SlideShare a Scribd company logo
ANIM NA SABADO NG BEYBLADE
ni Ferdinand Pisigan Jarin
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na
niyang magdiwang ng kaarawan kahit
hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao
kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati
ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya
malimutan ang
araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa
lahat ng Sabado.
Maraming-maraming laruan. Stuffed toys,
minihelicopter, walkie-talkie, crush gear, remote
controlled cars, at higit sa lahat, ang beyblade.
Ang paborito niyang beyblade.
Maraming-maraming beyblade.Tinanggap niya
ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang
kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang
taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya.
Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade
kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong
Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na
siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti.
Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade
bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.
Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang
nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa
rin niyang maging malakas bagamat talagang di na
kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang
sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga
matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang
gilagid.
Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos
kong ikinagulat nang tanungin niya
ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?)
Dali-dali kong hinugot at binuksan ang
aking pitaka at ipinakitang mayroon itong
laman. Agad akong nagtanong kung ano ang
nais niya na sinagot naman niya ng agarang
pagturo sa isang kalapit na tindahan.
Kung mabilis man akong nakabili ng mga
kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang
umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik
sa aming kinauupuan. Naglalambing
ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa
loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang
nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa
aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong
Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga
buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan
niya ang kaniyang sarili upang tuluyang matanggal
ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng
isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot
upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo
nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal,
bagamat di man lang siya makangiti at makatawa,
kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.
Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas
ng aking anak pagsapit ng ikaapat
na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi
ng beyblade upang mapaikot ito.
Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang
pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya
sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang
sakyan.
Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at
bumababa ang tila oktupos na galamay na
bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng
tingin sa baba at malungkot na ngingitian.
Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang
umuwi.At pagkauwi’y humiga nang humiga at
paulit-ulit na tumingin
sa kawalan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang
Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng
pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking
anak. Ilang sandali matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at
pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang
huling hininga. Namatay siya habang tangan ko
sa aking bisig.
Hinintay lamang niya ang aking pagdating.
Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok
ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya
ang sunod-sunod na palahaw ng matinding
sakit na di nais danasin ng kahit sino.
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin.
Paalam.”
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital.
Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal.
Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na
silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang
tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang
hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang
maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan
at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

More Related Content

What's hot

Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
PRINTDESK by Dan
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Lorelyn Dela Masa
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Jenita Guinoo
 
Filipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at HaikuFilipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at Haiku
Juan Miguel Palero
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
PRINTDESK by Dan
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
Jenita Guinoo
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
Juan Miguel Palero
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Juan Miguel Palero
 
Dahil sa Anak
Dahil sa AnakDahil sa Anak
Dahil sa Anak
Ai Sama
 
Mga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihanMga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihan
Raia Jasmine
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
MartinGeraldine
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15yhabx
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Arlyn Duque
 
Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
Zita Crisostomo
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
Juan Miguel Palero
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Alvin Billones
 

What's hot (20)

Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
Patakarang pananalapi
Patakarang pananalapiPatakarang pananalapi
Patakarang pananalapi
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Filipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at HaikuFilipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at Haiku
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
Filipino 9 Sanaysay
Filipino 9 SanaysayFilipino 9 Sanaysay
Filipino 9 Sanaysay
 
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at OpinyonFilipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
Filipino 9 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon
 
Dahil sa Anak
Dahil sa AnakDahil sa Anak
Dahil sa Anak
 
Mga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihanMga estruktura ng pamilihan
Mga estruktura ng pamilihan
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Aralin 15
Aralin 15Aralin 15
Aralin 15
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
Ang pasaway na palaka
Ang pasaway na palakaAng pasaway na palaka
Ang pasaway na palaka
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 

Viewers also liked

Beyblade
BeybladeBeyblade
Beyblade
eswar kuppili
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Juan Miguel Palero
 
MODALS PPT
MODALS PPTMODALS PPT
MODALS PPT
Nehala Mohd Shafi
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
Nico Granada
 
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Amamhhar
 
Fil
FilFil
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
MANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Spesifayer
SpesifayerSpesifayer
Spesifayer
John Ervin
 
Nang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrianNang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrian
PRINTDESK by Dan
 
Filipino 8 Paghahambing
Filipino 8 PaghahambingFilipino 8 Paghahambing
Filipino 8 Paghahambing
Juan Miguel Palero
 
Ang Ama
Ang AmaAng Ama
Ang Ama
SCPS
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosPRINTDESK by Dan
 
Transitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnigTransitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnig
Lorelyn Dela Masa
 
KABIHASNANG KOREA
KABIHASNANG KOREAKABIHASNANG KOREA
KABIHASNANG KOREA
Rhine Ayson, LPT
 
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga SalitaWastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salita
deathful
 
Modyul 1
Modyul 1Modyul 1
Modyul 1
Betty Lapuz
 
Salitang ugat at panlapi sa pandiwa
Salitang ugat at panlapi sa pandiwaSalitang ugat at panlapi sa pandiwa
Salitang ugat at panlapi sa pandiwa
Janna Marie Ballo
 
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sariliEpp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
Arnel Bautista
 
Kabanata 13 - Noli Me Tangere
Kabanata 13 - Noli Me TangereKabanata 13 - Noli Me Tangere
Kabanata 13 - Noli Me Tangere
John Oliver
 

Viewers also liked (20)

Beyblade
BeybladeBeyblade
Beyblade
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
 
MODALS PPT
MODALS PPTMODALS PPT
MODALS PPT
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama
(Unang Araw) Aralin 1.1 Ang Ama
 
Fil
FilFil
Fil
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Spesifayer
SpesifayerSpesifayer
Spesifayer
 
Nang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrianNang minsang naligaw si adrian
Nang minsang naligaw si adrian
 
Filipino 8 Paghahambing
Filipino 8 PaghahambingFilipino 8 Paghahambing
Filipino 8 Paghahambing
 
Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Ang Ama
Ang AmaAng Ama
Ang Ama
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
 
Transitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnigTransitional devices at pangatnig
Transitional devices at pangatnig
 
KABIHASNANG KOREA
KABIHASNANG KOREAKABIHASNANG KOREA
KABIHASNANG KOREA
 
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga SalitaWastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salita
 
Modyul 1
Modyul 1Modyul 1
Modyul 1
 
Salitang ugat at panlapi sa pandiwa
Salitang ugat at panlapi sa pandiwaSalitang ugat at panlapi sa pandiwa
Salitang ugat at panlapi sa pandiwa
 
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sariliEpp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
Epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
 
Kabanata 13 - Noli Me Tangere
Kabanata 13 - Noli Me TangereKabanata 13 - Noli Me Tangere
Kabanata 13 - Noli Me Tangere
 

Anim na sabado ng beyblade

  • 1. ANIM NA SABADO NG BEYBLADE ni Ferdinand Pisigan Jarin Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado.
  • 2. Maraming-maraming laruan. Stuffed toys, minihelicopter, walkie-talkie, crush gear, remote controlled cars, at higit sa lahat, ang beyblade. Ang paborito niyang beyblade. Maraming-maraming beyblade.Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
  • 3. Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.
  • 4. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid.
  • 5. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan.
  • 6. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
  • 7. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kaniyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
  • 8. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan.
  • 9. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi.At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.
  • 10. Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig.
  • 11. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.
  • 12. “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.