Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Apan Reportdocx.docx
1. Member 1( ): INTRO AND KAHULUGAN NG KALUSUGANG REPRODUKTIBO &
EDUKASYON SA SEKS.
Kahulugan ng Kalusugang Reproduktibo
ang kalusugang reproduktibo ay tumutukoy sa kalagayan ng kalusugan ng tao
pagdating sa kaniyang sistemang roprodiktibo. Ang aspektong natural
ng kalusugang reproduktibo ay yaong mga proseso, kapaligiran, at kalakaran ng
katawan ng tao.
Ang pagsasakatuparan ng karapatan sa mabuting kalusugan ng lahat ng tao sa
daigdig ay ang pangunahing layon at mahalagang tungkulin ng World Health
Organization (WHO) alinsunod sa konstitusyon nito mula sa pagkakatatag nito
noong 1946 at pinagtibay ng Artikulo XXV ng pandaigdigang deklarasyon ng
Karapatang Pantao.
Edukasyon sa Seks
Isang kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman, pag-unawa, at
pagpapahalaga sa sariling kalusugang reproduktibo ay sa pamamagitan ng
edukasyon sa seks.
Member 2: RESPONSIBLE PARENTHOOD AND REPRODUCTIVE HEALTH LAW &
MAHAHALAGANG PROBISYON NG BATAS (seksiyon 3d to seksyon 3f only)
Seksiyon 3(d):Gabay na Panuntunan sa Pagpapatupad. “Ang maayos na pagbigay
ng mga ligtas, legal, abot-kaya, ‘di-nakalalaglag, magaling, at mahusay sa
serbisyong pangkalusugan ay mahalaga sa pagtataguyod ng karapatan sa
kalusugan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kababaihan, mahihirap, at mga
sektor na nasa laylayan ng lipunan ay dapat maging kasama sa programang
pangkalusugan ng Estado.”
Member 3: PROBISYON NG BATAS (seksyon 9 to seksyon 20)
Seksiyon 3(f): Pagpapatupad sa mga Programa ng Kalusugang Reproduktibo.
"Ang Estado ay maghihikayat ng mga programang: (1) makapagbibigay ng tamang
desisyon sa isang indibidwal o mag- asawa na magkaanak ng anumang bilang na
nais nilang makamit na may konsiderasyon sa kalusugan, partikular sa mga
2. kababaihan, at sa mga kasangkapang abot-kaya at madali nilang makamit na ayon
sa mga kasalukuyang batas, panlipunang moralidad, at relihiyon: Sa kondisyong
walang sinuman, sa mga kadahilanang pangkabuhayan, ang maipagkakait sa
karapatan nila na magkaroon ng mga anak; (2) makakamit ng pantay na alokasyon
at gamit ng mga kagamitan at serbisyong pangkalusugang reproduktibo; (3)
maseguro ang epektibong samahan sa pagitan ng mga pambansa at lokal na
pamahalaan at ang pribadong sektor sa pagdidisenyo, implementasyon,
koordinasyon, integrasyon, pagmamasid at pagtatasa sa mga programang
makatao para maiangat ang antas ng pamumuhay at ang pangangalaga sa
kalikasan; (4) magsagawa ng mga pag-aaral para suriin ang mga demograpikong
kalakaran kabilang ang mga dibidendong demograpiko mula sa mga maayos na
polisiyang pampopulasyon tungo sa likas-kayang pag-unlad para sa pagpapatibay
at pangangalaga sa pagkakapantay-pantay sa kasarian, proteksiyon ng mga ina at
mga anak, is ipinanganak at 'di-naipanganak at ang proteksiyon sa mga karapatan
at kalusugang reproduktibo ng mga kababaihan; at (5) magsagawa ng mga
siyentipikong pag-aaral para matukoy ang kaligtasan at kahusayan ng mga
alternatibong medisina at mga paraan sa pag-unlad ng pangangalaga sa
kalusugang reproduktibo."
Seksiyon 9: Ang Sistema ng National Drug Formulary at ang Kagamitang
Pamplano ng Pamilya. "Ang National Drug Formulary ay kailangang magkaroon
ng mga kagamitang pamplano ng pamilya tulad ng mga hormonal contraceptives,
intrauterine devices (IUDs), mga injectables, at iba pang ligtas, legal, 'di-
nakalalaglag at mga magaling na produkto at materyales para sa pagpaplano ng
pamilya."
Seksiyon 10: Pagkuha at Pamimigay ng Kagamitang Pamplano ng Pamilya.
“Tungkulin ng Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health o DOH) na kumuha
at ibigay sa Local Government Units (LGUs) sa buong bansa ang mga gamit at
materyales para sa pagpaplano ng pamilya at bantayan ang pagbibigay ng mga
ito."
Seksiyon 11: Pagsasama ng Responsableng Pagmamagulang at Pagpaplano ng
Pamilya sa mga Programang Laban sa Kahirapan. "Gagawin ng DOH na
magpatupad ng mga programa para sa pagbibigay ng pangunahing priyoridad
para sa mga mahihirap at mga nangangailangang mga kababaihan... sa pagtukoy
3. sa panlalamang at panlilinlang sa mga serbisyo, produkto, at programa para sa
kalusugang reproduktibo."
Seksiyon 14: Edukasyon sa Kalusugang Reproduktibo na Akma sa Edad at
Paglaki. "Tungkulin ng pamahalaan na maglaan ng nararapat at akmang
edukasyon sa kalusugang reproduktibo (reproductive health education) sa mga
kabataang may sapat na gulang, na ituturo sa kanila ng mga gurong may
pagsasanay tungkol dito sa pormal at impormal na edukasyon at kailangang
isama, ngunit hindi limitado sa, values formation; kaalaman at kakayahan sa
paglaban sa diskriminasyon; pang-aabuso at pang-aapi sa mga kababaihan at
kabataan at iba pang anyo ng karahasan laban sa kasarian at sa mga kababaihan;
at maagang pagbubuntis..."
Seksiyon 20: Pampublikong Kamalayan. "Ang DOH at ang mga LGU ay
magsasagawa at magpapanatili ng pambansang kampanya gamit ang multimedia
upang i-angat ang kamalayan ng publiko sa pagtanggol at pagtaguyod ng
kalusugang panreproduksiyon at mga karapatan, tulad ng kalusugan ng mga ina,
pagpaplanong pampamilya, at iba pang gabay tungkol sa kalusugan ng mga tao."
Member 4: STI hanggang PARAAN NG PAGIWAS SA STI
Ayon sa WHO, ang pangunahing iminumungkahing paraan ng pag-iwas sa mga STI
ay sa pamamagitan ng pagpapayo (counseling) at sa komprehensibong edukasyon
sa seks. Itinuturing ang edukasyon sa seks bilang pinakamura at pinakaepektibong
paraan ng pag-iwas sapagkat ang mahusay na paggamit, pang- unawa, at kaisipan
hinggil sa mga sistemang reproduktibo ng tao ay nakaaangat sa sariling
kalusugang reproduktibo ng isang tao.
Member 5:ISYU NG PROSTITUSYON- MGA SUMBUNGAN PARA SA PAGLABAN
NG PROSTITUSYON
Ang prostitusyon ay ang pagbibigay ng mga serbisyong seksuwal ng isang
indibidwal para sa iba pang indibidwal kapalit ang pera.
4. (DAHILAN NG PROSTITUSYON)
:Para sa WHO, ang pag-usbong ng prostitusyon ay bunga ng kahirapan o kaya
naman ay mga suliraning panlipunan tulad ng mga nasirang pamilya o pagkawalay
ng mga magkakamag-anak dahil sa migrasyon o away.
Member 6: MGA NAGING HAMON SA IMPLEMENTASYON MG BATAS RPRH
Bagama’t isinabatas ang Batas RPRH noong Disyembre 2012, maraming hamon
ang kinaharap nito pagdating sa implementasyon dulot ng mga probisyon at ng
mga isyung teknikal pagdating sa mga programa at serbisyong kaugnay ng
kalusugang reproduktibo ng mga Pilipino.
,Ngunit may walong probisyon na idineklarang hindi konstitusyonal batay sa isang
desisyon o pagpapasya ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema. Ilan ditto
ay ang sumusunod:
Seksiyon 23-A-1: pagpaparusa sa mga health worker na tatanggi sa pagsuporta sa
mga programa ukol sa kalusugang panreproduksiyon;
Seksiyon 23-B: pagpaparusa sa opisyal na tatanggi sa pagbibigay ng impormasyon
ukol sa mga serbisyo sa kalusugang panreproduksiyon;
Seksiyon 23-A-2-i: pahintulot sa isang may-asawa na sumailalim sa mga
programang para sa kalusugang panreproduksiyon na walang permiso mula sa
asawa; at
Seksiyon 23-A-2-ii: pagpaparusa sa pagamutan o tagapagbigay ng serbisyo na
hihingi ng pahintulot mula sa magulang ng menor de edad bago prisagawa ang
pagpaplanong pampamilya
5. Member 7: 7BULLETS to FAMILY PLANNING
*pagbubukas ng pampublikong kamalayan sa mga karapatan, pang- aabusong
seksuwal at pangkasarian, at pangangalaga sa sariling kalusugang reproduktibo;
*pangunguna sa pagbibigay ng metodolohiya, serbisyo, at programang
pangkalusugan;
*pagsusulong ng Kalusugang pang-ina at pansanggol;
*paglalagay at pamamahagi ng mga produkto at kagamitang pamplano ng
pamilya tulad ng hormonal contraceptives, intrauterine devices (IUDs), mga
injectables, at iba pa;
*pagtuturo ng pangangalaga sa kalusugang panreproduksiyon at edu- kasyon sa
seks sa iba-ibang antas sa loob at labas ng paaralan;
*pagtuturo ng impormasyon tungkol sa siklo ng katawan lalo na sa mga babae,
upang maiwasan ang maagang pagbubuntis; at
*pamumuno ng pambansang pamahalaan sa mga pampublikong ospital at mga
barangay health station upang maplano at mabantayan ang mga programa sa
pagpaplano ng pamilya at pangangalaga ng kalusugang reproduktibo.
6. ,Member 7:Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning)
Ang pagpaplano ng pamilya ay isang organisadong paraan upang makapagplano
ang isang legal na mag-asawa ng isang pamilya. Ayon sa Seksiyon 4(e) ng Batas
RPRH, ang pagpaplano ng pamilya ay nakatuon sa pagpapasiya ng mga mag-asawa
at/o indibidwal na magkaroon ng kanilang nais na bilang ng mga anak. Kinikilala
rin ng Estado sa Seksiyon 3(h) ang kahalagahan ng pamilya at ang paggalang sa
nais na bilang ng mga anak na gugustuhin ng mga mag-asawa at/o indibidwal at
sa mga paraang nais nila upang maisakatuparan ito batay sa kanilang relihiyon at
kultura, na may konsiderasyon din sa kanilang karapatang pantao ayon sa mga
mahahalagang batayan ng karapatang pantao sa bansa at daigdig.