ARALIN 2:
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Inihanda ni:
G. ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG, LPT
Guro PPIITTP
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
• 1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahalagang salitang ginamit ng tekstong deskriptibo
(FIIPT-Illa-88);
• 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng
tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb- 91);
• 3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong
tekstong deskriptibo (F11PU - Illb - 89);
• 4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang tekstong deskriptibo o sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig (F11PB - IIId-99);
SIMULAN NATIN
•Basahing mabuti ang
paglalarawan sa maikling
salaysay. Sagutin ang
mga tanong pagkatapos.
SIMULAN NATIN
•Naging epektibo ba ang
ginawang paglalarawan?
Bakit oo o bakit hindi?
SIMULAN NATIN
•Naisip mo ba agad
na isang aso pala
ang inilarawan?
SIMULAN NATIN
•Anong bagay ang una
mong inakalang
inilalarawan batay sa mga
naunang pangungusap?
SIMULAN NATIN
•Anong katangian ng talata
ang sa palagay mo ay agad
nakukuha sa atensiyon ng
mambabasa? Ipaliwanag.
SIMULAN NATIN
•Kung ikaw ang maglalarawan
sa mga pangyayari sa unang
pagkikita ninyo ng iyong ang
alaga, paano mo ito ilalarawan?
ALAM MO BA?
•Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging
subhetibo o obhetibo.
•Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang
manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at
halos madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lámang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa
isang katotohanan sa totoong buhay.
ALAM MO BA?
• Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan
sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng
mga tauhan sa maikling kuwento. Likhang-isip
lámang ng manunulat ang mga tauhan kaya't ang
lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay
lamang sa kanyang imahinasyon. Ang ganitong
uri ng paglalarawan ay maituturing na
subhetibo.
HALIMBAWA
•“Si Dante ay matipunong lalaki, may
mapang-akit na ngiti, at mga matang may
taglay na halina sa sinumang makakita.
Ang maaliwalas na mukhang agad
sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa bawat
makasalubong ay dagling nakakukuha ng
atensiyon at tiwala ng iba.”
ALAM MO BA?
• Halimbawa'y hindi niya maaaring sabihing “nagtatagpo ang
asul na karagatang humahalik sa paaanan ng
luntiang hagdan-hagdang palayan ng Banaue” sapagkat
wala namang kalapít na karagatan ang lugar na nabanggit.
• Sa halip, maaari niyang banggitin ang malilinaw na ilog
na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdan-hagdang
palayang pinagmumulan din ng patubig sa mga
nakatanim na palay. Dito'y masasabing obhetibo ang
paglalarawan sapagkat nakabatay sa katotohanan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
•Ang tekstong deskriptibo ay
maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita na
rin nila ang orihinal na pinagmulan
ng larawan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
•Subalit, sa halip na pintura o
pangkulay, mga salita ang
ginagamit ng manunulat upang
mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Mga pang-uri at pang-abay
ang karaniwang ginagamit ng
manunulat upang mailarawan
ang bawat tauhan, tagpuan,
mga kilos o galaw, o
anumang bagay na nais
niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Mula sa epektibong paglalarawan
ay halos makikita, maaamoy,
maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng
mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan
lámang niya nabubuo ang mga
imaheng ito.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Bagama't mga pang-uri at pang-abay
ang karaniwang ginagamit na mga
salita sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo, madalas ding ginagamit
ang iba pang paraan ng paglalarawan
tulad ng paggamit ng mga
pangngalan at pandiwang ginagawa
ng mga ito gayundin ng mga tayutay
tulad ng pagtutulad, pagwawangis,
pagsasatao, at iba pa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Bagama't mga pang-uri at pang-abay
ang karaniwang ginagamit na mga
salita sa pagbuo ng tekstong
deskriptibo, madalas ding ginagamit
ang iba pang paraan ng paglalarawan
tulad ng paggamit ng mga
pangngalan at pandiwang ginagawa
ng mga ito gayundin ng mga tayutay
tulad ng pagtutulad, pagwawangis,
pagsasatao, at iba pa.
KARANIWANG
BAHAGI LANG NG
IBANG TEKSTO
ANG TEKSTONG
DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Isang bagay na dapat tandaan sa
pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang
relasyon nito sa iba pang uri ng teksto.
Ang paglalarawan kasing ginagawa sa
tekstong deskriptibo ay laging kabahagi
ng iba pang uri ng teksto partikular ang
tekstong naratibo kung saan
kinakailangang ilarawan ang mga
tauhan, ang tagpuan, ang damdamin,
ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Nagagamit din ito sa paglalarawan sa
panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban
para sa tekstong argumentatibo,
gayundin sa mas epektibong
pangungumbinsi para sa tekstong
persuweysib, o paglalahad kung paano
mas magagawa o mabubuo nang maayos
ang isang bagay para sa tekstong
prosidyural. Bibihirang magamit ang
tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi
ng iba pang uri ng teksto.
GAMIT NG
COHESIVE
DEVICES O
KOHESIYONG
GRAMATIKAL
KOHESIYONG GRAMATIKAL
• Upang maging mas mahusay ang
pagkakahabi ng tekstong deskriptibo
bilang bahagi iba pang uri ng teksto o
kaya'y maging mas malinaw ang
anumang uri ng tekstong susulatin ,
kinakailangan ang paggamit ng mga
cohesive device o kohesiyong
gramatikal. Ang mga ito kasi ay
mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw
at maayos na daloy ng mga kaisipan
sa isang teksto.
KOHESIYONG GRAMATIKAL
• Ang mga teksto ay hindi lang basta
binubuo ng magkakahiwalay na
pangungusap, parirala, o sugnay,
bagkus ang mga ito ay binubuo ng
magkakaugnay na mga kaisipan
kaya't kinakailangan ang mga
salitang magbibigay ng kohesyon
upang higit na lumitaw ang
kabuluhan at kahulugan ng bawat
bahagi nito.
KOHESIYONG GRAMATIKAL
• Ang limang pangunahing cohesive device o
kohesiyong gramatikal ay ang sumusunod:
1. Reperensiya (reference)
2. Substitusyon (substitution)
3. Ellipsis
4. Pang-ugnay
5. Leksikal
1. REPERENSIYA
Tinatawag ding pagpapatungkol o reference
Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Maaari itong maging ANAPORA (kung kailangang
bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya'y KATAPORA (kung nauna ang
panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang
tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
HALIMBAWA (ANAPORA)
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
Si Jose Rizal ay hinahangaan ng
maraming kabataan. Siya kasi ay
isang bayani ng bansa.
HALIMBAWA (KATAPORA)
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking
katawan kundi ng aking puso at damdamin.
Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-
iisang taon pa lámang.
2. SUBSTITUSYON
Tinatawag ding pagpapalit o
substitution
Ito ang paggamit ng ibang
salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.
HALIMBAWA
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kitá ng bago.
Ang wikang Filipino ay ang daan
upang tayo ay magkaunawaan,
kailangan nating pagyamanin ang
ating wikang pambansa.
3. ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa
rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawalang salita.
HALIMBAWA
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama'y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang
salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad
ni Gina, siya'y bumili rin ng tatlong aklat
dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
4. PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala
sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan
ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-ugnay.
HALIMBAWA
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. KOHESIYONG LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon.
Maaari itong mauri sa dalawa: ang
reiterasyon at ang kolokasyon.
REITERASYON
Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses.
Maaari itong mauri sa tatlo: pag-
uulit o repetisyon, pag-iisa-isa,
at pagbibigay-kahulugan.
REITERASYON
(1) Pag-uulit o repetisyon:
Maraming bata ang hindi
nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa
murang gulang pa lang.
REITERASYON
(2) Pag-iisa-isa:
Nagtatanim silá ng mga gulay sa
bakuran. Ang mga gulay na ito
ay talong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya.
REITERASYON
(3) Pagbibigay-kahulugan:
Marami sa mga batang manggagawa
ay nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap silá kaya ang pag-aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha o may
kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa.
Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
KOLOKASYON
Halimbawa:
nanay - tatay
guro - mag-aaral
hilaga – timog
doktor - pasyente
puti - itim
maliit - malaki
mayaman - mahirap
PAG-USAPAN NATIN
1. Ano ang tekstong deskriptibo?
2. Ano-ano ang mga katangian ng
ganitong uri ng teksto?
3. Sa paanong paraan maihahalintulad
sa isang ipinintang larawan ang
tekstong deskriptibo?
PAG-USAPAN NATIN
4. Bakit sinasabing ang tekstong deskriptibo ay
karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng
teksto lalong-lalo na ng naratibo?
5. Sa paanong paraan naaakit ng mabisang
paglalarawan ang mga mambabasang tulad mo?
6. Paano nagkakaiba ang paglalarawang
subhetibo sa paglalarawang obhetibo?
MAGSANAY KA
MUNA
PANUTO
Tukuyin kung anong
kohesiyong gramatikal ang
ginamit sa mga sumusunod
na pangungusap.
1. Pag-asa ang bagay na nagbibibay-lakas
para bumangon sa umaga. Ito kasi ang
puwersang nagtutulak sa taong tumayo at
lumaban sa kabila ng anumang mahihirap
at masasakit niyang pinagdadaanan.
ANAPORA
KATAPORA SUBSTITUSYON
1. Pag-asa ang bagay na nagbibibay-lakas
para bumangon sa umaga. Ito kasi ang
puwersang nagtutulak sa taong tumayo at
lumaban sa kabila ng anumang mahihirap
at masasakit niyang pinagdadaanan.
ANAPORA
KATAPORA SUBSTITUSYON
2. Siya ang nagpapangiti sa akin sa umaga. Siya rin
ang lagi kong kasama sa lungkot at ligaya. Sa mga
sandalling wala akong kausap o madaingan ng
problema, siya ay tahimik na nakikinig at
nagpapasya. Kapag kasama ko siya’y wala na akong
mahihiling pa. Siya si Boop, ang aso kong laging
nandyan para magbigay-suporta.
ANAPORA
KATAPORA SUBSTITUSYON
2. Siya ang nagpapangiti sa akin sa umaga. Siya rin
ang lagi kong kasama sa lungkot at ligaya. Sa mga
sandalling wala akong kausap o madaingan ng
problema, siya ay tahimik na nakikinig at
nagpapasya. Kapag kasama ko siya’y wala na akong
mahihiling pa. Siya si Boop, ang aso kong laging
nandyan para magbigay-suporta.
ANAPORA
KATAPORA SUBSTITUSYON
3. Tayo ay nagbibigay sa ating alaga
ng labis na pag-aalaga at sila nama’y
nagsusukli ng malalim na
pagmamahal.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
3. Tayo ay nagbibigay sa ating alaga
ng labis na pag-aalaga at sila nama’y
nagsusukli ng malalim na
pagmamahal.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
4. Nag-order ako ng tatlong
laruan para sa aso kong si Boob
at dalawa naman para sa pusa
kong si Ding.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
4. Nag-order ako ng tatlong
laruan para sa aso kong si Boob
at dalawa naman para sa pusa
kong si Ding.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
5. Nasira ni Boop ang
isang laruan. Ibibili ko na
lang siya ng bago.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
5. Nasira ni Boop ang
isang laruan. Ibibili ko na
lang siya ng bago.
ELLIPSIS
PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
PAGLALARAWAN SA
TAUHAN
TAUHAN
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na
mailarawan ang itsura at mga detalye
patungkol sa tauhan kundi kailangang maging
makatotohanan din ang pagkakalarawan dito.
Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan
ay maliit, maikli at unat ang buhok, at
mahilig magsuot ng pantalong maong at
puting kamiseta.”
TAUHAN
Ang ganitong paglalarawan, bagama't tama ang
mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan
at pandama ng mambabasa. Katunayan, kung
sakali't isang suspek na pinaghahanap ng mga
pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang
mahanap siya gamit lang ang naunang
paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak
at magmamarkang katangian.
TAUHAN
Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkad, bata,
at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan lamang
at hindi nakapagdadala ng mabisang imahen sa isipan
ng mambabasa.
Samakatwid, mahalagang maging mabisa ang
pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos nabubuo sa
isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, at
iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop
na mga pang-uri.
TAUHAN
Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas
magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad
halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad,
humalakhak, magsalita, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay yaong
nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa
puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila'y
produkto lang ng mayamang imahinasyon ng manunulat,
hindi sila basta nakalilimutan.
Noo'y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga
nayon ay "pinamimitakan na ng araw." Ang gulang na iyan ay lalong
kilalá sa tawag na "dalaginding" ng ating matatanda. Bagama't hindi
gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan namang lubos,
palibhasa'y nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata,
ang kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha,
na sa bilugang pisngi'y may biloy na sa kanyang pagngiti'y binubukalan
man din ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa karaniwang pusod na
pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang
na mangga, saka ang mga labi't ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay
ng luwalhati't pangarap.
Mula sa “Ang Dalaginding”
ni Iñigo Ed. Regalado
Nása loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa
rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa
malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang
damit niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang
kutod niyang yari sa matibay na súpot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang
magbubukid, ang kanyang kahangga na isa sa nakalusot sa mga
pulis na sumawata sa nagkakagulong tao.
Mula sa “Tata Selo”
ni Rogelio R. Sicat
Namumutla, nangangatog ang buong katawan, at
nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa isang
taong inaatake ng malaria. Ang totoo'y may sakit nga siyang
talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at maruming
damit sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak
niyang mga pisngi ang kanyang namumula at nagluluhang mata.
Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta”
ni Mochtar Lubis
(salin ni Aurora E. Batnag)
PAG-USAPAN NATIN
1. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para
kay Ineng? kay Tata Selo? kay Pak Idjo?
2. Anong damdamin ang naantig sa iyo ng
pagkakalarawan sa tatlong nabanggit na
tauhan?
3. Masasabi bang epektibo ang
pagkakalarawan sa mga tauhang ito? Bakit?
PAG-USAPAN NATIN
4. Masasabi bang nagmamarka sa mga
pandama o naikintal sa isipan ng
mambabasa ang naging paraan ng
paglalarawan sa kanila? Patunayan.
5. Kung ikaw ang maglalarawan sa iyong
sariling tauhan, paano mo ito gagawin?
PAGLALARAWAN SA
DAMDAMIN o
EMOSYON
DAMDAMIN O EMOSYON
Ang paglalarawan sa damdamin ay
bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan
subalit sa halip na sa kanyang panlabas
na anyo o katangian ito nakapokus, ang
binibigyang-diin dito'y ang kanyang
damdamin o emosyong taglay.
DAMDAMIN O EMOSYON
Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang
damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nagbibigay
ng dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang
kanyang ginawa. Makatutulong makakonekta ang
mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan
lang ng manunulat ang damdamin ng tauhan
mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang
magsaad ng emosyong nararamdaman niya.
DAMDAMIN O EMOSYON
Mababasa sa ibaba ang ilang
paraan ng paglalarawan sa
damdamin o emosyon nang
hindi na malayo at konektado
pa rin sa tauhan:
Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng
tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa
aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o
emosyong taglay nito.
Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni
Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang
paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa
matinding gutom na nadarama. Dalawang
araw na pala nang huling masayaran ng
pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.

Paggamit ng dayalogo o iniisip. Maipakikita
sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o
damdaming taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa
ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaari
itong gamitan ng sumusunod na diyalogo:
“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na
kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa
hulihan kayo pumila!”
Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa
pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan,
minsa'y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang
damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso
at isipan.
Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni
Aling Lena sa asawa habang tiim-bagang na
nakatingin sa malayo upang mapigil ang
luhang kanina pa nagpupumilit bumalong
mula sa kanyang mga mata.
Paggamit ng tayutay o matatalinghagang
pananalita. Ang mga tayutay at
matatalinghagang pananalita ay hindi lang
nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa
tula kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim
na sandali sa kanyang buhay. Maging ang
langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng
pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
Sanggunian: Hardy, Janice. "Five Ways to
Describe Emotions Without Making Your
Character Feel Too Self Aware". Romance
University Org. August 21, 2013. Accessed
January 19, 2016.
http://romanceuniversity.org/2013/08/21/jani
ce-hardy-presents-five-ways-to-describeemotions-
without-making-your-character-feel-too-self-
aware
May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang
panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntunghininga.
Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa
aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang
silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang
kapirasong pook na ito.
Mula sa "Dayuhan"
ni Buenaventura S. Medina
Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang na
poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni
Ogor upang sipain niyang muli, ay tila nauulol na asong
sinunggaban niya iyon. Niyakap. Kinagat. Mariin.
Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap
sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y
mapaibabaw, sinunod-sunod niya dagok, dagok, dagok, dagok.
Pahalipaw. Papaluka. Papatay.
Mula sa "Impeng Negro"
ni Rogelio R. Sicat
PAG-USAPAN NATIN
1. Ano-ano ang mabibisang paraan ng paglalarawan sa
damdamin o emosyong umiiral sa mga tauhan? Paano
makatutulong kung ang tauhan mismo ang magsaad ng
emosyong nararamdaman niya sa halip na babanggitin
lang ito ng manunulat mula sa malayo?
2. Bakit mahalagang mailarawan nang mabisa ang
damdamin o emosyon ng tauhan? Paano ito makatutulong
upang higit na maunawaan ng mambabasa ang uri ng
pagkatao ng tauhan?
PAG-USAPAN NATIN
3. Anong damdamin naman ang umiral sa "Dayuhan"?
Paano ito napalabas ng may-akda?
4. Paano naipadama sa mambabasa ang matinding poot
na naramdaman ni Ogor? Masasabi bang epektibo ang
pagkakalarawan sa bahaging ito? Ipaliwanag.
5. Kung ikaw ang susulat ng sarili mong akda, anong
damdamin ang nanaisin mong mapalabas? Sa paanong
paraan mo mailalarawan ang damdaming ito?
PAGLALARAWAN SA
TAGPUAN
TAGPUAN
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon
kung kailan at saan nangyari ang akda sa
paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng mahusay na pagkakalarawan
sa tagpuan madadala ng manunulat ang
mambabasa sa lokasyon at panahon at lalo
niyang madarama ang diwa ng akda.
TAGPUAN
Maaaring ilarawan ang tagpuan sa
pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa
kapaligirang ito. Kung ang tagpuan
halimbawa ay isang munting barong-
barong sa tambakan maaaring itanong ang
sumusunod para sa isang mabisang
paglalarawan:
TAGPUAN
Ano ang itsura ng barong-barong at
kapaligiran nito?
Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray,
nagkalat ang nakaririmarim na basura, naglipana
ang mga langaw, mga mangangalkal ng basurang
nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan na, may
taglay ng nakapanlulumong kahirapan at
kapangitan.
TAGPUAN
Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?
Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga
gawain, iyakan ng mga batang gutom at di pa
nakapag-almusal, ingay ng mga trak na nagdadala
ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa
tambakan, busina ng mga sasakyan sa di
kalayuang kalsada, tawanan ng mga mirong nag-
iinuman sa kalapit na tindahan.
TAGPUAN
Anong amoy ang namamayani?
Masangsang na amoy ng nabubulok na
basura, amoy ng usok na nagmumula sa
bunton ng mga basura, amoy ng pawis ng mga
basurerong bilad sa araw, maasim na amoy
ng mga batang hindi pa napaliliguan nang
ilang araw, amoy ng tuyong iniihaw sa kalan.
TAGPUAN
Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?
Mainit o maalinsangan, gutom,
nakapanlalagkit na pawis at alikabok,
hindi komportable, nakaririmarim o
nakadidiring bagay sa paligid, kawalan ng
pag-asa.
TAGPUAN
Ano ang lasa ng mga pagkain
dito?
Pagpag na manok na nagsisimula
nang mapanis kaya't maasim na,
masebo at matabang na karne mula sa
karinderyang nilalangaw.
TAGPUAN
Mula sa sagot sa mga tanong na ito ay
maaari nang bumuo ang manunulat ng
isang paglalarawan sa tagpuang
makapagdadala sa mga mambabasa sa
lugar, sitwasyon, o kalagayang
ginagalawan ng mga tauhan para sa ganap
na pag-unawa at pagpapahalaga sa akda.
At sa kanyang diwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga pagsasalaysay
ng social worker. Walang dakong may lupang tuyo na maaaring maayos na
malakaran. Walang madaraanan kundi ang andamyong kahoy. Ang tawirang bato.
Walang makikita sa paligid kundi putik. Burak. Mamasa-masang lupang
natatambakan ng basura. Ang karaniwang barung-barong, tulad ng tinitirhan ni
Paz Cruz ay walang iniwan sa isang malaking kahon, na ang pintuan ay siya ring
bintana. Matigas na karton ang tabiki. O kahoy mula sa mga kahon ng mansanas at
kahel. Yerong butás-butás na nabibili sa magbubulok. Ang sahig ay silat-silat na
kahoy na halos nakadikit sa pusali. Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang
lahat ng dula ng bahay, pati ang pasaglit-saglit na paglasap ng luwalhati ng pag-
ibig.
Mula sa Canal dela Reina
ni Liwayway A. Arceo
Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng
munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig
nakatirá sina Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran
ng isang bakurang sa loob ay may mga sari-saring pananim na
sa isang maayos na panulukan ay may malalagong sampaguita
na dahil sa kagaanan di umano ng kamay ng nag-aalaga ay
kinapipitasan ng masaganang bulaklak.
Mula sa "Ang Dalaginding"
ni Iñigo Ed. Regalado
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa
malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga
taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-
araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng
dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang
palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa
kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Mula sa "Mabangis na Lungsod"
ni Efren R. Abueg
PAG-USAPAN NATIN
1. Bakit mahalagang maging mahusay ang
paglalarawan sa isang tagpuan?
2. Ano-anong mga paraan ang maaaring magawa upang
maging higit na epektibo ang paglalarawan sa
tagpuan?
3. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para sa Canal
dela Reina? sa tirahan ng dalaginding? sa Quiapo mula
sa "Mabangis na Lungsod"?
PAG-USAPAN NATIN
4. Nakikita mo ba sa iyong imahinasyon ang lugar na
inilalarawan?
5. Masasabi ba kung gayon na epektibo ang
pagkakalarawan sa mga tagpuang ito? Bakit?
6. Kung ikaw ang maglalarawan sa isang tagpuan para
sa iyong sariling maikling kuwento, paano mo ito
ilalarawan?
PAGLALARAWAN SA
ISANG MAHALAGANG
BAGAY
ISANG MAHALAGANG BAGAY
Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga
pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay
nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi
sapat na maglagay lamang ng larawan ng
nasabing bagay sa pahina ng akda upang
mabigyang-diin ang kahalagahan nito.
ISANG MAHALAGANG BAGAY
Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay
na ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti
upang halos madama na ng mambabasa ang
itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang
katangian nito. Mula rito'y ihayag na ang
kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito
naging makabuluhan o mahalaga sa tauhan o
manunulat at sa kabuoan ng akda.
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang
kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng
mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, 'yung mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay
magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang
poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. "Ang ganda!" Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na
pulang bola, malalaki at magagandang pulang poinsettia... ah! Pero bakit
ba tila may kulang pa rin?
Mula sa "Ang Aking Krismas Tri"
ni Mary Grace Del Rosario
Sapul nang pag-ukulan niya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay
nakadama siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa
balang araw. Pag nagkaroon siya ng lantsa'y hindi na siya gagamit ng maliit na motor;
hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat,
magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya sa karagatan.
Maaari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya
nang lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon.
Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at
langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mga mata ni Fides. Makapagpapakarga na
siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ng kanyang
barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don
Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" Itatanong niya. Siya'y sasagutin ko. At, "ako'y
tatlumpung araw," sasabihin niya pagkatapos.
Mula sa "Ang Mangingisda"
ni Ponciano B.P. Pineda
Nang matapos ang bahay-bahayan, ang ganda-gandang tingnan. May pitong
talampakan ang taas, may disenyo ng alambre at makikitid na piraso ng kawayang
tinakpan ng manipis na papel na puno ng iba't ibang kulay. Nagmukhang may karnabal
dahil sa mga bulaklak na pilak na nakakalat sa buong bahay. May papel na swimming
pool (bilog, dahil hindi naiintindihan ng tao ang hugis kidney) na inilagay sa loob ng
bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila, na nakapuwesto sa pagitan ng
dalawang kotse, isang malinaw na Chevrolet at isang Mercedes.
Nang oras na, dinala ang bahay na papel sa libingan ni Tay Soon at sinilaban doon.
Nagliwanag nang mabuti, at pagkatapos ng tatlong minuto, naging bunton ng abo ang
libingan.
Mula sa Maikling Kuwentong Singaporean na "Papel"
ni Catherine Lim
Ang puno ng ginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal,
tinaga, tinapyas, binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila'y nag-
aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng
buto.
Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang
pagkaubos ng katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at
patuloy na tumataas na puno.
Mula sa "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao"
ni Simplicio P. Bisa
PAG-USAPAN NATIN
1. Sa ano-anong mga pagkakataon nagiging mahalaga
ang isang bagay sa akda? May naiisip ka bang akdang
nabasa mo kung saan ang kabuoan nito ay umikot sa
isang mahalagang bagay? Ilahad ito.
2. Paano dapat ilarawan ang mahalagang bagay
upang higit na makuha ng mga mambabasa ang
kaugnayan at kahalagahan nito sa akda?
PAG-USAPAN NATIN
3. Paano inilarawan ang krismas tri sa unang
paglalarawan? ang lantsa sa ikalawa? ang bahay-
bahayan sa ikatlo? ang puno ng ginto sa ikaapat?
4. Paano nakatulong ang paglalarawan sa krismas tri
upang higit na madama ng mambabasa ang
kahungkagan o kakulangan sa buhay ng may-akda sa
kabila ng makukulay na ilaw at bolang sumisimbolo sa
mga bagay na taglay niya?
PAG-USAPAN NATIN
5. Ano ang tila nakikita mo sa lantsang pinapangarap
makuha ng tauhan sa ikalawang paglalarawan?
Mababanaag ba sa paglalarawan ang matinding
pagnanais ng tauhan na makuha ang bagay na ito?
6. Bakit kaya marangya ang bahay-bahayang
inilarawan sa ikatlong teksto? Ano kaya ang
kahalagahan ng bagay na ito sa kabuoan ng teksto?
PAG-USAPAN NATIN
7. Ano ang kinahinatnan ng punong
ginto? Anong katangian ng tao ang
ipinakikita ng nangyaring ito sa puno?
8. Bakit mahalagang maging mahusay
ang pagkakalarawan ng mga bagay na
ito?
PETA 3:
PAGSULAT NG
DAGLI
Inihanda ni:
G. ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG, LPT
Guro PPIITTP
ANO ANG DAGLI?
Sinasabing sa anyong mga dagli,
sa Ingles sketches, nagmula ang
maikling kuwento.
flash fiction, sudden fiction
ANO ANG DAGLI?
Ayon kay Arrogante (2007), ang
dagli ay mga sitwasyong may
nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyong umuunlad,
gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang.
ANO ANG DAGLI?
Ayon kay Arrogante (2007), ang
dagli ay mga sitwasyong may
nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyong umuunlad,
gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang.
ANO ANG DAGLI?
Ayon kay Arrogante (2007), ang
dagli ay mga sitwasyong may
nasasangkot na tauhan ngunit
walang aksiyong umuunlad,
gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang.
ANO ANG DAGLI?
May twist o punch line
sa bandang huli.
Gawing double blade
ang pamagat.
HALIMBAWA
HALIMBAWA
HACIENDA
“Miguel, anak ko, tingnan mo ang paligid,” nakangiting sabi ni
Ruben sa kanyang anak.
“Napakaganda nito.” Habang ang ama at anak ay nakatayo sa
taluktok ng burol, sumulyap si Michael sa kanyang amang si
Ruben.
“Talagang tama ka. At, anak, tingnan mo nang mabuti ang buong
tanawin. Ito ang tatandaan mo sa natitirang buhay mo, sa buong
lugar na ito, hanggang sa makita ng iyong mga mata.”
Ibinalik ni Miguel ang pananabik na titig sa kanyang ama.
“Magtatrabaho ka diyan.”
HALIMBAWA
LOLA
Maaga akong nagising dahil sa amoy ng sinangag. Nasa kusina si Lola, gaya ng dati—
nakapamaywang, may hawak na sandok, at nakangiting wari’y walang kupas ang mga
taon.
“Bangon na,” sabi niya. “Malamig ang kanin kapag nahuli ka.”
Umupo ako sa lamesa. Inabutan niya ako ng kape, ang timplang alam niya—hindi
matamis, hindi mapait.
Pinanood niya akong kumain, tulad ng dati. Tahimik lang siya, ngunit sapat na ang
presensiya niya para gumaan ang umaga.
Bago ako lumabas, hinawakan niya ang aking kamay.
“Mag-ingat ka,” wika niya. “Huwag mong kakalimutan ang sarili mo.”
Napapikit ako sandali. Pagmulat ko, tahimik ang silid. Walang amoy ng sinangag. Walang
kumukulong kape.
Sa tabi ng kama, nakapatong ang lumang litrato ni Lola—may itim na laso sa sulok.
Tatlong taon na pala mula nang ihatid namin siya sa huling hantungan. Ngunit ngayong
umaga, muli niya akong ginising.
PAGSULAT NG DAGLI
Gamit ang mga
halimbawa at aralin sa
paglalarawan, sumulat ng
iyong sariling DAGLI.
PAMANTAYAN
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman at Paksa
Malinaw ang paksa; ang daloy ng kuwento ay
nagpapakita ng biglaang pagbubunyag o “twist”
sa hulihan. Ang mga pangyayari ay
magkakaugnay at makahulugan.
35
Epektibong
Paglalarawan
Gumamit ng angkop at malikhaing mga salitang
naglalarawan upang maging buhay at
makatotohanan ang kuwento.
30
Disenyo na Konektado
sa Kuwento
May malikhaing disenyo o biswal (hal. guhit,
layout, simbolo) na may malinaw na kaugnayan
sa tema at mensahe ng kuwento.
20
Wika at Mekaniks
Wasto ang baybay, bantas, at gramatika; angkop
ang antas ng wika sa kuwento.
15
Kabuoang Puntos 100

Aralin 2 - Tekstong Deskriptibo (PPIITTP)

  • 1.
    ARALIN 2: TEKSTONG DESKRIPTIBO Inihanda ni: G.ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG, LPT Guro PPIITTP
  • 2.
    KASANAYANG PAMPAGKATUTO • 1.Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahalagang salitang ginamit ng tekstong deskriptibo (FIIPT-Illa-88); • 2. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo (FIIPS-IIIb- 91); • 3. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong tekstong deskriptibo (F11PU - Illb - 89); • 4. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong deskriptibo o sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig (F11PB - IIId-99);
  • 3.
    SIMULAN NATIN •Basahing mabutiang paglalarawan sa maikling salaysay. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
  • 4.
    SIMULAN NATIN •Naging epektiboba ang ginawang paglalarawan? Bakit oo o bakit hindi?
  • 5.
    SIMULAN NATIN •Naisip moba agad na isang aso pala ang inilarawan?
  • 6.
    SIMULAN NATIN •Anong bagayang una mong inakalang inilalarawan batay sa mga naunang pangungusap?
  • 7.
    SIMULAN NATIN •Anong katangianng talata ang sa palagay mo ay agad nakukuha sa atensiyon ng mambabasa? Ipaliwanag.
  • 8.
    SIMULAN NATIN •Kung ikawang maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ninyo ng iyong ang alaga, paano mo ito ilalarawan?
  • 9.
    ALAM MO BA? •Angpagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo o obhetibo. •Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lámang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
  • 10.
    ALAM MO BA? •Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad halimbawa ng mga tauhan sa maikling kuwento. Likhang-isip lámang ng manunulat ang mga tauhan kaya't ang lahat ng mga katangiang taglay nila ay batay lamang sa kanyang imahinasyon. Ang ganitong uri ng paglalarawan ay maituturing na subhetibo.
  • 11.
    HALIMBAWA •“Si Dante aymatipunong lalaki, may mapang-akit na ngiti, at mga matang may taglay na halina sa sinumang makakita. Ang maaliwalas na mukhang agad sinisilayan ng taos-pusong pagbati sa bawat makasalubong ay dagling nakakukuha ng atensiyon at tiwala ng iba.”
  • 12.
    ALAM MO BA? •Halimbawa'y hindi niya maaaring sabihing “nagtatagpo ang asul na karagatang humahalik sa paaanan ng luntiang hagdan-hagdang palayan ng Banaue” sapagkat wala namang kalapít na karagatan ang lugar na nabanggit. • Sa halip, maaari niyang banggitin ang malilinaw na ilog na dumadaloy sa ilang bahagi ng hagdan-hagdang palayang pinagmumulan din ng patubig sa mga nakatanim na palay. Dito'y masasabing obhetibo ang paglalarawan sapagkat nakabatay sa katotohanan.
  • 13.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO •Ang tekstongdeskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
  • 14.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO •Subalit, sahalip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
  • 15.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Mgapang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
  • 16.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Mulasa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lámang niya nabubuo ang mga imaheng ito.
  • 17.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Bagama'tmga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, at iba pa.
  • 18.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Bagama'tmga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit na mga salita sa pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, at iba pa.
  • 19.
    KARANIWANG BAHAGI LANG NG IBANGTEKSTO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO
  • 20.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Isangbagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.
  • 21.
    TEKSTONG DESKRIPTIBO • Nagagamitdin ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib, o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
  • 22.
  • 23.
    KOHESIYONG GRAMATIKAL • Upangmaging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi iba pang uri ng teksto o kaya'y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin , kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesiyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
  • 24.
    KOHESIYONG GRAMATIKAL • Angmga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya't kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito.
  • 25.
    KOHESIYONG GRAMATIKAL • Anglimang pangunahing cohesive device o kohesiyong gramatikal ay ang sumusunod: 1. Reperensiya (reference) 2. Substitusyon (substitution) 3. Ellipsis 4. Pang-ugnay 5. Leksikal
  • 26.
    1. REPERENSIYA Tinatawag dingpagpapatungkol o reference Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging ANAPORA (kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy) o kaya'y KATAPORA (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto).
  • 27.
    HALIMBAWA (ANAPORA) Aso anggusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan. Si Jose Rizal ay hinahangaan ng maraming kabataan. Siya kasi ay isang bayani ng bansa.
  • 28.
    HALIMBAWA (KATAPORA) Siya angnagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag- iisang taon pa lámang.
  • 29.
    2. SUBSTITUSYON Tinatawag dingpagpapalit o substitution Ito ang paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
  • 30.
    HALIMBAWA Nawala ko angaklat mo. Ibibili na lang kitá ng bago. Ang wikang Filipino ay ang daan upang tayo ay magkaunawaan, kailangan nating pagyamanin ang ating wikang pambansa.
  • 31.
    3. ELLIPSIS May binabawasna bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.
  • 32.
    HALIMBAWA Bumili si Ginang apat na aklat at si Rina nama'y tatlo. (Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya'y bumili rin ng tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
  • 33.
    4. PANG-UGNAY Nagagamit angmga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
  • 34.
    HALIMBAWA Ang mabuting magulangay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
  • 35.
    5. KOHESIYONG LEKSIKAL Mabibisangsalitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
  • 36.
    REITERASYON Kung ang ginagawao sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag- uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
  • 37.
    REITERASYON (1) Pag-uulit orepetisyon: Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
  • 38.
    REITERASYON (2) Pag-iisa-isa: Nagtatanim siláng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
  • 39.
    REITERASYON (3) Pagbibigay-kahulugan: Marami samga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap silá kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
  • 40.
    KOLOKASYON Mga salitang karaniwangnagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa't isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
  • 41.
    KOLOKASYON Halimbawa: nanay - tatay guro- mag-aaral hilaga – timog doktor - pasyente puti - itim maliit - malaki mayaman - mahirap
  • 42.
    PAG-USAPAN NATIN 1. Anoang tekstong deskriptibo? 2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto? 3. Sa paanong paraan maihahalintulad sa isang ipinintang larawan ang tekstong deskriptibo?
  • 43.
    PAG-USAPAN NATIN 4. Bakitsinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng naratibo? 5. Sa paanong paraan naaakit ng mabisang paglalarawan ang mga mambabasang tulad mo? 6. Paano nagkakaiba ang paglalarawang subhetibo sa paglalarawang obhetibo?
  • 44.
  • 45.
    PANUTO Tukuyin kung anong kohesiyonggramatikal ang ginamit sa mga sumusunod na pangungusap.
  • 46.
    1. Pag-asa angbagay na nagbibibay-lakas para bumangon sa umaga. Ito kasi ang puwersang nagtutulak sa taong tumayo at lumaban sa kabila ng anumang mahihirap at masasakit niyang pinagdadaanan. ANAPORA KATAPORA SUBSTITUSYON
  • 47.
    1. Pag-asa angbagay na nagbibibay-lakas para bumangon sa umaga. Ito kasi ang puwersang nagtutulak sa taong tumayo at lumaban sa kabila ng anumang mahihirap at masasakit niyang pinagdadaanan. ANAPORA KATAPORA SUBSTITUSYON
  • 48.
    2. Siya angnagpapangiti sa akin sa umaga. Siya rin ang lagi kong kasama sa lungkot at ligaya. Sa mga sandalling wala akong kausap o madaingan ng problema, siya ay tahimik na nakikinig at nagpapasya. Kapag kasama ko siya’y wala na akong mahihiling pa. Siya si Boop, ang aso kong laging nandyan para magbigay-suporta. ANAPORA KATAPORA SUBSTITUSYON
  • 49.
    2. Siya angnagpapangiti sa akin sa umaga. Siya rin ang lagi kong kasama sa lungkot at ligaya. Sa mga sandalling wala akong kausap o madaingan ng problema, siya ay tahimik na nakikinig at nagpapasya. Kapag kasama ko siya’y wala na akong mahihiling pa. Siya si Boop, ang aso kong laging nandyan para magbigay-suporta. ANAPORA KATAPORA SUBSTITUSYON
  • 50.
    3. Tayo aynagbibigay sa ating alaga ng labis na pag-aalaga at sila nama’y nagsusukli ng malalim na pagmamahal. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 51.
    3. Tayo aynagbibigay sa ating alaga ng labis na pag-aalaga at sila nama’y nagsusukli ng malalim na pagmamahal. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 52.
    4. Nag-order akong tatlong laruan para sa aso kong si Boob at dalawa naman para sa pusa kong si Ding. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 53.
    4. Nag-order akong tatlong laruan para sa aso kong si Boob at dalawa naman para sa pusa kong si Ding. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 54.
    5. Nasira niBoop ang isang laruan. Ibibili ko na lang siya ng bago. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 55.
    5. Nasira niBoop ang isang laruan. Ibibili ko na lang siya ng bago. ELLIPSIS PANG-UGNAY SUBSTITUSYON
  • 56.
  • 57.
    TAUHAN Sa paglalarawan ngtauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan dito. Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at puting kamiseta.”
  • 58.
    TAUHAN Ang ganitong paglalarawan,bagama't tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa. Katunayan, kung sakali't isang suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang mahanap siya gamit lang ang naunang paglalarawan. Kulang na kulang ito sa mga tiyak at magmamarkang katangian.
  • 59.
    TAUHAN Ang mga halimbawangsalitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahen sa isipan ng mambabasa. Samakatwid, mahalagang maging mabisa ang pagkakalarawan sa tauhan. Iyon bang halos nabubuo sa isipan ng mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay, at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinakaangkop na mga pang-uri.
  • 60.
    TAUHAN Mahalaga ring pakilusinang tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa. Sinasabing ang pinakamahuhusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa kaya naman kahit sila'y produkto lang ng mayamang imahinasyon ng manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.
  • 61.
    Noo'y nasa katamtamanggulang na si Ineng na wika nga sa mga nayon ay "pinamimitakan na ng araw." Ang gulang na iyan ay lalong kilalá sa tawag na "dalaginding" ng ating matatanda. Bagama't hindi gaanong kagandahan, si Ineng ay kinagigiliwan namang lubos, palibhasa'y nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay ng kanyang mata, ang kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang pisngi'y may biloy na sa kanyang pagngiti'y binubukalan man din ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga, saka ang mga labi't ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati't pangarap. Mula sa “Ang Dalaginding” ni Iñigo Ed. Regalado
  • 62.
    Nása loob ngistaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang damit niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na súpot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid, ang kanyang kahangga na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumawata sa nagkakagulong tao. Mula sa “Tata Selo” ni Rogelio R. Sicat
  • 63.
    Namumutla, nangangatog angbuong katawan, at nanginginig ang boses, si Pak Idjo ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang totoo'y may sakit nga siyang talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan, at nakalubog sa humpak niyang mga pisngi ang kanyang namumula at nagluluhang mata. Mula sa “Takipsilim sa Dyakarta” ni Mochtar Lubis (salin ni Aurora E. Batnag)
  • 64.
    PAG-USAPAN NATIN 1. Anoang masasabi mo sa paglalarawan para kay Ineng? kay Tata Selo? kay Pak Idjo? 2. Anong damdamin ang naantig sa iyo ng pagkakalarawan sa tatlong nabanggit na tauhan? 3. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa mga tauhang ito? Bakit?
  • 65.
    PAG-USAPAN NATIN 4. Masasabibang nagmamarka sa mga pandama o naikintal sa isipan ng mambabasa ang naging paraan ng paglalarawan sa kanila? Patunayan. 5. Kung ikaw ang maglalarawan sa iyong sariling tauhan, paano mo ito gagawin?
  • 66.
  • 67.
    DAMDAMIN O EMOSYON Angpaglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito'y ang kanyang damdamin o emosyong taglay.
  • 68.
    DAMDAMIN O EMOSYON Napakahalagangmailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nagbibigay ng dahilan kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa. Makatutulong makakonekta ang mambabasa sa tauhan kung sa halip na ilarawan lang ng manunulat ang damdamin ng tauhan mula sa malayo ay mismong ang tauhan ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya.
  • 69.
    DAMDAMIN O EMOSYON Mababasasa ibaba ang ilang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyon nang hindi na malayo at konektado pa rin sa tauhan:
  • 70.
    Pagsasaad sa aktuwalna nararanasan ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito. Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
  • 71.
     Paggamit ng dayalogoo iniisip. Maipakikita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming taglay niya. Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaari itong gamitan ng sumusunod na diyalogo: “Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila!”
  • 72.
    Pagsasaad sa ginawang tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa'y higit pang nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan. Halimbawa: "Umalis ka na!" ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula sa kanyang mga mata.
  • 73.
    Paggamit ng tayutayo matatalinghagang pananalita. Ang mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay hindi lang nagagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tula kundi gayundin sa prosa. Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
  • 74.
    Sanggunian: Hardy, Janice."Five Ways to Describe Emotions Without Making Your Character Feel Too Self Aware". Romance University Org. August 21, 2013. Accessed January 19, 2016. http://romanceuniversity.org/2013/08/21/jani ce-hardy-presents-five-ways-to-describeemotions- without-making-your-character-feel-too-self- aware
  • 75.
    May kumurot saaking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito. Mula sa "Dayuhan" ni Buenaventura S. Medina
  • 76.
    Kumikinig ang kanyangkatawan sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang makita niyang muling aangat ang kanang paa ni Ogor upang sipain niyang muli, ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon. Niyakap. Kinagat. Mariin. Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nagyakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumibitiw. Nang siya'y mapaibabaw, sinunod-sunod niya dagok, dagok, dagok, dagok. Pahalipaw. Papaluka. Papatay. Mula sa "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sicat
  • 77.
    PAG-USAPAN NATIN 1. Ano-anoang mabibisang paraan ng paglalarawan sa damdamin o emosyong umiiral sa mga tauhan? Paano makatutulong kung ang tauhan mismo ang magsaad ng emosyong nararamdaman niya sa halip na babanggitin lang ito ng manunulat mula sa malayo? 2. Bakit mahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin o emosyon ng tauhan? Paano ito makatutulong upang higit na maunawaan ng mambabasa ang uri ng pagkatao ng tauhan?
  • 78.
    PAG-USAPAN NATIN 3. Anongdamdamin naman ang umiral sa "Dayuhan"? Paano ito napalabas ng may-akda? 4. Paano naipadama sa mambabasa ang matinding poot na naramdaman ni Ogor? Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa bahaging ito? Ipaliwanag. 5. Kung ikaw ang susulat ng sarili mong akda, anong damdamin ang nanaisin mong mapalabas? Sa paanong paraan mo mailalarawan ang damdaming ito?
  • 79.
  • 80.
    TAGPUAN Sa paglalarawan ngtagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kailan at saan nangyari ang akda sa paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mahusay na pagkakalarawan sa tagpuan madadala ng manunulat ang mambabasa sa lokasyon at panahon at lalo niyang madarama ang diwa ng akda.
  • 81.
    TAGPUAN Maaaring ilarawan angtagpuan sa pamamagitan ng pagkilos ng tauhan sa kapaligirang ito. Kung ang tagpuan halimbawa ay isang munting barong- barong sa tambakan maaaring itanong ang sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan:
  • 82.
    TAGPUAN Ano ang itsurang barong-barong at kapaligiran nito? Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nagkalat ang nakaririmarim na basura, naglipana ang mga langaw, mga mangangalkal ng basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan na, may taglay ng nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.
  • 83.
    TAGPUAN Ano-anong tunog angmaririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga gawain, iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay ng mga trak na nagdadala ng basura, hugos ng basurang ibinabagsak sa tambakan, busina ng mga sasakyan sa di kalayuang kalsada, tawanan ng mga mirong nag- iinuman sa kalapit na tindahan.
  • 84.
    TAGPUAN Anong amoy angnamamayani? Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, amoy ng usok na nagmumula sa bunton ng mga basura, amoy ng pawis ng mga basurerong bilad sa araw, maasim na amoy ng mga batang hindi pa napaliliguan nang ilang araw, amoy ng tuyong iniihaw sa kalan.
  • 85.
    TAGPUAN Ano ang pakiramdamsa lugar na ito? Mainit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na pawis at alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o nakadidiring bagay sa paligid, kawalan ng pag-asa.
  • 86.
    TAGPUAN Ano ang lasang mga pagkain dito? Pagpag na manok na nagsisimula nang mapanis kaya't maasim na, masebo at matabang na karne mula sa karinderyang nilalangaw.
  • 87.
    TAGPUAN Mula sa sagotsa mga tanong na ito ay maaari nang bumuo ang manunulat ng isang paglalarawan sa tagpuang makapagdadala sa mga mambabasa sa lugar, sitwasyon, o kalagayang ginagalawan ng mga tauhan para sa ganap na pag-unawa at pagpapahalaga sa akda.
  • 88.
    At sa kanyangdiwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga pagsasalaysay ng social worker. Walang dakong may lupang tuyo na maaaring maayos na malakaran. Walang madaraanan kundi ang andamyong kahoy. Ang tawirang bato. Walang makikita sa paligid kundi putik. Burak. Mamasa-masang lupang natatambakan ng basura. Ang karaniwang barung-barong, tulad ng tinitirhan ni Paz Cruz ay walang iniwan sa isang malaking kahon, na ang pintuan ay siya ring bintana. Matigas na karton ang tabiki. O kahoy mula sa mga kahon ng mansanas at kahel. Yerong butás-butás na nabibili sa magbubulok. Ang sahig ay silat-silat na kahoy na halos nakadikit sa pusali. Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang lahat ng dula ng bahay, pati ang pasaglit-saglit na paglasap ng luwalhati ng pag- ibig. Mula sa Canal dela Reina ni Liwayway A. Arceo
  • 89.
    Sa isang maliitna dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw na tubig nakatirá sina Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may mga sari-saring pananim na sa isang maayos na panulukan ay may malalagong sampaguita na dahil sa kagaanan di umano ng kamay ng nag-aalaga ay kinapipitasan ng masaganang bulaklak. Mula sa "Ang Dalaginding" ni Iñigo Ed. Regalado
  • 90.
    Ang gabi aymabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw- araw. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Mula sa "Mabangis na Lungsod" ni Efren R. Abueg
  • 91.
    PAG-USAPAN NATIN 1. Bakitmahalagang maging mahusay ang paglalarawan sa isang tagpuan? 2. Ano-anong mga paraan ang maaaring magawa upang maging higit na epektibo ang paglalarawan sa tagpuan? 3. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para sa Canal dela Reina? sa tirahan ng dalaginding? sa Quiapo mula sa "Mabangis na Lungsod"?
  • 92.
    PAG-USAPAN NATIN 4. Nakikitamo ba sa iyong imahinasyon ang lugar na inilalarawan? 5. Masasabi ba kung gayon na epektibo ang pagkakalarawan sa mga tagpuang ito? Bakit? 6. Kung ikaw ang maglalarawan sa isang tagpuan para sa iyong sariling maikling kuwento, paano mo ito ilalarawan?
  • 93.
  • 94.
    ISANG MAHALAGANG BAGAY Samaraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng nasabing bagay sa pahina ng akda upang mabigyang-diin ang kahalagahan nito.
  • 95.
    ISANG MAHALAGANG BAGAY Dapatmailahad kung saan nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding mailarawan itong mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba pang katangian nito. Mula rito'y ihayag na ang kuwento sa likod ng bagay at kung paano ito naging makabuluhan o mahalaga sa tauhan o manunulat at sa kabuoan ng akda.
  • 96.
    Sa tuwing itatayoko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, 'yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. "Ang ganda!" Ang may pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang pulang poinsettia... ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin? Mula sa "Ang Aking Krismas Tri" ni Mary Grace Del Rosario
  • 97.
    Sapul nang pag-ukulanniya ng pansin ang unang lantsa ni Don Cesar ay nakadama siya ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib: Ibig niyang magkaroon ng lantsa balang araw. Pag nagkaroon siya ng lantsa'y hindi na siya gagamit ng maliit na motor; hindi na siya sasagihan ng munti mang pangamba, magngitngit man ang habagat, magngalit man ang sigwa sa laot. Hindi na pansumandaling lalabas siya sa karagatan. Maaari na niyang marating ang inaabot ng mga lantsa ni Don Cesar. Makalalabas na siya nang lingguhan. At pagbabalik niya'y daan-daang tiklis ng isda ang kanyang iaahon. Hindi na rin mangangamba ang kanyang ina kapag hindi siya nakababayad ng gasolina at langis. Matititigan na niya ang naniningkit na mga mata ni Fides. Makapagpapakarga na siya ng kung ilang litrong gasolina sa kanyang barko. Kung makakatabi ng kanyang barko ang kay Don Cesar ay magkakaabutan na lamang sila ng mga mangingisda ni Don Cesar. "Ilang araw kayo sa laot, ha?" Itatanong niya. Siya'y sasagutin ko. At, "ako'y tatlumpung araw," sasabihin niya pagkatapos. Mula sa "Ang Mangingisda" ni Ponciano B.P. Pineda
  • 98.
    Nang matapos angbahay-bahayan, ang ganda-gandang tingnan. May pitong talampakan ang taas, may disenyo ng alambre at makikitid na piraso ng kawayang tinakpan ng manipis na papel na puno ng iba't ibang kulay. Nagmukhang may karnabal dahil sa mga bulaklak na pilak na nakakalat sa buong bahay. May papel na swimming pool (bilog, dahil hindi naiintindihan ng tao ang hugis kidney) na inilagay sa loob ng bahay; may apat na alila para makapagsilbi sa amo nila, na nakapuwesto sa pagitan ng dalawang kotse, isang malinaw na Chevrolet at isang Mercedes. Nang oras na, dinala ang bahay na papel sa libingan ni Tay Soon at sinilaban doon. Nagliwanag nang mabuti, at pagkatapos ng tatlong minuto, naging bunton ng abo ang libingan. Mula sa Maikling Kuwentong Singaporean na "Papel" ni Catherine Lim
  • 99.
    Ang puno ngginto ay dinumog. Hawak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-bali. Pinagtutuklap ang puno. At sila'y nag- aagawan, nagtutulakan, nagsasakitan na, nagsisipaan, nagkakabalian ng buto. Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno. Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno. Mula sa "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao" ni Simplicio P. Bisa
  • 100.
    PAG-USAPAN NATIN 1. Saano-anong mga pagkakataon nagiging mahalaga ang isang bagay sa akda? May naiisip ka bang akdang nabasa mo kung saan ang kabuoan nito ay umikot sa isang mahalagang bagay? Ilahad ito. 2. Paano dapat ilarawan ang mahalagang bagay upang higit na makuha ng mga mambabasa ang kaugnayan at kahalagahan nito sa akda?
  • 101.
    PAG-USAPAN NATIN 3. Paanoinilarawan ang krismas tri sa unang paglalarawan? ang lantsa sa ikalawa? ang bahay- bahayan sa ikatlo? ang puno ng ginto sa ikaapat? 4. Paano nakatulong ang paglalarawan sa krismas tri upang higit na madama ng mambabasa ang kahungkagan o kakulangan sa buhay ng may-akda sa kabila ng makukulay na ilaw at bolang sumisimbolo sa mga bagay na taglay niya?
  • 102.
    PAG-USAPAN NATIN 5. Anoang tila nakikita mo sa lantsang pinapangarap makuha ng tauhan sa ikalawang paglalarawan? Mababanaag ba sa paglalarawan ang matinding pagnanais ng tauhan na makuha ang bagay na ito? 6. Bakit kaya marangya ang bahay-bahayang inilarawan sa ikatlong teksto? Ano kaya ang kahalagahan ng bagay na ito sa kabuoan ng teksto?
  • 103.
    PAG-USAPAN NATIN 7. Anoang kinahinatnan ng punong ginto? Anong katangian ng tao ang ipinakikita ng nangyaring ito sa puno? 8. Bakit mahalagang maging mahusay ang pagkakalarawan ng mga bagay na ito?
  • 104.
    PETA 3: PAGSULAT NG DAGLI Inihandani: G. ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG, LPT Guro PPIITTP
  • 105.
    ANO ANG DAGLI? Sinasabingsa anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling kuwento. flash fiction, sudden fiction
  • 106.
    ANO ANG DAGLI? Ayonkay Arrogante (2007), ang dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
  • 107.
    ANO ANG DAGLI? Ayonkay Arrogante (2007), ang dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
  • 108.
    ANO ANG DAGLI? Ayonkay Arrogante (2007), ang dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
  • 109.
    ANO ANG DAGLI? Maytwist o punch line sa bandang huli. Gawing double blade ang pamagat.
  • 110.
  • 111.
    HALIMBAWA HACIENDA “Miguel, anak ko,tingnan mo ang paligid,” nakangiting sabi ni Ruben sa kanyang anak. “Napakaganda nito.” Habang ang ama at anak ay nakatayo sa taluktok ng burol, sumulyap si Michael sa kanyang amang si Ruben. “Talagang tama ka. At, anak, tingnan mo nang mabuti ang buong tanawin. Ito ang tatandaan mo sa natitirang buhay mo, sa buong lugar na ito, hanggang sa makita ng iyong mga mata.” Ibinalik ni Miguel ang pananabik na titig sa kanyang ama. “Magtatrabaho ka diyan.”
  • 112.
    HALIMBAWA LOLA Maaga akong nagisingdahil sa amoy ng sinangag. Nasa kusina si Lola, gaya ng dati— nakapamaywang, may hawak na sandok, at nakangiting wari’y walang kupas ang mga taon. “Bangon na,” sabi niya. “Malamig ang kanin kapag nahuli ka.” Umupo ako sa lamesa. Inabutan niya ako ng kape, ang timplang alam niya—hindi matamis, hindi mapait. Pinanood niya akong kumain, tulad ng dati. Tahimik lang siya, ngunit sapat na ang presensiya niya para gumaan ang umaga. Bago ako lumabas, hinawakan niya ang aking kamay. “Mag-ingat ka,” wika niya. “Huwag mong kakalimutan ang sarili mo.” Napapikit ako sandali. Pagmulat ko, tahimik ang silid. Walang amoy ng sinangag. Walang kumukulong kape. Sa tabi ng kama, nakapatong ang lumang litrato ni Lola—may itim na laso sa sulok. Tatlong taon na pala mula nang ihatid namin siya sa huling hantungan. Ngunit ngayong umaga, muli niya akong ginising.
  • 113.
    PAGSULAT NG DAGLI Gamitang mga halimbawa at aralin sa paglalarawan, sumulat ng iyong sariling DAGLI.
  • 114.
    PAMANTAYAN Pamantayan Paglalarawan Puntos Nilalamanat Paksa Malinaw ang paksa; ang daloy ng kuwento ay nagpapakita ng biglaang pagbubunyag o “twist” sa hulihan. Ang mga pangyayari ay magkakaugnay at makahulugan. 35 Epektibong Paglalarawan Gumamit ng angkop at malikhaing mga salitang naglalarawan upang maging buhay at makatotohanan ang kuwento. 30 Disenyo na Konektado sa Kuwento May malikhaing disenyo o biswal (hal. guhit, layout, simbolo) na may malinaw na kaugnayan sa tema at mensahe ng kuwento. 20 Wika at Mekaniks Wasto ang baybay, bantas, at gramatika; angkop ang antas ng wika sa kuwento. 15 Kabuoang Puntos 100