2. TRADISYUNAL NA PAPEL NG BABAE
Itinuturing na iisa lamang ang maaaring
tunguhin ng babae sa tradisyunal na Asya. Ito
ay ang maging isang asawa at maging ina.
Bilang asawa ang babae ay dapat na maging
isang tapat na kabiyak at dapat niyang
pagsilbihan ang kanyang asawa.
3. KABABAIHAN SA TIMOG ASYA
Mababa ang posisyon ng babae sa India.
Hindi mahalaga ang anak na babae dahil siya ay nagbibigay
ng dote o dowry kapag ikinakasal. Ibig sabihin nito ay
binabawasan ng babae ang yaman at ari-arian ng kanyang
pamilya. Dahil ditto namayani sa lipunan nila ang female
infanticide o sadyang pagkitil sa buhay ng sanggol na babae
dahil tinuturing ang mga kababaihan bilang bagay o
kasangkapan.
Tradisyon din sa India na ipinapakasal ang isang babae sa
edad na 5 o 6 na taong gulang pa lamang.
5. Nasa batas ng Hindu na ang dapat mapangasawa
ng isang babae ay tatlong beses ang agwat sa
kanya ng mapapangasawa niyang lalaki.
Ginagawa ito upang maiwasan ang mga iskandalo
ang isang babae na magkaroon ng isang relasyon
bago ang kanyang asawa.
Sa India, bilang paggalang sa asawang lalaki, ang
asawang babae ay kakain lamang pagkatapos
kumain ng kanyang asawa.
6. Sa India, ang dote o dowry na ibinigay
ng pamilya ng lalaki ay nagiging pag-aari
ng babae at ito ay maaari niyang
ipamana sa kanyang mga anak na babae.
8. KABABAIHAN SA SILANGANG ASYA
Sinasalamin sa China ang mababang antas ng babae sa
kaugalian ng footbinding. Ito ay sadyang pagbabali ng
arko ng paa upang hindi ito lumaki nang normal.
Tinawag ang ganitong klaseng mga paa bilang Lotus Feet
o Lily Feet. Ito ay ginagawa habang bata pa ang babae.
Sinasabing isa itong pamantayan ng kagandahan para sa
mga sinaunang Tsino. Isang pananaw na sinimulan ng
Dinastiyang Song.
12. Humahanap ang isang lalaking Tsino ng isang babaeng
Tsino na may ganitong klaseng paa upang mapangasawa.
Ang pagkakaroon ng Lotus Feet o Lily Feet dulot ng
footbinding ay patunay rin na ang babae ay hindi
nagtatrabaho. Nasa bahay lamang siya at kayang
suportahan ng kanyang asawa.
Ang anak na lalaki lamang ang may karapatang
magdesisyon sa kanilang pamilya at kanilang ari-arian. At
pag nasa legal na edad na ang anak na lalaki ay kailangan
ng sumunod sa kanya ang kaniyang ina.
13. Isa pang kaugalian sa China na nagpababa sa antas
ng kababaihan ay ang concubinage o pagkuha ng
asawang lalaki ng iba pang babae liban sa kanyang
asawa.
Ang concubine ay itinitira ng asawang lalaki sa
kanilang bahay. May Karapatan ang asawang lalaki
na magkaroon ng maraming concubine.
14. Sa China, ang pinakamahalagang tungkulin ng babae
ay magluwal ng sanggol lalo na ng mga sanggol
na lalaki.
Dahil ditto, ang pagiging baog o walang kakayahan
ng babae na magluwal ng sanggol ay maaaring
maging dahilan ng diborsiyo sa China.
15. KABABAIHAN SA KANLURANG ASYA
Sa mga lipunang Muslim, may mga kaugalian na sumasalamin
sa mahabang antas ang kababaihan. Ito ang kaugalian ng
Purdah na ang ibig sabihin ay belo sa salitang Persian.
Inaasahan ang babae na itatago ang kanyang sarili sa
pamamagitan ng pagsusuot ng burka, isang damit na
maluwag na may kasamang belo.
Layunin ng kaugalian na ito ang ipaalala na tanging ang
kanyang asawang lalaki lamang ang may karapatang makakita
sa kanya.
16. Pinagtitibay ng kaugaliang ito ang pagpoprotekta sa
karapatan ng asawang lalaki sa asawang babae. May
pagkakahawig ang tadhana ng kababaihan sa tradisyunal na
asya.
Mababa ang tingin ng lipunan sa babae.
Kung mag-aasawa ang babae, siya ay nagiging bahagi ng
pamilya ng lalaki. Sa ganitong sitwasyon, ang babae ay
napapasailalim sa kapangyarihan ng kanyang biyenan na
babae.
Wala o kaunti ang karapatang legal ng asawang babae.
Ipinagkakait din sa kanya ang mag-impok ng sariling ari-
arian.