SlideShare a Scribd company logo
ARALING PANLIPUNAN (AP) 10
Summative Test – 4th Quarter
Pangalan: __________________________ Marka: __________
Baitang: ___________________________ Petsa: _________
PANUTO: Piliiin ang letra ng tamang sagot at ISULAT ito sa patlang bago ang bilang. HUWAG BILUGAN
__________1.Ano ang tawag sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado?
A. Citizenship B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Jus Soli
__________2. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang
proseso sa korte.
A. Naturalisasyon B. Pagkamamamayan C. Jus Sanguinis D. Jus Soli
__________3. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siyaipinanganak.
A. Jus Soli B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Pagkamamamayan
__________4. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
A. Jus Sanguinis B. Naturalisasyon C. Pagkamamamayan D. Jus Soli
__________5. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
A. Saligang Batas B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Jus Soli
__________6. Ang sumusunod ay ang mgaparaan paramawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa.
A. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
B. Nawala na ang bisa ang naturalisasyon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.
__________7.Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang SaligangBatas na ito.
B. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
C. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mgaina ay Pilipino,na pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa tamang gulang.
__________8. Ang sumusunod ay maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa?
A. Si Cardo na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Ador na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Glemna ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si lola FLora na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino.
__________9. Ang sumusunod na situwasiyon ay nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan maliban sa?
A. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
B. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.
__________10.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan?
A. Aktibo si Carlo sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
B. Ipinauubaya ni Leo sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasyasa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
C. Nakikinig si Protacio sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood si Leang mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
__________11. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
C. Upang matiyak ang kaniyang mgatungkulin at pananagutan
D. Upang maigawadsa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
__________12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan,aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng
mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mgalokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mgaproduktong dayuhan
__________13. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:
Walang sinuman ang nabubuhay Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay maypananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan
C. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa ng kaniyang kinabibilangan.
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran.
__________14. Basahin ang sumusunod na mensahe.
“Ask not what your country can do for you,ask what you can do for your country.” - John F. Kennedy Ano ang nais ipaabot ng
pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin.
B. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.
C. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiyaat proyekto ng pamahalaan.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan.
__________15. Ito ay tumutulong sa mgakarapatan ng mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987Saligang Batas ng
Pilipina?
A. Civil Society B. Bill of Rights C. CHR – Commission on Human Rights D. Good Governance
__________16. Ano ang komisyong itinadhana ng Saligang Batas na maging Malaya sa tatlong sangayng pamahalaan ng Pilipinas
na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibidwal sa bansa kabilang ang mga
Pilipinong nasa ibayong dagat?
A. Civil Society B. CHR – Commission on Human Rights C. GoodGovernance D. Bill of Rights
__________17. Ito ay isang lipunang hiwalay sa Estado.Binubuo ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang
pagkilos, at mga Non-Government Organization/ People’s Organization.
A. CHR B. Civil Society C. Democracy Index D. Bill of Rights (Katipunan ng mgaKarapatan
__________18. Ito ay ang katiwaliaan sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
A. Magna Carta B. Korapsyon C. Karapatang Sosyal D. Karapatang Sibil
__________19. Tumutukoy sa isang mahalagang dokumentong tinaggap ng UN General Assembly noong 1948 na naglalahad ng
mga karaoatng pantao ng bawat indibidwal tulad ng mga karapatang sibil, political, ekonomikal, sosyal, at kultural.
A. Saligang – Batas B. UDHR o Universal Declaration of Human Rights C. Participating Governannce D. Civil Society
__________20. Isang dokumentong nilagdaan ni Haring Jhon I ng England noong 1215na naglalaman ng ilang karapatan ng mga
taga-England at naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England.
A. NGO B. MagnaCarta C. Porto Alegre D. People’s Organization
__________21. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang panlipunan o sosyal at ekonomiko na ipinagkaloob upang matiyak ang
kapakanan at seguridad ng tao.
A. Karapatang Sibil B. Karapatang Pampolitika C. Karapatang Sosyal D. Good Governance
__________22. Isang halimbawa ng mga karapatang pampolotika na tumutukoy tungkol sa karapatan ng mga mamamayan na
makilahok sa pamamamlakad ng pamahalaan.
A. Karapatang Sosyal B. Karapatang Sibil C. Karapatang Pampolitika D. Pagkamamamayan
__________23. Ang tawag sa kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinion ng mga tao tungkol sa katiwaliaan sa
kanilang bansa.
A. Pagkamamamayan B. Participating budgeting C. Global Corruption Barometer D. Good Governance
__________24. Ito ay tumutukoy ng mga samahang pampolitika at may karapatang Sibil at Politikal.
A. Mamamayan B. Naturalisasyon C. Pagkamamamayan D. Non-Government Organization (NGO)
__________25. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat.
D. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
__________26.Bakit mahalagaang pagsasagawa ng participatory governance?
A. mas maraming sasali sa civil society C. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan
B. mawawalan ng silbi ang mgaopisyal ng pamahalaan D. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
__________27. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa
B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas
C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan
D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa
bansa.
__________28. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong samga programang mga
grassroots organization?
A. civil society B. people’s organization C. non-governmental organization D. trade union
__________29. Ano ang binalangkas na karapang pantao sa UDHR?
A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR.
B. Ang mga karapatang pantao ay nakatala sa UDHR.
C. Nakapaloob sa UDHRang pagpapahalaganito sa mga karapatan ng mgabata.
D. Limitado ang karapatanng mga batabatay sa UDHR.
__________30.Si Lina ay isang magsasaka na mag isang nagtataguyodsa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang
samahan na nagtataguyod sa mga magsasakang katulad niya.Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-AgencyNGOs C. People’s Organizations
B. Grassroot Support Organizations D. Non-Governmental Organizations
__________31.Basahin at unawain ang talata sa ibaba:
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan
Ang talatana iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Makabayan. Anong katangian ng isang mamamayang
Pilipino ang inilalarawan dito?
A. produktibo B. makatao C. malikhain D. mapanagutan
__________32.Alin sa sumusunodna sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong
patungkol sa isyung pang-ekonomiya?
A. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon.
B. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa.
C. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
D. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng union upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.
__________33.Gaano kahalaga ang accountabilityat transparency sa pamamahala?
A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.
B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang participatory governance.
C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability.
__________34. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad?
A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa.
B. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng pamahalaan.
C. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan.
D. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan.
__________35.Anong sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos,at mga
boluntaryong organisasyon.
A. CPAR B. PO C. FAR D. Civil Society
__________36. Ang sumusunoday mga mahalagang tungkulin ng NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan maliban sa isa. Ano Ito?
A. Paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan.
B. Nagsasagawa ang mga NGO ng pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban
C .Diriktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang kanilang mga hinaing.
D. Nakikipaglaban para sa sariling kapakanan.
__________37. Anong mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang igigiit na pagbabago sa pamahalaan?
A. Humungi ng tulong sa pamayanan C.Pagtulong sa nangangailangan
B. Pagboto sa mayayaman D. Participatory governance
__________38. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo
siya sa COMELEC (Commission on Elections) sa kanila upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na
mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan?
A. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas C. Pakikipagtulungan sa mga maykapangyarihan
B. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain D. Magparehistro at bumoto
__________39. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloyna paghihirap ng mgapamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa
mga mamamayan ay hindi tumutupadsa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng
karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes.
Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin?
A. Magpapatupadng mga mabibigat na parusaupang mapasunod ang nasasakupan.
B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain.
C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar.
D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan.
__________40. Ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa
pamahalaan.
A. authoritative governance B. Federal governance C. communist governance D. participatory governance
__________41. Maituturing isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang katiwalian.Alin sa
mga pahayag ang hindi sumasaklaw sa katangian nito?
A. Pagkakaroon ng malayang halalan at nirerespeto ang mgakarapatan ng bawat mamamayan.
B. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
C. Pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan,mga kaibigan at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan.
D. Monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon at kawala ng kapanagutan.
__________42. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng Participatory Governance?
A. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa
pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
B. Ang pagdedesisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno sa pamahalaan.
C. Mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan
D. Dito hindi aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa
mga hamon ng lipunan.
__________43. Anu-anong paraan ng participatory Governanceang maaring gawin upang mapa-unlad ang isang bansa?
I. Ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan
II. pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mgasurvey
III. pagsama sa mga mamamayan sa mgaconsultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Hinihingi ng pamahalaan
ang opinion ng mamamayan sa mga napapanahong isyu at sa mga programang ipatutupad nito
IV. pakikilahok sa mga political campaign tuwing panahon ng eleksyon.
A. I, II, & III B. III, IV C. I, IV D. I, III
__________44. Anong batas ng Pilipinas ang kumikilala sa kahalagahan ng papel ng mga mamamayan sa pamamahala?
A. Local Government Code of 1991 C. Local Government Code of 1993
B. Local Government Codeof 1919 D. Local Government Codeof 1994
__________45. Ayon sa World Bank, ano ang kahulugan ng mabuting pamamahala o Good Governance?
A. Ito’y isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa economic and social resources ng bansa para sa
kaunlaran nito.
B. Mabuting paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ng povertyo kahirapan ng isang bansa.
C. Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko,
nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao.
D. Ito ay antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko,
political at sosyal.
__________46.Aling ahensyang gobyerno ang nagpakahulugan na ang goodgovernance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang
mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko,nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at
tinitiyak na mapangalagaan ang mgakarapatang pantao?
A. Officeof the High Commissioner for Human Rights C. International Development Association
B. World Bank Institute D. National Economic and Development Authority.
__________47. Alin sa mga katangian ng Good Governance ang tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng
transaksiyon, proseso, desisyon at ulat ng pamahalaan?
A. Katapatan B. Kapanagutang Political C. Rule of Law D. Participatory Governance
__________48. Aling batas ang nagbibigay diin sa kapananagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng pamahalaan?
A. Artikulo XI ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas C. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Artikulo IX ng Saligang Batas ng 1988 ng Pilipinas D. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1998 ng Pilipinas
__________49. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa mga paraan ng politikal na pakikilahok na naglalayong magkaroon
ng isang mabuting pamamahala o Good governance?
A. Pakikilahok sa mga Political Campaign tuwing eleksyon. C. Pagboto
B. Pakikilahok sa Participatory Governance D. Pagsali sa Civil Society
__________50. Paano matitiyak ng mamamayan kung nanaig ang mabuting pamamahala sa isang lipunan o bansa?
I. Pagkakaroon ng partisipasyon ng lahat ng mamamayan,tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang
kinakatawan
II. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinapahalagahan ang pagiral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang
pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa.
III. Nararapat na maipatupad ang mgabatas at igagalang ang mga karapatang pantao ng patas at walang kinikilingan.
Pagbibigay pansin sa patas na pagbibigay sa mga mamamayan sa pagkakataong mapa-unlad ang kanilang kagalingan.
IV. Pagkakaroon ng transparenscy, binigbigyang pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa
pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
A. I, II, III, & IV B. I, II C. II,III D. III, IV

More Related Content

What's hot

Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Byahero
 
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plankarahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
Cashmir Bermejo
 
DLP Sample COT
DLP Sample COTDLP Sample COT
DLP Sample COT
Cashmir Bermejo
 
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
DIEGO Pomarca
 
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Chuckry Maunes
 
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson planSektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Joan Andres- Pastor
 
10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx
JenniferApollo
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Crystal Mae Salazar
 
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
AP10 Q3 MODYUL4.pdfAP10 Q3 MODYUL4.pdf
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
Emz Rosales
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
edwin planas ada
 
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiranSim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Mejicano Quinsay,Jr.
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Rivera Arnel
 
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng  Pagkamamamayan-Citizenship.pptxAralin 1- Konsepto at Katuturan ng  Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
MaryJoyTolentino8
 
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
Glenn Rivera
 
LAKAS PAGGAWA
LAKAS PAGGAWALAKAS PAGGAWA
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Crystal Mae Salazar
 
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptxQuarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
ARLYN P. BONIFACIO
 
AP 9 LESSON PLAN
AP 9 LESSON PLANAP 9 LESSON PLAN
AP 9 LESSON PLAN
Bela Potter
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
Froidelyn Fernandez- Docallas
 
Grade 9 Araling Panlipunan Module
Grade 9 Araling Panlipunan ModuleGrade 9 Araling Panlipunan Module
Grade 9 Araling Panlipunan Module
Louis Angelo del Rosario
 

What's hot (20)

Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4Ekonomiks Learning Module Yunit 4
Ekonomiks Learning Module Yunit 4
 
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plankarahasan sa kababaihan demo lesson plan
karahasan sa kababaihan demo lesson plan
 
DLP Sample COT
DLP Sample COTDLP Sample COT
DLP Sample COT
 
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu   july 24 to 28
AP 10 dll quarter 1 week 8 kontemporaryung isyu july 24 to 28
 
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC UpdatedAraling Panlipunan 10 - MELC Updated
Araling Panlipunan 10 - MELC Updated
 
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson planSektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
Sektor ng agrikultura semi detailed lesson plan
 
10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx10-AP-kasarian.pptx
10-AP-kasarian.pptx
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
AP10 Q3 MODYUL4.pdfAP10 Q3 MODYUL4.pdf
AP10 Q3 MODYUL4.pdf
 
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
Karahasan sa mga lalaki, kababaihan, at lgbt (2)
 
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiranSim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
 
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng  Pagkamamamayan-Citizenship.pptxAralin 1- Konsepto at Katuturan ng  Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
Aralin 1- Konsepto at Katuturan ng Pagkamamamayan-Citizenship.pptx
 
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
Detailed Lesson Plan - DLP - Araling Panlipunan 9 - Pag-iimpok at Pamumuhunan...
 
LAKAS PAGGAWA
LAKAS PAGGAWALAKAS PAGGAWA
LAKAS PAGGAWA
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
 
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptxQuarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
Quarter 4 Week 1-2 AP 10.pptx
 
AP 9 LESSON PLAN
AP 9 LESSON PLANAP 9 LESSON PLAN
AP 9 LESSON PLAN
 
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS) PRE-POST TEST (with Answer Key)
 
Grade 9 Araling Panlipunan Module
Grade 9 Araling Panlipunan ModuleGrade 9 Araling Panlipunan Module
Grade 9 Araling Panlipunan Module
 

Similar to AP10 SUMMATIVE TEST - 4th QUARTER.docx

Pt araling panlipunan 6 q3
Pt araling panlipunan 6 q3Pt araling panlipunan 6 q3
Pt araling panlipunan 6 q3
MelroseReginaldoLagu
 
Ap6 ikatlong markahang pagsusulit
Ap6 ikatlong markahang pagsusulitAp6 ikatlong markahang pagsusulit
Ap6 ikatlong markahang pagsusulit
FLAMINGO23
 
Pt araling panlipunan 4 q3
Pt araling panlipunan 4 q3Pt araling panlipunan 4 q3
Pt araling panlipunan 4 q3
MelroseReginaldoLagu
 
monthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docxmonthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docx
CheneeFerolino1
 
Quiz 1.pptx
Quiz 1.pptxQuiz 1.pptx
Quiz 1.pptx
ValDarylAnhao2
 
Quiz 1.pptx
Quiz 1.pptxQuiz 1.pptx
Quiz 1.pptx
ValDarylAnhao2
 
Karapatan ng mamamayan
Karapatan ng mamamayanKarapatan ng mamamayan
Karapatan ng mamamayanSherwin Dulay
 
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docxEdukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
Maria Regina Niña Osal
 
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
joril23
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
ArlieCerezo1
 
Tungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayanTungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayanSherwin Dulay
 
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptxAktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
JulienneMaeMapa
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
南 睿
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
RosemarieGaring
 
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
MaineLuanzon1
 
G7-REMEDIAL (1).docx
G7-REMEDIAL (1).docxG7-REMEDIAL (1).docx
G7-REMEDIAL (1).docx
JEPTEGALIGAO3
 
AP Summative.pptx
AP Summative.pptxAP Summative.pptx
AP Summative.pptx
GlennComaingking
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
jaibongs
 

Similar to AP10 SUMMATIVE TEST - 4th QUARTER.docx (20)

Pt araling panlipunan 6 q3
Pt araling panlipunan 6 q3Pt araling panlipunan 6 q3
Pt araling panlipunan 6 q3
 
AP4
AP4    AP4
AP4
 
Ap6 ikatlong markahang pagsusulit
Ap6 ikatlong markahang pagsusulitAp6 ikatlong markahang pagsusulit
Ap6 ikatlong markahang pagsusulit
 
Pt araling panlipunan 4 q3
Pt araling panlipunan 4 q3Pt araling panlipunan 4 q3
Pt araling panlipunan 4 q3
 
monthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docxmonthly examination/ monthly test subject.docx
monthly examination/ monthly test subject.docx
 
Quiz 1.pptx
Quiz 1.pptxQuiz 1.pptx
Quiz 1.pptx
 
Quiz 1.pptx
Quiz 1.pptxQuiz 1.pptx
Quiz 1.pptx
 
Karapatan ng mamamayan
Karapatan ng mamamayanKarapatan ng mamamayan
Karapatan ng mamamayan
 
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docxEdukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
Edukasyon SaPagpapakatao SUMMATIVE TEST 9.docx
 
first quarter esp 9.docx
first quarter esp 9.docxfirst quarter esp 9.docx
first quarter esp 9.docx
 
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
 
Tungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayanTungkulin ng mamamayan
Tungkulin ng mamamayan
 
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptxAktibong Pagkamamamayan.pptx
Aktibong Pagkamamamayan.pptx
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
3rd-Quarter-Reviewer-APReviewer-APP.docx
 
G7-REMEDIAL (1).docx
G7-REMEDIAL (1).docxG7-REMEDIAL (1).docx
G7-REMEDIAL (1).docx
 
AP Summative.pptx
AP Summative.pptxAP Summative.pptx
AP Summative.pptx
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
 

Recently uploaded

unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 

Recently uploaded (6)

unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 

AP10 SUMMATIVE TEST - 4th QUARTER.docx

  • 1. ARALING PANLIPUNAN (AP) 10 Summative Test – 4th Quarter Pangalan: __________________________ Marka: __________ Baitang: ___________________________ Petsa: _________ PANUTO: Piliiin ang letra ng tamang sagot at ISULAT ito sa patlang bago ang bilang. HUWAG BILUGAN __________1.Ano ang tawag sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado? A. Citizenship B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Jus Soli __________2. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte. A. Naturalisasyon B. Pagkamamamayan C. Jus Sanguinis D. Jus Soli __________3. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siyaipinanganak. A. Jus Soli B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Pagkamamamayan __________4. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. A. Jus Sanguinis B. Naturalisasyon C. Pagkamamamayan D. Jus Soli __________5. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino. A. Saligang Batas B. Naturalisasyon C. Jus Sanguinis D. Jus Soli __________6. Ang sumusunod ay ang mgaparaan paramawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal maliban sa isa. A. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon. B. Nawala na ang bisa ang naturalisasyon. C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa. D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan. __________7.Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas? A. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang SaligangBatas na ito. B. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. C. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas. D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mgaina ay Pilipino,na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang. __________8. Ang sumusunod ay maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas maliban sa? A. Si Cardo na sumailalim sa proseso ng expatriation. B. Si Ador na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon. C. Si Glemna ang mga magulang ay parehong mga Pilipino. D. Si lola FLora na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling maging Pilipino. __________9. Ang sumusunod na situwasiyon ay nagpapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan maliban sa? A. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. B. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan. D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang kaban ng bayan. __________10.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang mamamayan? A. Aktibo si Carlo sa isang peace and order committeeng kanilang barangay. B. Ipinauubaya ni Leo sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasyasa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad. C. Nakikinig si Protacio sa mga hinaing ng mga taong naaapi. D. Nanonood si Leang mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao. __________11. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa isang bansa? A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan B. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin C. Upang matiyak ang kaniyang mgatungkulin at pananagutan D. Upang maigawadsa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa __________12.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan,aktibo, at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”? A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela C. Pamamasyal sa mgalokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mgaproduktong dayuhan __________13. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”: Walang sinuman ang nabubuhay Para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay Para sa sarili lamang Koro: Tayong lahat ay maypananagutan sa isa't-isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N'ya Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang bansa? A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay. B. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may pagtutulungan C. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa ng kaniyang kinabibilangan. D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng bansa ang kaunlaran. __________14. Basahin ang sumusunod na mensahe.
  • 2. “Ask not what your country can do for you,ask what you can do for your country.” - John F. Kennedy Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy? A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at tungkulin. B. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa. C. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiyaat proyekto ng pamahalaan. D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa pagkamamamayan. __________15. Ito ay tumutulong sa mgakarapatan ng mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987Saligang Batas ng Pilipina? A. Civil Society B. Bill of Rights C. CHR – Commission on Human Rights D. Good Governance __________16. Ano ang komisyong itinadhana ng Saligang Batas na maging Malaya sa tatlong sangayng pamahalaan ng Pilipinas na may adhikaing kilalanin at pangalagaan ang mga karapatang pantao ng lahat ng indibidwal sa bansa kabilang ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat? A. Civil Society B. CHR – Commission on Human Rights C. GoodGovernance D. Bill of Rights __________17. Ito ay isang lipunang hiwalay sa Estado.Binubuo ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Government Organization/ People’s Organization. A. CHR B. Civil Society C. Democracy Index D. Bill of Rights (Katipunan ng mgaKarapatan __________18. Ito ay ang katiwaliaan sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. A. Magna Carta B. Korapsyon C. Karapatang Sosyal D. Karapatang Sibil __________19. Tumutukoy sa isang mahalagang dokumentong tinaggap ng UN General Assembly noong 1948 na naglalahad ng mga karaoatng pantao ng bawat indibidwal tulad ng mga karapatang sibil, political, ekonomikal, sosyal, at kultural. A. Saligang – Batas B. UDHR o Universal Declaration of Human Rights C. Participating Governannce D. Civil Society __________20. Isang dokumentong nilagdaan ni Haring Jhon I ng England noong 1215na naglalaman ng ilang karapatan ng mga taga-England at naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England. A. NGO B. MagnaCarta C. Porto Alegre D. People’s Organization __________21. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang panlipunan o sosyal at ekonomiko na ipinagkaloob upang matiyak ang kapakanan at seguridad ng tao. A. Karapatang Sibil B. Karapatang Pampolitika C. Karapatang Sosyal D. Good Governance __________22. Isang halimbawa ng mga karapatang pampolotika na tumutukoy tungkol sa karapatan ng mga mamamayan na makilahok sa pamamamlakad ng pamahalaan. A. Karapatang Sosyal B. Karapatang Sibil C. Karapatang Pampolitika D. Pagkamamamayan __________23. Ang tawag sa kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinion ng mga tao tungkol sa katiwaliaan sa kanilang bansa. A. Pagkamamamayan B. Participating budgeting C. Global Corruption Barometer D. Good Governance __________24. Ito ay tumutukoy ng mga samahang pampolitika at may karapatang Sibil at Politikal. A. Mamamayan B. Naturalisasyon C. Pagkamamamayan D. Non-Government Organization (NGO) __________25. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto? A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto. B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon. C. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat. D. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan. __________26.Bakit mahalagaang pagsasagawa ng participatory governance? A. mas maraming sasali sa civil society C. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan B. mawawalan ng silbi ang mgaopisyal ng pamahalaan D. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan __________27. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid? A. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa B. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng saligang-batas C. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan D. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa. __________28. Ito ay uri ng boluntaryong organisasyon ng civil society na ang layunin ay tumulong samga programang mga grassroots organization? A. civil society B. people’s organization C. non-governmental organization D. trade union __________29. Ano ang binalangkas na karapang pantao sa UDHR? A. Kabilang ang mga bata sa pagbalangkas ng UDHR. B. Ang mga karapatang pantao ay nakatala sa UDHR. C. Nakapaloob sa UDHRang pagpapahalaganito sa mga karapatan ng mgabata. D. Limitado ang karapatanng mga batabatay sa UDHR. __________30.Si Lina ay isang magsasaka na mag isang nagtataguyodsa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok sa isang samahan na nagtataguyod sa mga magsasakang katulad niya.Alin sa sumusunod ang nararapat niyang salihan? A. Funding-AgencyNGOs C. People’s Organizations B. Grassroot Support Organizations D. Non-Governmental Organizations __________31.Basahin at unawain ang talata sa ibaba: Dahil mahal ko ang Pilipinas, Diringgin ko ang payo ng aking magulang, Susundin ko ang tuntunin ng paaralan, Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan: naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan
  • 3. Ang talatana iyong binasa ay halaw mula sa bagong version ng Makabayan. Anong katangian ng isang mamamayang Pilipino ang inilalarawan dito? A. produktibo B. makatao C. malikhain D. mapanagutan __________32.Alin sa sumusunodna sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya? A. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang promosyon. B. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa. C. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. D. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng union upang mapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho. __________33.Gaano kahalaga ang accountabilityat transparency sa pamamahala? A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito. B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang participatory governance. C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito. D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang transparency at accountability. __________34. Bakit mahalaga ang pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad? A. Nabibigyan nang higit na kapangyarihan ang mamamayan upang tuwirang mangasiwa. B. Binibigyang-diin nito ang “elitist democracy” kung saan nagmumula ang pasya sa mga opisyal ng pamahalaan. C. Magkasamang binabalangkas ng pamahalaan at ng mamamayan. D. Nagiging katuwang ng pamahalaan ang mamamayan upang makabuo ng mga karampatang solusyon sa hamon ng lipunan. __________35.Anong sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta, mga lipunang pagkilos,at mga boluntaryong organisasyon. A. CPAR B. PO C. FAR D. Civil Society __________36. Ang sumusunoday mga mahalagang tungkulin ng NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan maliban sa isa. Ano Ito? A. Paglunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mga mamamayan. B. Nagsasagawa ang mga NGO ng pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban C .Diriktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating ang kanilang mga hinaing. D. Nakikipaglaban para sa sariling kapakanan. __________37. Anong mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang igigiit na pagbabago sa pamahalaan? A. Humungi ng tulong sa pamayanan C.Pagtulong sa nangangailangan B. Pagboto sa mayayaman D. Participatory governance __________38. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili, nagtungo siya sa COMELEC (Commission on Elections) sa kanila upang magpatala at makilahok sa pagpili ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang kaniyang ginampanan? A. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas C. Pakikipagtulungan sa mga maykapangyarihan B. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain D. Magparehistro at bumoto __________39. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloyna paghihirap ng mgapamumuhay sa isang pamayanan. Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupadsa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito, ano ang iyong gagawin? A. Magpapatupadng mga mabibigat na parusaupang mapasunod ang nasasakupan. B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging produktibo at makiisa sa mga produktibong gawain. C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa lugar. D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan. __________40. Ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. A. authoritative governance B. Federal governance C. communist governance D. participatory governance __________41. Maituturing isa sa pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang katiwalian.Alin sa mga pahayag ang hindi sumasaklaw sa katangian nito? A. Pagkakaroon ng malayang halalan at nirerespeto ang mgakarapatan ng bawat mamamayan. B. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes. C. Pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan,mga kaibigan at sarili ng mga nanunungkulan sa pamahalaan. D. Monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng desisyon at kawala ng kapanagutan. __________42. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng Participatory Governance? A. Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. B. Ang pagdedesisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno sa pamahalaan. C. Mahinang politikal na pakikilahok ng mamamayan D. Dito hindi aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan. __________43. Anu-anong paraan ng participatory Governanceang maaring gawin upang mapa-unlad ang isang bansa? I. Ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan II. pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mgasurvey III. pagsama sa mga mamamayan sa mgaconsultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Hinihingi ng pamahalaan ang opinion ng mamamayan sa mga napapanahong isyu at sa mga programang ipatutupad nito IV. pakikilahok sa mga political campaign tuwing panahon ng eleksyon. A. I, II, & III B. III, IV C. I, IV D. I, III __________44. Anong batas ng Pilipinas ang kumikilala sa kahalagahan ng papel ng mga mamamayan sa pamamahala? A. Local Government Code of 1991 C. Local Government Code of 1993
  • 4. B. Local Government Codeof 1919 D. Local Government Codeof 1994 __________45. Ayon sa World Bank, ano ang kahulugan ng mabuting pamamahala o Good Governance? A. Ito’y isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa economic and social resources ng bansa para sa kaunlaran nito. B. Mabuting paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ng povertyo kahirapan ng isang bansa. C. Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao. D. Ito ay antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, political at sosyal. __________46.Aling ahensyang gobyerno ang nagpakahulugan na ang goodgovernance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko,nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mgakarapatang pantao? A. Officeof the High Commissioner for Human Rights C. International Development Association B. World Bank Institute D. National Economic and Development Authority. __________47. Alin sa mga katangian ng Good Governance ang tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng transaksiyon, proseso, desisyon at ulat ng pamahalaan? A. Katapatan B. Kapanagutang Political C. Rule of Law D. Participatory Governance __________48. Aling batas ang nagbibigay diin sa kapananagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng pamahalaan? A. Artikulo XI ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas C. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas B. Artikulo IX ng Saligang Batas ng 1988 ng Pilipinas D. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1998 ng Pilipinas __________49. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa mga paraan ng politikal na pakikilahok na naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamamahala o Good governance? A. Pakikilahok sa mga Political Campaign tuwing eleksyon. C. Pagboto B. Pakikilahok sa Participatory Governance D. Pagsali sa Civil Society __________50. Paano matitiyak ng mamamayan kung nanaig ang mabuting pamamahala sa isang lipunan o bansa? I. Pagkakaroon ng partisipasyon ng lahat ng mamamayan,tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan II. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinapahalagahan ang pagiral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa. III. Nararapat na maipatupad ang mgabatas at igagalang ang mga karapatang pantao ng patas at walang kinikilingan. Pagbibigay pansin sa patas na pagbibigay sa mga mamamayan sa pagkakataong mapa-unlad ang kanilang kagalingan. IV. Pagkakaroon ng transparenscy, binigbigyang pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito. A. I, II, III, & IV B. I, II C. II,III D. III, IV