4. Pamilihang May Ganap Na
Kompetisyon.
Isang uri ng pamilihan na kung saan
ang sinumang negosyante ay may lubos
na kapangyarihan na
makipagkompetisyon sa mga kapwa
negosyante.
ito ay nagtataglay ng mga sumusunod
na katangian:
5. MARAMI ANG MAMIMILI AT
NAGBIBLI NG PRODUKTO
Hindi maaring makapagtakda ng
presyo ang mga negosyante sa
pamilihan dahilan sa maliit na
negosyante lamang ang pumasok sa
pamilihan.
• Sumusunod sila sa presyong umiiral
sa pamilihan.
6. MAGKAKATULAD NA
PRODUKTO
Magkapareho ang mga produktong ibenbinta kaya
walang pagkakakilanlan kung sino ang nagprodyus
ng isang produkto.
Hindi na kailangan ng mga negosyante ang pag-
aanunsyo sa mga produktong agrikultural.
Ang isang negosyante ay kailangang may sapat na
kaalaman sa paggawa ng produkto at pagbebinta
nito sa pamilihan . Ito din ang paraan upang
magkaroon ng tamang pagdedesisyon sa papili ng
produkto na ang kapalit nito ay mas malaki pa ang
halaga kaysa sa kanilang produktong binibili.
7. Pamilihang May Hindi
Ganap Na Kompetisyon:
Lahat ng bahay-kalakal sa ganitong
pamilihan ay may kapangyarihang
kontrolin ang presyo sa pamilihan.
8. MONOPOLYO
Uri ng pamilihan na iisa ang nagbibili
ng produkto. Ibig sabihin nito, may
isang prodyuser o negosyante ang
kumokontrol ng malaking porsyento ng
suplay ng produkto sa pamilihan na
tinatawag na monopolista.
Ito ay may sumusunod na katangian:
9. Nakokontrol ng mga monopolista ang presyo
at dami ng mga produkto sa pamilihan.
Walang direktang kakompetensya ang mga
negosyante.
Madaling makontrol ang demand ng
produkto at dahil may kalayaang magtakda
sila ng presyo, babawasan nila ang
produksyon upang ang mamimili ay
mapipilitang bumili ng produkto sa mataas
na presyo.
May kakayahang kontrolin ang pinagkukunan
ng mga hilaw na salik ng produksyon upang
ang kakompetensya ay mawalan ng
materyales na gagamitin sa paggawa ng
produkto.
10. BATAS:
COPYRIGHT- isang legal na
proteksiyon na ipinagkakaloob sa
gumaga at naglalathala ng mga
aklat,computer software atbp.
PATENT- ang eksklusibong karapatan
ng imbentor na magprodyus at
magbenta ng bagong produkto o
makinarya sa isang takdang panahon
11. MONOPSONYO
Sa Monopsonyo, iisa lamang ang mamimili ng
produkto
Marami ang nagsusuplay at nagbibili ng produkto at
serbisyo ngunit iisa lamang ang mamimili sa
pamilihan.
Makikita natin ang kapangyarihan ng mamimli na
pababain ang presyo ng produkto at serbisyo na nais
niyang bilhin. Magagawa ng mamimili na pumili ng
produkto na may pinakamataas at pinakamagandang
kalidad para sa kanyang kapakinabangan.
12. OLIGOPOLYO
Isang estruktura ng pamilihan na may
maliit na bilang ng bahay-kalakal na
nagbebenta ng magkakatulad o
magkakaugnay na produkto.
Kakayahan ng bawat bahay-kalakal na
maimpluwensiyahan ang presyo sa
pamilihan.
13. MONOPOLISTIKONG
KOMPETISYON:
Maraming kalahok na bahay-kalakal.
Marami ring mamimili,subalit mas
mataas ang kapangyarihan sa
pamilihan ng bahay-kalakal kaysa
mamimili.
14. MONOPOLISTC
COMPETITION:
Ay tila MONOPOLYO ng bahay-
kalakal ang isang produkto.
Ang uri ng produkto na ipinagbibili ay
magkakapareho ngunit hindi
magkakahawig(similar but not exactly
identical).Ito ang product
differentiation.
15. Angelica guardian
Cecilia jucaban
Maricris de torres
Hannah joy guevarra
Paul nino pamitan
Warren de leon