Aralin 6
Pang-abay
na Pamanahon, Panlunan
at Pamaraan
Ang Alamat ng Face Mask
Ni Raiza Mae A. Alfaro
UNAWAIN MO…
1. Ano ang dahilan kung bakit napapagalitan sina Face at Mask?
2. Bakit nagkakagulo ang mga tao sa nayon?
3. Kung ikaw ang nasa kalagayan nina Face at Mask, nanaisin
mo pa rin
bang maglaro sa kabila ng nangyayari sa inyong nayon?
4. Bakit tinawag na Face Mask ang nakita ni Aling Beka?
5. Bakit kinakailangang sumunod ang mga anak sa magulang?
Ano ang Pang-abay?
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Mga uri ng pang-abay:
1. Pang-abay na pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap,
nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa
pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda,
walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang
a. Paalis na kami nang siya ay dumating.
b. Nagpipintura kami sa tanghali.
c. Aawit ako, kung aawit ka rin.
d. Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw.
e. Laging nakatakip ang kanilang mga mukha upang hindi sila
makilala ng kanilang magulang sa tuwing hahanapin sila para
tapusin ang pagsasagot sa kanilang mga modyul.
Walang Pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandal
a. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
b. Kanina pa sila umalis.
c. Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie.
d. Bukas mo na dalhin ang modyul.
e. Sandali na lamang at aalis na tayo.
Nagsasaad ng Dalas
Halimbawa: araw-araw, tuwing, taon-taon
a. Kailangan mong maligo araw-araw.
b. Tuwing umaga ay naglalaro sila Face at Mask.
c. Nagbabakasyon kami sa Hongkong taon-taon.
d. Linggo-linggo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
e. Oras-oras kung magdasal ang mga madre.
2. Pang-abay na panlunan – nagsasaad ng lugar kung
saan naganap ang
pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa,
ginagawa, at gagawin
ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy rin ito sa pook na
pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos.
Ilan sa mga halimbawa ng pananda sa pang-abay na
panlunan ang mga salitang sa, kina o kay
Samantala, ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay
isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang
kay at kina naman ay ginagamit kapag ang kasunod
ay pangngalang pantangi ng isang tao.
a. Buksan mo ang pinto sa kusina.
b. Ibinigay ni Mariel sa kapatid ang hawak niya.
c. Pag-aaralin kita kung sa Maynila ka magtitira.
d. Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
e. Pakikuha kina Berto ang bayad sa bangus.
f. Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.
3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung
paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag.
Ilan sa mga panandang ginagamit upang matukoy ang
mga pangabay na pamaraan ay ang: nang, na, at -ng
Halimbawa:
a. Lumakad ako nang matulin upang abutan ka.
b. Nagsagot ako nang buong husay sa pagsusulit.
c. Kumain ako nang mabilis para makausap ka.
d. Matamis na ngumiti ang dalaga sa akin.
e. Tanghali nang nagising sina Face at Mask.
Narito naman ang mga salitang pang-ugnay na hudyat
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una
Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
Sa wakas: sa dakong huli, wakas
Gawain 1: #Hagdan ng Kuwentong Inihanay!
Gawain 2: #LikhangUsap!
BUMUO NG SARILING PANGUNGUSAP GAMIT ANG TATLONG
URI NG PANG-ABAY
PANG-ABAY NA PAMARAAN
PANG-ABAY NA PANLUNAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
Aralin 6.pptx

Aralin 6.pptx

  • 1.
  • 2.
    Ang Alamat ngFace Mask Ni Raiza Mae A. Alfaro
  • 3.
    UNAWAIN MO… 1. Anoang dahilan kung bakit napapagalitan sina Face at Mask? 2. Bakit nagkakagulo ang mga tao sa nayon? 3. Kung ikaw ang nasa kalagayan nina Face at Mask, nanaisin mo pa rin bang maglaro sa kabila ng nangyayari sa inyong nayon? 4. Bakit tinawag na Face Mask ang nakita ni Aling Beka? 5. Bakit kinakailangang sumunod ang mga anak sa magulang?
  • 4.
    Ano ang Pang-abay? Angpang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mga uri ng pang-abay: 1. Pang-abay na pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
  • 5.
    May Pananda Halimbawa: nang,sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang a. Paalis na kami nang siya ay dumating. b. Nagpipintura kami sa tanghali. c. Aawit ako, kung aawit ka rin. d. Maglalaba tayo kapag sumikat ang araw. e. Laging nakatakip ang kanilang mga mukha upang hindi sila makilala ng kanilang magulang sa tuwing hahanapin sila para tapusin ang pagsasagot sa kanilang mga modyul.
  • 6.
    Walang Pananda Halimbawa: kahapon,kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandal a. Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan. b. Kanina pa sila umalis. c. Ngayon mo na puntahan si Mareng Winnie. d. Bukas mo na dalhin ang modyul. e. Sandali na lamang at aalis na tayo.
  • 7.
    Nagsasaad ng Dalas Halimbawa:araw-araw, tuwing, taon-taon a. Kailangan mong maligo araw-araw. b. Tuwing umaga ay naglalaro sila Face at Mask. c. Nagbabakasyon kami sa Hongkong taon-taon. d. Linggo-linggo kung mamili ng paninda si Aling Fe. e. Oras-oras kung magdasal ang mga madre.
  • 8.
    2. Pang-abay napanlunan – nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy rin ito sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos. Ilan sa mga halimbawa ng pananda sa pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay
  • 9.
    Samantala, ginagamit angsa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang kay at kina naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi ng isang tao. a. Buksan mo ang pinto sa kusina. b. Ibinigay ni Mariel sa kapatid ang hawak niya. c. Pag-aaralin kita kung sa Maynila ka magtitira. d. Pumunta sa bayan ang mag-asawa. e. Pakikuha kina Berto ang bayad sa bangus. f. Kina Amiel at Ariel ang mga prutas na ito.
  • 10.
    3. Pang-abay napamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag. Ilan sa mga panandang ginagamit upang matukoy ang mga pangabay na pamaraan ay ang: nang, na, at -ng
  • 11.
    Halimbawa: a. Lumakad akonang matulin upang abutan ka. b. Nagsagot ako nang buong husay sa pagsusulit. c. Kumain ako nang mabilis para makausap ka. d. Matamis na ngumiti ang dalaga sa akin. e. Tanghali nang nagising sina Face at Mask.
  • 12.
    Narito naman angmga salitang pang-ugnay na hudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una Sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka Sa wakas: sa dakong huli, wakas
  • 13.
    Gawain 1: #Hagdanng Kuwentong Inihanay!
  • 14.
  • 15.
    BUMUO NG SARILINGPANGUNGUSAP GAMIT ANG TATLONG URI NG PANG-ABAY PANG-ABAY NA PAMARAAN PANG-ABAY NA PANLUNAN PANG-ABAY NA PAMANAHON

Editor's Notes

  • #2 Napakahalaga na angkop ang paggamit natin ng mga salita sa pangaraw-araw na pakikipagtalastasan. Ito ay upang lubos tayong maunawaan ng ating kausap. Ano ang iyong napapansin sa mga salitang ginagamit mo sa pakikipagusap sa iyong kapwa? Tunay ngang napakahiwaga ng bawat salita, hindi ba? Kaya’t atin itong gamitin nang wasto at nararapat.