SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
DOKTRINA NI KRISTO
Hesus ang ating Dakilang Saserdote
 Ang propeta ay nagsalita sa mga tao mula sa Diyos; ang saserdote o pari ay nagsasalita sa Diyos
para sa mga tao.
 Hindi gaya ng pagkasaserdote ng mga Levita, na kailangang paulit-ulit na maghandog araw-araw,
kinailangan lamang ni Hesus na maghandog ng isang beses upang ganapin ang walang hanggang
pagtubos sa mga taong lalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya (Hebreo
9:12).
 Ang isa pang mahalagang bagay tungkol sa pagka-saserdote ni Hesus ay itinalaga ang bawat
saserdote mula sa mga tao. Si Hesus, bagamat Siya ay Diyos mula sa walang hanggan ay naging tao
upang maghandog ng Kanyang sariling buhay at magsilbing Dakilang Saserdote (Hebreo 2:9).
 Si Melquisedec ay isang uri ni Kristo sa kanyang pangalan.
 Ang ibig sabihin ng Melquisedec ay “Hari ng katuwiran.”
“Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una-
una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan”
(Sa Mga Hebreo 7:2).
 Si Melquisedec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pinagmulan.
“Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan
ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man”
(Sa Mga Hebreo 7:3).
 Si Melquisdec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pagkasaserdote.
Si Melquisedec ay “naging katulad ng Anak ng Dios), [na sino] ay nanatiling saserdote magpakailan
man” (Sa Mga Hebreo 7:3).
“Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa
pagkasaserdote ni Melchisedech” (Mga Awit 110:4).
SI HESUS BILANG HARI
Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan tungkol sa lahat ng kanilang
sinasabi sa iyo, sapagka't hindi ka nila itinakuwil, kundi itinakuwil nila Ako sa pagiging hari sa kanila (1
Samuel 8:7).
 Ang isang hari ay isa na may nararapat na ganap na awtoridad sa iba. Ang posisyong ito ay ipinag-
utos kay Hesus bago siya ipanganak.
“At narito, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalake, at tatawagin mo siyang
Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan; at ibibigay sa Kanya ng
DOKTRINA NI KRISTO
Panginoong Diyos ang trono ng Kanyang amang si David; at Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob
magpakailanman, at ang Kanyang kaharian ay walang katapusan” (Lucas 1:31-33).
Si Jesus ay hindi lamang isang hari; hawak niya ang lahat ng awtoridad at siya ang Hari ng mga Hari at
ang Panginoon ng mga panginoon
Pahayag 19:16
At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA
HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
Filipos 2:9-11
Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa
at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa
ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Si Kristo ay namamahala sa kakaibang paraan: hindi sa pamamagitan ng kapangyarihang pampulitika,
hindi sa kapangyarihang militar, hindi rin sa kapangyarihang mistikal, ngunit sa pamamagitan ng
kanyang Salita at Espiritu

More Related Content

More from TinCabanayan (10)

Hypocrisy Romans 2:17-20 (United in the Gospel)
Hypocrisy Romans 2:17-20 (United in the Gospel)Hypocrisy Romans 2:17-20 (United in the Gospel)
Hypocrisy Romans 2:17-20 (United in the Gospel)
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
Disaster Management Demo Online.pptx
Disaster Management Demo Online.pptxDisaster Management Demo Online.pptx
Disaster Management Demo Online.pptx
 
GOT QUESTIONS IN LIFE.pptx
GOT QUESTIONS IN LIFE.pptxGOT QUESTIONS IN LIFE.pptx
GOT QUESTIONS IN LIFE.pptx
 
Take Heed_91323.pptx
Take Heed_91323.pptxTake Heed_91323.pptx
Take Heed_91323.pptx
 
Anti-Bullying-Campaign.ppt
Anti-Bullying-Campaign.pptAnti-Bullying-Campaign.ppt
Anti-Bullying-Campaign.ppt
 
REBOLUSYONG-AMERIKANO_ROLDAN.pptx
REBOLUSYONG-AMERIKANO_ROLDAN.pptxREBOLUSYONG-AMERIKANO_ROLDAN.pptx
REBOLUSYONG-AMERIKANO_ROLDAN.pptx
 
paksa 3 The Incarnation.docx
paksa 3 The Incarnation.docxpaksa 3 The Incarnation.docx
paksa 3 The Incarnation.docx
 
paksa 3 The Incarnation_notes.docx
paksa 3 The Incarnation_notes.docxpaksa 3 The Incarnation_notes.docx
paksa 3 The Incarnation_notes.docx
 

paksa 4 Si Hesus bilang Hari_student.docx

  • 1. DOKTRINA NI KRISTO Hesus ang ating Dakilang Saserdote  Ang propeta ay nagsalita sa mga tao mula sa Diyos; ang saserdote o pari ay nagsasalita sa Diyos para sa mga tao.  Hindi gaya ng pagkasaserdote ng mga Levita, na kailangang paulit-ulit na maghandog araw-araw, kinailangan lamang ni Hesus na maghandog ng isang beses upang ganapin ang walang hanggang pagtubos sa mga taong lalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya (Hebreo 9:12).  Ang isa pang mahalagang bagay tungkol sa pagka-saserdote ni Hesus ay itinalaga ang bawat saserdote mula sa mga tao. Si Hesus, bagamat Siya ay Diyos mula sa walang hanggan ay naging tao upang maghandog ng Kanyang sariling buhay at magsilbing Dakilang Saserdote (Hebreo 2:9).  Si Melquisedec ay isang uri ni Kristo sa kanyang pangalan.  Ang ibig sabihin ng Melquisedec ay “Hari ng katuwiran.” “Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat (na kung sasaysayin, una- una, siya'y Hari ng katuwiran, at saka Hari naman sa Salem, na sa makatuwid, ay Hari ng kapayapaan” (Sa Mga Hebreo 7:2).  Si Melquisedec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pinagmulan. “Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:3).  Si Melquisdec ay isang uri ng Kristo sa kanyang pagkasaserdote. Si Melquisedec ay “naging katulad ng Anak ng Dios), [na sino] ay nanatiling saserdote magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 7:3). “Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech” (Mga Awit 110:4). SI HESUS BILANG HARI Sinabi ng Panginoon kay Samuel, “Pakinggan mo ang tinig ng bayan tungkol sa lahat ng kanilang sinasabi sa iyo, sapagka't hindi ka nila itinakuwil, kundi itinakuwil nila Ako sa pagiging hari sa kanila (1 Samuel 8:7).  Ang isang hari ay isa na may nararapat na ganap na awtoridad sa iba. Ang posisyong ito ay ipinag- utos kay Hesus bago siya ipanganak. “At narito, maglilihi ka sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalake, at tatawagin mo siyang Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan; at ibibigay sa Kanya ng
  • 2. DOKTRINA NI KRISTO Panginoong Diyos ang trono ng Kanyang amang si David; at Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at ang Kanyang kaharian ay walang katapusan” (Lucas 1:31-33). Si Jesus ay hindi lamang isang hari; hawak niya ang lahat ng awtoridad at siya ang Hari ng mga Hari at ang Panginoon ng mga panginoon Pahayag 19:16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. Filipos 2:9-11 Kaya nga, siya naman ay lubhang itinaas ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 10 Ito ay upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang bawat tuhod ng mga nasa langit, ng mga nasa lupa at ng mga nasa ilalim ng lupa. 11 Ito ay upang ipahayag ng bawat dila na si Jesucristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama. Si Kristo ay namamahala sa kakaibang paraan: hindi sa pamamagitan ng kapangyarihang pampulitika, hindi sa kapangyarihang militar, hindi rin sa kapangyarihang mistikal, ngunit sa pamamagitan ng kanyang Salita at Espiritu