Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa niyang ikonsumo.Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser.Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng konsyumer
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa niyang ikonsumo.Sa kabilang dako ang mga prodyuser ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao. Sa pamilihan itinatakda kung anong produkto at serbisyo ang gagawin at kung gaano karami. Mayroong dalawang pangunahing tauhan sa pamilihan ang konsyumer at prodyuser.Ang konsyumer ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser naman ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon na pagmamay-ari ng konsyumer
Pangasinan State University-Bayambang Campus
(Social-Studies-Major)
Diaz, John Vincent
Gonzales, Jean
Paragas, Maribeth
Pinlac, Christine
Serrano, Lalaine Antoinette
Valdez, Nemar
2016-2017
Pangasinan State University-Bayambang Campus
(Social-Studies-Major)
Diaz, John Vincent
Gonzales, Jean
Paragas, Maribeth
Pinlac, Christine
Serrano, Lalaine Antoinette
Valdez, Nemar
2016-2017
1. Aralin 13
Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
2. Balik-aral:
• Ang pamilihan ay nagsasaayos ng nagtutunggaliang
interes ng mamimili at bahay-kalakal.
• Ang mamimili ay bumibili nang marami sa
mababang presyo samantalang marami namang
binibenta ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.
• Ang napagkasundunang presyo ng mamimili at
bahay-kalakal ay tinatawag na presyong ekwilibriyo.
3. ONCE UPON A TIME!
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bumuo ng
maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling
pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan sa notebook.
•Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw
ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong
palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay
hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at
fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang
Francisco?
4. ONCE UPON A TIME!
• Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming
palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito?
• Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng
pamahalaan na maraming mga negosyante ang
nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo.
Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?
Pamprosesong Tanong:
1.Paano ka nakabuo ng maaaring kahinatnan ng
pangyayari?
2.Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang bumuo ng
maaaring kahinatnan? Bakit?
5. Nicholas Gregory Mankiw
Government can sometimes
improve market outcomes.
Principles of Economics
Bagama’t ang pamilihan ay isang
organisadong sistemang pang-
ekonomiya, may mga
pagkakataong nahaharap ito sa
pagkabigo o market failure. Sa
ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang pakikialam ng
pamahalaan sa takbo ng
pamilihan.
6.
7. Pagtatakda ng Batas sa Presyo ng
Kalakal
(Price Control)
• Presyo ng kalakal na itinakda ng pamahalaan upang
maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng
mamimili.
• Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na
maaring ibenta ang produkto.
• Price Floor – ang pinamababang presyo na
maaring ibenta ang produkto.
8. MARKET CURVE – graph na nagpapakita ng
ugnayan ng Kurba ng Suplay at Kurba ng
Demand
9. Bagong Presyong Ekwilibriyo
• Tuwing
nagkakaroon ng
paglipat sa
kurba ng suplay
o demand,
nagkakaroon
din ng
pagbabago sa
presyong
ekwilibriyo.
P
Q
D1
S
800
300
D2
950
10. Bagong Presyong Ekwilibriyo
• Ano ang presyong
ekwilibriyo para
sa D1?
• Ano ang presyong
ekwilibriyo para
sa D2?
• Anong uri ng
pagbabago ang
naganap sa
demand curve?
800
300
P
Q
D2
S
D1
950
11. Price Ceiling
• Ang price ceiling na
mas mataas sa
presyong ekwilibriyo
ay walang epekto sa
pamilihan. Hindi
malulugi ang mga
nagtitinda.
P
Q
D
S
800
300
Price
Ceiling
1000
13. Price Floor
• Ang pagtatakda ng Price
Floor na mas mababa sa
presyong ekwilibriyo ay
walang epekto sa presyo
ng mga kalakal.
P
Q
D
S
400
500
Price
floor
300
16. Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling
• Mabuti:
• Mababang presyo ng mga bilihin.
• Kasiguruhan sa mga mamimili.
• Di-mabuti:
• Pagbaba ng Supply
• Nagiging dahilan ng Kakulangan
• Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na
pamilihan (black market)
17. Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor
• Mabuti:
• Mas mataas na sahod sa mga manggagawa
• Mas malaking tubo sa mga nagtitinda
• Di-mabuti:
• Mas mataas na presyo ng bilihin
• Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal.
• Mas mababang demand ng mga bilihin
18. Suggested Retail Price
(SRP)
• Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal.
• Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang
sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas,
asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at instant noodles
• Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang
mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang
presyo ng nasabing produkto.
19. Price Freeze
• Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.
• Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang
pananamantala ng mga negosyante sa labis na
pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga
produkto.
• Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw
ng mataas na presyo.
20. Price support
• Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang
mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o
mabawasan ang kita.
• Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax
deduction, discount at bonus.
• Layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng
produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng
bilihin.
21. • Sa iyong palagay, ano ang mas madalas
na mangyari sa mga kalakal sa Pilipinas.
Nakakatulong ba ito sa ekonomiya ng
bansa?
PAGPAPAHALAGA
TAKDA:
22. References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto
at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI