TEKSTO
• Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang
babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon. Maaari
din itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa
paraang pasulat o nakalimbag.
Kahulugan
• Dagdag pa, ang teksto ay hindi lamang basta impormasyon, kundi
maaari rin itong maghatid ng mensahe o damdamin ng isang tao, at
ito'y ginagawa sa pamamagitan ng pagsulat o pag-imprenta.
Halimbawa, maaaring ang isang tula, liham, o sanaysay ay may mga
salita na may layuning iparating ang nararamdaman o opinyon ng
sumulat.
MGA URI NG
TEKSTO
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
• Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa.
• Nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na maglarawan.
• Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad
at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin
ng mga mambabasa.
Kahulugan
KATANGIAN NG
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at
pangunahing impresyon na nilikha sa mga mambabasa.
2. Ang tekstong naratibo ay maaaring maging obhetibo o
suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa
paglalarawan.
Obhetibong Paglalarawan – mga direktang pagpapakita ng
katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian.
Suhetibong Paglalarawan – maaaring kapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal
na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan.
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging
espesipiko at maglaman ng mga kongkretong detalye.
• Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa
mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
MGA DAPAT TANDAAN SA
MALINAW NA
PAGLALARAWAN NG
TEKSTONG DESKRIPTIBO
1. LUBOS NA KAALAMAN SA PAKSA
a. Tao / Tauhan
b. Pangyayari
c. Pook / Tagpuan
d. Mahalagang Bagay
e. Damdamin / Emosyon
2. MAAYOS NA DALOY NG MGA IDEA
• Ilarawan muna ang pangunahing katangian bago
banggitin ang mga espesipiko o karagdagang detalye.
• Tandaan din na ang bawat manunulat ay may kani-
kaniyang pamamaraan o estilo ng paglalahad ng idea.
3. PAGBANGGIT SA KATANGIANG KAKAIBA
• Nakakapagpatingkad ito sa katangian ng inilalarawan.
• Nangangailangan ito ng masusing pagsisiyasat,
pagmamasid at pagsusuri.
4. PAGGAMIT NG WASTONG ALITUNTUNIN SA BALARILA
a. Paggamit ng wastong salita
b. Pang-uri
c. Pang-abay
COHESIVE DEVICES O
KOHESYONG GRAMATIKAL
Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng
magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang
mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na
lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi.
1. Reperensiya (Reference) - Ito ang paggamit ng mga
salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinaguusapan sa pangungusap.
• Anapora – Ito ang panghalip na ginagamit matapos
banggitin ang pangalan ng paksang pinatutungkulan. -
Karaniwang ginagamit bilang panimula ng ikalawa o mga
susunod pang pangungusap.
• Katapora – Ito ay ang panghalip na ginagamit bago pa
man banggitin ang paksang pinatutungkulan
2. Substitusyon (Substitution) - Paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Hal: Nawala ko ang aklat mo. Ibili na lang kita ng bago
3. Ellipsis - May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng
nawalang salita.
Hal: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
4. Pang-ugnay - Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at
pangungusap sa pangungusap.
Hal: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal
• Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon.
• Nahahati ito sa dalawa ang reiterasyon at kolokasyon
a. Reiterasyon – kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit
nanag ilang beses.
3 Uri:
1. Pag-uulit o Repetisyon
2. Pag-iisa-isa
3. Pagbibigay-kahulugan
5. Kolokasyon – mga salitang karaniwang nagagamit ng
magkaparehas o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
• maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Hal: nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog
Wakas . . . . .

ARALIN 2-TEKSTONG DESKRIPTIBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO.pptx

  • 1.
  • 2.
    • Tinatawag nateksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba’t ibang impormasyon. Maaari din itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag. Kahulugan
  • 3.
    • Dagdag pa,ang teksto ay hindi lamang basta impormasyon, kundi maaari rin itong maghatid ng mensahe o damdamin ng isang tao, at ito'y ginagawa sa pamamagitan ng pagsulat o pag-imprenta. Halimbawa, maaaring ang isang tula, liham, o sanaysay ay may mga salita na may layuning iparating ang nararamdaman o opinyon ng sumulat.
  • 4.
  • 5.
  • 6.
    • Ito aymay layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa. • Nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na maglarawan. • Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa. Kahulugan
  • 7.
  • 8.
    1. Ang tekstongdeskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nilikha sa mga mambabasa. 2. Ang tekstong naratibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
  • 9.
    Obhetibong Paglalarawan –mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian. Suhetibong Paglalarawan – maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
  • 10.
    3. Ang tekstongdeskriptibo ay mahalagang maging espesipiko at maglaman ng mga kongkretong detalye. • Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
  • 11.
    MGA DAPAT TANDAANSA MALINAW NA PAGLALARAWAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
  • 12.
    1. LUBOS NAKAALAMAN SA PAKSA a. Tao / Tauhan b. Pangyayari c. Pook / Tagpuan d. Mahalagang Bagay e. Damdamin / Emosyon
  • 13.
    2. MAAYOS NADALOY NG MGA IDEA • Ilarawan muna ang pangunahing katangian bago banggitin ang mga espesipiko o karagdagang detalye. • Tandaan din na ang bawat manunulat ay may kani- kaniyang pamamaraan o estilo ng paglalahad ng idea.
  • 14.
    3. PAGBANGGIT SAKATANGIANG KAKAIBA • Nakakapagpatingkad ito sa katangian ng inilalarawan. • Nangangailangan ito ng masusing pagsisiyasat, pagmamasid at pagsusuri.
  • 15.
    4. PAGGAMIT NGWASTONG ALITUNTUNIN SA BALARILA a. Paggamit ng wastong salita b. Pang-uri c. Pang-abay
  • 16.
  • 17.
    Ang mga tekstoay hindi lang basta binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi.
  • 18.
    1. Reperensiya (Reference)- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinaguusapan sa pangungusap.
  • 19.
    • Anapora –Ito ang panghalip na ginagamit matapos banggitin ang pangalan ng paksang pinatutungkulan. - Karaniwang ginagamit bilang panimula ng ikalawa o mga susunod pang pangungusap. • Katapora – Ito ay ang panghalip na ginagamit bago pa man banggitin ang paksang pinatutungkulan
  • 20.
    2. Substitusyon (Substitution)- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita. Hal: Nawala ko ang aklat mo. Ibili na lang kita ng bago
  • 21.
    3. Ellipsis -May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita. Hal: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
  • 22.
    4. Pang-ugnay -Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap. Hal: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
  • 23.
    5. Kohesyong Leksikal •Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. • Nahahati ito sa dalawa ang reiterasyon at kolokasyon
  • 24.
    a. Reiterasyon –kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nanag ilang beses. 3 Uri: 1. Pag-uulit o Repetisyon 2. Pag-iisa-isa 3. Pagbibigay-kahulugan
  • 25.
    5. Kolokasyon –mga salitang karaniwang nagagamit ng magkaparehas o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. • maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat. Hal: nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilaga-timog
  • 26.
    Wakas . .. . .

Editor's Notes

  • #2 Ayon dito, ang teksto ay tumutukoy sa mga pangunahing salita na matatagpuan sa anumang uri ng babasahin na may kasamang iba't ibang uri ng impormasyon. Ibig sabihin, anumang akdang binabasa, gaya ng libro, artikulo, o kahit anong nakalimbag na materyal, ay itinuturing na teksto dahil naglalaman ito ng mga salita na nagbibigay ng impormasyon sa mambabasa.
  • #3 Sa madaling salita, ang teksto ay isang akdang pasulat o nakalimbag na may layuning magbigay ng impormasyon, mensahe, o damdamin sa mga mambabasa.
  • #6 Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng teksto na naglalayong maglarawan o magbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa isang bagay, tao, lugar, karanasan, o pangyayari. Layunin nito na bigyan ng malinaw na imahe ang mambabasa upang madama o makita nila sa kanilang isipan ang ipinapakita o inilalarawan ng sumulat.
  • #8 Sa tekstong deskriptibo, ginagamit ang mga salitang naglalarawan ng mga katangian, anyo, amoy, tunog, at iba pang detalye upang gawing mas buhay at makulay ang paglalarawan. Maaaring maglaman ito ng mga pandama (5 senses) tulad ng: Paningin Pandinig Pang-amoy Panglasa Pakiramdam
  • #9 1. Ang obhetibong paglalarawan ay isang uri ng paglalarawan na naglalaman ng mga katangiang makatotohanan o mga impormasyong hindi pwedeng pagtalunan o questionin. Ibig sabihin, ito ay mga detalye o katotohanan na batay sa mga bagay na matibay at tiyak, at hindi apektado ng opinyon o pananaw ng sumulat. Halimbawa: Obhetibong Paglalarawan: "Ang Mount Everest ay may taas na 8,848 metro (29,029 talampakan) at matatagpuan sa hangganan ng Nepal at Tibet.“ 2. subhetibong paglalarawan, na mas nakatuon sa personal na opinyon, damdamin, o interpretasyon ng sumulat
  • #10 May pinagbabatayan na makatotohanang impormasyon
  • #15 Ang BALARILA ay kaayusan ng salita sa pag buo ng mga pangungusap.
  • #17 Ang kohesyong gramatikal o cohesive devices ay mga salitang ginagamit upang magdugtong ng mga ideya at pangungusap, kaya't nagiging maayos at malinaw ang daloy ng teksto. Halimbawa nito ay ang mga pang-ugnay tulad ng "at," "ngunit," "dahil," at mga panghalip tulad ng "siya," "ito."
  • #18 Taong pinag uusapan
  • #19 Ang anapora ay paggamit ng panghalip na tumutukoy sa isang pangalan na nabanggit na sa naunang pangungusap. ANO ANG PANGHALIP? Ang panghalip ay isang bahagi ng pananalita na ginagamit bilang pamalit o panghalili sa isang pangngalan (noun). ("siya," "ito," "ako," "kami," "iyan," at iba pa. ) Halimbawa: "Si Juan ay nag-aaral. Siya ay masipag."
  • #20 Ang substitusyon ay ang paggamit ng ibang salita bilang pamalit upang hindi na ulitin ang isang salita o parirala sa pangungusap.
  • #21 Ang ellipsis ay pagtanggal ng bahagi ng pangungusap, ngunit malinaw pa rin ito sa mambabasa dahil batid na nila ang ibig sabihin mula sa naunang pahayag.
  • #22 Ang pang-ugnay ay mga salitang ginagamit para magdugtong ng mga ideya, sugnay, parirala, o pangungusap. Halimbawa: "at," "ngunit," "o.“ Sugnay: Isang bahagi ng pangungusap na mayroong paksa at panaguri. Maari itong buo o di-buo, at maaaring magbigay ng kumpletong ideya o hindi. Halimbawa: "Ang bata ay nag-aaral." Parirala: Isang grupo ng mga salita na walang buong ideya o di-kompletong pangungusap. Wala itong paksa at panaguri. Halimbawa: "Sa ilalim ng puno."
  • #23 Ang Kohesyong Leksikal ay paggamit ng mga salitang nag-uugnay sa teksto upang maging malinaw at magkakaugnay. Nahahati ito sa:
  • #24 Reiterasyon - Pag-uulit ng salita o kasingkahulugan.
  • #25 Kolokasyon - Natural na pag-uugnay ng mga salita, tulad ng "malaking bahay" o "mabilis na sasakyan."
  • #26 Sa madaling salita, ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng teksto na naglalarawan ng mga katangian, anyo, o detalye ng tao, bagay, lugar, o pangyayari upang mabigyan ng malinaw na imahe ang mambabasa.