SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
SEKSYON 13. Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan ng mga
Kinatawan ay hindi maaaring humawak sa panahon ng kanyang
panunungkulan ng ano mang ibang katungkulan o pagkaka-empleyado sa
pamahalaan, o sa alin mang bahagi, sangay, instrumentalidad nito, kabilang
ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o mga subsidiary
nito, nang hindi magbibitiw sa kanyang katungkulan. Hindi rin siya dapat
mahirap sa alin mang katungkulan na maaaring nalikha o naragdagan ang
sahod sa loob ng taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa
kanya.
SEKSYON 14. Hindi maaaring personal na humarap ang sino mang
Senador o Kagawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan bilang abogado sa
ano mang hukuman ng katarungan o sa mga Hukumang Panghalalan, o sa
mga kalupunang mala-panghukuman at sa iba pang mga kalupunang
pampangasiwaan. Hindi rin siya dapat maging interesado sa pananalapi
nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata sa, o sa ano mang prangkisa
o tanging pribilehiyo na ipinagkaloob ng Pamahalaan, o ng alin mang bahagi,
sangay, o instrumentalidad nito, kasama ang alin mang korporasyong ari o
kontrolado ng pamahalaan, o ang subsidiary nito, sa loob ng taning ng
panahon ng kanyang panunungkulan. Hindi siya dapat makialam sa ano
mang bagay na maaaring niyang pagkakitaan sa alin mang tanggapan ng
Pamahaalan o bagay na maaari siyang tawagin upang magpasya dahil sa
kanyang katungkulan.
SEKSYON 15. Ang Kongreso ay dapat magsimula ng pulong minsan
isang taonsa ikaapat na Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito,
matangi kung may ibang petsang itakda ang batas, at dapat magpatuloy na
nagsesesyon sa loob ng tiyak na bilang ng mga araw na maaari nitong itakda
hanggang sa tatlumpung araw bago magbukas ang susunod na regular na
sesyon na ito, hindi kasama ang Sabado, mga Linggo, at mga pista opisyal.
Ang Pangulo ay maaaring tumawag ng tanging sesyon sa ano mang oras.
SEKSYON 16. (1) Ang Senado ay dapat maghalal ng Pangulo nito at ang
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Speaker nito, sa pamamagitan ng
mayoryang bto ng lahat ng kauukulang Kagawad nito.
Ang bawat Kapulungan ay dapat pumili ng iba pang mga pinuno na sa
palagay nito ay maaaring kinakailangan.
(2) Ang mayorya ng bawat Kapulungan ay dapat bumuo ng quorum upang
makatupad ng gawain, ngunit ang lalong maliit na bilang ay maaaring
magtindig ng pulong sa magha-maghapon at maaaring sapilitiang padaluhin
ang mga Kagawad na hindi dumadalo sa ano mang paraan, at sa ilalim ng
mga parusa, na maaaring itadhana ng Kapulungan iyon.
(3) Ang bawat Kapulungan ay maaaring magtakda ng mga alituntunin ng
mga gawain nito, magparusa sa mga Kagawad nito dahil sa maligalig na
kaasalan, at sa pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat mga Kagawad
nito, ay magsuspindi o magtiwalag ng isang Kagawad. Ang parusang
suspensyon kapag ipinataw, ay hindi dapat humigit sa animnapung araw.
(4) Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Journal ng mga
gawain nito, at sa pana-panahon ay maglathala niyon, maliban sa mga
bahagi na sa pasya nito ay maaaring may kinalaman sa pambansang
kapanatagan; at ang mga "Oo" at mga "Hindi" sa ano mang suliranin ay
dapat itala sa Journal, sa kahiligan ng isang-kalima ng mga Kagawad na
dumalo.
Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Record ng mga gawain
nito.
(5) Ang alin man sa dalawang Kapulungan sa panahon ng mga pagpupulong
ng Kongreso ay hindi dapat magtindig ng pulong nang mahigit sa tatlong
araw, o lumipat sa alin mang pook na iba sa sadyang pulungan ng dalawang
Kapulungan, nang di kasang-ayon ang isa't isa.
CHARACTERS OF NOLI ME TANGERE
Crisóstomo Ibarra
Crisóstomo Ibarra, commonly called Ibarra, is half Filipino-Spanish and the only
descendant of the wealthy Spaniard Don Rafael Ibarra. He was born and grew up in
the Philippines, but during his adolescence, spent seven years studying in Europe.
Those years prevented him from knowing what was happening in his country. When
he returned to the Philippines, he found his father had died and the corpse was
(supposedly) moved to a Chinese cemetery (but the body ended up in a river). He
heard tales of how helpful and kind his father had been and decided to honor the
memory of his father by doing as his father did.
María Clara
María Clara de los Santos, is the most dominant yet weakest representation of
women in the setting. When thinking of Noli, the name of María Clara can be seen
predominantly as the image of the ideal Filipino woman. María Clara is the primary
female character in the novel. She is the daughter of Capitán Tiago and Doña Pía
Alba. Doña Pía died while delivering Maria Clara. The poor child grew under the
guidance and supervision of Tía Isabél, Capitán Tiago's cousin.
María Clara is known to be Ibarra's lover since childhood. When Ibarra was away in
Europe, Capitán Tiago sent Maria Clara to the Beaterio de Santa Clara where she
developed into a lovely woman under the strict guidance of the religious nuns.
Later in the novel, María Clara discovers that her biological father is not Capitán
Tiago, but San Diego's former curate and her godfather Padre Dámaso.
Padre Dámaso
Dámaso Verdolagas (commonly known as Padre Dámaso/Padre Damaso or Father
Damaso), of Franciscan order, was the former curate of the parish church of San
Diego. He was the curate for almost twenty years before he replaced by much
younger Padre Salvi. Padre Damaso was known to be friendly with the Ibarra family,
so much that Crisóstomo was surprised by what the former curate had done to Don
Rafaél.
He is revealed to be the biological father of Maria Clara.
Padre Dámaso is described to be snobbish, fierce and talkative. He does not control
his words when speaking and does not care if the person he is talking to feels down.
There are also issues that he and Donya Pia had a relationship and they had a
daughter which is Maria Clara.
Capitán Tiago
Don Santíago de los Santos, commonly known as Capitán Tiago, is the only son of a
wealthy trader in Malabon. Due to his mother's cruelty, Capitán Tiago did not attain
any formal education. He became a servant of a Dominican priest. When the priest
and his father died, Capitán Tiago decided to assist in the family business of trading
before he met his wife Doña Pía Alba, who came from another wealthy family.
Because of their consistent devotion to Santa Clara in Obando, they were blessed
with a daughter who shared the same features as Padre Dámaso, named Maria
Clara.
Capitán Tiago owned numerous properties in Pampanga, Laguna and especially, in
San Diego. He also managed boarding houses along Daang Anloague and Santo
Cristo (in San Diego too) and had contracts for opening an opium business.
He is close to the priests because he had given numerous contributions of money
during ecclesiastical donations and always invited the parish curate to every formal
dinner. He was also entrenched with the government because he always supported
tax increases whenever the local officials wished. That was the reason he obtained
the title ofgobernadorcillo, the highest government position that a non-Spaniard
could have in the Philippines.
Later in the Noli sequel, El Filibusterismo, Capitán Tiago loses all his properties and
becomes addicted to opium, which would eventually lead to his death.
Pilósopo Tasyo
Don Anastacio, commonly known as Filósofo Tacio (Philosopher Tasyo) is one of the
most important characters in Noli. On the one hand, he is referred to as a
philosopher/sage (hence, Pilosopo Tasyo) because his ideas were accurate with the
minds of the townspeople. On the other hand, if his ideas were against the thinking
of the majority, he was considered the Imbecile Tacio (or Tasyong Sintu-sinto) or
Lunatic Tacio (Tasyong Baliw).
Filósofo Tacio was born into a wealthy Filipino family. His mother let him be formally
educated, then abruptly ordered him to stop. She feared Tasyo would become "too
educated" and lose his faith and devotion to religion. His mother gave him two
choices: either go into the priesthood or stop his education. Tasyo chose the latter
because he had a girlfriend that time. Soon enough, they married and after a year,
Tasyo widowed while his mother also died. Most of his time was taken up in reading
and buying books that all his properties were lost and he became poor.
Eliás
Eliás came from the family which the Ibarra clan had oppressed for generations. He
grew up in a wealthy family until he discovered something that changed his life
forever. He is also the one who helped Ibarra run away from the guards.
Furthermore, he saved Ibarra's life, who in turn, saved Elías' life.
Doña Victorina
Doña Victorina de los Reyes de Espadaña always dreamed of finding a Spanish
husband. It actually came to pass but she did not like Don Tiburcio. She merely
forced herself to marry him despite having fallen in love with Kapitan Tiyago.
Sisa
Narcisa is the mother of Basilio and Crispín. She depicts how Filipino mothers love
their children unquestionably.
Doña Consolacíon
Doña Consolacíon, la musa de los guardias civiles y esposa del Alférez
OTHER CHARACTERS:
Tiya Isabel Salome Sinang Crispin Basilio
buod ng noli me tangere
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa
Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas.
Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung
saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni
Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na
lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang
lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga
kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang
pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni
Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.
Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra
ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang
mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at
Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang
pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na
nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata,
nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang
ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito
ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na
kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang
malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin
nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na
hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa
katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng
bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso
at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay
si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y
inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na
kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin
subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at
tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng
simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si
Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila
na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y
nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang
ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra
at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit,
nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang
napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo.
Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang
pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman
ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang
sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat
niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan
upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan
sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay
nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila
ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y
lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang
liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang
dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre
Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang
karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago
kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga
si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang
makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip
ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan
inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil
hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang
pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay
Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre.
Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y
magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan
at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang
kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

More Related Content

Similar to 08 02-14

Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptx
Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptxAralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptx
Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptxCARLOSRyanCholo
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Gabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralGabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralnej2003
 
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentinoEemlliuq Agalalan
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOBIGMISSSTEAK
 
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptxQ4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptxIMELDATORRES8
 
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)Megan Jung
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxKikiJeon
 
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastilaPanitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastilaJenielynGaralda
 
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdfMGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdfRoqueJrBonifacio
 
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangereKaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangerefidelbasbas
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................ferdinandsanbuenaven
 

Similar to 08 02-14 (20)

Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
Nolielfili
NolielfiliNolielfili
Nolielfili
 
Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptx
Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptxAralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptx
Aralin 11 - Ang Pamahalaang Militar ng mga Amerikano (2).pptx
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Gabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aralGabay sa pagbabalik aral
Gabay sa pagbabalik aral
 
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentino
 
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINOMGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
 
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptxQ4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
Q4-aralin 1 FILIPINO 9 ARALIN 1-NOLI ME TANGERE.pptx
 
Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
 
Ikatlong bahagi ng aralin 5
Ikatlong bahagi ng aralin 5Ikatlong bahagi ng aralin 5
Ikatlong bahagi ng aralin 5
 
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)
Filipino reviewer (Gr.8 - 1st Quarter)
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
Kabanata 4.pptx
Kabanata 4.pptxKabanata 4.pptx
Kabanata 4.pptx
 
ANG LIONGO .pptx
ANG LIONGO .pptxANG LIONGO .pptx
ANG LIONGO .pptx
 
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastilaPanitikan Panahon bago dumating ang kastila
Panitikan Panahon bago dumating ang kastila
 
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
87041747 buhay-at-diwa-ni-jpl
 
Noli
NoliNoli
Noli
 
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdfMGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
 
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangereKaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
 

08 02-14

  • 1. SEKSYON 13. Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay hindi maaaring humawak sa panahon ng kanyang panunungkulan ng ano mang ibang katungkulan o pagkaka-empleyado sa pamahalaan, o sa alin mang bahagi, sangay, instrumentalidad nito, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o mga subsidiary nito, nang hindi magbibitiw sa kanyang katungkulan. Hindi rin siya dapat mahirap sa alin mang katungkulan na maaaring nalikha o naragdagan ang sahod sa loob ng taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya. SEKSYON 14. Hindi maaaring personal na humarap ang sino mang Senador o Kagawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan bilang abogado sa ano mang hukuman ng katarungan o sa mga Hukumang Panghalalan, o sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa iba pang mga kalupunang pampangasiwaan. Hindi rin siya dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata sa, o sa ano mang prangkisa o tanging pribilehiyo na ipinagkaloob ng Pamahalaan, o ng alin mang bahagi, sangay, o instrumentalidad nito, kasama ang alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, o ang subsidiary nito, sa loob ng taning ng panahon ng kanyang panunungkulan. Hindi siya dapat makialam sa ano mang bagay na maaaring niyang pagkakitaan sa alin mang tanggapan ng Pamahaalan o bagay na maaari siyang tawagin upang magpasya dahil sa kanyang katungkulan. SEKSYON 15. Ang Kongreso ay dapat magsimula ng pulong minsan isang taonsa ikaapat na Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito, matangi kung may ibang petsang itakda ang batas, at dapat magpatuloy na nagsesesyon sa loob ng tiyak na bilang ng mga araw na maaari nitong itakda hanggang sa tatlumpung araw bago magbukas ang susunod na regular na sesyon na ito, hindi kasama ang Sabado, mga Linggo, at mga pista opisyal. Ang Pangulo ay maaaring tumawag ng tanging sesyon sa ano mang oras. SEKSYON 16. (1) Ang Senado ay dapat maghalal ng Pangulo nito at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Speaker nito, sa pamamagitan ng mayoryang bto ng lahat ng kauukulang Kagawad nito. Ang bawat Kapulungan ay dapat pumili ng iba pang mga pinuno na sa palagay nito ay maaaring kinakailangan.
  • 2. (2) Ang mayorya ng bawat Kapulungan ay dapat bumuo ng quorum upang makatupad ng gawain, ngunit ang lalong maliit na bilang ay maaaring magtindig ng pulong sa magha-maghapon at maaaring sapilitiang padaluhin ang mga Kagawad na hindi dumadalo sa ano mang paraan, at sa ilalim ng mga parusa, na maaaring itadhana ng Kapulungan iyon. (3) Ang bawat Kapulungan ay maaaring magtakda ng mga alituntunin ng mga gawain nito, magparusa sa mga Kagawad nito dahil sa maligalig na kaasalan, at sa pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat mga Kagawad nito, ay magsuspindi o magtiwalag ng isang Kagawad. Ang parusang suspensyon kapag ipinataw, ay hindi dapat humigit sa animnapung araw. (4) Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Journal ng mga gawain nito, at sa pana-panahon ay maglathala niyon, maliban sa mga bahagi na sa pasya nito ay maaaring may kinalaman sa pambansang kapanatagan; at ang mga "Oo" at mga "Hindi" sa ano mang suliranin ay dapat itala sa Journal, sa kahiligan ng isang-kalima ng mga Kagawad na dumalo. Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Record ng mga gawain nito. (5) Ang alin man sa dalawang Kapulungan sa panahon ng mga pagpupulong ng Kongreso ay hindi dapat magtindig ng pulong nang mahigit sa tatlong araw, o lumipat sa alin mang pook na iba sa sadyang pulungan ng dalawang Kapulungan, nang di kasang-ayon ang isa't isa. CHARACTERS OF NOLI ME TANGERE Crisóstomo Ibarra Crisóstomo Ibarra, commonly called Ibarra, is half Filipino-Spanish and the only descendant of the wealthy Spaniard Don Rafael Ibarra. He was born and grew up in the Philippines, but during his adolescence, spent seven years studying in Europe. Those years prevented him from knowing what was happening in his country. When
  • 3. he returned to the Philippines, he found his father had died and the corpse was (supposedly) moved to a Chinese cemetery (but the body ended up in a river). He heard tales of how helpful and kind his father had been and decided to honor the memory of his father by doing as his father did. María Clara María Clara de los Santos, is the most dominant yet weakest representation of women in the setting. When thinking of Noli, the name of María Clara can be seen predominantly as the image of the ideal Filipino woman. María Clara is the primary female character in the novel. She is the daughter of Capitán Tiago and Doña Pía Alba. Doña Pía died while delivering Maria Clara. The poor child grew under the guidance and supervision of Tía Isabél, Capitán Tiago's cousin. María Clara is known to be Ibarra's lover since childhood. When Ibarra was away in Europe, Capitán Tiago sent Maria Clara to the Beaterio de Santa Clara where she developed into a lovely woman under the strict guidance of the religious nuns. Later in the novel, María Clara discovers that her biological father is not Capitán Tiago, but San Diego's former curate and her godfather Padre Dámaso. Padre Dámaso Dámaso Verdolagas (commonly known as Padre Dámaso/Padre Damaso or Father Damaso), of Franciscan order, was the former curate of the parish church of San Diego. He was the curate for almost twenty years before he replaced by much younger Padre Salvi. Padre Damaso was known to be friendly with the Ibarra family, so much that Crisóstomo was surprised by what the former curate had done to Don Rafaél. He is revealed to be the biological father of Maria Clara. Padre Dámaso is described to be snobbish, fierce and talkative. He does not control his words when speaking and does not care if the person he is talking to feels down. There are also issues that he and Donya Pia had a relationship and they had a daughter which is Maria Clara. Capitán Tiago Don Santíago de los Santos, commonly known as Capitán Tiago, is the only son of a wealthy trader in Malabon. Due to his mother's cruelty, Capitán Tiago did not attain
  • 4. any formal education. He became a servant of a Dominican priest. When the priest and his father died, Capitán Tiago decided to assist in the family business of trading before he met his wife Doña Pía Alba, who came from another wealthy family. Because of their consistent devotion to Santa Clara in Obando, they were blessed with a daughter who shared the same features as Padre Dámaso, named Maria Clara. Capitán Tiago owned numerous properties in Pampanga, Laguna and especially, in San Diego. He also managed boarding houses along Daang Anloague and Santo Cristo (in San Diego too) and had contracts for opening an opium business. He is close to the priests because he had given numerous contributions of money during ecclesiastical donations and always invited the parish curate to every formal dinner. He was also entrenched with the government because he always supported tax increases whenever the local officials wished. That was the reason he obtained the title ofgobernadorcillo, the highest government position that a non-Spaniard could have in the Philippines. Later in the Noli sequel, El Filibusterismo, Capitán Tiago loses all his properties and becomes addicted to opium, which would eventually lead to his death. Pilósopo Tasyo Don Anastacio, commonly known as Filósofo Tacio (Philosopher Tasyo) is one of the most important characters in Noli. On the one hand, he is referred to as a philosopher/sage (hence, Pilosopo Tasyo) because his ideas were accurate with the minds of the townspeople. On the other hand, if his ideas were against the thinking of the majority, he was considered the Imbecile Tacio (or Tasyong Sintu-sinto) or Lunatic Tacio (Tasyong Baliw). Filósofo Tacio was born into a wealthy Filipino family. His mother let him be formally educated, then abruptly ordered him to stop. She feared Tasyo would become "too educated" and lose his faith and devotion to religion. His mother gave him two choices: either go into the priesthood or stop his education. Tasyo chose the latter because he had a girlfriend that time. Soon enough, they married and after a year, Tasyo widowed while his mother also died. Most of his time was taken up in reading and buying books that all his properties were lost and he became poor. Eliás Eliás came from the family which the Ibarra clan had oppressed for generations. He grew up in a wealthy family until he discovered something that changed his life
  • 5. forever. He is also the one who helped Ibarra run away from the guards. Furthermore, he saved Ibarra's life, who in turn, saved Elías' life. Doña Victorina Doña Victorina de los Reyes de Espadaña always dreamed of finding a Spanish husband. It actually came to pass but she did not like Don Tiburcio. She merely forced herself to marry him despite having fallen in love with Kapitan Tiyago. Sisa Narcisa is the mother of Basilio and Crispín. She depicts how Filipino mothers love their children unquestionably. Doña Consolacíon Doña Consolacíon, la musa de los guardias civiles y esposa del Alférez OTHER CHARACTERS: Tiya Isabel Salome Sinang Crispin Basilio buod ng noli me tangere Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin. Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang
  • 6. mayamang asendero sa bayang yaon. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa. Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata. Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas. Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang
  • 7. pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan. Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman. Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre. Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.