KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ACTIVITY SHEET
PANGALAN:_______________________ GRADO AT SEKSYON:________ PETSA:________ PUNTOS:________
Gawain 1: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga gawain na nagpapayaman sa wika at kulturang
Pilipino.
Wikang Pilipino
Ni Alcomtiser P. Tumangan
Nang lalangin nitong Diyos itong mundo sa pag-ibig
Bawat bansa’t binigyan
Niya ng sariling wika’t tinig. yaong hapon ay Niponggo,
Amerikano nama’y Ingles
namang Pilipino’y Filipinong anong tamis.
Saka ngayon Malaya na’t nag-iisa itong bansa
May laya na sa paggamit ng sarili nating wika,
Bakit pa ba nagpipilit maalila at madusta
Ang dila mo’t saka ang diwang ibinigay ni Bathala?
Dapat lamang tantuin itong wika ay pambigkis
Tanikalang bumubuklod sa damdamin nati’t isip,
Isang bayang walang wika na sa sarili’t inibig
Bayang patay, walang diwa, alipin at walang bait.
Si Gat Rizal ay nagsabi na sa wika ay manggagad
Sa hayop ay masahol pa, isdang kapak ang katulad
Ngunit bakit hanggang ngayon kayrami pang
nanghuhudas
Ang sarili nating wika’y dinudusta’t hinahamak?
Kung ikaw ay Pilipinong sa bayan ay nagmamahal
Mamahalin itong wikang sarili ng ating bayan,
Itong hiram itatakwil hahanapi’y kalayaan
Ng isip mo’t pagkataong ang Maykapal ang nagbigay
Sagutin ang mga tanong upang matukoy ang diwang isinasaad ng binasa:
1. Aling wika ang natukoy sa unang saknong na kaloob para sa mga Pilipino?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________ ________________________________________________________________________
2. Ano ang halaga ng pagkakaroon ng wikang alinsunod sa nakasaad sa ikatlong saknong?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________ ________________________________________________________________________
3. Bakit Filipino at hindi ang ibang wika ang dapat na pahalagahan nating mga Pilipino?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________ ________________________________________________________________________
4. Paano natin mapapahalagahan ang wikang handog sa atin ng maykapal?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________ ________________________________________________________________________
Gawain 2. Basahin at unawain natin ang akdang nasa ibaba.
Mga Kahalagahan ng Wika
Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon.
Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon
hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at paglaganap ng kultura sa bawat grupo ng tao.
Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa
tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Isang
magandang halimbawa nito ang mga payyo (tinatawag ding payao o payaw) ang hagdan-hangdang taniman ng palay ng
mga Igorot.
Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Hindi
tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at
pagkilala sa sarili. Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at
pagkakakilanlan. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito. Wika ang
nasisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. Bawat bansa ay may kani-kaniyang
yaman ng mga karunungan at kaalaman. Ang mga naimbak na karunungan at kaalaman sa isip at dila ng sinaunang
mamamayan ay nagagawang magpasalin-salin sa mga sumunod na henerasyon dahil sa wika. Nagkakaroon din ng
hiraman ng mga karunungan at kaalamang nakasulat at nakalimbag dahil naisasalin sa sariling wika ng isang bansa.
Halimbawa, lumaganap ang Bibliya nang maisalin sa iba’t ibang wika. Naging mahalagang instrumento ang wika para
maunawaan ng daigdig ang nilalaman ng Bibliya at maipakalat ang Kristiyanismo sa mundo. Ang nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay naisalin sa iba’t ibang wika ng daigdig, gayundin ang mga akda ni F.
Sionil Jose, isang Pilipinong nagsusulat sa wikang Ingles at ang awit na “Anak’ ni Freddie Aguilar.
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay na wika para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Mas nagkakaunawaan ang mga taong sa isang bansa at nakabubuo
ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat isa.
Hindi matatatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa. Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng
kultura at/o paraan ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakalan, walang pagbabahagi ng tuklas at imbensiyon,
walang palitan ng talino at kaalaman, walang diplomatikong pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at walang
pagtutulungan sa paglinang siyensiya at teknolohiya. Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng pagkabigo ng
sangkatauhan. Sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang
sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa’t isa.
Halaw mula sa Batayang Aklat
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Rex Publishing 2016
Gawain 3: Batay sa binasang teksto, isulat sa mga batya ng natutuhan ang espesipikong tulong ng wika sa mga
sumusunod na larangan.
Edukasyon Sensiya
Batas
Medisina
Media Teknolohiya
B. May ilang konseptong pangwika ang nabanggit sa siniping akda. Ipaliwanag ang ugnayan nito sa wika at
naitutulong nito sa tao.
a. Komunikasyon
b. Lingua Franca
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Panitikan
Musika
Sining
Negosyo
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga
taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-
ugnayan.
3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong
pantao.
4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito
ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at
simetrikal na estraktura.
5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang
kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao.
6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa
isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag.
7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na
komunidad.
TUKLASIN
Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming
kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka
naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na
naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan. Sa kabilang dako, nagkaroon ng
ibang kahulugan at kabuluhan ang wika sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo.
Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan at
kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang pambansa o opisyal
na wika. Ang dating wikang Tagalog na napalitan ng Filipino ay patunay lang na patuloy na umuunlad ang ating bansa
lalo na ang ating bokabularyo. Bukod sa wikang opisyal tinatawag din itong pambansang lingua franca dahil ito ang
ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika. Sa larangan naman ng pormal na edukasyon,
Filipino ang wikang panturo sa mga paaralan sa iba’t ibang asignatura gaya ng Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa
Pagpapahalaga at maging sa MAPEH at TLE ay sinasalitan din nila ng Filipino. Layunin nito ang mapabilis ang pagkatuto
ng mga mag-aaral at maiangat ang antas ng mga kababayan.
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ACTIVITY SHEET
Pangalan:_______________________________Grado at Seksiyon:________Petsa:______Puntos:_____
Gawain 1: Tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng konseptong pangwika ayon sa wikang panturo at wikang opisyal.
1. “Hindi mo ba kilala ang taong yon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya si John Marshall, ang bantog na mahistrado rito ng
Estados Unidos. Namula ang binata sapagkat di talaga sila magkaintindihan
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal at Panturo d. Wikang Bilinggwal
2. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca
3. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap
sapagkat di sila magkaintindihan.
a. Wikang Bilinggwal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Hiram
4. Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin.
a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal c. Wikang Panturo at Opisyal d. Wikang Bilinggwal
5. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca
Gawain 2: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas.
a. Phil. Constitution 1977 b. Phil. Constitution 1997
c. Phil. Constitution 1987 d. Phil. Constitution 2007
2. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon.
a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Barayti ng wika
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika.
a. Morpema b. Simbolo c. Sintaks d. Ponema
4. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog
5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita
a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Ikalawang wika d. Unang wika
6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua
a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila
7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggwal
8. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog.
a. dayalek b. salita c. dila d. wika
9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.
a. Wikang Ladino b. Wikang Minotaryo c. Wikang Opisyal d. Wikang Sardo
10.Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng edukasyon
a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Naturalismo
11.Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca
12. Ang wika ay nagbabago.
a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili
13. Kinikilalang lingua franca ng mundo
a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles
14.Makahulugang tunog ng isang wika
a. Sintaksis b. Morpema c. Diskurso d. Ponema
15.Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino
a. Filipino b. Tagalog c. Cebuano d. Ingles

Activity Sheet-Komunikasyon-wk 1. activity taladocx

  • 1.
    KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIKSA WIKA AT KULTURANG PILIPINO ACTIVITY SHEET PANGALAN:_______________________ GRADO AT SEKSYON:________ PETSA:________ PUNTOS:________ Gawain 1: Basahin, suriin at unawain ang mga naihandang mga gawain na nagpapayaman sa wika at kulturang Pilipino. Wikang Pilipino Ni Alcomtiser P. Tumangan Nang lalangin nitong Diyos itong mundo sa pag-ibig Bawat bansa’t binigyan Niya ng sariling wika’t tinig. yaong hapon ay Niponggo, Amerikano nama’y Ingles namang Pilipino’y Filipinong anong tamis. Saka ngayon Malaya na’t nag-iisa itong bansa May laya na sa paggamit ng sarili nating wika, Bakit pa ba nagpipilit maalila at madusta Ang dila mo’t saka ang diwang ibinigay ni Bathala? Dapat lamang tantuin itong wika ay pambigkis Tanikalang bumubuklod sa damdamin nati’t isip, Isang bayang walang wika na sa sarili’t inibig Bayang patay, walang diwa, alipin at walang bait. Si Gat Rizal ay nagsabi na sa wika ay manggagad Sa hayop ay masahol pa, isdang kapak ang katulad Ngunit bakit hanggang ngayon kayrami pang nanghuhudas Ang sarili nating wika’y dinudusta’t hinahamak? Kung ikaw ay Pilipinong sa bayan ay nagmamahal Mamahalin itong wikang sarili ng ating bayan, Itong hiram itatakwil hahanapi’y kalayaan Ng isip mo’t pagkataong ang Maykapal ang nagbigay Sagutin ang mga tanong upang matukoy ang diwang isinasaad ng binasa: 1. Aling wika ang natukoy sa unang saknong na kaloob para sa mga Pilipino? __________________________________________________________________________________________________ __________________________ ________________________________________________________________________ 2. Ano ang halaga ng pagkakaroon ng wikang alinsunod sa nakasaad sa ikatlong saknong? __________________________________________________________________________________________________ __________________________ ________________________________________________________________________ 3. Bakit Filipino at hindi ang ibang wika ang dapat na pahalagahan nating mga Pilipino? __________________________________________________________________________________________________ __________________________ ________________________________________________________________________ 4. Paano natin mapapahalagahan ang wikang handog sa atin ng maykapal? __________________________________________________________________________________________________ __________________________ ________________________________________________________________________ Gawain 2. Basahin at unawain natin ang akdang nasa ibaba. Mga Kahalagahan ng Wika Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng wika ang pagiging instrumento nito sa komunikasyon. Mahihirapang magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang sa pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong, at paglaganap ng kultura sa bawat grupo ng tao. Nagkakahiraman ng kultura ang mga bansa sa tulong ng wika. Kung walang wika, walang magagamit na pantawag sa
  • 2.
    tradisyon at kalinangan,paniniwala, pamahiin at sa iba pang bagay na kaugnay ng pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Naipakikilala ang kultura dahil sa wika. Yumayaman naman ang wika dahil sa kultura. Isang magandang halimbawa nito ang mga payyo (tinatawag ding payao o payaw) ang hagdan-hangdang taniman ng palay ng mga Igorot. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wikang lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili. Malaki ang papel na ginagampanan ng wika bilang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at pagkakakilanlan. Wika ang tagapagbandila ng pagkakakilanlan ng isang bansa at ng mga mamamayan nito. Wika ang nasisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman. Bawat bansa ay may kani-kaniyang yaman ng mga karunungan at kaalaman. Ang mga naimbak na karunungan at kaalaman sa isip at dila ng sinaunang mamamayan ay nagagawang magpasalin-salin sa mga sumunod na henerasyon dahil sa wika. Nagkakaroon din ng hiraman ng mga karunungan at kaalamang nakasulat at nakalimbag dahil naisasalin sa sariling wika ng isang bansa. Halimbawa, lumaganap ang Bibliya nang maisalin sa iba’t ibang wika. Naging mahalagang instrumento ang wika para maunawaan ng daigdig ang nilalaman ng Bibliya at maipakalat ang Kristiyanismo sa mundo. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay naisalin sa iba’t ibang wika ng daigdig, gayundin ang mga akda ni F. Sionil Jose, isang Pilipinong nagsusulat sa wikang Ingles at ang awit na “Anak’ ni Freddie Aguilar. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay na wika para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit. Mas nagkakaunawaan ang mga taong sa isang bansa at nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng komunikasyon ng bawat isa. Hindi matatatawaran ang kahalagahan ng wika sa pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa. Walang saysay ang sangkatauhan kung wala ang wika sapagkat walang hiraman ng kultura at/o paraan ng pamumuhay, walang mangyayaring kalakalan, walang pagbabahagi ng tuklas at imbensiyon, walang palitan ng talino at kaalaman, walang diplomatikong pagkakasundo ang bawat pamahalaan, at walang pagtutulungan sa paglinang siyensiya at teknolohiya. Ang kawalan ng wika ay magdudulot ng pagkabigo ng sangkatauhan. Sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon ng wika ay nagreresulta sa isang maunlad at masiglang sangkatauhang bukas sa pakikipagkasunduan sa isa’t isa. Halaw mula sa Batayang Aklat Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Rex Publishing 2016 Gawain 3: Batay sa binasang teksto, isulat sa mga batya ng natutuhan ang espesipikong tulong ng wika sa mga sumusunod na larangan. Edukasyon Sensiya Batas Medisina Media Teknolohiya
  • 3.
    B. May ilangkonseptong pangwika ang nabanggit sa siniping akda. Ipaliwanag ang ugnayan nito sa wika at naitutulong nito sa tao. a. Komunikasyon b. Lingua Franca __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________ Panitikan Musika Sining Negosyo
  • 4.
    KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIKSA WIKA AT KULTURANG PILIPINO Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Basahin ang sumusunod na pangungusap. 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. 2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag- ugnayan. 3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang Sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. 4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. 5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. 6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag. 7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. TUKLASIN Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento din ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipapalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng kalayaan. Sa kabilang dako, nagkaroon ng ibang kahulugan at kabuluhan ang wika sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo. Ang Wikang Panturo at Wikang Opisyal ay nagkakatulad ng baybay ngunit magkaiba ito ng kahulugan at kahalagahan. Nakapaloob sa Konstitusyon 1987 ng Republika ng Pilipinas ang Filipino bilang wikang pambansa o opisyal na wika. Ang dating wikang Tagalog na napalitan ng Filipino ay patunay lang na patuloy na umuunlad ang ating bansa lalo na ang ating bokabularyo. Bukod sa wikang opisyal tinatawag din itong pambansang lingua franca dahil ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika. Sa larangan naman ng pormal na edukasyon, Filipino ang wikang panturo sa mga paaralan sa iba’t ibang asignatura gaya ng Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapahalaga at maging sa MAPEH at TLE ay sinasalitan din nila ng Filipino. Layunin nito ang mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral at maiangat ang antas ng mga kababayan.
  • 5.
    KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIKSA WIKA AT KULTURANG PILIPINO ACTIVITY SHEET Pangalan:_______________________________Grado at Seksiyon:________Petsa:______Puntos:_____ Gawain 1: Tukuyin ang kahulugan at kahalagahan ng konseptong pangwika ayon sa wikang panturo at wikang opisyal. 1. “Hindi mo ba kilala ang taong yon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya si John Marshall, ang bantog na mahistrado rito ng Estados Unidos. Namula ang binata sapagkat di talaga sila magkaintindihan a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal at Panturo d. Wikang Bilinggwal 2. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca 3. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap sapagkat di sila magkaintindihan. a. Wikang Bilinggwal b. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Hiram 4. Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal c. Wikang Panturo at Opisyal d. Wikang Bilinggwal 5. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca Gawain 2: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas. a. Phil. Constitution 1977 b. Phil. Constitution 1997 c. Phil. Constitution 1987 d. Phil. Constitution 2007 2. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon. a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Barayti ng wika 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika. a. Morpema b. Simbolo c. Sintaks d. Ponema 4. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino b. Pilipino c. Tagalog d. Ingles/Tagalog 5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika b. Katutubong wika c. Ikalawang wika d. Unang wika 6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua a. Teorya b. Kamay c. Wika d. Dila 7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo b. Wikang Ingles c. Wikang Opisyal d. Bilinggwal 8. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog. a. dayalek b. salita c. dila d. wika 9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino b. Wikang Minotaryo c. Wikang Opisyal d. Wikang Sardo 10.Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng edukasyon a. Multilingguwalismo b. Multikulturalismo c. Bilingguwalismo d. Naturalismo
  • 6.
    11.Sa loob ngsilid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo b. Wikang Opisyal at Panturo c. Wikang Opisyal d. Lingua Franca 12. Ang wika ay nagbabago. a. Masistemang balangkas b. Arbitraryo c. Dinamiko d. Pinipili 13. Kinikilalang lingua franca ng mundo a. Mandarin b. Niponggo c. Filipino d. Ingles 14.Makahulugang tunog ng isang wika a. Sintaksis b. Morpema c. Diskurso d. Ponema 15.Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino a. Filipino b. Tagalog c. Cebuano d. Ingles