SlideShare a Scribd company logo
Ang Huling Paalam ni Jose Rizal
•Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t
walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort
Santiago, isinilid sa kusinilyang
dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si
Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya
bago siya (Rizal) barilin.
•Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo
Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o
obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay
isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif,
tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano,
Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din
sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng
Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan,
Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.
•Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang
pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa
Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na
matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni
Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya
ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay
na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala
siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa
kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang
bayan.
•Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
•Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
•Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.
•Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
•Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang-araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
•Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang
•Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.
•Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,
•Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa kung gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!
•Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buhay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
•Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
•Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.
•Bayaan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.
•Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa krus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.
•Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
•Bayaang ang aking maagang pagpanaw,
Itangis ng isang lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman
•Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.
•Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.
•Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan
•Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitan ka ng aking paggiliw.
•Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang krus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.
•Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalat munag parang kapupunan ng
iyong alabok sa lupang tuntungan.
•Sa gayo’y wala ang anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.
•Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag at kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
•Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t puno ng mapang-aba,
doo’y di namatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.
•Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
•Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.

More Related Content

Similar to Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading

Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
Ang huling paalam
Ang huling paalamAng huling paalam
Ang huling paalam
maria myrma reyes
 
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Mi Ultimo Adios ni Jose RizalMi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
isabel guape
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
KimberlyLaluan
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laurahighdrome
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
RoxsanBCaramihan
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Liezel Ann Aguilar
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
Bay Max
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
DepEd
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Omegaxis26
 
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdfMi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
BautistaMaryRose
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
marryrosegardose
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
MiaLangaySanz
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
Sanji Zumoruki
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
Sanji Zumoruki
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Paul Pruel
 
Similar to Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading (20)

Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
Ang huling paalam
Ang huling paalamAng huling paalam
Ang huling paalam
 
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Mi Ultimo Adios ni Jose RizalMi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
 
Mi ultimo adios
Mi ultimo adiosMi ultimo adios
Mi ultimo adios
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
 
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdfMi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdaminMga tula at kuwento ng puso at damdamin
Mga tula at kuwento ng puso at damdamin
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
More from JOHNNYGALLA2

2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-edited powerpoint by Johnny Galla.pptx
2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-edited powerpoint by Johnny Galla.pptx2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-edited powerpoint by Johnny Galla.pptx
2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-edited powerpoint by Johnny Galla.pptx
JOHNNYGALLA2
 
2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-updated.pptx
2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-updated.pptx2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-updated.pptx
2nd-degree-exem.-by-bro.-Ernie-updated.pptx
JOHNNYGALLA2
 
Functionality of Bureau of Customs in the Philippines
Functionality of Bureau of Customs in the PhilippinesFunctionality of Bureau of Customs in the Philippines
Functionality of Bureau of Customs in the Philippines
JOHNNYGALLA2
 
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptxaraling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
araling panlipunan 5 periodical testpt.pptx
JOHNNYGALLA2
 
review materials for agriculture periodic exam
review materials for agriculture periodic examreview materials for agriculture periodic exam
review materials for agriculture periodic exam
JOHNNYGALLA2
 
PRESCRIPTIVE-EVALUATION-GALLA-JOHNNY-G..pptx
PRESCRIPTIVE-EVALUATION-GALLA-JOHNNY-G..pptxPRESCRIPTIVE-EVALUATION-GALLA-JOHNNY-G..pptx
PRESCRIPTIVE-EVALUATION-GALLA-JOHNNY-G..pptx
JOHNNYGALLA2
 
ppt2.pptx
ppt2.pptxppt2.pptx
ppt2.pptx
JOHNNYGALLA2
 
BERT-prepare to respond Feb2020 LT.pdf
BERT-prepare to respond Feb2020 LT.pdfBERT-prepare to respond Feb2020 LT.pdf
BERT-prepare to respond Feb2020 LT.pdf
JOHNNYGALLA2
 
BERT-know your dangers Feb2020 LT.pdf
BERT-know your dangers Feb2020 LT.pdfBERT-know your dangers Feb2020 LT.pdf
BERT-know your dangers Feb2020 LT.pdf
JOHNNYGALLA2
 
BERT-protect yourself Feb2020 LT.pdf
BERT-protect yourself Feb2020 LT.pdfBERT-protect yourself Feb2020 LT.pdf
BERT-protect yourself Feb2020 LT.pdf
JOHNNYGALLA2
 
1st degree exemplification ceremonials.pptx
1st degree exemplification ceremonials.pptx1st degree exemplification ceremonials.pptx
1st degree exemplification ceremonials.pptx
JOHNNYGALLA2
 
code-of-ethics-MAGNA-CARTA-FOR-PUBLIC-SCHOOL-TEACHERS-pptx.pptx
code-of-ethics-MAGNA-CARTA-FOR-PUBLIC-SCHOOL-TEACHERS-pptx.pptxcode-of-ethics-MAGNA-CARTA-FOR-PUBLIC-SCHOOL-TEACHERS-pptx.pptx
code-of-ethics-MAGNA-CARTA-FOR-PUBLIC-SCHOOL-TEACHERS-pptx.pptx
JOHNNYGALLA2
 
More from JOHNNYGALLA2 (12)

Ang Huling Paalam ni Jose Rizal material for chorale reading

  • 1. Ang Huling Paalam ni Jose Rizal •Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya (Rizal) barilin.
  • 2. •Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.
  • 3. •Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan.
  • 4. •Paalam na, sintang lupang tinubuan, Bayang masagana sa init ng araw, Edeng maligaya sa ami’y pumanaw At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
  • 5. •Inihahandog ko ng ganap na tuwa Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba; Naging dakila ma’y iaalay rin nga Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
  • 6. •Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban Handog din sa iyo ang kanilang buhay, Hirap ay di pansin at di gunamgunam Ang pagkaparool o pagtagumpay.
  • 7. •Bibitaya’t madlang mabangis na sakit O pakikibakang lubhang mapanganib, Pawang titiisin kung ito ang nais Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
  • 8. •Ako’y mamamatay ngayong minamalas Ang kulay ng langit na nanganganinag Ibinababalang-araw ay sisikat Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
  • 9. •Kung dugo ang iyong kinakailangan Sa ikadidilag ng iyong pagsilang, Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang Nang gumigiti mong sinag ay kuminang
  • 10. •Ang mga nasa ko, mulang magkaisip, Magpahanggang ngayon maganap ang bait, Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit Ng dagat Silangan na nakaliligid.
  • 11. •Noo mo’y maningning at sa mga mata Mapait na luha bakas ma’y wala na, Wala ka ng poot, wala ng balisa, Walang kadungua’t munti mang pangamba,
  • 12. •Sa sandaling buhay maalab kong nais Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit Ng kaluluwa kung gayak ng aalis: Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!
  • 13. •Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang, Mamatay at upang mabigyan kang buhay, Malibing sa lupang puspos ng karika’t Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
  • 14. •Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin Nipot na bulaklak sa aba kong libing, Sa gitna ng mga damong masisinsin, Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
  • 15. •Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis, Mataos na taghoy ng may sintang sibsib, Bayang tumaggap noo ko ng init, Na natatabunan ng lupang malamig.
  • 16. •Bayaan mong ako’y malasin ng buwan Sa liwang niyang hilano’t malamlam; Bayan ihatid sa aking liwayway Ang banaang niyang dagling napaparam.
  • 17. •Bayaang humalik ang simoy ng hangin; Bayaang sa huning masaya’y awitin Ng darapong ibon sa krus ng libing Ang buhay payapang ikinaaaliw.
  • 18. •Bayaang ang araw na lubhang maningas Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap, Maging panganuring sa langit umakyat, At ang aking daing ay mapakilangkap.
  • 19. •Bayaang ang aking maagang pagpanaw, Itangis ng isang lubos na nagmamahal; Kung may umalala sa akin ng dasal, Ako’y iyo sanang idalangin naman
  • 20. •Idalangin mo rin ang di nagkapalad, Na nangamatay na’t yaong nanganhirap sa daming pasakit, at ang lumalangap naming mga ina luhang masaklap.
  • 21. •Idalangin sampo ng bawa’t ulila at nangapipiit na tigib ng dusa; idalangin mo ring ikaw’y matubos na sa pagkaaping laong binata.
  • 22. •Kung nababalot na ang mga libingan Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw, at wala ng tanod kundi pawing patay, huwang gambalain ang katahimikan
  • 23. •Pagpitagan mo ang hiwagang lihim, at mapapakinggan ang tinig marahil, ng isang saltero: Ito nga’y ako ring inaawitan ka ng aking paggiliw.
  • 24. •Kung ang libingan kong limot na ang madla ay wala nang krus at bato mang tanda sa nangangabubukid ay ipaubayang bungkali’t isabog ang natipong lupa.
  • 25. •Ang mga abo ko’y bago pailanglang mauwi sa wala na pinaggalingan, ay makalat munag parang kapupunan ng iyong alabok sa lupang tuntungan.
  • 26. •Sa gayo’y wala ang anoman sa akin, na limutin mo ma’t aking lilibutin ang himpapawid mo kaparanga’t hangin at ako sa iyo’y magiging taginting.
  • 27. •Bango, tinig, higing, awit na masaya liwanag at kulay na lugod ng mata’t uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
  • 28. •Ako’y yayao na sa bayang payapa, na walang alipi’t puno ng mapang-aba, doo’y di namatay ang paniniwala at ang naghahari Diyos na dakila.
  • 29. •Paalam anak, magulang, kapatid, bahagi ng puso’t unang nakaniig, ipagpasalamat ang aking pag-alis sa buhay na itong lagi ng ligalig.
  • 30. •Paalam na liyag, tanging kaulayaw, taga ibang lupang aking katuwaan, paaalam sa inyo, mga minamahal; mamatay ay ganap na katahimikan.