1. ARALING PANLIPUNAN 9 MODULE 3
IMPLASYON
tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of
goods (Economic Glossary)
ang Implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo sa pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang
ekonomiya.
DEPLASYON
tawag kung may pagbaba sa halaga ng presyo ng mga bilihin
HYPERINFLATION
patuloy na tumataas bawat oras, araw at linggo ang presyo ng mga bilihin
Mga Konsepto sa Implasyon
Boom- mayroong magandang takbo ng ekonomiya, mababang antas ng kawalan
trabaho at may maayos na antas ng pamumuhay.
Depression- kabaligtaran ng Boom. Ito ang pinakamababang antas ng ekonomiya
kung saan mataas ang antas ng kawalang trabaho sa loob ng isang taon.
Slump- kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ay may pagbaba sa mga presyo ng mga
bilihin.
Recession- pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng ilang buwan.
Stagflation- may paghinto ng ekonomiya kasabay ng implasyon.
Reflation- ekonomiyang may bahagyang implasyon.
Disimplasyon- proseso ng pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin.
Inflationary gap- ang pangkalahatang demand ay higit na mas malaki kaysa sa suplay.
Phillip’s Curve- Ayon kay A.W Phillips, mayroong trade-off, ito ang pagitan ng
kawalan ng trabaho at implasyon.
Mga Dahilan ng Implasyon
1. Demand-Pull Inflation - ang patuloy na pagtaas ng demand na hindi matugunan ng suplay. Kapag ang
demand ay tumataas at hindi matugunan ng suplay ang pangkalahatang presyo ay tumataas na nagiging
dahilan ng implasyon.
2. Cost-Push Inflation - Ang pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay makadaragdag sa gastusin ng
produksiyon. Ang pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.
3. Import-induced Inflation- kapag ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto at
nagkaroon sa pagtaas sa mga presyo nito,tumataas ang bilihin na magiging sanhi ng implasyon.
4. Profit-Push Inflation- Dahil sa mga negosyanteng ang ibig ay malaking kita, itinatago ang mga produkto na
nagiging sanhi ng kakulangan at nagiging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
5. Currency Inflation- ang pagdami ng suplay ng salapi ay nagdudulot ng paggastos ng malaking halaga upang
makabili sa kakaunting produkto.
1. Petrodollars Inflation-Ang labis na pagtaas ng petrolyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang
presyo ng mga bilihin.
Epekto ng Implasyon
2. BASKET OF GOODS : Ang mga nasabing produkto ay kumakatawan sa mga pangunahing pangangailangan at
pinagkakagastusan ng mamamayan.
IBA’T IBANG URI NG PRICE INDEX
Dahil sa pabago-bago sa presyo ng mga produkto, nabuo ang isang mekanismo upang masukat ang
laki ng pagbabago sa presyo. Ilan sa mga panukat ang sumusunod:
1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na ginagamit para mapababa ang
halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang totoong GNP. Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas
ng presyo ng mga produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
2. Wholesale or Producer Price Index (PPI). Index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang
nagtitingi para sa mga produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index (CPI). Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyong
ginagamit ng mga konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang
kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng tinatawag na market basket.
Pagsukat sa Pagbabago ng Presyo
Purchasing Power of Peso- Ito ang ginagamit upang masukat ang tunay na halaga ng piso sa kasalukuyang
taon kumpara sa basehang taon.
Pormula:
Inflation Rate- Ang antas ng implasyon kung saan ang porsiyento ng pagbabago sa CPI ng kasalukuyang taon
kumpara sa CPI ng nakaraang taon.
ARALING PANLIPUNAN 9 MODULE 4
PATAKARANG PISKAL
tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang mabago ang
galaw ng ekonomiya.
Maihahalintulad ito sa pagbabadyet sa mga gastusin sa iyong sariling mga pangangailangan o
pagbabadyet ng iyong mga magulang sa pangangilangan ng inyong buong pamilya.
ang salitang piskal o fiscal ay nagmula sa salitang latin na fisc, na ang ibig sabihin ay basket o bag.
polisya sa pagbabadyet kung kaya’t ang pamahalaan ay nangongolekta ng mga salapi sa pamamagitan
ng buwis na inilalaan sa mga gastuhing pampubliko upang mapasigla ang ekonomiya.
May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang mapangasiwaan ang
paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa
EXPANSIONARY FISCAL POLICY
isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
Halimbawa:
3. - ang kabuuang awtput ay mababa nang higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources
- mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan
-walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksyon
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa:
- paggasta sa mga proyektong pampamahalaan
- pagpapababa sa buwis
Ang mga ito ay muling magreresulta ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayan na makapagbibigay
naman ng mas malaking kita sa ekonomiya. Ganito rin ang magiging kaganapan sa bahay-kalakal kung saan mas
makapagpoprodyus sila ng mas maraming kalakal o produkto dahil ang mga maiipong salapi mula sa ibabayad
sana sa buwis ay maaari
CONTRACTIONARY FISCAL POLICY
ipatutupad kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya
Halimbawa:
- lubhang masigla ang ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated economy
- may mataas na pangkalahatatang awtput at employment.
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa:
- magbabawas sa paggastos ang pamahalaan at mahihila nito ang kabuoang demand
- patataasin ang buwis
Ito naman ay magreresulta sa pagbagal ng ekonomiya kung saan liliit ang kita na siya namang pipigil sa pagtaas ng
mga presyo sa bilihin o implasyon. Sa pagtaas naman ng buwis, ang mga mangagawa ay mapipilitang magbawas
ng kanilang gastusin para sa pagkonsumo
PAMBANSANG BADYET ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob ng isang
taon. Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng
ekonomiya. Kung ang revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa isang taon, masasabing
balanse ang badyet.
MGA PARAAN NG PAGHAHANDA
1. Budget call muna mula sa Department of Budget and Management o DBM para sa lahat ng mga ahensya.
Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: hangganan lamang ng badyet; paggasta; inaasahang buwis at kita
para sa mga bawat ahensya na nakabatay sa pagsusuri ng Development Budget
2.Hinihimok ang pakikisangkot ng mga civil society organizations at iba pang mga stakeholders.
3.Magkakaroon ng pagtatanggol ang bawat ahensya na masusi namang susuriin ng DBM at pagkatapos ay
ilalabas na ang kanilang rekomendasyon
4. Mula sa rekomendasyon, pag-aaralan naman ito ng isang Executive Review Board mula sa Kalihim ng DBM
at mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan
5.Ang National Expenditure Program ay bubuoin na ng DBM ayon sa napagkasunduan
6.Ihaharap na ito sa Pangulo upang linangin ang NEP.
Titipunin na ang mahalagang dokumentong bubuo sa President’s Budget at NEP at ito ay ipapasa sa
Kongreso bilang General Appropriations Bill upang sang-ayunan at maging isang ganap na batas.
PINAGMUMULAN NG KITA NG PAMAHALAAN
sa buwis ng mamamayang Pilipino,
kita mula sa interes ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas,
tulong mula sa mga dayuhan at pampribadong institusyon at
mga ari-ariang pagmamay-ari ng pamahalaan.
Ibat ibang uri ng buwis
Ayon sa kung sino ang apektado:
Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at bahay-kalakal (hal. Witholding tax)
Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at paglilingkod (hal. value-added tax)
Ayon sa porsiyentong ipinapataw:
Proporsiyonal-anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang bahagdan ng buwis na ipinapataw
Progresibo -habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon, tataas din ang halaga ng
buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
Regresibo-kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang kanyang buwis.
Ayon sa layunin:
Para kumita - upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga operasyon nito (hal. sales tax,
income tax)
Para magregularisa - upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain o negosyo (hal. Excise tax)
Para magsilbing proteksyon-upang pangalagaan ang interes ng mga lokal na sektor laban sa mga
dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)
4. EXPENDITURE PROGRAM ay tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusing nararapat upang matugunan ang
mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa loob ng isang taon
Paggasta ng Pamahalaan ayon sa Expenditure Program
1. Current Operating Expenditures - nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang
maayos na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon. Kabilang dito ang Personal
Services at ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Sa Personal Services nakapaloob ang
mga kabayaran para sa sahod, suweldo at iba pang mga compensation gaya ng mga dagdag sahod at cost of
living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at casual na empleyado ng gobyerno.
Samantala, ang mga gastusin kaugnay ng pagpapatakbo ng mga ahensiya ng gobyerno gaya ng supplies, mga
kagamitan, transportasyon, utilities (tubig at koryente), kumpunihin, at iba pa ay nakapaloob sa MOOE.
Capital Outlays - panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang kapakinabangang
makukuha mula rito ay maaaring magamit sa loob ng maraming taon at maaaring makadagdag sa mga asset
ng gobyerno. Kabilang dito ang mga pamumuhunan sa capital stock ng mga GOCCs at mga subsidiyaryo nito.
Net Lending - paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito. Kabilang dito ang mga utang na nalikom mula
sa mga programang kaugnay ng mga korporasyong pagmamay- ari ng gobyerno