday School Crafts
 
The Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
The Christmas Story — The Birth of Jesus ChristThe Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
The Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
Bibilium
 
Moses
MosesMoses
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.pptAbraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
JocenAblona
 
What's hot (20)

Si langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklongSi langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklong
 
Abraham's Sacrifice of Isaac
Abraham's Sacrifice of IsaacAbraham's Sacrifice of Isaac
Abraham's Sacrifice of Isaac
 
God's faithfulness
God's faithfulnessGod's faithfulness
God's faithfulness
 
Creation story
Creation storyCreation story
Creation story
 
Katekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginKatekesis sa panalangin
Katekesis sa panalangin
 
Noah and the great flood
Noah and the great floodNoah and the great flood
Noah and the great flood
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
 
Flores de mayo rmj
Flores de mayo rmjFlores de mayo rmj
Flores de mayo rmj
 
Story Of Noah
Story Of NoahStory Of Noah
Story Of Noah
 
The birth of jesus
The birth of jesusThe birth of jesus
The birth of jesus
 
Noah and the great flood tagalog
Noah and the great flood tagalogNoah and the great flood tagalog
Noah and the great flood tagalog
 
Fall Of Man
Fall Of ManFall Of Man
Fall Of Man
 
The Book Of Ruth
The Book Of RuthThe Book Of Ruth
The Book Of Ruth
 
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng DiyosPagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Diyos
 
Joseph the Dreamer
Joseph the DreamerJoseph the Dreamer
Joseph the Dreamer
 
Adam And Eve
Adam And EveAdam And Eve
Adam And Eve
 
7 Days of Creation with Scripture
7 Days of Creation with Scripture7 Days of Creation with Scripture
7 Days of Creation with Scripture
 
The Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
The Christmas Story — The Birth of Jesus ChristThe Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
The Christmas Story — The Birth of Jesus Christ
 
Moses
MosesMoses
Moses
 
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.pptAbraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
Abraham-and-Sarah-Bible-Story-PowerPoint.ppt
 
Viewers also liked

Part 1 - Jesus and the Church
Part 1 - Jesus and the ChurchPart 1 - Jesus and the Church
Part 1 - Jesus and the Church
Derick Parfan
 
Report
ReportReport
Report
Edith Fauni
 
Panimula sa banal na kasulatan
Panimula sa banal na kasulatanPanimula sa banal na kasulatan
Panimula sa banal na kasulatan
Aldrin Lopez
 
4 Story of God - Act Three
4 Story of God - Act Three4 Story of God - Act Three
4 Story of God - Act ThreeDerick Parfan
 
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEAMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
Faithworks Christian Church
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
南 睿
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asyaJhayr17
 
IBON ADARNA
IBON ADARNAIBON ADARNA
IBON ADARNA
19941621
 
Ibong adarna copy
Ibong adarna   copyIbong adarna   copy
Ibong adarna copy
Anjela Solis
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summary
Wendy Lopez
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
PRINTDESK by Dan
 
El filibustersimo
El filibustersimoEl filibustersimo
El filibustersimo
Emilia Yusa
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo reportjergenfabian
 
Viewers also liked (15)

Part 1 - Jesus and the Church
Part 1 - Jesus and the ChurchPart 1 - Jesus and the Church
Part 1 - Jesus and the Church
 
Report
ReportReport
Report
 
Panimula sa banal na kasulatan
Panimula sa banal na kasulatanPanimula sa banal na kasulatan
Panimula sa banal na kasulatan
 
4 Story of God - Act Three
4 Story of God - Act Three4 Story of God - Act Three
4 Story of God - Act Three
 
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICEAMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
AMOS 1 - PAGBABAGO - PTR VETTY GUTIERREZ - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
 
IBON ADARNA
IBON ADARNAIBON ADARNA
IBON ADARNA
 
Ibong adarna copy
Ibong adarna   copyIbong adarna   copy
Ibong adarna copy
 
Ibong adarna ppt
Ibong adarna pptIbong adarna ppt
Ibong adarna ppt
 
Ibong adarna summary
Ibong adarna summaryIbong adarna summary
Ibong adarna summary
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
El filibustersimo
El filibustersimoEl filibustersimo
El filibustersimo
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo report
 
Similar to Creation to Christ Story (Tagalog)

L esson 1 pre encounter
L esson 1  pre encounterL esson 1  pre encounter
L esson 1 pre encounterRogelio Gonia
 
The birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogThe birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogEzekiel Patacsil
 
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdfWORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
JohnKirbyPerez
 
LCP Online Bible Study: SIGNS
LCP Online Bible Study: SIGNSLCP Online Bible Study: SIGNS
LCP Online Bible Study: SIGNS
Albert B. Callo Jr.
 
Dalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonDalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonRogelio Gonia
 
Kasalanan
KasalananKasalanan
Kasalanan
Donn Correa
 
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawaIpinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Joshua Magpantay
 
Si Noah at ang Malaking Baha, practice reading
Si Noah at ang Malaking Baha, practice readingSi Noah at ang Malaking Baha, practice reading
Si Noah at ang Malaking Baha, practice reading
TRISHALLENO1
 
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
April Tarun
 
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptxPAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
Mei Miraflor
 
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
Faithworks Christian Church
 
Similar to Creation to Christ Story (Tagalog) (13)

L esson 1 pre encounter
L esson 1  pre encounterL esson 1  pre encounter
L esson 1 pre encounter
 
The birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogThe birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalog
 
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdfWORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
WORKBOOK1to2MAYTOJUNE.pdf
 
LCP Online Bible Study: SIGNS
LCP Online Bible Study: SIGNSLCP Online Bible Study: SIGNS
LCP Online Bible Study: SIGNS
 
Christmas evolution
Christmas evolutionChristmas evolution
Christmas evolution
 
Dalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyonDalawang sanga ng relihiyon
Dalawang sanga ng relihiyon
 
Kasalanan
KasalananKasalanan
Kasalanan
 
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawaIpinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
 
Si Noah at ang Malaking Baha, practice reading
Si Noah at ang Malaking Baha, practice readingSi Noah at ang Malaking Baha, practice reading
Si Noah at ang Malaking Baha, practice reading
 
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
 
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptxPAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
PAMBISAN BIBLE CHRISTIAN CHURCH.pptx
 
Ang pagsunod
Ang pagsunodAng pagsunod
Ang pagsunod
 
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 6 - COVENANT - BRO. JOSEPH FERMIN - 7AM MABUHAY SERVICE
 
More from Derick Parfan

Pastors as Brothers: How to Form Gospel-Centered Discipleship and Accountabil...
Pastors as Brothers: How to Form Gospel-Centered Discipleship and Accountabil...Pastors as Brothers: How to Form Gospel-Centered Discipleship and Accountabil...
Pastors as Brothers: How to Form Gospel-Centered Discipleship and Accountabil...
Derick Parfan
 
The Pastor as Minister: Facing the Unique Challenges of Ministry
The Pastor as Minister: Facing the Unique Challenges of MinistryThe Pastor as Minister: Facing the Unique Challenges of Ministry
The Pastor as Minister: Facing the Unique Challenges of Ministry
Derick Parfan
 
Pastors as Disciples: Our Ongoing Need of the Grace of God in Sanctification
Pastors as Disciples: Our Ongoing Need of the Grace of God in SanctificationPastors as Disciples: Our Ongoing Need of the Grace of God in Sanctification
Pastors as Disciples: Our Ongoing Need of the Grace of God in Sanctification
Derick Parfan
 
Part 26 - Inside Out (Luke 11:37-54)
Part 26 - Inside Out (Luke 11:37-54)Part 26 - Inside Out (Luke 11:37-54)
Part 26 - Inside Out (Luke 11:37-54)
Derick Parfan
 
Part 25 - Obedience (Luke 11:27-36)
Part 25  - Obedience (Luke 11:27-36)Part 25  - Obedience (Luke 11:27-36)
Part 25 - Obedience (Luke 11:27-36)
Derick Parfan
 
Part 24 - Two Kingdoms (Luke 11:14-26)
Part 24 - Two Kingdoms (Luke 11:14-26)Part 24 - Two Kingdoms (Luke 11:14-26)
Part 24 - Two Kingdoms (Luke 11:14-26)
Derick Parfan
 
Part 23 - Intimacy (Luke 11:1-13)
Part 23 - Intimacy (Luke 11:1-13)Part 23 - Intimacy (Luke 11:1-13)
Part 23 - Intimacy (Luke 11:1-13)
Derick Parfan
 
Part 22 - One Thing (Luke 10:38-42)
Part 22 - One Thing (Luke 10:38-42)Part 22 - One Thing (Luke 10:38-42)
Part 22 - One Thing (Luke 10:38-42)
Derick Parfan
 
Part 21 - Eternal Life (Luke 10:25-37)
Part 21 - Eternal Life (Luke 10:25-37)Part 21 - Eternal Life (Luke 10:25-37)
Part 21 - Eternal Life (Luke 10:25-37)
Derick Parfan
 
Part 20 - Sent-Out (Luke 10:1-24)
Part 20 - Sent-Out (Luke 10:1-24)Part 20 - Sent-Out (Luke 10:1-24)
Part 20 - Sent-Out (Luke 10:1-24)
Derick Parfan
 
Part 19 - Resoluteness (Luke 9:51-62)
Part 19 - Resoluteness (Luke 9:51-62)Part 19 - Resoluteness (Luke 9:51-62)
Part 19 - Resoluteness (Luke 9:51-62)
Derick Parfan
 
Part 18 - True Greatness (Luke 9:37-50)
Part 18 - True Greatness (Luke 9:37-50)Part 18 - True Greatness (Luke 9:37-50)
Part 18 - True Greatness (Luke 9:37-50)
Derick Parfan
 
Merry Christmas? (Matthew 2:16-18)
Merry Christmas? (Matthew 2:16-18)Merry Christmas? (Matthew 2:16-18)
Merry Christmas? (Matthew 2:16-18)
Derick Parfan
 
Part 17 - Disciple (Luke 9:18-36)
Part 17 - Disciple (Luke 9:18-36)Part 17 - Disciple (Luke 9:18-36)
Part 17 - Disciple (Luke 9:18-36)
Derick Parfan
 
Part 15 - Only Jesus (Luke 8:40-56)
Part 15 - Only Jesus (Luke 8:40-56)Part 15 - Only Jesus (Luke 8:40-56)
Part 15 - Only Jesus (Luke 8:40-56)
Derick Parfan
 
Beyond Yolanda: A God-Centered Response to Calamity
Beyond Yolanda: A God-Centered Response to CalamityBeyond Yolanda: A God-Centered Response to Calamity
Beyond Yolanda: A God-Centered Response to Calamity
Derick Parfan
 
Part 14 - Lord of All (Luke 8:22-39)
Part 14 - Lord of All (Luke 8:22-39)Part 14 - Lord of All (Luke 8:22-39)
Part 14 - Lord of All (Luke 8:22-39)
Derick Parfan
 
Part 13 - Much Fruit (Luke 8:4-21)
Part 13 - Much Fruit (Luke 8:4-21)Part 13 - Much Fruit (Luke 8:4-21)
Part 13 - Much Fruit (Luke 8:4-21)
Derick Parfan
 
Part 12 - Great Love (Luke 7:36-8:3)
Part 12 - Great Love (Luke 7:36-8:3)Part 12 - Great Love (Luke 7:36-8:3)
Part 12 - Great Love (Luke 7:36-8:3)
Derick Parfan
 
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Part 11 - No Other (Luke 7:18-35)
Derick Parfan
 
More from Derick Parfan (20)

Creation to Christ Story (Tagalog)

  • 1. Ang Kuwentong ito ay galing sa Bibliya. Totoo ito dahil ito’y Salita ng Diyos. Ang Diyos ang Bida sa Kuwentong ito. Siya ay banal. At lahat ng kanyang ginagawa ay tama, mabuti at perpekto.
  • 2. Sa pasimula, nilikha niya ang langit at mundo. Sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita, nalikha ang lahat sa loob ng anim na araw. Pinaganda niya ang mundo at pinuno ng halaman at hayop.
  • 3. Sa ika-anim na araw, sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao – lalaki at babae – ayon sa ating larawan.” Nilikha niya ang tao para sambahin siya at mamuhay ayon sa nais niya.
  • 4. Pinatira ng Diyos sina Adan at Eba sa isang hardin. Pinagpala sila ng Diyos at sinabi, “Magpakarami kayo at pamahalaan ang lahat ng nilikha ko sa mundo.” Naging malapit ang relasyon nila sa Diyos.
  • 5. Pero di nagtagal, pinili nilang magrebelde laban sa Diyos. Ginawa nila ang gusto nilang gawin, kahit na ito ay pagsuway sa utos ng Diyos.
  • 6. Matuwid ang Diyos at di niya basta-basta babalewalain ang kasalanan. Kaya pinalayas sila sa hardin. Dahil nalayo sila sa Diyos, pumasok sa buhay ng tao ang pag-aaway, paghihirap, at kamatayan.
  • 7. Pagkatapos nito, dumami nang dumami ang mga tao. Kumalat ang kasalanan sa mga anak nina Adan at Eba – hanggang sa mga sumunod na henerasyon.
  • 8. Kahit na ang tao’y nilikha sa larawan ng Diyos, pinili ng lahat ng tao na sumuway sa Diyos. Naging marahas sila sa isa’t isa. Nagpatuloy ito sa mga sumunod pang ilang libong taon.
  • 9. Sa kabila ng kasamaan ng tao, may plano ang Diyos na ayusin ang relasyon ng tao sa kanya. Nagsimula ito kay Abraham. Nagbitiw ang Diyos ng isang matibay na pangako sa kanya.
  • 10. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Gagawin kitang ama ng isang malaking bansa. Ang buong mundo ay pagpapalain ko sa pamamagitan mo. Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging akin.”
  • 11. Kahit matanda na si Abraham, naniwala pa rin siya sa pangako ng Diyos na bibigyan siya ng anak. Dahil nagtiwala siya sa Diyos, itinuring siyang matuwid at may malapit na relasyon sa Diyos.
  • 12. Nagkaanak si Abraham, at lumaki nang lumaki ang pamilya niya. Tinawag silang mga Israelita. Sila ang magpapakita sa lahat ng tao kung paano mamuhay ayon sa nais ng Diyos.
  • 13. Binigyan sila ng Diyos ng isang malaki at saganang lupain. Nagtagumpay sila laban sa mga kaaway nila. Lalo pa silang pinagpala ng Diyos bilang pagtupad sa mga pangako niya.
  • 14. Di nagtagal, ginawa nila kung ano ang gusto nila. Nagrebelde sila, sumamba sa mga dios-diosan, at sumuway sa mga utos ng Dios.
  • 15. Dahil sa pagrerebelde nila, pinarusahan sila ng Diyos. Pinalayas sila sa lupain nila at inalipin ng mga bansang kaaway nila.
  • 16. Pero hindi pa rin sila pinabayaan ng Diyos. Nagpadala siya ng mga mensahero sa kanila para bigyan sila ng babala tungkol sa bigat ng parusa ng Diyos, at hikayatin silang magbalik-loob sa Diyos.
  • 17. Nangako ang Diyos na isa sa lahi nila ang darating para akuin ang mga kasalanan nila at ilapit silang muli sa Diyos. Hindi lang ito para sa lahi nila, kundi para sa lahat ng lahi sa buong mundo.
  • 18. Ilandaang taon na hindi nagsalita ang Diyos sa kanila. Sa panahong ito, tinatawag na silang Judio. Nasa ilalim na sila ng pamamahala ng kaharian ng Roma, at naghihintay sa darating na Tagapagligtas.
  • 19. Nakasulat sa aklat ng mga propeta na darating ang isang Tagapagligtas na mula sa lahi ni Abraham. Ipapanganak siya ng isang birhen sa bayan ng Bethlehem. Siya ang aako sa kasalanan ng lahat at maghahari magpakailanman.
  • 20. Makalipas ang ilandaang taon, nagpadala ang Diyos ng isang anghel sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria.
  • 21. Sabi ng anghel, “Magkakaroon ka ng isang anak na lalaki. Ang kaharian niya ay walang katapusan. Mabubuntis ka sa pamamagitan ng Espiritu. At siya’y tatawaging Anak ng Diyos.”
  • 22. Sinabi din niya na ang lalaking ito ang pinakahihintay na Hari at Tagapagligtas. Totoo nga, nagsilang si Maria sa Bethlehem ng isang lalaki. Pinangalanan siyang Jesus, na ang ibig sabihin, “Ang Diyos na Nagliligtas.”
  • 23. Lumaki si Jesus na kinalulugdan ng Diyos at ng mga tao. Sa buong buhay niya, lagi niyang pinipiling sumunod sa gusto ng Diyos at laging gawin kung ano ang tama at mabuti sa paningin ng Diyos.
  • 24. Pinatunayan ni Jesus na siya nga ang ipinangakong Tagapagligtas sa pamamagitan ng maraming mga himala tulad ng pagpapagaling sa mga maysakit. Sa pamamagitan nito, ipinakita niya ang kanyang kapangyarihan bilang tunay na Diyos at Panginoong dapat sundin.
  • 25. Nanawagan si Jesus sa mga tao, “Dumating na ang Kaharian ng Diyos. Magsisi na kayo at maniwala sa Magandang Balita.” May ilang nakinig at sumunod sa kanya.
  • 26. Sa kabila ng mga ginawa niya, marami ang kumalaban sa kanya, lalo na ang mga pinuno ng relihiyon nila. Ipinadakip siya, binugbog, pinahirapan at ipinako sa krus hanggang mamatay.
  • 27. Pero ito rin ang itinakdang paraan ng Diyos para iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Ang buhay at kamatayan ni Jesus ang naging pantubos sa ating mga kasalanan.
  • 28. Namatay si Jesus, inilibing, at sa ikatlong araw, muling siyang nabuhay. Sa pamamagitan nito, nagtagumpay siya laban sa kasalanan at sa kamatayan. Nasaksihan ito ng 500 katao.
  • 29. Sabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Puntahan n’yo ang lahat ng lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan n’yo sila at turuang sumunod sa lahat ng utos ko. Sasamahan ko kayo sa pamamagitan ng aking Espiritu.”
  • 30. Pagkatapos, bumalik na si Jesus sa kanyang Ama sa langit. Kitang- kita ng mga tagasunod niya ang pag-akyat niya sa ulap.
  • 31. Pagkaraan ng ilang araw, dumating nga ang Espiritu ng Diyos sa mga tagasunod ni Jesus. Siya ang magpapaalala sa kanila ng lahat ng itinuro ni Jesus, babago sa kanila para maging tulad ni Jesus, at magbibigay ng kakayahang mamuhay sa kagustuhan ng Diyos.
  • 32. Ito ang simula ng Iglesiya (Church), isang komunidad o pamilya ng Diyos na sama-samang sumasamba sa kanya, nagmamahalan sa isa’t isa at pinagtutulungan ang misyong iniwan ni Jesus.
  • 33. Inaanyayahan tayo ng Diyos na ang buhay natin ay maging bahagi ng napakagandang Kuwentong ito. Sa pamamagitan ng bautismo sa tubig, ipinapakita natin ang pagsisisi, pagtitiwala at pagsunod natin kay Jesus.
  • 34. Babalik si Jesus. Sa araw na iyon, ang lahat ng kasalanan, hirap, at kamatayan ay tuluyan nang maglalaho. Masayang makakasama natin ang Diyos magpakailanman. Pero ang mga di nagtiwala kay Jesus ay tatanggap ng walang hanggang parusa.
  • 35. Habang hinihintay natin ang pagbabalik niya, patuloy tayong mamumuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos. Patuloy din nating ikukuwento at ipapakita sa mga tao kung ano ang buhay na ang sinusunod ay ang Panginoong Jesus.