ANG SINAUNANG GRESYA
Isiniwalat ni: Chinphiline Lu & Jayson Lopez
• Sa pagitan ng 1600 at 1400 B.C.E., naging sentro ng
sinaunang Gresya ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean.
• Sa pulo ng Crete nakasentro ang maunlad na uri ng
pamumuhay dito.
• Crete at Greek Peninsula ang sinasabing landuyan ng
kabihasnang Kanluranin.

• Karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng
Gresya sa iba pang panig ng Mundo.
• Ang Karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay.
• Mabato at bulubundukin ang lupain ng Gresya na pangunahing
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga
pamayanan.
ANG MGA MINOAN
•

Ang kabihasnang Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo
ng Creta na nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga
2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang
Miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng
mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir
Arthur Evans noong 1898 ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o
mitikong nilalang na si Haring Minos.

•

Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa
pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939,
inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".
•

Ang Sibilisasyong Minoan na nakabatay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring
sinasabing nagtatag nito, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete mga
3100 B.C. o bago isilang si Kristo.

•

Mainam na pagtaniman ng iba’t ibang halaman at mataba ang kalupaan ng Crete. May mga
kagubatan din ang pulo kung kaya’t sagana sa mga yamang gubat ang mga Minoan. At dahil
dito, napaunlad ng mga Minoan ang kanilang pamayanan at naging kabihasnan.

•

Kilala sila bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya, at sila ay magagaling
rin na mandaragat.

•

Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo at may sistema sila ng pagsulat.

•

Sir Arthur Evans, isang arkeologong Ingles, ay nakatuklas ng mga labi ng Knossos sa gitnang
bahagi ng Crete.

•

Paglipas ng ilan pang taonna tinatayang mula 1600 hanggang 1100 B.C., narating ng Crete ang
kanyang tugatong.

•

Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao.
•

Maharlika

•

Mangangakal

•

Magsasaka

•

Alipin
•

Sila ay masasayahing mga tao at mahilig din sa magagandang bagay at kagamitan. Di rin
nagpapahuli sa palakasan.

•

Sila na marahil ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa
ng mga labanan sa boksing.

•

Tumagal ang sibilisasyong Minoan hanggang 1400 B.C. Nagwakas ito ng salakayin ang
mga Knossos ng mga hindi kilalang mananalakay na sumira at nagwasak ng buong
pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay
bumagsak at isa-isang nawala.

•

Mapayapa ang mga Minoan nang biglang inatake sila ng mga kalamidad tulad ng
pagsabog ng bulkan, paglindol, at tsunami. Isa pang nagpabagsak sa mga Minoan ay ang
pananakop ng mga Mycenaean.
ANG MGA MYCENAEAN
•

Ang mga Mycenaean ay kabaliktaran naman ng mga Minoan. Sila ay nanggaling sa
Peloponnesus. Tinatawag nilang “wanax” ang kanilang hari. Sila ay kilala sa Trojan
War kung saan nasakop nila ang Troy. Ehipto at Cyprus din ang iba sa kanilang mga
sinakop. Sila din ay kilala dahil kay Homer na nagsulat ng sikat na Epikong Iliad.

•

Sila ay naniniwala kay Zeus. Ang kanilang mga libingan ay tinatawag na “beehive tombs”
kung saan ang patay ay nakatayo. Sumasamba sila sa maraming diyos o Polyteismo.
•

Ang mga Mycenaean ay nagmula sa katimugang Russia na nandayuhan sa Balkan
Peninsula at tuluyan nang nanirahan sa Gresya noong 2000 B.C.E. Ang mga Mycenaea
na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging
sentro ng sibilisasyong Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na
daanan at mga tulay. Mahilig sa pakikidigma ang mga Mycenaean. Pinamamahalaan ng
mga punong-militar ang mga lungsod mula 1600 hanggang 1200 B.C.E. Ang karaniwang
nilang ginagamit sa pakikidigma ay kalasag, sibat, at espada. Napapaligiran ng makapal
na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito.

•

Itinuon nila ang kanilang kabuhayan sa pakikipagkalakalan.

•

Napalitan nila ang mga Minoan bilang pangunahing mangangalakal sa Meditterranean.
Yumaman at naging makapangyarihan sila nang malipat sa kanilang kamay ang
pamumuno ng kalakalan sa Aegean Sea.
ANG MGA LUNGSOD NG MYCENAEA AT TROY
•

Ang Myceanaea ang pinakamalaking lungsod na matatagpuan malapit sa kapatagan ng
Argos.

•

Ang pinakatanyag na hari nila ay si Agamemnon.

•

Ang mga guhong labi ng Mycenaea ay natuklasan ni Heinrich Schliemann noong 18761878.

•

Ang Troy ay lungsod na matatagpuan sa Turkey malapit sa Hellespont.

•

Yumayaman at naging makapangyarihan ito dahil sa lokasyon nito.

•

Ito ay matatagpuan sa baybayin ng Dagat Mediterranean kung saan maaari nitong pigilin
ang mga barko ng mga Mycenaean na makipagkalakalan sa Aegean Sea at Black Sea at
sumisingil sa mataas na buwis.
•

Noong una, kinubkob ng mga Mycenaean ang Troy sa kadahilanang na maaring usapin
sa pagkontrol ng rutang pangkalakalan sa Aegean Sea, ngunit sila’y nabigo dahil sa
matitibay na pader dito. Kilala ang labanang ito bilang Trojan War ma tumagal ng 10 taon
bago tuluyang masakop ng mga Mycenaean ang mga Trojan. Ito ang naging batayan ng
tanyag na akda ni Homer, isang bulag na makata na nabuhay noong ikawalang siglo sa
Asia Minor (kasalukuyang Turkey), na Illiad at Obyssey.

•

Ang mga Mycenaean ay gumawa ng isang higanteng estatwang kahoy na kabayo na
kanilang iniwan sa labas ng lungsod ng Troy na naging dahilan ng pagguho ng Troy.
KULTURANG MYCENAEAN
•

Mayaman at maunlad ang kabihasnang Mycenaean. Patunay na dito ang kanilang mga
maskara, palamuti at sandata na yari sa ginto. Ang mga libingan ng mga hari ay naglalaman ng
ginto at magagandang palayok.

•

Mayroon silang sistema ng pagsusulat na natuklasan ni Sir Arthur Evans na tinatawag na
Linear B.

•

Ang ilan sa kanilang mga diyos ay si:
•

Zeus (Pangunahing Diyos)

•

Hera (Asawa ni Zeus)

•

Athena (Diyos ng karunungan)

•

Aphrodite (Diyosa ng kagandahan at pag-ibig)

•

Poseidon (Diyos ng karagatan)

•

Ares (Diyos ng digmaan

•

Apollo (Diyos ng Araw)
•

Ang Mycenaean ay bumagsak dahil sa pagsakop ng mga dayuhan, paglikas, at kawalan
ng kaalaman.

•

Isa ring dahilan ay patuloy na paglalaban ng iba’t ibang kaharian. Humina ang kanilang
kapangyarihan dahil sinasabing noong 1100 B.C. isang pangkat ng tao mula sa hilaga
nag pumasok sa Gresya at isinupo ang mga Mycenaean na kinilalang mga Dorian.

•

Pamayanang Ionian ay isang pangkat ng tao na mayroong kaugnayan sa mga
Mycenaean na tumungo sa timog ng Gresya sa may lupain sa Asya Minor sa hangganan
ng karagatang Aegean. Nakilala sila bilang mga Ionian.

•

Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon ng Gresya na
tumagal din ng halos 300 taon.

•

Hellenes o Greeks- ang tawag ng mga pamayanan sa baybayin ng Gresya sa kanilang
mga sarili. Kinilala ito sa kasaysayan bilang sibilisasyong Heleniko mula sa kanilang
tawag sa Gresya na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 B.C. hanggang 400 B.C. at naging
isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Ang Sinaunang Gresya (Araling Panlipunan III)

  • 1.
    ANG SINAUNANG GRESYA Isiniwalatni: Chinphiline Lu & Jayson Lopez
  • 2.
    • Sa pagitanng 1600 at 1400 B.C.E., naging sentro ng sinaunang Gresya ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. • Sa pulo ng Crete nakasentro ang maunlad na uri ng pamumuhay dito. • Crete at Greek Peninsula ang sinasabing landuyan ng kabihasnang Kanluranin. • Karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Gresya sa iba pang panig ng Mundo. • Ang Karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. • Mabato at bulubundukin ang lupain ng Gresya na pangunahing sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan.
  • 3.
    ANG MGA MINOAN • Angkabihasnang Minoe o sibilisasyong Minoano ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nagsimula noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong mga 2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK, bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng mga Minoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat nagmula lamang kay Sir Arthur Evans noong 1898 ang kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o mitikong nilalang na si Haring Minos. • Muling natuklasan ang kalinangang Minoe sa pagsisimula ng ika-20 daangtaon sa pamamagitan ng pangunguna ni Evans, isang Britanikong arkeologo. Noong 1939, inilarawan ito ni Will Durant bilang "ang unang ugnay sa loob ng tanikalang Europeo".
  • 4.
    • Ang Sibilisasyong Minoanna nakabatay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete mga 3100 B.C. o bago isilang si Kristo. • Mainam na pagtaniman ng iba’t ibang halaman at mataba ang kalupaan ng Crete. May mga kagubatan din ang pulo kung kaya’t sagana sa mga yamang gubat ang mga Minoan. At dahil dito, napaunlad ng mga Minoan ang kanilang pamayanan at naging kabihasnan. • Kilala sila bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya, at sila ay magagaling rin na mandaragat. • Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo at may sistema sila ng pagsulat. • Sir Arthur Evans, isang arkeologong Ingles, ay nakatuklas ng mga labi ng Knossos sa gitnang bahagi ng Crete. • Paglipas ng ilan pang taonna tinatayang mula 1600 hanggang 1100 B.C., narating ng Crete ang kanyang tugatong. • Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao. • Maharlika • Mangangakal • Magsasaka • Alipin
  • 5.
    • Sila ay masasayahingmga tao at mahilig din sa magagandang bagay at kagamitan. Di rin nagpapahuli sa palakasan. • Sila na marahil ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing. • Tumagal ang sibilisasyong Minoan hanggang 1400 B.C. Nagwakas ito ng salakayin ang mga Knossos ng mga hindi kilalang mananalakay na sumira at nagwasak ng buong pamayanan. Tulad ng inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala. • Mapayapa ang mga Minoan nang biglang inatake sila ng mga kalamidad tulad ng pagsabog ng bulkan, paglindol, at tsunami. Isa pang nagpabagsak sa mga Minoan ay ang pananakop ng mga Mycenaean.
  • 6.
    ANG MGA MYCENAEAN • Angmga Mycenaean ay kabaliktaran naman ng mga Minoan. Sila ay nanggaling sa Peloponnesus. Tinatawag nilang “wanax” ang kanilang hari. Sila ay kilala sa Trojan War kung saan nasakop nila ang Troy. Ehipto at Cyprus din ang iba sa kanilang mga sinakop. Sila din ay kilala dahil kay Homer na nagsulat ng sikat na Epikong Iliad. • Sila ay naniniwala kay Zeus. Ang kanilang mga libingan ay tinatawag na “beehive tombs” kung saan ang patay ay nakatayo. Sumasamba sila sa maraming diyos o Polyteismo.
  • 7.
    • Ang mga Mycenaeanay nagmula sa katimugang Russia na nandayuhan sa Balkan Peninsula at tuluyan nang nanirahan sa Gresya noong 2000 B.C.E. Ang mga Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng sibilisasyong Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Mahilig sa pakikidigma ang mga Mycenaean. Pinamamahalaan ng mga punong-militar ang mga lungsod mula 1600 hanggang 1200 B.C.E. Ang karaniwang nilang ginagamit sa pakikidigma ay kalasag, sibat, at espada. Napapaligiran ng makapal na pader ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaaring lumusob dito. • Itinuon nila ang kanilang kabuhayan sa pakikipagkalakalan. • Napalitan nila ang mga Minoan bilang pangunahing mangangalakal sa Meditterranean. Yumaman at naging makapangyarihan sila nang malipat sa kanilang kamay ang pamumuno ng kalakalan sa Aegean Sea.
  • 8.
    ANG MGA LUNGSODNG MYCENAEA AT TROY • Ang Myceanaea ang pinakamalaking lungsod na matatagpuan malapit sa kapatagan ng Argos. • Ang pinakatanyag na hari nila ay si Agamemnon. • Ang mga guhong labi ng Mycenaea ay natuklasan ni Heinrich Schliemann noong 18761878. • Ang Troy ay lungsod na matatagpuan sa Turkey malapit sa Hellespont. • Yumayaman at naging makapangyarihan ito dahil sa lokasyon nito. • Ito ay matatagpuan sa baybayin ng Dagat Mediterranean kung saan maaari nitong pigilin ang mga barko ng mga Mycenaean na makipagkalakalan sa Aegean Sea at Black Sea at sumisingil sa mataas na buwis.
  • 9.
    • Noong una, kinubkobng mga Mycenaean ang Troy sa kadahilanang na maaring usapin sa pagkontrol ng rutang pangkalakalan sa Aegean Sea, ngunit sila’y nabigo dahil sa matitibay na pader dito. Kilala ang labanang ito bilang Trojan War ma tumagal ng 10 taon bago tuluyang masakop ng mga Mycenaean ang mga Trojan. Ito ang naging batayan ng tanyag na akda ni Homer, isang bulag na makata na nabuhay noong ikawalang siglo sa Asia Minor (kasalukuyang Turkey), na Illiad at Obyssey. • Ang mga Mycenaean ay gumawa ng isang higanteng estatwang kahoy na kabayo na kanilang iniwan sa labas ng lungsod ng Troy na naging dahilan ng pagguho ng Troy.
  • 10.
    KULTURANG MYCENAEAN • Mayaman atmaunlad ang kabihasnang Mycenaean. Patunay na dito ang kanilang mga maskara, palamuti at sandata na yari sa ginto. Ang mga libingan ng mga hari ay naglalaman ng ginto at magagandang palayok. • Mayroon silang sistema ng pagsusulat na natuklasan ni Sir Arthur Evans na tinatawag na Linear B. • Ang ilan sa kanilang mga diyos ay si: • Zeus (Pangunahing Diyos) • Hera (Asawa ni Zeus) • Athena (Diyos ng karunungan) • Aphrodite (Diyosa ng kagandahan at pag-ibig) • Poseidon (Diyos ng karagatan) • Ares (Diyos ng digmaan • Apollo (Diyos ng Araw)
  • 11.
    • Ang Mycenaean aybumagsak dahil sa pagsakop ng mga dayuhan, paglikas, at kawalan ng kaalaman. • Isa ring dahilan ay patuloy na paglalaban ng iba’t ibang kaharian. Humina ang kanilang kapangyarihan dahil sinasabing noong 1100 B.C. isang pangkat ng tao mula sa hilaga nag pumasok sa Gresya at isinupo ang mga Mycenaean na kinilalang mga Dorian. • Pamayanang Ionian ay isang pangkat ng tao na mayroong kaugnayan sa mga Mycenaean na tumungo sa timog ng Gresya sa may lupain sa Asya Minor sa hangganan ng karagatang Aegean. Nakilala sila bilang mga Ionian. • Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon ng Gresya na tumagal din ng halos 300 taon. • Hellenes o Greeks- ang tawag ng mga pamayanan sa baybayin ng Gresya sa kanilang mga sarili. Kinilala ito sa kasaysayan bilang sibilisasyong Heleniko mula sa kanilang tawag sa Gresya na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 B.C. hanggang 400 B.C. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.