2. _______________________
K AT H A N I : P I T Z I E D I A N N E L . C A B A N I L L A
Isinuksok ko ang isang barya
Sa aking malaking alkansya
Mapapiso man o lima
Basta’t mapuno lang kita
Sa tuwing tatanggap ng pera kay Ina
Hindi bumibili sapagkat nakatabi na
Ang bumuo ng isang tahanan
Ay pangarap kong makamtan
Pangarap na edukasyon
Ay aking mahahayon
Pangarap na negosyo
Ay aking maitatayo
Kinabukasan ko’y makakamtan
Halaga na di matatawaran
Ito’y mabuting gawi na aking namana
Ang mag-impok upang maging masagana
3. PAMPROSESONG TANONG:
1.Sa iyong palagay, ano ang pamagat ng tula?
2.Ano ang nais ipahiwatig ng tula?
3.Ano-ano ang mga bagay na pumukaw sa iyong
isipan?
4.Sa iyong palagay, paano nakatutulong sa tao
ang pag-iimpok ng salapi?
5.Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang pag-
iimpok sa pang-araw-araw na pangangailangan
mo? Bakit? Ipaliwanag.
4. KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA
Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan
ang
mga hindi nagamit na pera ng gobyerno ay
iniimbak sa
bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang
bahagi ng kita para sa hinaharap. Ang pag-
iimpok ay isa sa mahalagang gawain ng
sambahayan na kailangan ng ekonomiya.
5. KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN
BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA
ang mamumuhunan naman ay
maaaring
utangin ang perang ito upang
makapaglikha ng maraming trabaho
para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang
pag-iimpok at pamumuhunan ay
nakatutulong sa pag-unlad ng isang
6. Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos ng
sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan
sa kinabukasan. Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang
palabas na daloy sa Paikot na Daloy ng
Ang bahay-kalakal naman ay palaging may layuning
palaguin ang kanilang produksiyon kung kaya’t
madalas silang nangangailangan ng karagdagang
puhunan. Sila ay umuutang sa mga bangko upang
mamuhunan at makabili ng karagdagang salik ng
produksiyon. Kung ganoon, ang pamumuhunan ay
papasok na daloy sa Paikot na Daloy ng
7. Mga Institusyong Bangko
ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula
sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang
deposito. Sa pamamagitan ng interes o tubo, ang
halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay
lumalago.
Mga Uri ng Bangko
Commercial Banks
Thrift Banks
Rural Banks
9. Pension Funds
a. GSIS (Government Service Insurance System) –
ahensiyang nagbibigay ng life insurance sa mga
kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno,
lokal na pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikng
paaralan.
b. SSS (Social Security System) – ahensiya ng gobyerno na
nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong
kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
c. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw,
Bangko, Industriya at Gobyerno) – itinatag upang
matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
10. Kooperatiba
isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin.
Ang perang inambag ng mga kasapi ay kumakatawan
sa shares at tumatayong pondo ng kooperatiba.
Pawnshop o Bahay-Sanglaan
nagpapautang sa mga taong madalas mangailangan
ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga
bangko.
11. Registered Companies
kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at
Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC)
matapos magsumite ng basic at additional documentary
requirements, at magbayad ng filing fee.
Pre-Need
kompanya na rehistrdo sa SEC na pinagkalooban ng
nararapat na lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga
kontrata ng pre-need.
Insurance Companies
rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapaatan
ng Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng
seguro sa Pilipinas.
12. Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance
Corporation ay isang korporasyong pag-aari
ng pamahalaan na itinatag noong Hunyo
1963 sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3591.
Ito rin ay malayang institusyong
pampananalapi na nag-uugnay sa
Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Ang
PDIC ay ahensiya ng pamahalaan na
naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa
Pilipinas.
13. Mga gawi na dapat isaalang-alang ng mga mag-
iimpok sa bangko:
1. Kilalanin ang iyong bangko.
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong
bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing
up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko
at sa awtorisadong tauhan.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.
7. Maging maingat.
14. Ang pera o salapi ay ginagamit sa
pagbili ng mga bagay na kinakailangan
upang mapunan ang pangangailangan
at kagustuhan ng mga tao. Ang
pagkonsumo gamit ang salapi ay
kinakailangan din ng matalinong pag-
iisip at pagdedesisyon upang
mapakinabangan nang husto at
15. Ang kita ay halagang natatanggap ng tao
kapalit ng produkto o serbisyong kanilang
ibinibigay. Maaari itong itabi o itago bilang
savings o ipon. Ang savings ay isang
paraan ng pagpapaliban ng paggastos.
Ang ipon na ginamit upang kumita ay
tinatawag na investment. Ang economic
investment ay paglalagak ng pera sa
negosyo. Maaari ring maglagay ng ipon sa
mga financial asset katulad ng stocks,
16. Mahalaga ang savings sapagkat ang
pera na iyong naipon bilang savings ay
maaaring ilagak sa mga Financial
Intermediaries tulad ng mga bangko.
Ang mga bangko at iba pang financial
intermediaries ay nagsisilbing
tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at
sa nais umutang o mag-loan.
17. Ang umuutang o borrower ay
maaaring gamitin ang nahiram na
pera sa pagbili ng asset o
pagmamay-ari na may ekonomikong
halaga o gamitin ito bilang
karagdagang puhunan. Ang pera na
iyong inilagak sa mga institusyong
20. Panuto: Sa gawaing ito ay kinakailangan suriin ang mga salita na
nasa hanay A at hanapin ang katambal nito sa hanay B upang
mapag-ugnay ang dalawang (2) hanay. isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Halagang natatanggap ng tao kapalit ng
produkto o serbisyong kanilang ibinibigay.
2. Tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais
umutang o mag-loan
3. Pagdaragdag ng istak para sa hinaharap.
4. Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para
sa kanilang mga pangangailangan sa
kinabukasan.
5. Ginagamit sa pagbili ng gma bagay na
kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
a. Pamumuhunan
b. Pag-iimpok
c. Pera
d. Kita
e. Bangko
f. GSIS
g. SSS
h. LBP
i. DBP
j. PDIC
21. Panuto: Sa gawaing ito ay kinakailangan suriin ang mga salita na
nasa hanay A at hanapin ang katambal nito sa hanay B upang
mapag-ugnay ang dalawang (2) hanay. isulat ang titik ng iyong
sagot sa sagutang papel.
6. Korporasyong pag-aari ng pamahalaan na
itinatag noong 1963
7. Nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya.
8. Layunin nito na tustusan ang mga proyektong
pangkaunlaran.
9. Nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng
ahensya ng gobyerno.
10. Layunin nito na magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan.
a. Pamumuhunan
b. Pag-iimpok
c. Pera
d. Kita
e. Bangko
f. GSIS
g. SSS
h. LBP
i. DBP
j. PDIC