Ano ang kahuluganng bansa?
Paano masasabi na ang isang lugar ay bansa?
Bakit tinatawag na bansa ang Pilipinas?
6.
Bansa
Ang bansa aylugar o teritoryo na may
naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan
kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong
wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang
bansa ay maituturing na bansa kung ito ay
binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa
—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na
kalayaan o soberanya.
7.
Apat na Elementong isang Bansa:
Tao
Teritoryo
Pamahalaan
Soberanya o Ganap na Kalayaan
8.
Tao
Ang tao aytumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng
isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
9.
Teritoryo
Ang teritoryo aytumutukoy
sa lawak ng lupain at katubigan
kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang
tinitirhan ng tao at pinamumunuan
ng pamahalaan.
10.
Pamahalaan
Ang pamahalaan ayisang
samahan o organisasyong politikal
na itinataguyod ng mga grupo ng tao
na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.
Malacañang Palace
11.
Soberanya o Ganapna Kalayaan
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kaniyang
nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga
programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa ang
anyo ng soberanya—panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya
ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay
ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
12.
Dalawang Anyo ngSoberanya
1. Ang Panloob na Soberanya - Ang panloob na soberaniya ay ang
pangangalaga sa sariling kalayaan.
2. Ang Panlabas na Soberanya - Angpanlabas na soberaniya naman
ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito. (Legal,
Pampolitika, Popular, De Facto, at De Jure)
Ang Pilipinas baay isang bansa?
Tao
Teritoryo
Pamahalaan
Soberanya
15.
Ang Pilipinas:
Ang Pilipinas,opisyal na Republika
ng Pilipinas, (ingles: Republic of the
Philippines) ay isang malayang estado at
kapuluang bansa sa Timog-Silangang Asya
na nasa kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko.
https://earth.google.com/web/
16.
Ang Pilipinas:
Binubuo itong 7,641 pulo na nababahagi sa tatlong kumpol ng mga
pulo na ang: Luzon, Kabisayaan (kilala rin bilang Visayas) at
Mindanao. Ang punong lungsod nito ay ang Maynila at ang
pinakamataong lungsod ay ang Lungsod Quezon; pawang bahagi ng
Kalakhang Maynila.
Ang Pilipinas: MayRehiyon
National Capital Region (NCR)
Cordillera Administrative Region (CAR)
Region I (Ilocos Region)
Region II (Cagayan Valley)
Region III (Central Luzon)
Region IV-A (CALABARZON)
Region IV-B (MIMAROPA)
Region V (Bicol Region)
19.
Ang Pilipinas: MayRehiyon
Region VI (Western Visayas)
Region VII (Central Visayas)
Region VIII (Eastern Visayas)
Region IX (Zamboanga Peninsula)
Region X (Northern Mindanao)
Region XI (Davao Region)
Region XII (Soccsksargen)
Region XIII (Caraga)
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Ilagay ang apatna element ng bansa
sa kahon. Lagyan ito ng larawan.
Isulat at ilagay ang inyong sagot sa
sagutang papel. (Kunan ng litrato at
ipasa sa Bilboard.)
Takdang-aralin:
Ayon sa SaliganagBatas ng 1987, Artikulo 1, ang Pilipinas ay
binubuo ng: niya ay angkop sa mga
• Kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga
karagatang nakapaligid dito.
• Lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas na binubuo ng:
kalupaan
katubigan
himpapawirin
dagat teritoryal
ilalim ng dagat
kailaliman ng lupa
mga karagatang insular
pook submarina
24.
Bukod dito, nagginggabay na rin sa kabuouang teritoryo ng
bansa ang Doktrinang Pangkapuluan o Archipelagic Doctrine ng
United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)
noong Disyembre 10, 1982.
Pinagtitibay ng UNCLOS ang kabuoang hangganan ng teritoryo
ng bansa na nakapaloob sa batayang guhit o baseline.
Ang baseline ay isang lihang isip na guhit na nagpapakita ng
kabuoan ng teritoryo. Ang sakop ng Pilipinas ay umaabot sa 12
milya sa paligid magmula sa baseline.
Bukod dito, maituturing rin na kabilang sa Pilipinas ang nasa
may 200 na milya mula sa baseline bilang exclusive economic
zone ng bansa.
25.
Pilipinas at angmamamayan.
Bilang mamamayang Pilipino, tungkulin
nating makiisa sa mga gawaing
nagpapalakas at nagsusulong ng pag-
unlad ng bansa.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
26.
Pilipinas at Kaniyangmga Karapatan
Ang Pilipinas ay kagaya rin ng isang tao na may
tinatamasang karapatan. Ang mga ito ay
karapatang ipagtanggol ang sarili, karapatan
sa pantay na trato, karapatan sa ari-arian,
hurisdiksiyon, at diplomasya.
27.
Karapatang Ipagtanggol angSarili
Ang Pilipinas ay gumagawa ng paraan o
hakbang upang ipagtanggol ang sarili sa
pamamagitan ng paggamit ng lakas o puwersa
upang labanan ang anomang bantang panganib
o pananakop. Ang halimbawa nito ay ang
pagpapalakas ng puwersang militar.
28.
Karapatang pantay natrato at sa ari-
arian
Malaki man o maliit ang bansa ay mayroon
itong pantay- pantay na karapatang protektahan
ang kanilang mamamayan, gumamit ng
Karapatan at makipag-ari ng
teritoryong kaniyang nasasakupan.
29.
Hurisdiksiyon
Ito ay angkarapatan ng isang bansa na
saklawan ang mga tao o mamamayan na nasa
loob o labas ng bansa. Ito ay isang paraan para
mapangalagaan ang mga mamamayan.
30.
Diplomasya
Ito ay angpagpapadala ng kinatawan ng bansa
upang makipagkasundo sa ibang bansa sa
usapin ng pampolitika, pangkabuhayan, at
pangkultural.
31.
Pagsusulit
Lagyan ng tsek(/) ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng
elemento ng isang lugar para maituring na isang bansa at ekis
(x) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
_____1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
_____ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
_____ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang.
_____ 4. May sariling pamahalaan na kinikilala at sinusunod ng
mga mamamayan.
_____ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at
katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas
nito.
32.
Pagsusulit
Iguhit ang masayangmukha ☺ kung ang sinasabi ng pangungusap
ay TAMA at malungkot kung MALI.
☹
_______6. Ang Pilipinas ay isang bansa.
_______ 7. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
_______ 8. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para
maging isang bansa ang lugar.
_______ 9. Ang China ay maituturing na isang bansa dahil ito ay
malaya, may sariling teritoryo at pamahalaan at may mga
mamamayan.
_______ 10. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang
sariling pamahalaan
ay hindi maituturing na bansa.
33.
Pagsusulit
Isulat sa patlangang T kung ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba ay
TAMA at M kung ito ay MALI.
_______11. Mga taga ibang bansa ang namamahala sa Pilipinas.
_______ 12. Ang Pilipinas ay matutukoy na isang ganap na bansa.
_______ 13. Walang katiyakan ang hangganan ng teritoryo ng ating bansa.
_______ 14. Malawak na lupain lamang ang sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
_______ 15. Hindi kasali sa pag-aari ng bansa ang karagatan at himpapawid.
_______ 16. Ang pamamahala ng Pilipinas ay sinasaklawan ng ibang bansa.
_______ 17. Isang bansang may ganap na kalayaan ang Pilipinas.
_______ 18 Binubuo ng mahigit 10,000 libong katao lamang ang populasyon
ng ating bansa.
_______ 19. Kawalan ng pamahalaang nangangasiwa ay isang elemento ng
pagiging bansa.
_______ 20. Tao, teritoryo, pamahalaan at soberanya o ganap na kalayaan
34.
Storyset by Freepik
Createyour Story with our illustrated concepts. Choose the style you like the most, edit its colors, pick
the background and layers you want to show and bring them to life with the animator panel! It will boost
your presentation. Check out How it Works.
Pana Amico Bro Rafiki Cuate