SlideShare a Scribd company logo
Lipunan
Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang lipunan
Natutukoy ang mga istrukturang panlipunan
Naipaliliwanag ang kahulugan ng kultura
Lipunan
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong samasamang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang
batas, tradisyon, at pagpapahalaga
Lipunan ayon sa mga Sosyologo
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung
saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.
Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang
bawat pangkat at institusyon ay gagampanan
nang maayos ang kanilang tungkulin.”
Emile Durkheim
Lipunan ayon sa mga Sosyologo
“Ang lipunan ay kakikitaan ng
tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
nabubuo dahil sa pag-aagawan ng
mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang
matugunan ang kanilang
pangangailangan.”
Karl Marx
Lipunan ayon sa mga Sosyologo
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.”
Charles Cooley
Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng
isang barya na may dalawang mukha: ang
isang mukha ay tumutukoy sa mga
istruktura ng lipunan at ang isa
naman ay tumutukoy sa kultura.
Istrukturang Panlipunan
Institusyon
Social groups
Status (social status)
Gampanin (roles).
Istrukturang Panlipunan
1.Institusyon-ay organisadong sistema ng ugnayan sa
isang lipunan
Pamilya
Relihiyon
Edukasyon
ekonomiya
pamahalaan
May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil
sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob
ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa, ang mataas
na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay
maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at
kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na
magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon.
Istrukturang Panlipunan
2. Social Group ay tumutukoy sa dalawa o
higit pang taong may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa
bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.
Istrukturang Panlipunan
2. Social Group
 Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na
ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang
maliit na bilang. Halimbawa: pamilya at kaibigan
 Ang secondary group ay binubuo ng mga indibiduwal na may
pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa
pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan.Halimbawa: employer at manggagawa
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga
bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng
ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa ang
malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay
isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng
hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at
may-ari ng kumpanya
Istrukturang Panlipunan
3. Status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensiyahan ng ating status.
 Ascribed Status
 Achieved Status
Dalawang uri ng status
Ascribed Status
 Nakatalaga sa isang indibiduwal
simula nang siya ay ipinanganak
 Hindi ito kontrolado ng isang
indibiduwal
 Halimbawa: Kasarian
 Si Jaja ay ipinanganak na babae.
Achieved Status
 Nakatalaga sa isang indibiduwal
sa bisa ng kaniyang pagsusumikap
 Maaaring mabago ng isang
indibiduwal ang kaniyang achieved
status
 Halimbawa: Pagiging isang Guro
 Si Nho-nho ay naging guro dahil
sa kaniyang pagsusumikap
May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa
status ng tao sa lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas
malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng
edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung
ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din
namang mga mahihirap na naging tuntungan ang ganitong
kalagayan upang lalong magsumikap para mabago ang
estado sa buhay.
Istrukturang Panlipunan
4. Gampanin o Roles - Tumutukoy ang mga
ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga
inaasahan ng lipunan na kaakibat ng
posisyon ng indibiduwal.
Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging
batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan. Halimbawa, bilang isang mag-
aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin
ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na
gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga
tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at
pagbibigay ng pagsusulit sa klase.
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang
indibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at
hamong panlipunan. Halimbawa, ang isang mamamayan ay may
tungkuling dapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindi
magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at
hamong panlipunan. Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa
batas ng pagtatapon ng basura. Ang hindi pagsunod sa batas na ito
ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad
ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan
Kultura
 Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong
panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
 Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay
na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa
natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising
hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
Dalawang Uri ng Kultura
1. Materyal na Kultura
Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan,
at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at
gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga
bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-
unawa ng kultura ng isang lipunan.
Dalawang Uri ng Kultura
2. Hindi Materyal na Kultura
Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at
norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng
materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit
ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay
bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan.
Mga Elemento ng Kultura
Paniniwala Pagpapahalaga
Norms Simbolo
Mga Elemento ng Kultura
1. Paniniwala (Beliefs)
Ito ay tumutukoy ito sa mga kahulugan
at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan
at tinatanggap na totoo.
Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng
isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa
mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng
isang indibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, ang
isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay
ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng
mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman
ang kasarian nito.
Mga Elemento ng Kultura
2. Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala
ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano
ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at
kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang
bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay
kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang
situwasyon o gawain ay labag sa mga
pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong
panlipunan
Mga Elemento ng Kultura
3. Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at
nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga
norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon,
at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan
Uri ng Norms
Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng
kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang
lipunan sa kabuuan.
Ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na
batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores
ay magdudulot ng mga legal na parusa
Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang
magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao
sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao.
Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may
kaukulang kaparusahan
Mga Elemento ng Kultura
4. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa
isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White,
1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na
komunikasyon at hindi rin magiging posible ang
interaksiyon ng mga tao sa lipunan
Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga
pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na
nauunawan ng mga miyembro ng isang
lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano. Ang gawing ito ay sumisimbolo sa
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga
Pilipino sa mga nakatatanda
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga
ang pagunawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging
ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga
ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at
isyung panlipunan
Ayon kay C.Wright Mills (1959), mahalagang malinang
ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang
kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong
Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang
abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at
interseksiyon ng mga isyung personal at isyung
panlipunan.
Isyung Personal
Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap
sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.
Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa
kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito
na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa
pribadong paraan.
Isyung Panlipunan
Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong
bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga
suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa
isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal
at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa
nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na
bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang
barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung
panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos
na sistema ng pagtatapon ng basura.
Isyung Personal at Isyung Panlipunan
Mayroon din namang ilang pangyayari na
maituturing na isyung panlipunan subalit makikita
ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang
mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan
subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa
personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng
kaguluhan at karahasan.
Sanggunian:
 Araling Panlipunan Curriculum Guide
 Araling Panlipunan 10 Kontemporaryung Isyu
(Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 13-24
May-akda:
MEJICANO F. QUINSAY, JR.
Teacher II/Araling Panlipunan
Baquilan Resettlement
High School
Botolan, Zambales

More Related Content

What's hot

Konsepto ng kontemporaryong isyu
Konsepto ng kontemporaryong isyuKonsepto ng kontemporaryong isyu
Konsepto ng kontemporaryong isyu
FatimaEspinosa10
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunan
cruzleah
 
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyuKahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
Eduardo Barretto Sr. National High School
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Floraine Floresta
 
Kultura
KulturaKultura
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
ruth ferrer
 
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong IsyuAraling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
LuvyankaPolistico
 
Ang lipunan
Ang lipunanAng lipunan
Ang lipunan
Aleah Siducon
 
Aralin 1 kontemporaryung isyu
Aralin  1 kontemporaryung isyuAralin  1 kontemporaryung isyu
Aralin 1 kontemporaryung isyu
joel balendres
 
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilosModyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School SHS
 
G10 - KONTEMPORARYONG ISYU
G10 - KONTEMPORARYONG ISYUG10 - KONTEMPORARYONG ISYU
G10 - KONTEMPORARYONG ISYU
edwin planas ada
 
GRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYONGRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYON
Lavinia Lyle Bautista
 
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyoniba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
CarlaVallejo3
 
MGA ISYU SA PAGGAWA
MGA ISYU SA PAGGAWAMGA ISYU SA PAGGAWA
MGA ISYU SA PAGGAWA
RayMartinBenjamin1
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Luwen Borigas
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptxKAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
JadeMagos1
 
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptxdimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
JeraldelEncepto
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
Longen Llido
 
Globalisasyon g10
Globalisasyon g10Globalisasyon g10
Globalisasyon g10
JohndyMharLisondra
 

What's hot (20)

Konsepto ng kontemporaryong isyu
Konsepto ng kontemporaryong isyuKonsepto ng kontemporaryong isyu
Konsepto ng kontemporaryong isyu
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunan
 
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyuKahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
Kahalagahan ng pag aaral ng mga kontemporaryong isyu
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 
Kultura
KulturaKultura
Kultura
 
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Manageme...
 
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong IsyuAraling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu
 
Ang lipunan
Ang lipunanAng lipunan
Ang lipunan
 
Aralin 1 kontemporaryung isyu
Aralin  1 kontemporaryung isyuAralin  1 kontemporaryung isyu
Aralin 1 kontemporaryung isyu
 
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilosModyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
 
G10 - KONTEMPORARYONG ISYU
G10 - KONTEMPORARYONG ISYUG10 - KONTEMPORARYONG ISYU
G10 - KONTEMPORARYONG ISYU
 
GRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYONGRADE 10 GLOBALISASYON
GRADE 10 GLOBALISASYON
 
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyoniba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
 
MGA ISYU SA PAGGAWA
MGA ISYU SA PAGGAWAMGA ISYU SA PAGGAWA
MGA ISYU SA PAGGAWA
 
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptxKAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU.pptx
 
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptxdimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
dimensyon at epekto ng globalisasyon.pptx
 
Katangian ng Tao
Katangian ng TaoKatangian ng Tao
Katangian ng Tao
 
Globalisasyon g10
Globalisasyon g10Globalisasyon g10
Globalisasyon g10
 

Similar to A.P 10 SIM # 1 Lipunan

GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYUGRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
MengTreasure
 
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdfdokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
JoreOrejola
 
Isyu at hamong panlipunan
Isyu at hamong panlipunanIsyu at hamong panlipunan
Isyu at hamong panlipunan
cruzleah
 
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong PanlipunanAP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
Jhing Pantaleon
 
Lipunan
LipunanLipunan
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptxAP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
PearlFernandez3
 
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptxap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
MERLINDAELCANO3
 
ARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptxARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptx
NhalieAyhonBiongOleg
 
ARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURAARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURA
KokoStevan
 
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdfaralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
FyuTexNathanDaGreat
 
Ang_Lipunan.pptx
Ang_Lipunan.pptxAng_Lipunan.pptx
Ang_Lipunan.pptx
merlinda Elcano
 
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong PangkapaligiranKONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
SheehanDyneJohan
 
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptxModyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
faithdenys
 
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
Logbi
 
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
markanthonycasale
 
lipunan.pptx
lipunan.pptxlipunan.pptx
lipunan.pptx
PearlFernandez3
 
Lipunan
LipunanLipunan
Lipunan
Nelson Idjao
 
Current issue presentation
Current issue presentationCurrent issue presentation
Current issue presentation
Leira Dinglasan
 
ESP Module First Quarter
ESP Module First QuarterESP Module First Quarter
ESP Module First Quarter
brandel07
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
JOYCONCEPCION6
 

Similar to A.P 10 SIM # 1 Lipunan (20)

GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYUGRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
GRADE 10 KONTEMPORARYONG ISYU
 
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdfdokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
dokumen.tips_isyu-at-hamong-panlipunan.pdf
 
Isyu at hamong panlipunan
Isyu at hamong panlipunanIsyu at hamong panlipunan
Isyu at hamong panlipunan
 
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong PanlipunanAP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
 
Lipunan
LipunanLipunan
Lipunan
 
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptxAP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
 
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptxap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
 
ARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptxARALIN-3-KULTURA.pptx
ARALIN-3-KULTURA.pptx
 
ARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURAARALIN 3: KULTURA
ARALIN 3: KULTURA
 
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdfaralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
aralin-3-kultura-221010022429-0279978a.pdf
 
Ang_Lipunan.pptx
Ang_Lipunan.pptxAng_Lipunan.pptx
Ang_Lipunan.pptx
 
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong PangkapaligiranKONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
KONTEMPORARYONG ISYU: Hamong Pangkapaligiran
 
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptxModyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
Modyul 1 Isyu at Hamong Panlipunan.pptx
 
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
Grade10apkatururanngkulturabydiego 170630160826
 
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
Aralin 1 Kontemporaryong Isyu Pagpapaliwanag sa Kahulugan at Katuturan ng Kon...
 
lipunan.pptx
lipunan.pptxlipunan.pptx
lipunan.pptx
 
Lipunan
LipunanLipunan
Lipunan
 
Current issue presentation
Current issue presentationCurrent issue presentation
Current issue presentation
 
ESP Module First Quarter
ESP Module First QuarterESP Module First Quarter
ESP Module First Quarter
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 

More from Mejicano Quinsay,Jr.

A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.pptA.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdfA.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
Mejicano Quinsay,Jr.
 
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiranSim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
A.P 10 SIM 1st Quarter KulturaA.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
A.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga KontinenteA.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
Mejicano Quinsay,Jr.
 
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd QuarterA.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
Mejicano Quinsay,Jr.
 

More from Mejicano Quinsay,Jr. (9)

A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.pptA.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
 
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdfA.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
A.P 10 DLP Q3 Wk 6 Day 1.pdf
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
 
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiranSim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
Sim a.p 10 1st quarter mga suliraning pangkapaligiran
 
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
 
A.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
A.P 10 SIM 1st Quarter KulturaA.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
A.P 10 SIM 1st Quarter Kultura
 
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
A.P 8 SIM 2nd Quarter Kabihasnang Minoans
 
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga KontinenteA.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
 
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd QuarterA.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
A.P 10 STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL 2nd Quarter
 

A.P 10 SIM # 1 Lipunan

  • 1. Lipunan Layunin: Nabibigyang kahulugan ang lipunan Natutukoy ang mga istrukturang panlipunan Naipaliliwanag ang kahulugan ng kultura
  • 2. Lipunan Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga
  • 3. Lipunan ayon sa mga Sosyologo “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” Emile Durkheim
  • 4. Lipunan ayon sa mga Sosyologo “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.” Karl Marx
  • 5. Lipunan ayon sa mga Sosyologo “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.” Charles Cooley
  • 6. Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura.
  • 8. Istrukturang Panlipunan 1.Institusyon-ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan Pamilya Relihiyon Edukasyon ekonomiya pamahalaan
  • 9. May mga isyu at hamong panlipunang nag-ugat dahil sa kabiguan ng isang institusyon na maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito. Halimbawa, ang mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho ay maaaring dulot ng kakulangan ng kaalaman at kakayahan na bunga ng kabiguan ng paaralan na magkaloob ng mataas na kalidad ng edukasyon.
  • 10. Istrukturang Panlipunan 2. Social Group ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
  • 11. Istrukturang Panlipunan 2. Social Group  Ang primary group ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa: pamilya at kaibigan  Ang secondary group ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan.Halimbawa: employer at manggagawa
  • 12. Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa ang malawakang pagwewelga ng ilang manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya
  • 13. Istrukturang Panlipunan 3. Status - tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status.  Ascribed Status  Achieved Status
  • 14. Dalawang uri ng status Ascribed Status  Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak  Hindi ito kontrolado ng isang indibiduwal  Halimbawa: Kasarian  Si Jaja ay ipinanganak na babae. Achieved Status  Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap  Maaaring mabago ng isang indibiduwal ang kaniyang achieved status  Halimbawa: Pagiging isang Guro  Si Nho-nho ay naging guro dahil sa kaniyang pagsusumikap
  • 15. May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng tao sa lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din namang mga mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap para mabago ang estado sa buhay.
  • 16. Istrukturang Panlipunan 4. Gampanin o Roles - Tumutukoy ang mga ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal.
  • 17. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, bilang isang mag- aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.
  • 18. Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at hamong panlipunan. Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa batas ng pagtatapon ng basura. Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulot ng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon na banta sa kalusugan ng mga mamamayan
  • 19. Kultura  Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan  Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
  • 20. Dalawang Uri ng Kultura 1. Materyal na Kultura Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag- unawa ng kultura ng isang lipunan.
  • 21. Dalawang Uri ng Kultura 2. Hindi Materyal na Kultura Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan.
  • 22. Mga Elemento ng Kultura Paniniwala Pagpapahalaga Norms Simbolo
  • 23. Mga Elemento ng Kultura 1. Paniniwala (Beliefs) Ito ay tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
  • 24. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.
  • 25. Mga Elemento ng Kultura 2. Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat.
  • 26. Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan
  • 27. Mga Elemento ng Kultura 3. Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan
  • 28. Uri ng Norms Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa
  • 29. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan
  • 30. Mga Elemento ng Kultura 4. Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan
  • 31. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda
  • 32. Ang Sociological Imagination Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pagunawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan
  • 33. Ayon kay C.Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
  • 34. Isyung Personal Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
  • 35. Isyung Panlipunan Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
  • 36. Isyung Personal at Isyung Panlipunan Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura.
  • 37. Isyung Personal at Isyung Panlipunan Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan.
  • 38. Sanggunian:  Araling Panlipunan Curriculum Guide  Araling Panlipunan 10 Kontemporaryung Isyu (Kagamitan ng Mag-aaral) pahina 13-24
  • 39. May-akda: MEJICANO F. QUINSAY, JR. Teacher II/Araling Panlipunan Baquilan Resettlement High School Botolan, Zambales