2. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay
inaasahang nasusuri ang mga salik na
nakaiimpluwensiya sa pangangailangan at
kagustuhan.
3.
4.
5. Mahahalagang Tanong
Sa araling ito ay sasagutin natin ang sumusunod na tanong:
● Ano-ano ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa
kagustuhan?
● Paano naaapektuhan ng mga salik ang kagustuhan?
6.
7.
8. Pagsusuri
1. Ano-ano ang kailangan isaalang-alang ng tao sa
pagbili ng kaniyang kagustuhan?
1. Sa inyong palagay, anong salik ang pinakamalaki
ang impluwensiya sa kagustuhan ng tao?
1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga salik na ating
natalakay ang kagustuhan?
9.
10. Paglalapat
• Paano nababago ng social media ang impluwensiya ng
patalastas o advertisement sa kagustuhan?
• Ano ang impluwensiya ng kulturang Pilipino sa ating
kagustuhan?
• Kailangan din bang tugunan ng pamahalaan ang
kagustuhan ng mga mamamayan nito?
12. Inaasahang Pag-unawa
1. Ang kita, panlasa, presyo ng produkto, hanapbuhay,
kultura ng mamimili, at patalastas ay mga salik na
nakaaapekto sa kagustuhan.
1. Maaaring nalilimitahan ng salik katulad ng kita,
hanapbuhay, at presyo ang pagkamit sa kagustuhan.
May ilang salik din katulad ng kultura at panlasa na
may impluwensiya sa uri ng produktong bibilhin.
13. Paglalagom
Naiimpluwensiyahan ng kita, panlasa, presyo ng produkto,
hanapbuhay, kultura ng mamimili, at patalastas ang kagustuhan ng
tao.
1
2
3
4
Mas natutugunan ang kagustuhan ng mga tao na may malaking
kita.
Mas pipiliin ng mga tao ang mga produktong mababa ang presyo.
May impluwensiya ang kultura sa uri ng produktong bibilhin.
14. Kasunduan
Paano mo ibabadyet ang iyong pera para matugunan ang
inyong pangangailangan at kagustuhan? Gumawa ng
isang badyet para sa linggong ito. Gamitin ang konsepto
ng alokasyon sa gagawing pagbabadyet.