SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
KASALANAN
Laging binabanggit ng Bibliya, halos sa bawat pahina, ang katotohanan na karaniwan
nating tinatawag na kasalanan. Ang mga salitang ginagamit ng Lumang Tipan upang
tukuyin iyon ay marami at karaniwang hiniram ito sa ugnayan ng tao: bagay na nawaglit,
kabuktutan, paghihimagsik, kawalang-katarungan, atbp. Ang Judaismo ay maaaring
magdagdag ng pahiwatig tungkol sa pagkakautang, at ang ganitong paglalaan ay gagamitin
din sa Bagong Tipan. Karaniwan sa isang makasalanan na italaga bilang “isang gumagawa
ng kasamaan sa mata ng Diyos”; at ang matuwid (saddiq) ay karaniwang salungat sa
“masama” (rasa). Ngunit tanging ang malawak na pagsaklaw sa kasaysayan ng Bibliya ang
makapagpapalitaw ng tunay na kalikasan ng kasalanan kasama ang lahat ng masamang
hangarin at ang lahat nitong antas. Dito ay ating matututunan na ang ganitong paghahayag
patungkol sa tao ay paghahayag din tungkol sa Diyos; tungkol sa Kanyang pag-ibig kung
saan ang kasalanan ay salungat, sa Kanyang habag na kanyang ginagamit kapag nariyan ang
kasalanan; dahil ang kasaysayan ng kaligtasan ay mawawalan ng saysay kundi dahil sa
walang kapagurang pagsusumikap ng Diyos na Lumikha upang tawagin ang tao na lumayo
sa kasalanan.
I. ANG UNANG KASALANAN
Sa mga isinaysay ng Lumang Tipan, ang pagbagsak na siyang nagbukas ng kasaysayan ng
sangkatauhan ay nag-aalok sa simula, ng isang aralin na may bukod-tanging yaman. Upang
maunawaan kung ano ang kasalanan, kahit na hindi ginamit ang salita, ay doon tayo
magsisimula.
1. Ang kasalanan ni Adan ay ipinakikita bilang isang hindi pagsunod, isang gawa kung saan
alam ng tao at tahasan niyang dinadala ang kanyang sarili laban sa Diyos sa pamamagitan
ng pagsuway sa Kanyang ipinag-uutos (Gn 3,3); ngunit lingid sa panlabas na gawain ng
pagtutol, ang Kasulatan ay nagsasaad ng panloob na gawa na siyang nangunguna: Si Adan
at si Eva ay sumuway dahil, tinanggap nila ang mungkahi ng ahas, inibig nila “na maging
mga diyos na nakakaalam ng mabuti at masama” (3,5), na nangangahulugang, sang-ayon sa
nakararaming paliwanag, ginusto nilang ipalit ang kanilang sarili sa Diyos sa pagpapasya
kung ano ang mabuti at masama; sa pag-angkin nila sa kanilang sarili bilang sukatan,
kanilang inari na sila lamang ang panginoon ng kanilang tadhana, at isasaayos nila ang
kanilang sarili sang-ayon sa kanilang kagustuhan. Tinanggihan nila na umasa sa Kanya na
lumikha sa kanila, kaya’t lumihis ang kaugnayang nagbibigkis sa tao at sa Diyos.
Sang-ayon sa Gn 2, ang ganitong ugnayan, ay hindi lamang pagkalinga, kundi isang
pakikipag-kaibigan. Hindi tulad ng mga diyos na ating nasumpungan sa matandang alamat
(hal. Gilgamesh X,3), ang Diyos ng Bibliya ay hindi nagkait ng anuman sa tao na “nilikha sa
Kanyang larawan at pagkakatulad” (Gn 1,26ss); Hindi Siya naglaan ng para sa Kanya, kahit
na ang buhay (Kar 2,23). Sa mungkahi lamang ng ahas kaya’t si Eva, kasunod si Adan, ay
nagsimulang mag-alinlangan sa walang-hanggang kagandahang-loob ng Diyos: ang
panuntunan na ibinigay ng Diyos para sa ikabubuti ng tao (Rm 7,10) ay isang bagay lamang
na ginawa ng Diyos upang mapangalagaan ang Kanyang karapatan, at ang banta na salig sa
alituntunin ay isa lamang kasinungalingan. “Hindi, hindi ka mamamatay! Ngunit alam ng
Diyos na sa araw na kumain ka ng bungang ito, magiging tulad ka ng mga diyos, na
nakakaalam ng mabuti at masama” (Gn 3,4s). Ang tao ay lumabag sa Diyos at naging
kanyang kaaway. Ang pagkaunawa sa Diyos ay nagkaroon ng maling kahulugan: dahil ang
pagkakaintindi sa Diyos na kataas-taasan, na hindi nangangailangan ng kahit ano pa man ay
pinalitan ng kaisipan bilang isang taong maralita na ang nais at alalahanin ay pangalagaan
ang Kanyang sarili laban sa Kanyang nilikha. Bago hamunin ang tao na kumilos, sinira na ng
kasalanan ang kanyang espirito; at dahil nagkabisa ito sa kanya sa kanyang kaugnayan sa
Diyos na siya ang kalarawan, ang higit pang pagkakasala ay napakahirap na isipin; at hindi
nakakabigla na ito’y mauwi sa mga malulubhang kalalabasan.
2. Ang bunga ng kasalanan. Sa pagitan ng tao at Diyos ang lahat ay nagbago: ito ang pasiya
ng budhi. Bago pa man ang parusa, sa mahigpit na pananalita (Gn 3,23), sa pasimula, si
Adan at Eva sa pagkakataong iyon ay nagtatamasa ng banal na pagkilala (2,25) “itanago nila
ang kanilang sarili sa mukha ng Diyos sa mga puno (3,8). Ang pangunguna ay nagmula sa
tao at sa pananagutan sa kanyang kasalanan na nasa kanya; siya ang ayaw nang magnais pa
sa Diyos ay tumakas sa Kanya. Ang pagpapalayas mula sa Paraiso ay nagpatibay ng
kahilingan ng tao. Natutunan ng tao na ang banta ay hindi talaga pagsisinungaling. Nang
maging malayo sa Diyos, ang paglapit sa puno ng buhay ay hindi na maaari (3,22). Ang
nalabi na lamang ay tiyak na kamatayan. Si Adan at Eva ay pinalayas sa Paraiso. Sa
sandaling ito ay nasira ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao.
Ang kasalanan ay nagdulot din ng pagkasira ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng
lipunan, pagkasirang nasa puso ng ating mga unang magulang. Mabigat ang kasalanang
nagawa ng si Adan ay lumayo at pinaratangan ang taong ibinigay ng Diyos bilang kanyang
kasamahan (2,18), “buto ng kanyang buto at laman ng kanyang laman” (2,23). Ang parusa
ang nagpatibay sa kasiraan: “Ikaw ay mapapailalim sa kapangyarihan ng iyong asawa at
magkakaroon siya ng kapangyarihan sa iyo” (3,16). Pagkatapos nito, ang pagkasira ay
aabot sa mga anak ni Adan: mapapatay si Abel (4,8), maghahari ang karahasan at ang batas
ng malakas at ang mailap na awit ni Lamech ay papupurihan (4,24).
Hindi lamang ang mga ito. Ang misteryo ng kasalanan ay lampas pa sa daigdig ng
sangkatauhan. Sa pagitan ng Diyos at tao, may ikatlo pa na pumasok sa usapin. Ang Lumang
Tipan ay mahihirapang sabihin ang tungkol sa kanya, walang alinlangang iwasan siyang
gawing ikalawang Diyos. Ang Aklat ng Karunungan (Kar 2,24) ay kilala siya bilang demonyo
o Satanas, at siya ay muling magpapakita sa Bagong Tipan.
Sa huli, ang pagsasalaysay ng unang kasalanan ay hindi magiging ganap kung walang pag-
asang maiaalok sa tao. Walang alinlangan na ang makalaya sa kanyang sumpang
pagkaalipin ay walang pasubali. Sa sandaling ang kasalanan ay makapasok sa daigdig, ito ay
kakalat; at hanggang sa antas na iyo’y dumami, ang buhay ay mababawasan hanggang sa
sandaling ito’y gunawin (Gn 6,13ss). Dahil ang pagkawasak ay nagsimula sa tao, malinaw
na ang simula ng pagkakasundo ay manggagaling lamang sa Diyos. Tamang-tama na sa
pagkakataon nitong unang salaysay, ang Diyos ay nagpahiwatig na isang araw, Siya ang
magpapasimula (3,15). Ang kabutihan ng Diyos na nilait ng tao ay iiral sa wakas; ito “ay
gagapi sa masama sa pamamagitan ng kabutihan” (Rm 12,21). Ang Aklat ng Karunungan ay
binabanggit na si Adan ay “pinalaya sa kanyang kasalanan” (Kar 10,1). Anupaman,
ipinakikita na ng Genesis na umiiral ang kabutihang ito dahil sinagip nito si Noe at ang
kanyang mag-anak sa pandaigdigang pagkabulok at parusa (Gn 6,5-8) upang likhain sa
pamamagitan niya ang bagong daigdig (8,17.21s kung ihahambing sa 1,22.28; 3,17). Ang
ganitong kabutihan ay nakita ring kumikilos nang “ang kanilang pag-iisip ay nagkakaisa sa
kasamaan, ang mga bansa ay nalito (Kar 10,5), ito ay pumili kay Abraham at inilayo sa
daigdig na makasalanan (Gn 12,1; Jos 24,2s.14) upang “sa pamamagitan niya ang lahat ng
mga bansa sa lupa ay pagpalain” (Gn 12,2s, malinaw na ito ang katapat ng mga sumpa ng
3,14ss).
II. ANG KASALANAN NG ISRAEL
Gaya ng kasalanan na naglagay ng tanda sa pasimula ng kasaysayan ng sangkauhan, ito
rin ay naglagay ng tanda sa kasaysayan ng Israel. Mula sa kanyang kapanganakan, ang huli
ay muling bumuhay sa nangyari kay Adan. Dahil dito, ito ay natuto sa kanyang karanasan at
tinuturuan tayo kung ano ang kasalanan. May dalawang kabanata na may natatanging aral.
1. Ang pagsamba sa ginintuang guya. Tulad ni Adan, isa pang may kinilala, ang Israel ay
napuno ng pagpapala hanggang sa umapaw. Bilang isang walang katangian, sa ganang
kanyang sarili (Deut 7,7; 9,4ss; Ez 16,2-5), at sa kagalingan lamang ng pag-ibig ng Diyos
(Deut 7,8)dahil ang Israel ay higit o kumulang na isang “makasalanan” tulad ng ibang
bansa (Js 24,2.14; Ez 20,7f.18)  ito ay pinili upang maging bayan na may natatanging
karapatan sa lahat ng tao sa lupa (Exo 19,5), itinalaga bilang “panganay na lalaki ng Diyos”
(4,22). Upang mapalaya sa pang-aalipin ng Paraon at sa lupain ng kasalanan (ang lupain na
hindi maaaring maglingkod sa Diyos sang-ayon sa 5,1), ang Diyos ay gumawa ng mga
kababalaghan. Ngunit sa sandali na ang Diyos ay “nakipagtipan” sa Kanyang bayan,
intinalaga Niya ang Kanyang sarili sa kanila, ipinagkaloob kay Moises “ang tapyas ng bato
ng patunay” (31,18), ang mga tao ay nagsabi kay Aaron: “Igawa mo kami ng diyos na
mangunguna sa amin” (32,1). Sa kabila ng mga patunay na ang Diyos ay nagbigay ng
Kanyang “katapatan,” nakita ng Israel na Siya ay lubhang malayo, lubhang “hindi matanaw,”
at walang pananalig sa Kanya. Pinili ng Israel na ang diyos ay kayang abutin, isang diyos na
magiging mahinahon sa pamamagitan ng mga handog; anupa’t isang diyos na maaaring
palitan sa paraan ng pag-iisip ng Israel, sa halip na ang Israel ay sundan Siya at tuparin ang
Kanyang mga utos (40,36ss). Sa halip na “maglakad kasama ang Diyos,” inibig ng Israel na
ang Diyos ay lumakad kasama nito.
Ang “pangunahing” kasalanan ng Israel ay ang pagtangging sumunod, na sa kailaliman ay
ang pagtangging maniwala sa Diyos at ipaubaya ang sarili sa Kanya. Sa Deut 9,7 ay
binabanggit ang pagtangging sumunod; sa katunayan, ito ay mauulit sa bawat hindi
mabilang na paghihimagsik ng mga taong “matitigas ang leeg.” Sa huli, nang ang Israel ay
tutuksuhin na mag-alay ng pagsamba sa mga “Baal” bukod sa pagsambang iniaalay kay
Yahweh, dapat na mapansin na ito’y dahil ang Israel ay tumangging makita kay Yahweh ang
“isang bagay na kailangan”, ang Diyos na pinagkakautangan ng kanyang pag-iral, at ang
kanyang tungkuling Siya lamang ang mapaglingkuran (Deut 6,13; Mt 4,10). Nang ilarawan
ni San Pablo ang maling hangarin ng kasalanan ng pagsamba sa diyos-diyosan, hindi siya
natigilan, kahit sa mga pagano, na tukuyin ang pangunahing kasalanan ng Israel (Rm 1,23 =
Awit 106,20).
2. Ang mga libingan ng kahalayan. Daglian, matapos ang yugto ng ginintuang guya, Ang
Deut 9,22 ay nagpapaalala ng isa pang kasalanan ng Israel na ginagamit ni San Pablo,
ipinapakita ito bilang isang uri ng “mga kasalanan sa ilang” (1 Cor 10,6). Ang kahulugan ng
yugto ay lubhang malinaw. Pinili ng Israel ang ibig niyang pagkain sa halip na ang pagkaing
mahimala at ibinigay ng Diyos: “Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain?… Wala
na tayo maski na ano… wala na tayong makita kundi manna!” (Bil 11,4s). Inayawan ng
Israel na pangunahan ng Diyos, ayaw magtiwala sa Kanya, magpailalim sang-ayon sa
niloloob ng Diyos na binubuo ng spiritual na karanasan sa ilang (Deut 8,3; Mt 4,4). Ang
“katakawan” ng Israel ay mabibigyan ng kasiyahan; ngunit, tulad ni Adan, malalaman nito
kung ano ang kabayaran ng tao na ipagpalit ang kanyang paraan sa kaparaanan ng Diyos
(Bil 11,33).
III. ANG PAGTUTURO NG MGA PROPETA
Ito ang tumpak na katuruan na walang patid na inuulit-ulit ng Diyos sa pamamagitan ng
Kanyang mga propeta. Kaya, ang taong nag-iisip na siya ay makakapagtayo sa pamamagitan
ng kanyang sarili ay magdudulot lamang ng kanyang sariling pagkawasak. Sa gayong
paraan ang bayan ng Diyos ay nawasak sa saglit na sila ay lumihis sa daang ginawa ng
Diyos para sa kanila. Ang kasalanan, sa makatuwid, ay nakita bilang balakid, at tunay na ito
lamang, sa balak ng Diyos sa Israel, na Kanyang bayan. Walang pag-aalinlangan na sa
ganitong bagay, ang kasalanan ng isang pinuno, ng hari o ng pari ay may damit ng
natatanging pananagutan. Iyon ang dahilan kaya nabanggit sa tanging paraan. Ang
kasalanan ni Akan ang nagpatigil sa hukbo ng buong Israel sa harap ni Ai (Js 7).
Napakadalas, ang mga kasalanan ng mga tao bilang pangkat ang nananagot sa mga propeta
sa sinapit na kapahamakan ng mga bansa: “Hindi, ang mga kamay ni Yahweh ay hindi
lubhang maigsi upang sumagip, o ang Kanyang tainga ay lubhang bingi upang makarinig.
Subalit ang inyong kabuktutan ang humukay ng bangin sa pagitan ninyo at ng inyong
Diyos” (Isa 59,1s).
1. Ang pagtuligsa sa kasalanan. Ang pangangaral ng mga propeta ay binubuo rin sa
malawak na saklaw ng pagtuligsa sa kasalanan; sa sala ng mga pinuno (1 Sam 3,11; 13,13s
2S 12,1-15; Jer 22,13) at ng mga tao. Kaya’t mayroon tayong pagbanggit ng mga kasalanan
na napakadalas isaad sa panitikan ng propeta, na karaniwang nakabatay, humigit-
kumulang sa Sampung Utos ng Diyos. Ang pagbanggit sa mga ito ay higit sa panitikan ng
karunungan (Deut 27, 15-26; Ez 18,5-9; 33,25s; Awit 15; Kaw 6,16-19; 30,11-14). Ang
kasalanan ay naging tumpak na katotohanan, at malalaman natin ang dahilan ng paglayo ni
Yahweh: karahasan, pagnanakaw, balakyot na katarungan, kasinungalingan,
pangangalunya, pagsira sa banal na pangako, pagpatay, labis na pagpapatubo,
pagsasawalang-bahala ng mga karapatan, at sa maikling salita, lahat ng kawalan ng
kaayusan sa lipunan. Ang “pagtatapat” na isiningit sa Isa 59 ay nagbubunyag sa tumpak na
paraan kung ano itong mga “kasamaan” na “humukay ng bangin sa pagitan ng tao at ng
Diyos” (59,2): “Ang aming mga sala ay nasa harapan namin, alam namin ang aming
pagkakamali: naghimagsik at tinalikdan si Yahweh, lumayo sa aming Diyos, sinasambit ang
paniniil at paghihimagsik, at bumubulong ng ng kasinungalingan sa aming mga puso. Ang
paghatol ay isina-isantabi at ang katarungan ay inilayo, ang may mabuting pananalig ay
natitisod sa lansangan, at ang wasto ay hindi makapasok” (59,13). Matagal na panahon
bago ito, si Osea ay nagsalita sa ganito ring paraan: “Walang katapatan, pag-ibig, kaalaman
sa Diyos sa sangkalupaan; ngunit ang panunumpa ng walang katotohanan at
kasinungalingan, pataksil na pagpatay at pagnanakaw, pangangalunya at karahasan,
pagpatay sa ibabaw ng pagpatay” (Osea 4,2; Isa 1,17; 5,8; 65,6s; Amos 4,1; 5,7-15; Mi 2,1s).
Ang aral ay may pangunahing kahalagahan: ang taong nag-iisip na makapagtayo sa
kanyang sarili, nang hindi umaaasa sa Diyos, ay magagawa iyon kadalasan ay sa kabayaran
ng iba, lalo na yaog maliit at mahina. Ang mang-aawit ay nagpapahayag: “Ang taong hindi
itinatag ang kanyang kuta sa Diyos” (Awit 52,9) “ay nagbabalak ng kasalanan sa buong
maghapon” (t 4), samantalang “ang taong matuwid at nagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos
magpakailanman (t 10). Hindi ba’t ang pangangalunya ni David ay nagmumungkahi ng
tungkol dito? (2 Sam 12). Gayon pa man, mula sa pangyayari na ang kahalagahan ay alam
ng isipan ng mga Hudyo tungkol sa kasalanan (Miserere), isa pang mahalagang katotohanan
ang lumabas: ang kasalanan ng tao ay hindi lamang tumutuligsa sa karapatan ng Diyos;
ngunit ito’y nagkakabisa sa puso.
2. Ang kasalanan bilang pagsugat sa Diyos. Walang alinlangan na ang nagkasala ay hindi
maaaring makasakit sa Diyos. Ang Bibliya ay lubhang madalas na pag-ukulan ng pansin ang
kahigitang banal: “Nagbubuhos sila ng mga handog sa mga dayuhang diyos upang saktan
ako. Subalit ako bang talaga ang kanilang sinasaktan? Hindi ba’t ang kanilang sarili ang
sinasaktan nila at dinadala sa pagkalito?” (Jer 7,19). “Kung ikaw ay nagkasala, sa paanong
paraan mo Siya sinasaktan? Kung gagawa ka ng maraming kasalanan, gumagawa ka ba ng
masama sa Kanya? (Jb 35,6). Sa pagkakasala laban sa Diyos, matatapos ito sa pagkasira ng
tao. Kung ang Diyos ay nag-aatas ng mga batas sa atin, hindi ito nauukol sa Kanyang
kapakanan, ito’y sa atin “upang lahat tayo ay maging maligaya at tayo ay mabuhay (Deut
6,24). Subalit ang Diyos ng Bibliya ay hindi ang diyos ni Aristotle na walang pakialam sa tao
at sa daigdig.
a) Kung ang kasalanan ay hindi sumusugat sa Diyos, ito sa halip ay sumusugat sa mga
minamahal Niya. Kaya sa “pagsalakay kay Uriah ang Hittita sa pamamagitan ng patalim at
kunin ang kanyang asawa,” inisip ni David, na walang alinlangan, na sinugatan lamang niya
ang tao, at ang hindi-Israelita sa ganoong paraan. Nakaligtaaan niya na Diyos ang
nananagot sa lahat ng karapatang pantao. Itinuturo ni Nathan na “nilibak” niya si Yahweh,
at siya ay parurusahan bunga ng ginawa niyang ito (2 Sam .12,9s).
b) Bukod dito, ang kasalanan ay naghihiwalay sa tao at sa Diyos, ang tanging bukal ng
buhay, ito’y tumatalab sa Diyos sa balak Niyang pag-ibig sa katotohanang: “Ang aking
bayan ay nagpalit ng kanilang kaluwalhatian sa mga diyos-diyosan! Iniwan nila ako, ang
bukal ng buhay, upang gumawa ng sirang balon na walang maibibigay na tubig” (Jer
2,11ss).
c) Sa abot ng paghahayag ng Bibliya na maipakilala ang kalaliman ng gayong pag-ibig,
ipinauunawa ang tunay na kahulugan ng kasalanan ng tao na maaaring “makasakit” sa
Diyos: ang kasalanan ay kawalan ng utang na loob ng isang anak sa isang mapagmahal na
ama (Isa 64,7), ganoon din ang walang utang na loob na anak sa kanyang ina na hindi
magawang “talikdan ang kanyang anak” (Isa 49,15): katangi-tangi ang kasalanan ng taksil
na asawang babae na ginawang “kalapating mababa ang lipad” ang kanyang sarili sa bawat
sulok, hindi alintana ang walang-maliw na katapatan ng kanyang asawa: Nakita mo na ba
ang ginawa ng Israel, ang rebelde?… Naisip ko: Matapos niyang gawin ang lahat ng iyon,
siya ay babalik sa akin: ngunit hindi siya bumalik!… Magbalik ka rebeldeng Israel!… Hindi
na kita kagagalitan spagkat ako’y maawain” (Jer 3,7.12; Ez 16; 23).
Dito sa yugtong ito ng paglalahad, ang kasalanan ay lumilitaw bilang paglabag sa
pansariling ugnayan; bilang pagtanggi ng tao na hayaan ang sariling mahalin ng isang
Diyos, naghihirap ang tao dahil hindi nagpamahal, naging mahina: isang hiwaga ng pag-ibig
na ganap na ihahayag lamang sa Bagong Tipan.
3. Ang lunas sa kasalanan. Binabatikos at inilalantad ng mga propeta ang antas ng
kasalanan upang mag-anyaya lamang sa mas mabisang pagbabalik-loob. Sapagkat kung ang
tao ay hindi tapat, ang Diyos ay laging tapat; tinatanggihan ng tao ang pagmamahal ng
Diyos, ngunit hindi tumitigil ang Diyos na ito’y ialok. Hangga’t ang tao ay maaari pang
bumalik, inaanyayahan Niya itong bumalik. Tulad ng talinghaga ng waldas na anak, ang
lahat ay iniaalok sa ganitong pagbabalik, naghihintay: “Kaya’t lalagyan ko ang kanyang daan
ng mga tinik; haharangan ang kanyang landas upang hindi na niya makita ang daan;
hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig at hindi siya makakarating sa kanila,
hahanapin niya sila ngunit hindi matatagpuan. Kaya sasabihin niya: babalik na ako sa aking
unang asawa, kung saan ako’y dating mas masaya kaysa ngayon” (Os 2,8s; Ez 14,11).
Sa katotohanan, kung ang kasalanan ay ang pagtanggi sa pagmamahal, maliwanag na ito’y
mapapawi at mapapatawad, kung ang tao ay makikipagkasundo na muling mahalin. Upang
mailarawan ang “kapatawaran” na maaaring makapagpabalik sa tao sa kanyang Diyos,
kinakailangan din niyang magmahal at hayaang siya’y mahalin! Mismong ang pagmamahal
ng Diyos ang pipigl sa Kanya na hingin ang ganitong pagbabalik. Kung ipinahahayag ng
Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang “mapanibughong Diyos” (Exo 20,5; Deut 5,9), ito’y
dahil ang Kanyang paninibugho ay sa dulot ng Kanyang pagmamahal (Isa 63,15; Zep 1,14).
Kung ibig Niya itong makamit, ang Diyos mismo, ang kaligayahan ng tao (ang tao ay nilikha
sa Kanyang larawan), ito’y dahil Siya lamang ang makagagawa nito. Upang makapagbalik-
loob, nariyan ang abo, pag-amin ng kasalanan, pagdurusa sa nagawang kasalanan,
pagsisisi,at pagliligtas.
Maliwanag na ang unang paraan para sa tao ay ang pagtalikod sa kanyang kagustuhan na
dating hindi palaaasa, na siya ay sumang-ayon na pasakop sa Diyos, hayaan ang kanyang
sarili na magmahal; sa ibang salita, talikdan niya ang nagbubuyo sa kanya sa pagkakasala.
Ngayon ay napatunayan niya na ito ay bagay na hindi abot ng kanyang kakayahan. Upang
mapawalang-sala ang isang tao, hindi sapat na makipagkasundo sa Diyos na huwag siyang
ipagtabuyan; ang higit na mahalaga: “Itulot mo na kami ay makabalik at kami ay
magbabalik” (Panag 5,21). Mismong ang Diyos ay lalabas at hahanapin ang nawawalang
tupa (Ez 34) at ibibigay Niya sa tao ang “bagong puso”, isang “bagong espirito” (Ez 36,26s).
Ito ang magiging “bagong tipan” kung saan ang batas ay hindi na isusulat sa mga tapyas ng
bato, kundi sa puso ng tao (Jer 31,31ss; 2 Cor 3,3). Hindi sapat sa Diyos na mag-alay sa
Kanyang pagmamahal, o ang paghanapan tayo: “Si Yahweh ang inyong Diyos ay susunatin
ang inyong puso at ang mga puso ng inyong saling-lahi, upang inyong mahalin ang
Panginoong inyong Diyos ng buong puso, upang ikaw ay mabuhay” (Deut 30,6). Gayon din,
ang salmista ay ipinagtatapat ang kanyang kasalanan, nagsusumamo sa Diyos na “hugasan”
siya, upang “linisin” siya, na “ lumikha sa kanya ng pusong malinis” (Awit 51), naniniwala
na ang pagpapawalang-sala sa kasalanan ay nangangailangan ng gawa at kahawig sa
gawain ng kabanalan. Sa huli, ang Lumang Tipan ay naghahayag na ang ganitong panloob
na pagbabago ng tao na siyang nagliligtas sa kanya sa kasalanan ay kalakip ng handog ng
Lingkod na ang pagkakilanlan ay walang sinumang makaisip bago pa man matupad ang
mga hula.
IV. ANG TURO NG BAGONG TIPAN
Inihahayag ng Bagong Tipan na ang Lingkod na dumating upang “palayain ang tao sa
kasalanan” (Isa 53,11) ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos. Hindi nakabibigla, na ang
kasalanan ay hindi sumasaklaw dito ng kaunting lugar kung ihahambing sa Lumang Tipan,
gayundin ang ang buong paglalahad ng ginawa ng pag-ibig ng Diyos upang gapiin ang
kasalanan sa tunay na kabuuan upang lubos na maipahayag, kaakibat dito ang papel na
ginampanan ng banal na karunungan.
1. Si Jesus at ang mga makasalanan.
a) Mula pa sa simula ng pangangaral ng ebanghelyo, makikita natin si Jesus sa piling ng
mga makasalanan. Sapagkat Siya’y dumating para sa kanila at hindi para sa matuwid (Mc
2,17). Gamit ang pananalitang tumutukoy sa panahon ng mga Hudyo, inihayag Niya na ang
kanilang sala ay “napatawad” na. Hindi ito nangangahulugan na itinuturing ang kasalanan
bilang isang pagkakautang, kahit na ang salitang ito madalang na gamitin sa ganitong
kahulugan (Mt 6,12; 18,23ss). Sa halip, ito ay nangangahulugan na ang kasalanan ay
maaaring patawarin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos na hindi humihingi ng pagbabago
ng espirito at ng puso ng tao. Katulad ng mga propeta at ni Juan Bautista (Mc 1,4),
ipinangangaral ni Jesus ang pagbabalik-loob, isang sukdulang pagbabago ng espirito na
naglalagay sa tao sa isang pagsasaayos upang tanggapin ang banal na pagtangkilik, upang
hayaan ang Diyos na gumalaw sa kanya: “Ang kaharian ng Diyos ay abot-kamay na; magsisi
at maniwala sa mabuting balita” (Mc 1,15). Sa kabilang banda, sa harap ng mga taong
tumatanggi sa liwanag (Mc 3,29) o naniniwala na hindi nila kailangan ang pagpapatawad,
tulad ng mga Pariseo sa talinghaga (Lc 18,9ss), si Jesus ay walang lakas.
b) Dahil dito, si Jesus, katulad ng mga propeta, ay tumutuligsa sa kasalanan hangga’t
kinakailangan; kahit na sa mga taong nag-iisip na sila ay matuwid dahil sa pagsunod nila sa
atas ng panlabas na batas. Sapagkat ang kasalanan ay nasa puso “kung saan lumalabas ang
masasamang gawa: pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, pag-iimbot,
paggawa ng kabuktuan, katulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang puri,
kapalaluan at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang
nagpaparumi sa kanya” (Mc 7,21ss). Sapagkat dumating Siya upang gawing ganap ang
Batas sa kabuuan nito at hindi upang ipawalang-bisa ito (Mt 5,17). Ang mga alagad ni Jesus
ay hindi makuntento sa “pagmamatuwid ng mga Pariseo” (5,20); ang pagtatuwid ni Jesus
ay walang-alinlangang nauukol sa pag-ibig (7,12). Sa pagmamasid sa gawain ng panginoon,
ang alagad ay dahan-dahang matututo kung ano ang magmahal; at kaugnay nito, makikita
niyang ang kasalanan ay ang pagtanggi sa pag-ibig.
c) Matututunan niya ito lalo na sa pakikinig kay Jesus na naghahayag sa kanya ng hindi
maarok na habag ng Diyos sa makasalanan. Ang talinghaga ng waldas na anak o dili kaya’y
ng mahabaging ama (Lc 15,11ss), ay nakakahawig ng katuruan ng Lumang Tipan.
Karamihan sa mga talata sa Bagong Tipan ay nakahihigit sa ganitong talinghaga kung
paanong ang kasalanan ay isang paglabag sa Diyos at paanong maging isang kahangalan na
isiping ang pagpapatawad ay hiwalay sa pagbabalik-loob ng makasalanan. Bukod sa
gawang di-pagsunod na ipinahihiwatig ng nakatatandang kapatid sa nakababata upang
ihambing ang kanyang pagkamasunurin  ang nakakalungkot sa puso ng ama ay ang pag-
alis ng kanyang anak, na hindi na hinayaang lubusan siyang mahalin. Sinaktan ng anak ang
kanyang ama dahil iniwalay niya ang kanyang sarili sa kanya. Paano niyang
“makukumpuni” ang kanyang pasakit kung hindi ang kanyang muling pagbabalik at
hayaang siyang pakitunguhan bilang anak? Ito ang dahilan kung bakit ang talinghaga ay
binibigyang-diin ang kagalakan ng ama. Kung wala ang gayong pagbabalik, walang maiisip
na pagpapatawad. Higit na tamang sabihin, na ang ama ay laging nagpapatawad sa kanya,
ngunit ang pagpapawalang-sala ay mabisang makararating sa kasalanan ng anak sa
pamamagitan lamang ng kanyang pagbabalik.
d) Inihayag ni Jesus ang pagtingin ng Diyos tungo sa kasalanan sa pamamagitan ng
Kanyang mga gawa higit sa Kanyang mga salita. Hindi lamang Niya tinaggap ang mga
makasalanan tulad ng pagmamahal ng ama sa talinghaga (Lc 7,36ss; 19,5; Mc 2,15ss; Jn
8,10s), sa panganib na maiskandalo ang mga nakakikita sa gayong habag na hindi ito
magawang maunawaan tulad ng nangyari sa panganay na anak (Lc 15,28ss); ngunit
kumilos siya ng tahasan laban sa kasalanan. Siya mismo ay nagtagumpay kay Satanas sa
sandali ng pagsubok. Sa panahon ng kanyang pamumuhay sa gitna ng madla, inagaw niya
ang tao sa kapangyarihan ng kasamaan at karamdamang dala ng kasalanan (Mc 1,23), sa
gayon pinasimulan ang tungkulin ng lingkod (Mt 8,16) habang naghihintay na “ibigay ang
kanyang buhay bilang pantubos” (Mk 10,45) at “magbuhos ng dugo, ang dugo ng tipan, para
sa marami sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mt 26,28).
2. Ang kasalanan ng daigdig. Sa halip na “pagpapatawad ng mga kasalanan,” kahit na alam
alam niya ang kinaugaliang pagpapahayag (Jn 20,23; 1 Jn 2,12), sinasambit ni San Juan ang
tungkol kay Kristo na dumating “upang alisin ang kasalanan ng daigdig” (Jn 1,29).
Nararamdaman ni Juan sa likod ng bawa’t galaw, ang hiwaga ng katotohanan na idinulot sa
kanila, isang kapangyarihan ng paglaban sa Diyos at sa Kanyang paghahari. Ang
kapangyarihang ito ang humarap kay Kristo.
a) Ang pagkapoot na ito ay hayagan munang ipinakita sa kusang pagtanggi sa liwanag.
Ang kasalanan ay di-malampasang kadiliman. “Ang liwanag ay dumating sa daigdig at ang
mga tao ay minahal ang kadiliman nang higit sa liwanag dahil ang kanilang ginagawa ay
kasamaan” (Jn 3,19). Ang maysala ay kalaban ng liwanag dahil nasisisndak siya dito, “sa
takot na mahayag ang kanyang gawain.” Kinamumuhian niya ito: “Ang sinumang
gumagawa ng kasamaan ay namumuhi sa liwanag” (3,20). Bulag na paghahangad, bulag na
umiibig, dahil hindi ito nakilala bilang isang kasamaan: “Kung kayo ay bulag wala kayong
kasalanan. Ngunit sinasabi ninyo: ‘Nakakakita kami.’ Mananatili ang inyong kasalanan”
(9,40).
b) Ang gayong pagkabulag ay maipapaliwanag sa masamang panghihikayat ni Satanas.
Dahil dito, ang kasalanan ay nasa paglilingkod ni Satanas: “Ang sinumang nagkakasala ay
isang alipin” (Jn 8,34). Sa dahilang ang Kristiyano ay anak ng Diyos, ang makasalanan ay
“anak ng demonyo, makasalanan na, noong una pa man”; at “ginagawa niya ang kanyang
mga gawain” (1 Jn 3,8-10). Ngayon, kabilang sa kanyang mga gawa, dalawa ang tinutukoy
ni San Juan: pagpatay at kasinungalingan. “ Mula pa sa simula, siya ay mamamatay-tao na,
at di matatagpuan sa kanya ang katotohanan kahit kailan. Kung siya’y nagsisinungaling,
likas na ito sa kanya, sapagkat siya’y sinungaling at ama ng kasinungalingan (Jn 8,44). Siya
ay pumapatay sa pagdadala ng kamatayan sa tao (Kar 2,24) at sa pagpukaw kay Cain na
paslangin ang kanyang kapatid (1 Jn 3,12-15). Siya ay mamamatay-tao na nag-udyok sa
mga Hudyo na patayin ang siyang nagsasalita ng katotohanan sa kanila: “Ibig ninyo akong
patayin, ako na nagsasalita ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos. Ang demonyo ang
inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong ginagawa” (8,37).
c) Sa ganang kanila, ang pagpatay at kasinungalingan ay maipapaliwanag lamang ng
pagkapoot. Sa pagtuturo sa demonyo, ang Banal na Kasulatan ay nagsasaad ng paninibugho
(Kar 2,24). Walang pag-aalinlangang banggitin ni Juan ang salitang “poot”. Sa ganito ring
paraan, ang matigas ang ulong ayaw na maniwala ay “napopoot sa liwanag” (Jn 3,20), tulad
ng mga Hudyo na napopoot kay Kristo at sa Diyos na Kanyang Ama (15,22). Ang mga Hudyo
ay nangangahulugang ang digdig at ang naglilingkod kay Satanas, ang sinumang
tumatangging kilalanin si Kristo. At ang ganitong pagkapoot ay matatapos sa pagpaslang sa
Anak ng Diyos (8,37).
d) Kaya makikita natin ang uri ng ganitong kasalanan ng daigdig na pinagwagian ni Jesus.
Nagawa niya ito dahil Siya mismo ay walang pagkakasala (Jn 8,46; 1 Jn 3,5), “isa” kasama ng
Diyos na Kanyang Ama (Jn 10,30), wagas na “liwanag na walang kadiliman” (1,5; 8,12),
katotohanan na walang bahid ng pagsisinungaling (1,14; 8,40), sa huli ay pag-ibig; sapagkat
“ang Diyos ay pag-ibig” (1 Jn 4,8). Kung sa Kanyang buhay, hindi siya nagsawang
magmahal, ang Kanyang kamatayan ay magiging gawa ng pag-ibig, napakaigting na ang
alinmang hihigit ay di maiisip pa; at ang Kanyang kamatayan ay magiging “kaganapan” ng
pag-ibig (Jn 15,13; 13,1; 19,30). Ang ganitong kamatayan ay isa ring tagumpay sa “prinsipe
ng daigdig na ito” na nag-iisip na pinagwagian niya ang patimpalak. Ngunit siya ay walang
laban kay Jesus (14,30) at siya ang siyang “itinaboy” (12,31). pinagwagian ni Jesus ang
daigdig (Jn 16,33).
e) Ang katibayan ng nabanggit ay hindi lamang ang katotohanan na kaya ni Jesus na
“kunin niya uli ang buhay na Kanyang ibinigay” (Jn 10,17). Higit pa sa katibayan ang
katotohanan na ang Kanyang mga alagad ay naging kabahagi ng Kanyang tagumpay. Sa
pagiging “anak ng Diyos” sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesus (1,12), ang isang
Kristiyano “ay hindi gumagawa ng kasalanan dahil siya ay ipinanganak ng Diyos” (1 Jn 3,9).
Bukod dito, dahil ang “banal na punla” ay namumuhay sa kanya  na ang ibig sabihin, tulad
ng ipinahahayag ni San Pablo, “siya ay gumagalaw sa pamamagitan ng espirito ng Diyos”
(Rom 8,14; Gal 5,16)  siya ay “hindi magkakasala”. Sa katunayan, si Jesus ay “nag-aalis ng
kasalanan ng daigdig” (Jn 1,29), sa pamamagitan ng pagbibinyag sa Espirito (t 33), iyon ay
sa pakikipag-ugnayan sa Espirito, na sinasagisag ng tubig na dumadaloy mula sa sinugatang
tagiliran ng taong ipinako na iniuulat ni Zaccarias, ang balon na “nakabukas sa bahay ni
David upang maglinis ng kasalanan at di malinis” (Jn 19,30-37; Sof 12,10; 13,1), at nakita ni
Ezekiel na nagmumula “sa ilalim ng bungad ng Templo” at pinagbagong-anyo ang mga
pampang ng Dagat na Patay upang gawing bagong paraiso (Ez 47,1-12; Pah 22,2). Tiyak na
ang Kristiyano, kahit na ipinanganak sa Diyos, ay maaaring bumagsak sa kasalanan (1 Jn
2,1); ngunit “si Jesus ay nagpatawad sa ating mga pagkakasala” (1 Jn 2,2), at ibinahagi Niya
ang Espirito sa mga alagad upang matuwid silang “makapagpatawad ng mga kasalanan” (Jn
20,22s).
3 Ang kasalanan sang-ayon kay San Pablo.
a) Isang mayamang pananalita ang nagbibigay ng kalayaan kay Pablo na makita ang
kaibahan nang higit na malinaw ang kasalanan (gr. hamartia) sa mga gawang masasama,
higit na tinatawag bilang pagkakamali na labas sa nakaugaliang pagtawag (pagbagsak; gr.
paraptôma) o paglabag (gr. parabasis), nang hindi naghahangad na paliitin ang kabigatan
ng huli. Kaya, ang pagkakasala na ginawa ni Adan sa Paraiso, na alam ng lahat, na binigyan
ng lubos na pansin ni San Pablo, ay tinawag na pagkakamali o di pagsunod sa bandang huli
(Rom 5,14.17.19).
Gayunpaman, para kay San Pablo, ang gawang pagkakasala ay hindi sumasaklaw ng maliit
na pagpapahalaga kagaya ng isinasaad sa ebanghelyo, habang ang talaan ng mga kasalanan
ay napakadalas na matagpuan sa mga laman ng sulat: 1 Cor 5,10s; 6,9s; 2 Cor 12,20; Gal
5,19-21; Rom 1,29-31; Col 3,5-8; Ef 5,3; 1 Tim 1,9; Tito 3,3; 2 Tim 3,2-5. Ang lahat ng mga
kasalanang ito, tulad ng sinasabi ni San Pablo, ay labas sa kaharian ng Diyos (1 Cor 6,9; Gal
5,21). Ngayon, nararapat pansinin na sa mga ito, katulad ng sa Lumang Tipan, mayroong
pangkat na nauukol sa kalaswaan, diyos-diyosan at kawalan ng katwirang pan-lipunan
(tingnan ang Rom 1,21-32 at ang mga talaan sa 1 Cor, Gal, Col, Ef). Pansinin din ang antas
na itinutukoy ni San Pablo sa kasakiman (gr. pleonexia), ang kasalanang tumutukoy sa
“walang-lubay na pag-aasam na magkamit ng mga pag-aari,” ang bisyo na sa matandang
Latin ay tinatawag na avaritia at nakakatulad sa ipinagbabawal sa Sampung Utos (Exo
20,17) sa katagang pagnanasa (Rom 7,7). Si Pablo ay hindi tumigil na ihambing ito sa
kasalanan ng pagsamba sa diyos-diyosan; kinilala niya ang dalawa: “na ang pagkagahaman
ay kabilang sa pagsamba sa diyos-diyosan” (Col 3,5; Ef 5,5).
b) Bukod pa dito sa mga gawaing makasalanan, si Pablo ay bumabalik sa pangunahing
dahilan. Sa tao na makasalanan, ang mga iyon ay kataga at panlabas ng kapangyarihang
laban sa Diyos at sa Kanyang kaharian. Ito ay katulad din ng sinasabi ni San Juan. Ang isang
payak na katotohanan para dito ay itinatabi ni Pablo sa tawag na kasalanan na may tanging
kahalagahan. Inilalarawan niya ito, ang pinagmulan o ang bunga nito sa atin, may lubos na
katiyakan na iniaalok sa tunay na anyo ng kasalanan.
Ipinakilala bilang isang kapangyarihan at ginawang persona hanggang sa ikalito sa sa
personalidad ni Satanas na siyang “diyos ng daigdig na ito” 9( Cor 4,4), ang kasalanan, hindi
kukulangin, ay isang bukod-tanging katotohanan; ito’y pag-aari ng taong makasalanan, na
nasa kanyang kalooban. Ito’y nagsimula sa sangkatauhan sa pamamagitan ng hindi
pagsunod Adan (Rom 5,12-19)  at sa isang uri ng pagsikad sa materyal na sanlibutan
(Rom 8,20; Gen 3,17), ang kasalanan ay dumaan sa lahat ng tao nang walang pagpapaliban,
dinala sila sa kamatayan at walang-hanggang pagkahiwalay sa Diyos tulad ng mga
isinumpa sa impiyerno. Lingid sa pagliligtas, ang lahat ay nabulid, sang-ayon sa mga salita
ni San Agustino, na tamang-tama kung lubos na mauunawaan bilang massa damnata. Ibig ni
Pablo na ilarawan ng sapat ang ganitong katayuan ng taong “ipnagbili sa kapangyarihan ng
kasalanan” (Rom 7,14), na hanggang ngayon ay kaya pang “makiisa” sa mabuti (7,16.22), sa
katunayan, “asamin” ito (7,15.21). Ito ay nagpapatunay na hindi lahat ng nasa tao ay
nawasak, at kaya niyang “gumawa” ng kabutihan (7,18); at dahil kailangan niyang
yumukod sa walang-hanggang kamatayan (7,24), hindi niya magawang iwasan ang
“kapalit” o “dulot” sa paggawa ng kasalanan (6,21-23).
c) Bilang wakas ng mga nasabi na, ang apostol ay naparatangan ng pag-iisip ng masama.
Sila na nagpaparatang ay nakalilimot na nasumpungan ito ni Pablo mula sa grasya ni Kristo
nang gawin niya ang ganitong patotoo. Ang kanyang pagmamatwid ay pansamantalang
nagpumilit sa kanya na bigyang-diin ang pandaigdig na saklaw ng kasalanan at ang taglay
nitong paniniil sa isang layuning itatag ang kawalan ng kapangyarihan ng Batas at itaas ang
lubos na pangangailangan ng gawang pagpapalaya ni Kristo. Bukod dito, ipinaaalala ni
Pablo ang pagkakaisa ng buong sangkatauhan kay Adan, upang ibunyag ang higit na na
paagkakaisa ng sangkatauhan kay Jesu-Kristo; sa diwa ng Diyos, si Jesu-Kristo ang una
(Rom 5,14). Nangangahulugan na ang kasalanan ni Adan at ang mga bunga nito ay hinayaan
lamang dahil kinakailangan na pagtagumpayan ito ni Kristo, at sa gayong napakasaganang
paraan na kahit na ipakita ang pagkakahawig ng ginampanan ng unang Adan at ng
pangalawa (5,17ss), ipinagpilitan ni Pablo ang mga pagkakaiba (5,15s).
Ang usapin sa tagumpay ni Kristo sa kasalanan ay hindi kakaunti kung ihahambing kay
Juan. Ang Kristiyano na ginawang matuwid ng pananampalataya at binyag (Gal 3,26ss; Rom
3,21ss; 6,2ss), ay ganap na kumalas sa kasalanan (Rom 6,10s). Namatay sa pagkakasala,
siya ay namatay at nabuhay kay Kristo, isang bagong tao (6,5), isang “bagong nilalang” (2
Cor 5,17). Hindi na siya “makalaman,” ngunit “maka-espirito” (Rom 7,5; 8,9); kahit na sa
panahon ng kanyang pamumuhay sa “namamatay na katawan,” maaari siyang bumagsak
muli sa kasalanan at “magpaubaya sa pita ng laman” (6,12), kung tatanggi siyang
“maglakad ng naaayon sa espirito” (8,4).
d) Ang Diyos ay hindi lamang sa kasalanan nagtagumpay.Ang Kanyang walang-hanggang
karunungan (Ef 3,10), ang nagkamit nitong tagumpay habang gamit ang kasalanan. Yaon na
siyang pinakahigit na hadlang sa kaharian ng Diyos at sa pagliligtas sa tao ay gumanap ng
tungkulin sa kasaysayan ng kaligtasan. Sa katunayan, tinutukoy ni Pablo ang kasalanan
kapag nagsasalita siya tungkol sa “karunungan ng Diyos” (1 Cor 1,21-24; Rom 11,33).
Ginagawa niya ito lalo na habang nagninilay sa kasalanan para sa kanyang puso, walang
alinlangan, ang pinakamatinding sugat (Rom 9,2), at siyang iskandalo sa kanyang espirito.
Ito ang hindi-pananalig ng Israel. Gayunpaman, nauunawaan niya na itong kawalan ng
pananalig na pansamantala lamang (Rom 11,25), ay pumasok sa balak na pagliligtas ng
Diyos para sa sangkatauhan, at “isinama ang lahat ng tao sa pagsunod upang ihayag ang
Sarili na mahabagin sa lahat” (Rom 11,32; Gal 22). Ipatatalastas ni Pablo na may
pasasalamat na paghanga: O ang lalim ng kayamanan, ng karunungan, ng kaalaman ng
Diyos! Hindi malirip ang Kanyang mga panukala at pamamaraan!” (Rom 11,33).
e) Ngunit ang hiwagang ito ng banal na karunungan na ginagamit kahit na ang kasalanan
upang iligtas ang tao ay hindi ipinahayag saan man maliban sa pagpapakasakit ng Anak ng
Diyos. Katunayan, kung ang Diyos Ama ay “iniligtas abg Kanyang Anak” sa kamatayan (Rom
8,32), iyon ay upang dalhin Siya sa mga kalagayan kung saan maisasakatuparan Niya ang
pinakadakilang gawain ng pagsunod at pagmamahal na maaaring sumagi sa isip, at sa
ganitong paraan ay magdadala sa atin sa kaligtasan, Siya una sa lahat, mula sa kalagayan ng
laman tungo sa espirito. Ang pangyayaring ito ng kamatayan, na ipinasadya upang
makalikha ng pinakamimithing pook sa gawaing iyon, ay sanhi ng kasalanan ng tao: ang
pagkakanulo ni Judas, ang pagtalikod ng Kanyang mga alagad, ang kahinaan ni Pilato, ang
pagkamuhi ng mga may-kapangyarihan sa bansa ng mga Hudyo, ang kalupitan ng mga
tagapagpatupad ng batas, at lingid sa mga nakikitang kaganapan  ang ating sariling mga
kasalanan na kinamatayan Niya upang alisin. Upang maging malaya Siyang magmahal na
hindi nagawa ng pangkaraniwang tao, inibig ng Diyos na ang Kanyang Anak ay malantad sa
kasalanan ng tao, na mapasailalim sa bunga ng kasamaan, ng kapangyarihan ng kamatayan
na kasalanan upang mapasailalim tayo, salamat sa kataas-taasang gawa ng pag-ibig, sa
mabuting dulot ng kapangyarihan ng buhay na katarungan ng Diyos (2 Cor 5,21). Kaya
totoo nga na “Niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay ay gumawa sa ikabubuti niyong mga
umiibig sa Kanya” (Rom 8,28), lahat ng bagay, kahit na ang kasalanan.

More Related Content

What's hot (20)

Holy eucharist
Holy eucharistHoly eucharist
Holy eucharist
 
the 8 beatitudes,
the 8 beatitudes, the 8 beatitudes,
the 8 beatitudes,
 
Nicene Creed and Apostle's Creed
Nicene Creed and Apostle's CreedNicene Creed and Apostle's Creed
Nicene Creed and Apostle's Creed
 
Faith is encouraging sermon slides
Faith is encouraging sermon slidesFaith is encouraging sermon slides
Faith is encouraging sermon slides
 
Bible timeline
Bible timelineBible timeline
Bible timeline
 
Sacramento
SacramentoSacramento
Sacramento
 
The lord's prayer acts
The lord's prayer   actsThe lord's prayer   acts
The lord's prayer acts
 
The work of holy spirit
The work of holy spiritThe work of holy spirit
The work of holy spirit
 
The Feast of Passover
The Feast of Passover The Feast of Passover
The Feast of Passover
 
Ecclesiology: Doctrine of the Church
Ecclesiology:  Doctrine of the ChurchEcclesiology:  Doctrine of the Church
Ecclesiology: Doctrine of the Church
 
The priest in the Old Testament
The priest in the Old TestamentThe priest in the Old Testament
The priest in the Old Testament
 
THE ROMAN CATHOLIC BIBLE
THE ROMAN CATHOLIC BIBLETHE ROMAN CATHOLIC BIBLE
THE ROMAN CATHOLIC BIBLE
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang Simbahan
 
Psalm 51
Psalm 51Psalm 51
Psalm 51
 
The Holy Spirit (CL)
The Holy Spirit (CL)The Holy Spirit (CL)
The Holy Spirit (CL)
 
Fall Of Man
Fall Of ManFall Of Man
Fall Of Man
 
Creed booklet power point presentation
Creed booklet power point  presentationCreed booklet power point  presentation
Creed booklet power point presentation
 
Lesson 7 what you need to know about encounter 00
Lesson 7 what you need to know about encounter 00Lesson 7 what you need to know about encounter 00
Lesson 7 what you need to know about encounter 00
 
Compassion for a blind man
Compassion for a blind manCompassion for a blind man
Compassion for a blind man
 
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday schoolMuling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
Muling pagkabuhay ni Kristo - Sunday school
 

Similar to Kasalanan

3 Story of God - Act Two
3 Story of God - Act Two3 Story of God - Act Two
3 Story of God - Act TwoDerick Parfan
 
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?Truth
 
The Fall of Man
The Fall of ManThe Fall of Man
The Fall of ManRic Eguia
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang BuhayDerick Parfan
 
CHRISTMAS MESSAGE.pptx
CHRISTMAS MESSAGE.pptxCHRISTMAS MESSAGE.pptx
CHRISTMAS MESSAGE.pptxMei Miraflor
 
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEApril Tarun
 
Creation to Christ Story (Tagalog)
Creation to Christ Story (Tagalog)Creation to Christ Story (Tagalog)
Creation to Christ Story (Tagalog)Derick Parfan
 
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawaIpinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawaJoshua Magpantay
 

Similar to Kasalanan (8)

3 Story of God - Act Two
3 Story of God - Act Two3 Story of God - Act Two
3 Story of God - Act Two
 
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?
Lesson 2 Maari ka bang masaktan ng mga Bagay na di mo Nalalaman?
 
The Fall of Man
The Fall of ManThe Fall of Man
The Fall of Man
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
 
CHRISTMAS MESSAGE.pptx
CHRISTMAS MESSAGE.pptxCHRISTMAS MESSAGE.pptx
CHRISTMAS MESSAGE.pptx
 
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICEDOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
DOCTRINE 4 - IMAGE - PS. JOVEN SORO - 7AM MABUHAY SERVICE
 
Creation to Christ Story (Tagalog)
Creation to Christ Story (Tagalog)Creation to Christ Story (Tagalog)
Creation to Christ Story (Tagalog)
 
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawaIpinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
Ipinaliwanag ni pedro and kanyang ginawa
 

Kasalanan

  • 1. KASALANAN Laging binabanggit ng Bibliya, halos sa bawat pahina, ang katotohanan na karaniwan nating tinatawag na kasalanan. Ang mga salitang ginagamit ng Lumang Tipan upang tukuyin iyon ay marami at karaniwang hiniram ito sa ugnayan ng tao: bagay na nawaglit, kabuktutan, paghihimagsik, kawalang-katarungan, atbp. Ang Judaismo ay maaaring magdagdag ng pahiwatig tungkol sa pagkakautang, at ang ganitong paglalaan ay gagamitin din sa Bagong Tipan. Karaniwan sa isang makasalanan na italaga bilang “isang gumagawa ng kasamaan sa mata ng Diyos”; at ang matuwid (saddiq) ay karaniwang salungat sa “masama” (rasa). Ngunit tanging ang malawak na pagsaklaw sa kasaysayan ng Bibliya ang makapagpapalitaw ng tunay na kalikasan ng kasalanan kasama ang lahat ng masamang hangarin at ang lahat nitong antas. Dito ay ating matututunan na ang ganitong paghahayag patungkol sa tao ay paghahayag din tungkol sa Diyos; tungkol sa Kanyang pag-ibig kung saan ang kasalanan ay salungat, sa Kanyang habag na kanyang ginagamit kapag nariyan ang kasalanan; dahil ang kasaysayan ng kaligtasan ay mawawalan ng saysay kundi dahil sa walang kapagurang pagsusumikap ng Diyos na Lumikha upang tawagin ang tao na lumayo sa kasalanan. I. ANG UNANG KASALANAN Sa mga isinaysay ng Lumang Tipan, ang pagbagsak na siyang nagbukas ng kasaysayan ng sangkatauhan ay nag-aalok sa simula, ng isang aralin na may bukod-tanging yaman. Upang maunawaan kung ano ang kasalanan, kahit na hindi ginamit ang salita, ay doon tayo magsisimula. 1. Ang kasalanan ni Adan ay ipinakikita bilang isang hindi pagsunod, isang gawa kung saan alam ng tao at tahasan niyang dinadala ang kanyang sarili laban sa Diyos sa pamamagitan ng pagsuway sa Kanyang ipinag-uutos (Gn 3,3); ngunit lingid sa panlabas na gawain ng pagtutol, ang Kasulatan ay nagsasaad ng panloob na gawa na siyang nangunguna: Si Adan at si Eva ay sumuway dahil, tinanggap nila ang mungkahi ng ahas, inibig nila “na maging mga diyos na nakakaalam ng mabuti at masama” (3,5), na nangangahulugang, sang-ayon sa nakararaming paliwanag, ginusto nilang ipalit ang kanilang sarili sa Diyos sa pagpapasya kung ano ang mabuti at masama; sa pag-angkin nila sa kanilang sarili bilang sukatan, kanilang inari na sila lamang ang panginoon ng kanilang tadhana, at isasaayos nila ang kanilang sarili sang-ayon sa kanilang kagustuhan. Tinanggihan nila na umasa sa Kanya na lumikha sa kanila, kaya’t lumihis ang kaugnayang nagbibigkis sa tao at sa Diyos. Sang-ayon sa Gn 2, ang ganitong ugnayan, ay hindi lamang pagkalinga, kundi isang pakikipag-kaibigan. Hindi tulad ng mga diyos na ating nasumpungan sa matandang alamat (hal. Gilgamesh X,3), ang Diyos ng Bibliya ay hindi nagkait ng anuman sa tao na “nilikha sa Kanyang larawan at pagkakatulad” (Gn 1,26ss); Hindi Siya naglaan ng para sa Kanya, kahit na ang buhay (Kar 2,23). Sa mungkahi lamang ng ahas kaya’t si Eva, kasunod si Adan, ay nagsimulang mag-alinlangan sa walang-hanggang kagandahang-loob ng Diyos: ang panuntunan na ibinigay ng Diyos para sa ikabubuti ng tao (Rm 7,10) ay isang bagay lamang na ginawa ng Diyos upang mapangalagaan ang Kanyang karapatan, at ang banta na salig sa
  • 2. alituntunin ay isa lamang kasinungalingan. “Hindi, hindi ka mamamatay! Ngunit alam ng Diyos na sa araw na kumain ka ng bungang ito, magiging tulad ka ng mga diyos, na nakakaalam ng mabuti at masama” (Gn 3,4s). Ang tao ay lumabag sa Diyos at naging kanyang kaaway. Ang pagkaunawa sa Diyos ay nagkaroon ng maling kahulugan: dahil ang pagkakaintindi sa Diyos na kataas-taasan, na hindi nangangailangan ng kahit ano pa man ay pinalitan ng kaisipan bilang isang taong maralita na ang nais at alalahanin ay pangalagaan ang Kanyang sarili laban sa Kanyang nilikha. Bago hamunin ang tao na kumilos, sinira na ng kasalanan ang kanyang espirito; at dahil nagkabisa ito sa kanya sa kanyang kaugnayan sa Diyos na siya ang kalarawan, ang higit pang pagkakasala ay napakahirap na isipin; at hindi nakakabigla na ito’y mauwi sa mga malulubhang kalalabasan. 2. Ang bunga ng kasalanan. Sa pagitan ng tao at Diyos ang lahat ay nagbago: ito ang pasiya ng budhi. Bago pa man ang parusa, sa mahigpit na pananalita (Gn 3,23), sa pasimula, si Adan at Eva sa pagkakataong iyon ay nagtatamasa ng banal na pagkilala (2,25) “itanago nila ang kanilang sarili sa mukha ng Diyos sa mga puno (3,8). Ang pangunguna ay nagmula sa tao at sa pananagutan sa kanyang kasalanan na nasa kanya; siya ang ayaw nang magnais pa sa Diyos ay tumakas sa Kanya. Ang pagpapalayas mula sa Paraiso ay nagpatibay ng kahilingan ng tao. Natutunan ng tao na ang banta ay hindi talaga pagsisinungaling. Nang maging malayo sa Diyos, ang paglapit sa puno ng buhay ay hindi na maaari (3,22). Ang nalabi na lamang ay tiyak na kamatayan. Si Adan at Eva ay pinalayas sa Paraiso. Sa sandaling ito ay nasira ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang kasalanan ay nagdulot din ng pagkasira ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng lipunan, pagkasirang nasa puso ng ating mga unang magulang. Mabigat ang kasalanang nagawa ng si Adan ay lumayo at pinaratangan ang taong ibinigay ng Diyos bilang kanyang kasamahan (2,18), “buto ng kanyang buto at laman ng kanyang laman” (2,23). Ang parusa ang nagpatibay sa kasiraan: “Ikaw ay mapapailalim sa kapangyarihan ng iyong asawa at magkakaroon siya ng kapangyarihan sa iyo” (3,16). Pagkatapos nito, ang pagkasira ay aabot sa mga anak ni Adan: mapapatay si Abel (4,8), maghahari ang karahasan at ang batas ng malakas at ang mailap na awit ni Lamech ay papupurihan (4,24). Hindi lamang ang mga ito. Ang misteryo ng kasalanan ay lampas pa sa daigdig ng sangkatauhan. Sa pagitan ng Diyos at tao, may ikatlo pa na pumasok sa usapin. Ang Lumang Tipan ay mahihirapang sabihin ang tungkol sa kanya, walang alinlangang iwasan siyang gawing ikalawang Diyos. Ang Aklat ng Karunungan (Kar 2,24) ay kilala siya bilang demonyo o Satanas, at siya ay muling magpapakita sa Bagong Tipan. Sa huli, ang pagsasalaysay ng unang kasalanan ay hindi magiging ganap kung walang pag- asang maiaalok sa tao. Walang alinlangan na ang makalaya sa kanyang sumpang pagkaalipin ay walang pasubali. Sa sandaling ang kasalanan ay makapasok sa daigdig, ito ay kakalat; at hanggang sa antas na iyo’y dumami, ang buhay ay mababawasan hanggang sa sandaling ito’y gunawin (Gn 6,13ss). Dahil ang pagkawasak ay nagsimula sa tao, malinaw na ang simula ng pagkakasundo ay manggagaling lamang sa Diyos. Tamang-tama na sa pagkakataon nitong unang salaysay, ang Diyos ay nagpahiwatig na isang araw, Siya ang magpapasimula (3,15). Ang kabutihan ng Diyos na nilait ng tao ay iiral sa wakas; ito “ay gagapi sa masama sa pamamagitan ng kabutihan” (Rm 12,21). Ang Aklat ng Karunungan ay binabanggit na si Adan ay “pinalaya sa kanyang kasalanan” (Kar 10,1). Anupaman, ipinakikita na ng Genesis na umiiral ang kabutihang ito dahil sinagip nito si Noe at ang kanyang mag-anak sa pandaigdigang pagkabulok at parusa (Gn 6,5-8) upang likhain sa
  • 3. pamamagitan niya ang bagong daigdig (8,17.21s kung ihahambing sa 1,22.28; 3,17). Ang ganitong kabutihan ay nakita ring kumikilos nang “ang kanilang pag-iisip ay nagkakaisa sa kasamaan, ang mga bansa ay nalito (Kar 10,5), ito ay pumili kay Abraham at inilayo sa daigdig na makasalanan (Gn 12,1; Jos 24,2s.14) upang “sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bansa sa lupa ay pagpalain” (Gn 12,2s, malinaw na ito ang katapat ng mga sumpa ng 3,14ss). II. ANG KASALANAN NG ISRAEL Gaya ng kasalanan na naglagay ng tanda sa pasimula ng kasaysayan ng sangkauhan, ito rin ay naglagay ng tanda sa kasaysayan ng Israel. Mula sa kanyang kapanganakan, ang huli ay muling bumuhay sa nangyari kay Adan. Dahil dito, ito ay natuto sa kanyang karanasan at tinuturuan tayo kung ano ang kasalanan. May dalawang kabanata na may natatanging aral. 1. Ang pagsamba sa ginintuang guya. Tulad ni Adan, isa pang may kinilala, ang Israel ay napuno ng pagpapala hanggang sa umapaw. Bilang isang walang katangian, sa ganang kanyang sarili (Deut 7,7; 9,4ss; Ez 16,2-5), at sa kagalingan lamang ng pag-ibig ng Diyos (Deut 7,8)dahil ang Israel ay higit o kumulang na isang “makasalanan” tulad ng ibang bansa (Js 24,2.14; Ez 20,7f.18)  ito ay pinili upang maging bayan na may natatanging karapatan sa lahat ng tao sa lupa (Exo 19,5), itinalaga bilang “panganay na lalaki ng Diyos” (4,22). Upang mapalaya sa pang-aalipin ng Paraon at sa lupain ng kasalanan (ang lupain na hindi maaaring maglingkod sa Diyos sang-ayon sa 5,1), ang Diyos ay gumawa ng mga kababalaghan. Ngunit sa sandali na ang Diyos ay “nakipagtipan” sa Kanyang bayan, intinalaga Niya ang Kanyang sarili sa kanila, ipinagkaloob kay Moises “ang tapyas ng bato ng patunay” (31,18), ang mga tao ay nagsabi kay Aaron: “Igawa mo kami ng diyos na mangunguna sa amin” (32,1). Sa kabila ng mga patunay na ang Diyos ay nagbigay ng Kanyang “katapatan,” nakita ng Israel na Siya ay lubhang malayo, lubhang “hindi matanaw,” at walang pananalig sa Kanya. Pinili ng Israel na ang diyos ay kayang abutin, isang diyos na magiging mahinahon sa pamamagitan ng mga handog; anupa’t isang diyos na maaaring palitan sa paraan ng pag-iisip ng Israel, sa halip na ang Israel ay sundan Siya at tuparin ang Kanyang mga utos (40,36ss). Sa halip na “maglakad kasama ang Diyos,” inibig ng Israel na ang Diyos ay lumakad kasama nito. Ang “pangunahing” kasalanan ng Israel ay ang pagtangging sumunod, na sa kailaliman ay ang pagtangging maniwala sa Diyos at ipaubaya ang sarili sa Kanya. Sa Deut 9,7 ay binabanggit ang pagtangging sumunod; sa katunayan, ito ay mauulit sa bawat hindi mabilang na paghihimagsik ng mga taong “matitigas ang leeg.” Sa huli, nang ang Israel ay tutuksuhin na mag-alay ng pagsamba sa mga “Baal” bukod sa pagsambang iniaalay kay Yahweh, dapat na mapansin na ito’y dahil ang Israel ay tumangging makita kay Yahweh ang “isang bagay na kailangan”, ang Diyos na pinagkakautangan ng kanyang pag-iral, at ang kanyang tungkuling Siya lamang ang mapaglingkuran (Deut 6,13; Mt 4,10). Nang ilarawan ni San Pablo ang maling hangarin ng kasalanan ng pagsamba sa diyos-diyosan, hindi siya natigilan, kahit sa mga pagano, na tukuyin ang pangunahing kasalanan ng Israel (Rm 1,23 = Awit 106,20).
  • 4. 2. Ang mga libingan ng kahalayan. Daglian, matapos ang yugto ng ginintuang guya, Ang Deut 9,22 ay nagpapaalala ng isa pang kasalanan ng Israel na ginagamit ni San Pablo, ipinapakita ito bilang isang uri ng “mga kasalanan sa ilang” (1 Cor 10,6). Ang kahulugan ng yugto ay lubhang malinaw. Pinili ng Israel ang ibig niyang pagkain sa halip na ang pagkaing mahimala at ibinigay ng Diyos: “Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain?… Wala na tayo maski na ano… wala na tayong makita kundi manna!” (Bil 11,4s). Inayawan ng Israel na pangunahan ng Diyos, ayaw magtiwala sa Kanya, magpailalim sang-ayon sa niloloob ng Diyos na binubuo ng spiritual na karanasan sa ilang (Deut 8,3; Mt 4,4). Ang “katakawan” ng Israel ay mabibigyan ng kasiyahan; ngunit, tulad ni Adan, malalaman nito kung ano ang kabayaran ng tao na ipagpalit ang kanyang paraan sa kaparaanan ng Diyos (Bil 11,33). III. ANG PAGTUTURO NG MGA PROPETA Ito ang tumpak na katuruan na walang patid na inuulit-ulit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Kaya, ang taong nag-iisip na siya ay makakapagtayo sa pamamagitan ng kanyang sarili ay magdudulot lamang ng kanyang sariling pagkawasak. Sa gayong paraan ang bayan ng Diyos ay nawasak sa saglit na sila ay lumihis sa daang ginawa ng Diyos para sa kanila. Ang kasalanan, sa makatuwid, ay nakita bilang balakid, at tunay na ito lamang, sa balak ng Diyos sa Israel, na Kanyang bayan. Walang pag-aalinlangan na sa ganitong bagay, ang kasalanan ng isang pinuno, ng hari o ng pari ay may damit ng natatanging pananagutan. Iyon ang dahilan kaya nabanggit sa tanging paraan. Ang kasalanan ni Akan ang nagpatigil sa hukbo ng buong Israel sa harap ni Ai (Js 7). Napakadalas, ang mga kasalanan ng mga tao bilang pangkat ang nananagot sa mga propeta sa sinapit na kapahamakan ng mga bansa: “Hindi, ang mga kamay ni Yahweh ay hindi lubhang maigsi upang sumagip, o ang Kanyang tainga ay lubhang bingi upang makarinig. Subalit ang inyong kabuktutan ang humukay ng bangin sa pagitan ninyo at ng inyong Diyos” (Isa 59,1s). 1. Ang pagtuligsa sa kasalanan. Ang pangangaral ng mga propeta ay binubuo rin sa malawak na saklaw ng pagtuligsa sa kasalanan; sa sala ng mga pinuno (1 Sam 3,11; 13,13s 2S 12,1-15; Jer 22,13) at ng mga tao. Kaya’t mayroon tayong pagbanggit ng mga kasalanan na napakadalas isaad sa panitikan ng propeta, na karaniwang nakabatay, humigit- kumulang sa Sampung Utos ng Diyos. Ang pagbanggit sa mga ito ay higit sa panitikan ng karunungan (Deut 27, 15-26; Ez 18,5-9; 33,25s; Awit 15; Kaw 6,16-19; 30,11-14). Ang kasalanan ay naging tumpak na katotohanan, at malalaman natin ang dahilan ng paglayo ni Yahweh: karahasan, pagnanakaw, balakyot na katarungan, kasinungalingan, pangangalunya, pagsira sa banal na pangako, pagpatay, labis na pagpapatubo, pagsasawalang-bahala ng mga karapatan, at sa maikling salita, lahat ng kawalan ng kaayusan sa lipunan. Ang “pagtatapat” na isiningit sa Isa 59 ay nagbubunyag sa tumpak na paraan kung ano itong mga “kasamaan” na “humukay ng bangin sa pagitan ng tao at ng Diyos” (59,2): “Ang aming mga sala ay nasa harapan namin, alam namin ang aming pagkakamali: naghimagsik at tinalikdan si Yahweh, lumayo sa aming Diyos, sinasambit ang paniniil at paghihimagsik, at bumubulong ng ng kasinungalingan sa aming mga puso. Ang paghatol ay isina-isantabi at ang katarungan ay inilayo, ang may mabuting pananalig ay
  • 5. natitisod sa lansangan, at ang wasto ay hindi makapasok” (59,13). Matagal na panahon bago ito, si Osea ay nagsalita sa ganito ring paraan: “Walang katapatan, pag-ibig, kaalaman sa Diyos sa sangkalupaan; ngunit ang panunumpa ng walang katotohanan at kasinungalingan, pataksil na pagpatay at pagnanakaw, pangangalunya at karahasan, pagpatay sa ibabaw ng pagpatay” (Osea 4,2; Isa 1,17; 5,8; 65,6s; Amos 4,1; 5,7-15; Mi 2,1s). Ang aral ay may pangunahing kahalagahan: ang taong nag-iisip na makapagtayo sa kanyang sarili, nang hindi umaaasa sa Diyos, ay magagawa iyon kadalasan ay sa kabayaran ng iba, lalo na yaog maliit at mahina. Ang mang-aawit ay nagpapahayag: “Ang taong hindi itinatag ang kanyang kuta sa Diyos” (Awit 52,9) “ay nagbabalak ng kasalanan sa buong maghapon” (t 4), samantalang “ang taong matuwid at nagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos magpakailanman (t 10). Hindi ba’t ang pangangalunya ni David ay nagmumungkahi ng tungkol dito? (2 Sam 12). Gayon pa man, mula sa pangyayari na ang kahalagahan ay alam ng isipan ng mga Hudyo tungkol sa kasalanan (Miserere), isa pang mahalagang katotohanan ang lumabas: ang kasalanan ng tao ay hindi lamang tumutuligsa sa karapatan ng Diyos; ngunit ito’y nagkakabisa sa puso. 2. Ang kasalanan bilang pagsugat sa Diyos. Walang alinlangan na ang nagkasala ay hindi maaaring makasakit sa Diyos. Ang Bibliya ay lubhang madalas na pag-ukulan ng pansin ang kahigitang banal: “Nagbubuhos sila ng mga handog sa mga dayuhang diyos upang saktan ako. Subalit ako bang talaga ang kanilang sinasaktan? Hindi ba’t ang kanilang sarili ang sinasaktan nila at dinadala sa pagkalito?” (Jer 7,19). “Kung ikaw ay nagkasala, sa paanong paraan mo Siya sinasaktan? Kung gagawa ka ng maraming kasalanan, gumagawa ka ba ng masama sa Kanya? (Jb 35,6). Sa pagkakasala laban sa Diyos, matatapos ito sa pagkasira ng tao. Kung ang Diyos ay nag-aatas ng mga batas sa atin, hindi ito nauukol sa Kanyang kapakanan, ito’y sa atin “upang lahat tayo ay maging maligaya at tayo ay mabuhay (Deut 6,24). Subalit ang Diyos ng Bibliya ay hindi ang diyos ni Aristotle na walang pakialam sa tao at sa daigdig. a) Kung ang kasalanan ay hindi sumusugat sa Diyos, ito sa halip ay sumusugat sa mga minamahal Niya. Kaya sa “pagsalakay kay Uriah ang Hittita sa pamamagitan ng patalim at kunin ang kanyang asawa,” inisip ni David, na walang alinlangan, na sinugatan lamang niya ang tao, at ang hindi-Israelita sa ganoong paraan. Nakaligtaaan niya na Diyos ang nananagot sa lahat ng karapatang pantao. Itinuturo ni Nathan na “nilibak” niya si Yahweh, at siya ay parurusahan bunga ng ginawa niyang ito (2 Sam .12,9s). b) Bukod dito, ang kasalanan ay naghihiwalay sa tao at sa Diyos, ang tanging bukal ng buhay, ito’y tumatalab sa Diyos sa balak Niyang pag-ibig sa katotohanang: “Ang aking bayan ay nagpalit ng kanilang kaluwalhatian sa mga diyos-diyosan! Iniwan nila ako, ang bukal ng buhay, upang gumawa ng sirang balon na walang maibibigay na tubig” (Jer 2,11ss). c) Sa abot ng paghahayag ng Bibliya na maipakilala ang kalaliman ng gayong pag-ibig, ipinauunawa ang tunay na kahulugan ng kasalanan ng tao na maaaring “makasakit” sa Diyos: ang kasalanan ay kawalan ng utang na loob ng isang anak sa isang mapagmahal na ama (Isa 64,7), ganoon din ang walang utang na loob na anak sa kanyang ina na hindi magawang “talikdan ang kanyang anak” (Isa 49,15): katangi-tangi ang kasalanan ng taksil
  • 6. na asawang babae na ginawang “kalapating mababa ang lipad” ang kanyang sarili sa bawat sulok, hindi alintana ang walang-maliw na katapatan ng kanyang asawa: Nakita mo na ba ang ginawa ng Israel, ang rebelde?… Naisip ko: Matapos niyang gawin ang lahat ng iyon, siya ay babalik sa akin: ngunit hindi siya bumalik!… Magbalik ka rebeldeng Israel!… Hindi na kita kagagalitan spagkat ako’y maawain” (Jer 3,7.12; Ez 16; 23). Dito sa yugtong ito ng paglalahad, ang kasalanan ay lumilitaw bilang paglabag sa pansariling ugnayan; bilang pagtanggi ng tao na hayaan ang sariling mahalin ng isang Diyos, naghihirap ang tao dahil hindi nagpamahal, naging mahina: isang hiwaga ng pag-ibig na ganap na ihahayag lamang sa Bagong Tipan. 3. Ang lunas sa kasalanan. Binabatikos at inilalantad ng mga propeta ang antas ng kasalanan upang mag-anyaya lamang sa mas mabisang pagbabalik-loob. Sapagkat kung ang tao ay hindi tapat, ang Diyos ay laging tapat; tinatanggihan ng tao ang pagmamahal ng Diyos, ngunit hindi tumitigil ang Diyos na ito’y ialok. Hangga’t ang tao ay maaari pang bumalik, inaanyayahan Niya itong bumalik. Tulad ng talinghaga ng waldas na anak, ang lahat ay iniaalok sa ganitong pagbabalik, naghihintay: “Kaya’t lalagyan ko ang kanyang daan ng mga tinik; haharangan ang kanyang landas upang hindi na niya makita ang daan; hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig at hindi siya makakarating sa kanila, hahanapin niya sila ngunit hindi matatagpuan. Kaya sasabihin niya: babalik na ako sa aking unang asawa, kung saan ako’y dating mas masaya kaysa ngayon” (Os 2,8s; Ez 14,11). Sa katotohanan, kung ang kasalanan ay ang pagtanggi sa pagmamahal, maliwanag na ito’y mapapawi at mapapatawad, kung ang tao ay makikipagkasundo na muling mahalin. Upang mailarawan ang “kapatawaran” na maaaring makapagpabalik sa tao sa kanyang Diyos, kinakailangan din niyang magmahal at hayaang siya’y mahalin! Mismong ang pagmamahal ng Diyos ang pipigl sa Kanya na hingin ang ganitong pagbabalik. Kung ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang “mapanibughong Diyos” (Exo 20,5; Deut 5,9), ito’y dahil ang Kanyang paninibugho ay sa dulot ng Kanyang pagmamahal (Isa 63,15; Zep 1,14). Kung ibig Niya itong makamit, ang Diyos mismo, ang kaligayahan ng tao (ang tao ay nilikha sa Kanyang larawan), ito’y dahil Siya lamang ang makagagawa nito. Upang makapagbalik- loob, nariyan ang abo, pag-amin ng kasalanan, pagdurusa sa nagawang kasalanan, pagsisisi,at pagliligtas. Maliwanag na ang unang paraan para sa tao ay ang pagtalikod sa kanyang kagustuhan na dating hindi palaaasa, na siya ay sumang-ayon na pasakop sa Diyos, hayaan ang kanyang sarili na magmahal; sa ibang salita, talikdan niya ang nagbubuyo sa kanya sa pagkakasala. Ngayon ay napatunayan niya na ito ay bagay na hindi abot ng kanyang kakayahan. Upang mapawalang-sala ang isang tao, hindi sapat na makipagkasundo sa Diyos na huwag siyang ipagtabuyan; ang higit na mahalaga: “Itulot mo na kami ay makabalik at kami ay magbabalik” (Panag 5,21). Mismong ang Diyos ay lalabas at hahanapin ang nawawalang tupa (Ez 34) at ibibigay Niya sa tao ang “bagong puso”, isang “bagong espirito” (Ez 36,26s). Ito ang magiging “bagong tipan” kung saan ang batas ay hindi na isusulat sa mga tapyas ng bato, kundi sa puso ng tao (Jer 31,31ss; 2 Cor 3,3). Hindi sapat sa Diyos na mag-alay sa Kanyang pagmamahal, o ang paghanapan tayo: “Si Yahweh ang inyong Diyos ay susunatin ang inyong puso at ang mga puso ng inyong saling-lahi, upang inyong mahalin ang Panginoong inyong Diyos ng buong puso, upang ikaw ay mabuhay” (Deut 30,6). Gayon din, ang salmista ay ipinagtatapat ang kanyang kasalanan, nagsusumamo sa Diyos na “hugasan”
  • 7. siya, upang “linisin” siya, na “ lumikha sa kanya ng pusong malinis” (Awit 51), naniniwala na ang pagpapawalang-sala sa kasalanan ay nangangailangan ng gawa at kahawig sa gawain ng kabanalan. Sa huli, ang Lumang Tipan ay naghahayag na ang ganitong panloob na pagbabago ng tao na siyang nagliligtas sa kanya sa kasalanan ay kalakip ng handog ng Lingkod na ang pagkakilanlan ay walang sinumang makaisip bago pa man matupad ang mga hula. IV. ANG TURO NG BAGONG TIPAN Inihahayag ng Bagong Tipan na ang Lingkod na dumating upang “palayain ang tao sa kasalanan” (Isa 53,11) ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos. Hindi nakabibigla, na ang kasalanan ay hindi sumasaklaw dito ng kaunting lugar kung ihahambing sa Lumang Tipan, gayundin ang ang buong paglalahad ng ginawa ng pag-ibig ng Diyos upang gapiin ang kasalanan sa tunay na kabuuan upang lubos na maipahayag, kaakibat dito ang papel na ginampanan ng banal na karunungan. 1. Si Jesus at ang mga makasalanan. a) Mula pa sa simula ng pangangaral ng ebanghelyo, makikita natin si Jesus sa piling ng mga makasalanan. Sapagkat Siya’y dumating para sa kanila at hindi para sa matuwid (Mc 2,17). Gamit ang pananalitang tumutukoy sa panahon ng mga Hudyo, inihayag Niya na ang kanilang sala ay “napatawad” na. Hindi ito nangangahulugan na itinuturing ang kasalanan bilang isang pagkakautang, kahit na ang salitang ito madalang na gamitin sa ganitong kahulugan (Mt 6,12; 18,23ss). Sa halip, ito ay nangangahulugan na ang kasalanan ay maaaring patawarin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos na hindi humihingi ng pagbabago ng espirito at ng puso ng tao. Katulad ng mga propeta at ni Juan Bautista (Mc 1,4), ipinangangaral ni Jesus ang pagbabalik-loob, isang sukdulang pagbabago ng espirito na naglalagay sa tao sa isang pagsasaayos upang tanggapin ang banal na pagtangkilik, upang hayaan ang Diyos na gumalaw sa kanya: “Ang kaharian ng Diyos ay abot-kamay na; magsisi at maniwala sa mabuting balita” (Mc 1,15). Sa kabilang banda, sa harap ng mga taong tumatanggi sa liwanag (Mc 3,29) o naniniwala na hindi nila kailangan ang pagpapatawad, tulad ng mga Pariseo sa talinghaga (Lc 18,9ss), si Jesus ay walang lakas. b) Dahil dito, si Jesus, katulad ng mga propeta, ay tumutuligsa sa kasalanan hangga’t kinakailangan; kahit na sa mga taong nag-iisip na sila ay matuwid dahil sa pagsunod nila sa atas ng panlabas na batas. Sapagkat ang kasalanan ay nasa puso “kung saan lumalabas ang masasamang gawa: pakikiapid, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, pag-iimbot, paggawa ng kabuktuan, katulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang puri, kapalaluan at kahangalan. Ang lahat ng ito’y nanggagaling sa puso ng tao, at siyang nagpaparumi sa kanya” (Mc 7,21ss). Sapagkat dumating Siya upang gawing ganap ang Batas sa kabuuan nito at hindi upang ipawalang-bisa ito (Mt 5,17). Ang mga alagad ni Jesus ay hindi makuntento sa “pagmamatuwid ng mga Pariseo” (5,20); ang pagtatuwid ni Jesus ay walang-alinlangang nauukol sa pag-ibig (7,12). Sa pagmamasid sa gawain ng panginoon, ang alagad ay dahan-dahang matututo kung ano ang magmahal; at kaugnay nito, makikita niyang ang kasalanan ay ang pagtanggi sa pag-ibig.
  • 8. c) Matututunan niya ito lalo na sa pakikinig kay Jesus na naghahayag sa kanya ng hindi maarok na habag ng Diyos sa makasalanan. Ang talinghaga ng waldas na anak o dili kaya’y ng mahabaging ama (Lc 15,11ss), ay nakakahawig ng katuruan ng Lumang Tipan. Karamihan sa mga talata sa Bagong Tipan ay nakahihigit sa ganitong talinghaga kung paanong ang kasalanan ay isang paglabag sa Diyos at paanong maging isang kahangalan na isiping ang pagpapatawad ay hiwalay sa pagbabalik-loob ng makasalanan. Bukod sa gawang di-pagsunod na ipinahihiwatig ng nakatatandang kapatid sa nakababata upang ihambing ang kanyang pagkamasunurin  ang nakakalungkot sa puso ng ama ay ang pag- alis ng kanyang anak, na hindi na hinayaang lubusan siyang mahalin. Sinaktan ng anak ang kanyang ama dahil iniwalay niya ang kanyang sarili sa kanya. Paano niyang “makukumpuni” ang kanyang pasakit kung hindi ang kanyang muling pagbabalik at hayaang siyang pakitunguhan bilang anak? Ito ang dahilan kung bakit ang talinghaga ay binibigyang-diin ang kagalakan ng ama. Kung wala ang gayong pagbabalik, walang maiisip na pagpapatawad. Higit na tamang sabihin, na ang ama ay laging nagpapatawad sa kanya, ngunit ang pagpapawalang-sala ay mabisang makararating sa kasalanan ng anak sa pamamagitan lamang ng kanyang pagbabalik. d) Inihayag ni Jesus ang pagtingin ng Diyos tungo sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa higit sa Kanyang mga salita. Hindi lamang Niya tinaggap ang mga makasalanan tulad ng pagmamahal ng ama sa talinghaga (Lc 7,36ss; 19,5; Mc 2,15ss; Jn 8,10s), sa panganib na maiskandalo ang mga nakakikita sa gayong habag na hindi ito magawang maunawaan tulad ng nangyari sa panganay na anak (Lc 15,28ss); ngunit kumilos siya ng tahasan laban sa kasalanan. Siya mismo ay nagtagumpay kay Satanas sa sandali ng pagsubok. Sa panahon ng kanyang pamumuhay sa gitna ng madla, inagaw niya ang tao sa kapangyarihan ng kasamaan at karamdamang dala ng kasalanan (Mc 1,23), sa gayon pinasimulan ang tungkulin ng lingkod (Mt 8,16) habang naghihintay na “ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos” (Mk 10,45) at “magbuhos ng dugo, ang dugo ng tipan, para sa marami sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mt 26,28). 2. Ang kasalanan ng daigdig. Sa halip na “pagpapatawad ng mga kasalanan,” kahit na alam alam niya ang kinaugaliang pagpapahayag (Jn 20,23; 1 Jn 2,12), sinasambit ni San Juan ang tungkol kay Kristo na dumating “upang alisin ang kasalanan ng daigdig” (Jn 1,29). Nararamdaman ni Juan sa likod ng bawa’t galaw, ang hiwaga ng katotohanan na idinulot sa kanila, isang kapangyarihan ng paglaban sa Diyos at sa Kanyang paghahari. Ang kapangyarihang ito ang humarap kay Kristo. a) Ang pagkapoot na ito ay hayagan munang ipinakita sa kusang pagtanggi sa liwanag. Ang kasalanan ay di-malampasang kadiliman. “Ang liwanag ay dumating sa daigdig at ang mga tao ay minahal ang kadiliman nang higit sa liwanag dahil ang kanilang ginagawa ay kasamaan” (Jn 3,19). Ang maysala ay kalaban ng liwanag dahil nasisisndak siya dito, “sa takot na mahayag ang kanyang gawain.” Kinamumuhian niya ito: “Ang sinumang gumagawa ng kasamaan ay namumuhi sa liwanag” (3,20). Bulag na paghahangad, bulag na umiibig, dahil hindi ito nakilala bilang isang kasamaan: “Kung kayo ay bulag wala kayong kasalanan. Ngunit sinasabi ninyo: ‘Nakakakita kami.’ Mananatili ang inyong kasalanan” (9,40).
  • 9. b) Ang gayong pagkabulag ay maipapaliwanag sa masamang panghihikayat ni Satanas. Dahil dito, ang kasalanan ay nasa paglilingkod ni Satanas: “Ang sinumang nagkakasala ay isang alipin” (Jn 8,34). Sa dahilang ang Kristiyano ay anak ng Diyos, ang makasalanan ay “anak ng demonyo, makasalanan na, noong una pa man”; at “ginagawa niya ang kanyang mga gawain” (1 Jn 3,8-10). Ngayon, kabilang sa kanyang mga gawa, dalawa ang tinutukoy ni San Juan: pagpatay at kasinungalingan. “ Mula pa sa simula, siya ay mamamatay-tao na, at di matatagpuan sa kanya ang katotohanan kahit kailan. Kung siya’y nagsisinungaling, likas na ito sa kanya, sapagkat siya’y sinungaling at ama ng kasinungalingan (Jn 8,44). Siya ay pumapatay sa pagdadala ng kamatayan sa tao (Kar 2,24) at sa pagpukaw kay Cain na paslangin ang kanyang kapatid (1 Jn 3,12-15). Siya ay mamamatay-tao na nag-udyok sa mga Hudyo na patayin ang siyang nagsasalita ng katotohanan sa kanila: “Ibig ninyo akong patayin, ako na nagsasalita ng katotohanan na narinig ko mula sa Diyos. Ang demonyo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong ginagawa” (8,37). c) Sa ganang kanila, ang pagpatay at kasinungalingan ay maipapaliwanag lamang ng pagkapoot. Sa pagtuturo sa demonyo, ang Banal na Kasulatan ay nagsasaad ng paninibugho (Kar 2,24). Walang pag-aalinlangang banggitin ni Juan ang salitang “poot”. Sa ganito ring paraan, ang matigas ang ulong ayaw na maniwala ay “napopoot sa liwanag” (Jn 3,20), tulad ng mga Hudyo na napopoot kay Kristo at sa Diyos na Kanyang Ama (15,22). Ang mga Hudyo ay nangangahulugang ang digdig at ang naglilingkod kay Satanas, ang sinumang tumatangging kilalanin si Kristo. At ang ganitong pagkapoot ay matatapos sa pagpaslang sa Anak ng Diyos (8,37). d) Kaya makikita natin ang uri ng ganitong kasalanan ng daigdig na pinagwagian ni Jesus. Nagawa niya ito dahil Siya mismo ay walang pagkakasala (Jn 8,46; 1 Jn 3,5), “isa” kasama ng Diyos na Kanyang Ama (Jn 10,30), wagas na “liwanag na walang kadiliman” (1,5; 8,12), katotohanan na walang bahid ng pagsisinungaling (1,14; 8,40), sa huli ay pag-ibig; sapagkat “ang Diyos ay pag-ibig” (1 Jn 4,8). Kung sa Kanyang buhay, hindi siya nagsawang magmahal, ang Kanyang kamatayan ay magiging gawa ng pag-ibig, napakaigting na ang alinmang hihigit ay di maiisip pa; at ang Kanyang kamatayan ay magiging “kaganapan” ng pag-ibig (Jn 15,13; 13,1; 19,30). Ang ganitong kamatayan ay isa ring tagumpay sa “prinsipe ng daigdig na ito” na nag-iisip na pinagwagian niya ang patimpalak. Ngunit siya ay walang laban kay Jesus (14,30) at siya ang siyang “itinaboy” (12,31). pinagwagian ni Jesus ang daigdig (Jn 16,33). e) Ang katibayan ng nabanggit ay hindi lamang ang katotohanan na kaya ni Jesus na “kunin niya uli ang buhay na Kanyang ibinigay” (Jn 10,17). Higit pa sa katibayan ang katotohanan na ang Kanyang mga alagad ay naging kabahagi ng Kanyang tagumpay. Sa pagiging “anak ng Diyos” sa pamamagitan ng pagtanggap kay Jesus (1,12), ang isang Kristiyano “ay hindi gumagawa ng kasalanan dahil siya ay ipinanganak ng Diyos” (1 Jn 3,9). Bukod dito, dahil ang “banal na punla” ay namumuhay sa kanya  na ang ibig sabihin, tulad ng ipinahahayag ni San Pablo, “siya ay gumagalaw sa pamamagitan ng espirito ng Diyos” (Rom 8,14; Gal 5,16)  siya ay “hindi magkakasala”. Sa katunayan, si Jesus ay “nag-aalis ng kasalanan ng daigdig” (Jn 1,29), sa pamamagitan ng pagbibinyag sa Espirito (t 33), iyon ay sa pakikipag-ugnayan sa Espirito, na sinasagisag ng tubig na dumadaloy mula sa sinugatang
  • 10. tagiliran ng taong ipinako na iniuulat ni Zaccarias, ang balon na “nakabukas sa bahay ni David upang maglinis ng kasalanan at di malinis” (Jn 19,30-37; Sof 12,10; 13,1), at nakita ni Ezekiel na nagmumula “sa ilalim ng bungad ng Templo” at pinagbagong-anyo ang mga pampang ng Dagat na Patay upang gawing bagong paraiso (Ez 47,1-12; Pah 22,2). Tiyak na ang Kristiyano, kahit na ipinanganak sa Diyos, ay maaaring bumagsak sa kasalanan (1 Jn 2,1); ngunit “si Jesus ay nagpatawad sa ating mga pagkakasala” (1 Jn 2,2), at ibinahagi Niya ang Espirito sa mga alagad upang matuwid silang “makapagpatawad ng mga kasalanan” (Jn 20,22s). 3 Ang kasalanan sang-ayon kay San Pablo. a) Isang mayamang pananalita ang nagbibigay ng kalayaan kay Pablo na makita ang kaibahan nang higit na malinaw ang kasalanan (gr. hamartia) sa mga gawang masasama, higit na tinatawag bilang pagkakamali na labas sa nakaugaliang pagtawag (pagbagsak; gr. paraptôma) o paglabag (gr. parabasis), nang hindi naghahangad na paliitin ang kabigatan ng huli. Kaya, ang pagkakasala na ginawa ni Adan sa Paraiso, na alam ng lahat, na binigyan ng lubos na pansin ni San Pablo, ay tinawag na pagkakamali o di pagsunod sa bandang huli (Rom 5,14.17.19). Gayunpaman, para kay San Pablo, ang gawang pagkakasala ay hindi sumasaklaw ng maliit na pagpapahalaga kagaya ng isinasaad sa ebanghelyo, habang ang talaan ng mga kasalanan ay napakadalas na matagpuan sa mga laman ng sulat: 1 Cor 5,10s; 6,9s; 2 Cor 12,20; Gal 5,19-21; Rom 1,29-31; Col 3,5-8; Ef 5,3; 1 Tim 1,9; Tito 3,3; 2 Tim 3,2-5. Ang lahat ng mga kasalanang ito, tulad ng sinasabi ni San Pablo, ay labas sa kaharian ng Diyos (1 Cor 6,9; Gal 5,21). Ngayon, nararapat pansinin na sa mga ito, katulad ng sa Lumang Tipan, mayroong pangkat na nauukol sa kalaswaan, diyos-diyosan at kawalan ng katwirang pan-lipunan (tingnan ang Rom 1,21-32 at ang mga talaan sa 1 Cor, Gal, Col, Ef). Pansinin din ang antas na itinutukoy ni San Pablo sa kasakiman (gr. pleonexia), ang kasalanang tumutukoy sa “walang-lubay na pag-aasam na magkamit ng mga pag-aari,” ang bisyo na sa matandang Latin ay tinatawag na avaritia at nakakatulad sa ipinagbabawal sa Sampung Utos (Exo 20,17) sa katagang pagnanasa (Rom 7,7). Si Pablo ay hindi tumigil na ihambing ito sa kasalanan ng pagsamba sa diyos-diyosan; kinilala niya ang dalawa: “na ang pagkagahaman ay kabilang sa pagsamba sa diyos-diyosan” (Col 3,5; Ef 5,5). b) Bukod pa dito sa mga gawaing makasalanan, si Pablo ay bumabalik sa pangunahing dahilan. Sa tao na makasalanan, ang mga iyon ay kataga at panlabas ng kapangyarihang laban sa Diyos at sa Kanyang kaharian. Ito ay katulad din ng sinasabi ni San Juan. Ang isang payak na katotohanan para dito ay itinatabi ni Pablo sa tawag na kasalanan na may tanging kahalagahan. Inilalarawan niya ito, ang pinagmulan o ang bunga nito sa atin, may lubos na katiyakan na iniaalok sa tunay na anyo ng kasalanan. Ipinakilala bilang isang kapangyarihan at ginawang persona hanggang sa ikalito sa sa personalidad ni Satanas na siyang “diyos ng daigdig na ito” 9( Cor 4,4), ang kasalanan, hindi kukulangin, ay isang bukod-tanging katotohanan; ito’y pag-aari ng taong makasalanan, na nasa kanyang kalooban. Ito’y nagsimula sa sangkatauhan sa pamamagitan ng hindi pagsunod Adan (Rom 5,12-19)  at sa isang uri ng pagsikad sa materyal na sanlibutan (Rom 8,20; Gen 3,17), ang kasalanan ay dumaan sa lahat ng tao nang walang pagpapaliban,
  • 11. dinala sila sa kamatayan at walang-hanggang pagkahiwalay sa Diyos tulad ng mga isinumpa sa impiyerno. Lingid sa pagliligtas, ang lahat ay nabulid, sang-ayon sa mga salita ni San Agustino, na tamang-tama kung lubos na mauunawaan bilang massa damnata. Ibig ni Pablo na ilarawan ng sapat ang ganitong katayuan ng taong “ipnagbili sa kapangyarihan ng kasalanan” (Rom 7,14), na hanggang ngayon ay kaya pang “makiisa” sa mabuti (7,16.22), sa katunayan, “asamin” ito (7,15.21). Ito ay nagpapatunay na hindi lahat ng nasa tao ay nawasak, at kaya niyang “gumawa” ng kabutihan (7,18); at dahil kailangan niyang yumukod sa walang-hanggang kamatayan (7,24), hindi niya magawang iwasan ang “kapalit” o “dulot” sa paggawa ng kasalanan (6,21-23). c) Bilang wakas ng mga nasabi na, ang apostol ay naparatangan ng pag-iisip ng masama. Sila na nagpaparatang ay nakalilimot na nasumpungan ito ni Pablo mula sa grasya ni Kristo nang gawin niya ang ganitong patotoo. Ang kanyang pagmamatwid ay pansamantalang nagpumilit sa kanya na bigyang-diin ang pandaigdig na saklaw ng kasalanan at ang taglay nitong paniniil sa isang layuning itatag ang kawalan ng kapangyarihan ng Batas at itaas ang lubos na pangangailangan ng gawang pagpapalaya ni Kristo. Bukod dito, ipinaaalala ni Pablo ang pagkakaisa ng buong sangkatauhan kay Adan, upang ibunyag ang higit na na paagkakaisa ng sangkatauhan kay Jesu-Kristo; sa diwa ng Diyos, si Jesu-Kristo ang una (Rom 5,14). Nangangahulugan na ang kasalanan ni Adan at ang mga bunga nito ay hinayaan lamang dahil kinakailangan na pagtagumpayan ito ni Kristo, at sa gayong napakasaganang paraan na kahit na ipakita ang pagkakahawig ng ginampanan ng unang Adan at ng pangalawa (5,17ss), ipinagpilitan ni Pablo ang mga pagkakaiba (5,15s). Ang usapin sa tagumpay ni Kristo sa kasalanan ay hindi kakaunti kung ihahambing kay Juan. Ang Kristiyano na ginawang matuwid ng pananampalataya at binyag (Gal 3,26ss; Rom 3,21ss; 6,2ss), ay ganap na kumalas sa kasalanan (Rom 6,10s). Namatay sa pagkakasala, siya ay namatay at nabuhay kay Kristo, isang bagong tao (6,5), isang “bagong nilalang” (2 Cor 5,17). Hindi na siya “makalaman,” ngunit “maka-espirito” (Rom 7,5; 8,9); kahit na sa panahon ng kanyang pamumuhay sa “namamatay na katawan,” maaari siyang bumagsak muli sa kasalanan at “magpaubaya sa pita ng laman” (6,12), kung tatanggi siyang “maglakad ng naaayon sa espirito” (8,4). d) Ang Diyos ay hindi lamang sa kasalanan nagtagumpay.Ang Kanyang walang-hanggang karunungan (Ef 3,10), ang nagkamit nitong tagumpay habang gamit ang kasalanan. Yaon na siyang pinakahigit na hadlang sa kaharian ng Diyos at sa pagliligtas sa tao ay gumanap ng tungkulin sa kasaysayan ng kaligtasan. Sa katunayan, tinutukoy ni Pablo ang kasalanan kapag nagsasalita siya tungkol sa “karunungan ng Diyos” (1 Cor 1,21-24; Rom 11,33). Ginagawa niya ito lalo na habang nagninilay sa kasalanan para sa kanyang puso, walang alinlangan, ang pinakamatinding sugat (Rom 9,2), at siyang iskandalo sa kanyang espirito. Ito ang hindi-pananalig ng Israel. Gayunpaman, nauunawaan niya na itong kawalan ng pananalig na pansamantala lamang (Rom 11,25), ay pumasok sa balak na pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan, at “isinama ang lahat ng tao sa pagsunod upang ihayag ang Sarili na mahabagin sa lahat” (Rom 11,32; Gal 22). Ipatatalastas ni Pablo na may pasasalamat na paghanga: O ang lalim ng kayamanan, ng karunungan, ng kaalaman ng Diyos! Hindi malirip ang Kanyang mga panukala at pamamaraan!” (Rom 11,33).
  • 12. e) Ngunit ang hiwagang ito ng banal na karunungan na ginagamit kahit na ang kasalanan upang iligtas ang tao ay hindi ipinahayag saan man maliban sa pagpapakasakit ng Anak ng Diyos. Katunayan, kung ang Diyos Ama ay “iniligtas abg Kanyang Anak” sa kamatayan (Rom 8,32), iyon ay upang dalhin Siya sa mga kalagayan kung saan maisasakatuparan Niya ang pinakadakilang gawain ng pagsunod at pagmamahal na maaaring sumagi sa isip, at sa ganitong paraan ay magdadala sa atin sa kaligtasan, Siya una sa lahat, mula sa kalagayan ng laman tungo sa espirito. Ang pangyayaring ito ng kamatayan, na ipinasadya upang makalikha ng pinakamimithing pook sa gawaing iyon, ay sanhi ng kasalanan ng tao: ang pagkakanulo ni Judas, ang pagtalikod ng Kanyang mga alagad, ang kahinaan ni Pilato, ang pagkamuhi ng mga may-kapangyarihan sa bansa ng mga Hudyo, ang kalupitan ng mga tagapagpatupad ng batas, at lingid sa mga nakikitang kaganapan  ang ating sariling mga kasalanan na kinamatayan Niya upang alisin. Upang maging malaya Siyang magmahal na hindi nagawa ng pangkaraniwang tao, inibig ng Diyos na ang Kanyang Anak ay malantad sa kasalanan ng tao, na mapasailalim sa bunga ng kasamaan, ng kapangyarihan ng kamatayan na kasalanan upang mapasailalim tayo, salamat sa kataas-taasang gawa ng pag-ibig, sa mabuting dulot ng kapangyarihan ng buhay na katarungan ng Diyos (2 Cor 5,21). Kaya totoo nga na “Niloob ng Diyos na ang lahat ng bagay ay gumawa sa ikabubuti niyong mga umiibig sa Kanya” (Rom 8,28), lahat ng bagay, kahit na ang kasalanan.