Skip to main content
SIMSTRATEGIC INTERVENTION MATERIALS
Prepared by:
MEJICANO F. QUINSAY,JR.
Teacher II
ARALING PANLIPUNAN 10
Second Quarter
Table of Contents
 Guide Card
 Activity Card
 Assessment Card
 Enrichment Card
 Answer Card
 Reference Card
 Descriptive Rating for Correct Response
Guide Card
Ang mga sumusunod na gawain ay naglalayong higit na mapalalim pa ang pag-
unawa sa aralin tungkol sa Migrasyon
Least Mastered Skills:
AP10MIG-IIh-8
Naipapaliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon
AP10MIG-IIi-9
Naipapaliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika
at pangkabuhayan
Activity Card 1
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1.Ang _____ ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi
ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o
citizenship.
2.Ang _____ ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging
destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
3.Ang _____ ay isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang nakapagtapos ng
kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat
ditto
4.Ang _____ na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international accrediting
agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
5._____ ang tawag sa asawang lalaking umaako sa responsibilidad ngasawang babae
Washington Accord Permanent Migrants Bologna Accord
House Husband Migration Transition
Activity Card 2
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pangungusap
_____1. Ang mga nakatapos ng engineering course sa mga bansang hindi accredited ng
Washington Accord ay hindi makakapagtrabaho sa mga bansang kasapi ng Washington Accord.
_____2. Ang sobrang bilang ng taon sa basic education sa Pilipinas ang dahilan kaya
second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino.
_____3. Ang Secondary Education Curriculum ang tugon ng Pilipinas para iakma ang sistema
ng edukasyon sa ibang bansa na may 12 taon sa basic education.
_____4. Ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon ay mas maraming mga kalalakihan
ang nangingibang bansa.
_____5. May mga mangagawang Pilipino sa ibang bansa na napupunta sa maayos na
sitwasyon at may nakakaranas rin naman ng mga pang-aabuso.
Assessment Card 1
Panuto: Kaalaman sa Katawagan.Ibigay ang hinihinging kasagutan
1._____ Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
2._____ Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
3._____Ito ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
4._____Ito ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan
5._____Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang
permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon
Assessment Card 2
Panuto: Piliin sa pamamagitan ng pagsalungghuit sa salitang kukumpleto sa pangungusap sa
loob ng panaklong.
1.Si Oliver ay nagtatrabaho ng walang kaukulang dokumento sa Korea, siya ay maituturing na
(permanent migrant, temporary migrant, irregular migrant)
2. Si Hideyoshi ay isang Hapones na nag-aaral sa ating bansa. Siya ay (permanent migrant,
temporary migrant, irregular migrant)
3.Si Rodrigo ay nagging Canadian citizen nang mapangasawa niya ang kanyang dating
kaibigan sa Facebook. Siya ay maituturing na (permanent migrant, temporary migrant, irregular
migrant).
4.Ang mga OFW na TNT ay maituturing na (permanent migrant, temporary migrant, irregular
migrant)
5. Si Lloyd ay nabigyan ng working visa na anim na buwan sa Italy. Siya ay (permanent
migrant, temporary migrant, irregular migrant)
Enrichment Card 1
Panuto: Ayusin ang scrambled letters para mabuo ang mga dahilan ng pag-alis o paglipat sa
ibang bansa
1.YAHUBPANAH na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng
masaganang pamumuhay
2.paghahanap ng SATGIL na NARITAH
3.HITAYGAPHIKAng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang
bansa;
4.GAP-LARAA o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado
Answer Card
Activity Card 1
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.
1.Ang Permanent Migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang
trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng
pagkamamamayan o citizenship.
2.Ang Migration Transition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan
ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
3.Ang Bologna Accord ay isang kasunduan na naglalayon na iakma ang kurikulum ng bawat isa upang ang
nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay
nagnanais na lumipat ditto
4.Ang Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga
international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang
kasaping bansa.
5.House Husband ang tawag sa asawang lalaking umaako sa responsibilidad ngasawang babae
Washington Accord Permanent Migrants Bologna Accord
House Husband Migration Transition
Answer Card
Activity Card 2
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI ang bawat pangungusap
TAMA 1.Ang mga nakatapos ng engineering course sa mga bansang hindi accredited ng
Washington Accord ay hindi makakapagtrabaho sa mga bansang kasapi ng Washington Accord.
MALI 2. Ang sobrang bilang ng taon sa basic education sa Pilipinas ang dahilan kaya
second class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino. (kakulangan)
MALI 3. Ang Secondary Education Curriculum ang tugon ng Pilipinas para iakma ang
sistema ng edukasyon sa ibang bansa na may 12 taon sa basic education. (K to 12 Basic
Education Curriculum)
MALI 4. Ang ibig sabihin ng peminisasyon ng migrasyon ay mas maraming mga kalalakihan
ang nangingibang bansa. (kababaihan)
TAMA 5.May mga mangagawang Pilipino sa ibang bansa na napupunta sa maayos na
sitwasyon at may nakakaranas rin naman ng mga pang-aabuso.
Answer Card
Assessment Card 1
Panuto: Kaalaman sa Katawagan.Ibigay ang hinihinging kasagutan
1.Migrasyon Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
2.Flow Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa
sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
3.Stock Ito ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.
4.Irregular Migrants Ito ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi
dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan
5.Temporary Migrants Ito ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon
Answer Card
Assessment Card 2
Panuto: Piliin sa pamamagitan ng pagsalungghuit sa salitang kukumpleto sa pangungusap sa
loob ng panaklong.
1.Si Oliver ay nagtatrabaho ng walang kaukulang dokumento sa Korea, siya ay maituturing na
(permanent migrant, temporary migrant, irregular migrant)
2. Si Hideyoshi ay isang Hapones na nag-aaral sa ating bansa. Siya ay (permanent migrant,
temporary migrant, irregular migrant)
3.Si Rodrigo ay nagging Canadian citizen nang mapangasawa niya ang kanyang dating
kaibigan sa Facebook. Siya ay maituturing na (permanent migrant, temporary migrant, irregular
migrant).
4.Ang mga OFW na TNT ay maituturing na (permanent migrant, temporary migrant, irregular
migrant)
5. Si Lloyd ay nabigyan ng working visa na anim na buwan sa Italy. Siya ay (permanent
migrant, temporary migrant, irregular migrant)
Answer Card
Enrichment Card 1
Panuto: Ayusin ang scrambled letters para mabuo ang mga dahilan ng pag-alis o paglipat sa
ibang bansa
1.HANAPBUHAY na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng
masaganang pamumuhay
2.paghahanap ng LIGTAS na TIRAHAN
3.PAGHIHIKAYAT ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang
bansa;
4.PAG-AARAL o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang
industriyalisado
Reference Card
 K12 Curriculum Guide Araling Panlipunan
 Araling Panlipunan Mga Kontemporaryong Isyu –Kagamitan
ng Mag-aaral pahina 220-235
Descriptive Rating For Correct
Response
SCORE PASSING
SCORE
SCORE PASSING
SCORE
DESCRIPTIVE
RATING
5 5 10 10 Outstanding
4 4 8-9 8-9 Very Satisfactory
3 5-7 Satisfactory
0-2 0-4 Did Not Meet the
Expectations
Author:
MEJICANO F. QUINSAY, JR. is a graduate of Bachelor of
Secondary Education major in Social Studies at the Ramon
Magsaysay Technological University. He also earned his 36 units
of Master of Arts in Education major in Social Studies and
6 units of Master of Arts in Education major in
Educational Management in the said university.
He has been in the teaching profession for 12
years handling Social Studies.