SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
ARALING PANLIPUNAN 9 MODULE 5
LAYUNIN AT PAMAMARAAN NG PATAKARAN NG PANANALAPI
PATAKARANG PANANALAPI O MONETARY POLICY ay ang paggamit o
pagkontrol ng suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang
ekonomiya at mapatatag ang presyo sa pamilihan
1.Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang
mag-imprenta ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi
sa sirkulasyon, maaaring mag-imprenta ng salapi upang punan ito.
2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng
mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang.
3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP
kung magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito
ay tinatawag na rediscounting.
4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng
pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa
pamilihan.
5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at
bumili ang BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar;
binabayaran ito ng piso, kung ang BSP naman ang nagbebenta ng
dayuhang salapi, nakatatanggap naman siya ng piso, sa ganitong paraan
nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang pamamarang ito.
6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga
bangko. Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga
gawain ng mga bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring
kausapin ng gobernador ng BSP ang mga bangko upang maipaliwanag
ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano makatutulong ang mga
bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na
kinakaharap ng bansa.
MGA URI NG BANGKO
1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa
puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand deposit
at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap
ng papeles ng pagkakautang.
Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at
Equitable PCI Bank.
2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang
tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga
mamumuhunan upang sila ay tumubo.
Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco Filipino
Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank
3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan
kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit
lamang ang kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko
ay mga magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa sektor ng
agrikultura.
MGA EPESYAL NA BANGKO
a.Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito
ng pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran,
lalung lalo na sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya
ng bansa. Nagpapautang ito sa mababang interes.
b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang
katuwang ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang
pinanggagalingan ng pondo ng programa at nagbibigay ng pautang at
tulong sa mga magsasakang nakasama sa repormang agraryo.
c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines)
Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na
bangko na hindi lamang institusyong pananalapi kundi susunod din sa
alituntunin ng kanilang relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi,
pangungutang, pagbabayad at pakikipagkalakalan.
IBA PANG INSTITUSYONG PANANALAPI
a. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at
pag-aari ng pamahalaan.
b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga upang
mangolekta sa mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang
kontribusyon bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo ng
pamahalaan.
c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng buwanang
kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya. Sila ay
tatanggap ng pensiyon sa kanilang pagreretiro at naka-seguro rin sila sa
anumang mangyayaring aksidente at iba pang pinsala sa katawan dulot
ng kanilang trabaho.
d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral
na karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at anumang
mahahalagang bagay.
e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (Money Exchanger) – ito ay nasa ilalim
ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga dayuhang
salapi
sa piso.
Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation ay isang korporasyong
pag-aari ng pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa ilalim ng Batas Republika
Blg. 3591
Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000.00 sa deposito ng bawat
depositor.
PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa ay naharap
sa matinding kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya dulot ng digmaan.
Itinatag ang tatlong pangunahing institusyon upang mamahala sa
gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng pandaigdigang kalakalan. Ito ay
ang:
1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at
payo sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang programang
pangkaunlaran, pagbawas sa kahirapan at proteksiyon sa pandaigdigang
pamumuhunan.
2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng
pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi at
balanseng kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal
at tulong pinansyal kapag may pangangailangan at may humingi ng
tulong.
3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – Naitatag ito upang
itaguyod ang internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas o
pagtatanggal ng mga hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.

More Related Content

Similar to ARALING PANLIPUNAN , PATAKARANG PANANALAPI NOTES

Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6TinCabanayan
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiRivera Arnel
 
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3rgerbese
 
ppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxAceGarcia9
 
ppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxAceGarcia9
 
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdf
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdfpatakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdf
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdfFrancineHerezo
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptPantzPastor
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptPantzPastor
 
patakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptxpatakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptxKtBoPRonabio
 
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng PananalapiAralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapiedmond84
 
patakarangpananalapi-q3w7.ppt
patakarangpananalapi-q3w7.pptpatakarangpananalapi-q3w7.ppt
patakarangpananalapi-q3w7.pptangelloubarrett1
 
Aralin 22: Patakaran ng Pananalapi
Aralin 22: Patakaran ng PananalapiAralin 22: Patakaran ng Pananalapi
Aralin 22: Patakaran ng PananalapiLouise Magno
 
Patakarang pananalapi
Patakarang pananalapiPatakarang pananalapi
Patakarang pananalapisicachi
 
Sektor ng Pananalapi presentation Aral Pan
Sektor ng Pananalapi presentation Aral PanSektor ng Pananalapi presentation Aral Pan
Sektor ng Pananalapi presentation Aral Panpvy57h6jxn
 

Similar to ARALING PANLIPUNAN , PATAKARANG PANANALAPI NOTES (20)

Patakarang pananalapi
Patakarang pananalapiPatakarang pananalapi
Patakarang pananalapi
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 6
 
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng PananalapiMELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
MELC Aralin 16-Patakaran ng Pananalapi
 
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
Pag-iimpok at Pamumuhunan: Araling Panlipunan 9 Quarter 3
 
COT1111.pptx
COT1111.pptxCOT1111.pptx
COT1111.pptx
 
COT1111.pptx
COT1111.pptxCOT1111.pptx
COT1111.pptx
 
COT1111.pptx
COT1111.pptxCOT1111.pptx
COT1111.pptx
 
ppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptx
 
ppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptxppt cot dcis.pptx
ppt cot dcis.pptx
 
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdf
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdfpatakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdf
patakarangpananalapi-140131041144-phpapp02 (1).pdf
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
 
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.pptaralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
aralin19-patakaranngpananalapi-180521230438.ppt
 
patakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptxpatakarang pananalapi.pptx
patakarang pananalapi.pptx
 
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng PananalapiAralin 6 Patakaran ng Pananalapi
Aralin 6 Patakaran ng Pananalapi
 
patakarangpananalapi-q3w7.ppt
patakarangpananalapi-q3w7.pptpatakarangpananalapi-q3w7.ppt
patakarangpananalapi-q3w7.ppt
 
Sektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapiSektor ng pananalapi
Sektor ng pananalapi
 
Aralin 22: Patakaran ng Pananalapi
Aralin 22: Patakaran ng PananalapiAralin 22: Patakaran ng Pananalapi
Aralin 22: Patakaran ng Pananalapi
 
Patakarang pananalapi
Patakarang pananalapiPatakarang pananalapi
Patakarang pananalapi
 
Monetary1.
Monetary1.Monetary1.
Monetary1.
 
Sektor ng Pananalapi presentation Aral Pan
Sektor ng Pananalapi presentation Aral PanSektor ng Pananalapi presentation Aral Pan
Sektor ng Pananalapi presentation Aral Pan
 

Recently uploaded

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 

Recently uploaded (20)

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 

ARALING PANLIPUNAN , PATAKARANG PANANALAPI NOTES

  • 1. ARALING PANLIPUNAN 9 MODULE 5 LAYUNIN AT PAMAMARAAN NG PATAKARAN NG PANANALAPI PATAKARANG PANANALAPI O MONETARY POLICY ay ang paggamit o pagkontrol ng suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang ekonomiya at mapatatag ang presyo sa pamilihan 1.Fiat Money Authority – ang BSP lamang ang may kapangyarihang mag-imprenta ng salapi sa bansa. Kung kailangan ng karagdagang salapi sa sirkulasyon, maaaring mag-imprenta ng salapi upang punan ito. 2. Laang Reserba (Required Reserved) – ito ay bahagi ng idinedeposito ng mga tao sa bangko na kailangang itabi ng bangko at hindi ipautang. 3. Pagdidiskuwento – Bilang nagpapautang, maaaring diktahan ng BSP kung magkano ang interes ng kaniyang pagpapautang. Ang interes na ito ay tinatawag na rediscounting. 4. Open-market Operation – ito ay pagbebenta o pagbili ng mga papel ng pagkakautang ng pamahalaan o government securities na direkta sa pamilihan. 5. Pagbebenta at pagbili ng dayuhang salapi – maaring magbenta at bumili ang BSP ng dolyar sa pamilihan. Kapag bumili ang BSP ng dolyar; binabayaran ito ng piso, kung ang BSP naman ang nagbebenta ng dayuhang salapi, nakatatanggap naman siya ng piso, sa ganitong paraan nakokontrol ang suplay ng salapi gamit ang pamamarang ito. 6. Moral Suasion – ang BSP ay may di-matatawarang impluwensiya sa mga bangko. Dahil sa impluwensiyang ito, maaari nang maiderekta ang mga gawain ng mga bangko ayon sa layunin ng pamahalaan. Maaaring kausapin ng gobernador ng BSP ang mga bangko upang maipaliwanag ang sitwasyon ng ekonomiya at kung paano makatutulong ang mga bangko upang malutas ang anumang suliranin sa pananalapi na kinakaharap ng bansa. MGA URI NG BANGKO 1.Bangkong Komersiyal –pinakamalaking grupo ng bangko pagdating sa puhunan at ari-arian. Tumatanggap ang bangkong ito ng demand deposit at iba pang serbisyong pampinasyal. Sila rin ay pinapayagang tumanggap ng papeles ng pagkakautang. Halimbawa ng Bangkong Komersiyal: BPI, Union Bank, Metrobank at Equitable PCI Bank. 2.Bangko ng Pag-iimpok – pangunahing gawain ng bangkong ito ang tumanggap ng mga impok ng mga mamamayan at ipautang ito sa mga mamumuhunan upang sila ay tumubo. Halimbawa ng Bangko ng Pag-iimpok: Allied Savings Bank, Banco Filipino Savings Bank, Mortgage Bank at BPI Family Savings Bank 3.Bangkong Rural – bangkong matatagpuan sa mga lalawigan at bayan kung saan limitado lang ang kanilang pinaglilingkuran dahil sa maliit lamang ang kanilang puhunan. Karaniwang kliyente ng ganitong bangko ay mga magsasaka, mangingisda at mga taong nabibilang sa sektor ng agrikultura. MGA EPESYAL NA BANGKO a.Development Bank of the Philippines (DBP) – naitatag ang bangkong ito ng pamahalaan upang magpautang sa mga proyektong pangkaunlaran, lalung lalo na sa larangan ng pagpapatayo at pagpapalago ng industriya ng bansa. Nagpapautang ito sa mababang interes. b.Land Bank of the Philippines (LBP) – itinatag ang bangkong ito bilang katuwang ng programa sa repormang agraryo ng bansa. Ito ang pinanggagalingan ng pondo ng programa at nagbibigay ng pautang at tulong sa mga magsasakang nakasama sa repormang agraryo. c.Islamic Bank (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines) Dahil sa ibang kultura ng mga Muslim, kailangan nila ng espesyal na bangko na hindi lamang institusyong pananalapi kundi susunod din sa alituntunin ng kanilang relihiyong Islam na may kinalaman sa pananalapi, pangungutang, pagbabayad at pakikipagkalakalan.
  • 2. IBA PANG INSTITUSYONG PANANALAPI a. Kompanyang Seguro – ito ay nahahati sa dalawa: ang pribado at pag-aari ng pamahalaan. b.Government Service Insurance System (GSIS) ay itinalaga upang mangolekta sa mga empleyado ng pamahalaan ng buwanang kontribusyon bilang pag-iimpok sa kanilang pagreretiro sa serbisyo ng pamahalaan. c. Social Security System – ito ay itinalaga para mangolekta ng buwanang kontribusyon sa mga empleyado ng mga pribadong kompanya. Sila ay tatanggap ng pensiyon sa kanilang pagreretiro at naka-seguro rin sila sa anumang mangyayaring aksidente at iba pang pinsala sa katawan dulot ng kanilang trabaho. d.Bahay-Sanglaan – ito ay nagpapautang ng salapi ngunit may kolateral na karaniwang alahas, kasangkapan, o kagamitan at anumang mahahalagang bagay. e.Tagapagpalit ng Dayuhang Salapi (Money Exchanger) – ito ay nasa ilalim ng pamamahal ng BSP upang legal na makapagpalit ng mga dayuhang salapi sa piso. Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance Corporation ay isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3591 Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000.00 sa deposito ng bawat depositor. PANDAIGDIGANG INSTITUSYONG PANANALAPI Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lahat ng bansa ay naharap sa matinding kahirapan at pagkawasak ng ekonomiya dulot ng digmaan. Itinatag ang tatlong pangunahing institusyon upang mamahala sa gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng pandaigdigang kalakalan. Ito ay ang: 1. World Bank (WB) – layunin nito na magbigay ng tulong pananalapi at payo sa mga bansang kasapi nito para sa kanilang programang pangkaunlaran, pagbawas sa kahirapan at proteksiyon sa pandaigdigang pamumuhunan. 2. International Monetary Fund – tumitingin sa pandaigdigang sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng pag-aaral sa palitan ng dayuhang salapi at balanseng kita ng mga bansa sa mundo. Ito rin ay nagbibigay ng teknikal at tulong pinansyal kapag may pangangailangan at may humingi ng tulong. 3. General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) – Naitatag ito upang itaguyod ang internasyonal na kalakalan sa pamamagitan ng pagbawas o pagtatanggal ng mga hadlang sa kalakalan katulad ng taripa o quota.