LESSON CONTENT:
- Ang Kasaysayan ng Climate Change at Global Warming
- Mga Aspektong Politikal, Pang - ekonomiya, Panlipunan kaugnay ng Climate Change
REMIDER:
- All sets for educational purposes only.
Ang Pilipinas ay nahaharap sa mga hamong pangkapaligiran na lubhang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mahalagang maunawaan ang mga hamong ito upang makatugon sa anumang kalalabasan ng mga ito
LESSON CONTENT:
- Ang Kasaysayan ng Climate Change at Global Warming
- Mga Aspektong Politikal, Pang - ekonomiya, Panlipunan kaugnay ng Climate Change
REMIDER:
- All sets for educational purposes only.
Ang Pilipinas ay nahaharap sa mga hamong pangkapaligiran na lubhang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Mahalagang maunawaan ang mga hamong ito upang makatugon sa anumang kalalabasan ng mga ito
Epekto ng globalisasyon sa iba't ibang aspekto ng isang bansa.
AP 10- 2nd quarter
mga positibo at negatibong epekto:
sa kultura
sa ekonomiya
sa politika
Mga kaguro sa Araling Panlipunan isinishare ko po sa inyo ang first quarter module para sa Grade 10 Kontemporaryong Isyu dahil karamihan wala pang reference at hindi tayo nakaattend ng training for G 10 kontemporaryong isyu. sana makatulong ito sa inyo. ATB/2017
Epekto ng globalisasyon sa iba't ibang aspekto ng isang bansa.
AP 10- 2nd quarter
mga positibo at negatibong epekto:
sa kultura
sa ekonomiya
sa politika
Mga kaguro sa Araling Panlipunan isinishare ko po sa inyo ang first quarter module para sa Grade 10 Kontemporaryong Isyu dahil karamihan wala pang reference at hindi tayo nakaattend ng training for G 10 kontemporaryong isyu. sana makatulong ito sa inyo. ATB/2017
AP 10 Solid waste at Suliranin sa KagubatanMika Rosendale
ARALING PANLIPUNANP 10
UNANG MARKAHAN
KONTEMPORARYONG ISYU
Solid waste at suliranin sa kagubatan
Yamang Gubat
Pagkasira ng Likas na Yaman
Deforestation
Yamang Gubat
1. ILAN SA MGA SULIRANIN AT
HAMONG PANGKAPALIGIRAN SA
PILIPINAS
2. Pagkasira ng mga
Likas Yaman
2. Matutunghayan sa bahaging ito ng aralin
ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas
na yaman ng ating bansa.
3. Ang Likas Yaman ng Pilipinas sa
Kasalukuyan
Kagubatan- mula 17 ektarya noong 1934 ay
naging 6.43 milyong ektarya noong 2003.
4. Ang Likas Yaman ng Pilipinas sa
Kasalukuyan
Yamang- Tubig- pagbaba ng kabuuang timbang
ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw
mula sa dating 10 kilo.
5. Ang Likas Yaman ng Pilipinas sa
Kasalukuyan
Yamang Lupa-
pagkasira ng halos
50% ng matabang
lupain sa huling
sampung taon.
Sanggunian: ( Country Environmental Profile, 2005) ( National Economic
Development Authority, 2011)at (Center for Environmental Concerns -
Philippines, 2012)
6. 2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha
natin mula sa kagubatan.
-Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang
na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan,
mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil
kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din
ang pamumuhay ng tao.
-Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t
ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at
iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
7. 2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
-Mayroon ding mga industriya na
nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na
nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa
kagubatan(Philiipine Tropical Forest Conservation
Foundation, 2013).
Sa kabila ng
kahalagahan,
pinangangambahan na
maubos o masira ang
kagubatan ng Pilipinas
kung magpapatuloy ang
deforestation.
8. 2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Deforestation
- tumutukoy sa matagalan o permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain
ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO, 2010)
Nagsimula ang
deforestation sa Pilipinas
noon pang 1500s kung
saan ang noo’y 27
milyong ektarya ng
kagubatan ay naging 7.2
milyong ektarya na
lamang ngayong 2013
(Philippine Climate
Change Commission,
9. Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge
Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng
Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa
Timog silangang Asya (Andrade, 2013).
Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European
Union Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-
based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang
kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European
Commission, 2009).
10. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Illegal logging - Ilegal na
pagputol sa mga puno sa
kagubatan.
Epekto
Ang walang habas na pagputol
ng puno ay nagdudulot ng iba’t
ibang suliranin tulad ng
pagbaha, soil erosion, at
pagkasira ng tahanan ng mga
ibon at hayop. Sa katunayan
noong 2008 ay mayroong
221species ng fauna at 526
species ng flora ang naitala sa
11. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Migration – paglipat ng pook
panirahan
Epekto
Nagsasagawa ng kaingin
(slash-and-burn farming) ang
mga lumilipat sa kagubatan
at kabundukan na nagiging
sanhi ng pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala ng
sustansya ng lupain dito.
12. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Mabilis na pagtaas ng
populasyon
Epekto
Ang mabilis na pagtaas ng
populasyon ng Pilipinas ay
nangangahulugan ng mataas
na demand sa mga
pangunahing produkto kung
kaya’t ang mga dating
kagubatan ay ginawang
plantasyon, subdivision,
paaralan, at iba pang
imprastruktura.
13. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Fuel wood harvesting -paggamit ng puno bilang panggatong.
Isang halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno.
Epekto
Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat
ng National Economic Development Authority (2011),
tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang
gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa
ng produkto, ang mataas na demand sa uling at kahoy ay
nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan.
14. Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests
(2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng
deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain
Ilegal na Pagmimina
Epekto
Apektado ang kagubatan sa
pagmimina dahil kadalasang dito
natatagpuan ang deposito ng
mga mineral tulad ng limestone,
nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin
ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng
pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao
at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na
ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon
sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang
matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at
Mindoro.
15. Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay
nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga
mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na
pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan
nila ng kabuhayan.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang
batas, kautusan, programa at proyekto na isinagawa sa
Pilipinas mula sa pagtutuluungan ng pamahalaan at iba’t
ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan ang
kagubatan.
16. Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng
pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at
mga mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan
ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United Nations
Food and Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay
panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na may malawak na
lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).
17. Gawain 6. Status report
Makibahagi sa iyong pangkat upang gumawa ng
status report tungkol sa suliraning nararanasan
sa iba pang likas na yaman ng ating bansa.