Fostering Friendships - Enhancing Social Bonds in the Classroom
Pagbasa maryjoy nazaro
1. NAZARO, Maryjoy T. ika-11 ng Nobyembre 2014
1AC2 BS Accountancy T/TH Filipino
Kahulugan ng Pagbasa mula sa iba’t ibang otoridad:
1. Ayon kay Austero
Ang paraan ng pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakasulat
upang mabigkas ng pasalita.
Ang pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng pasulat na simbolo.
Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan, at pagtataya sa mga simbolong nakasulat.
2. Ayon kay Bernales
Ang pagbasa ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at
pagsulat.
Ang pagbabasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang
isang proseso.
3. Ayon kay Goodman (1957, 1971, 1973):
“Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa.”
4. Ayon kay Coady (1979):
“Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating
alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga
naiprosesong impormasyon sa binasa.”
5. Ayon kay Badayos:
Ang pagbabasa ay walang kahingiang imposiblepara hindi ito magawa ng isang mambabasa.
Ang pagbabasa ay isang proseso ng pag-iisip.
6. Ayon kay G. James Lee Valentine (2000):
“Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak.”
7. Ayon kay Hank (1983):
“Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng
interpretasyon dito.”
2. 8. Ayon kay Bond at Tinker (1967):
“Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na
nagiging ‘stimuli’ upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman o
karunungan mula sa karanasan ng mga mambasa.”
Apat na hakbang sa pagbasa
Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang isang
proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al:2001), may apat n hakbang sa pagbasa:
a. PERSEPSYON/PAGKILALA. Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging
sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
b. KOMPREHENSYON/PAGUNAWA. Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinapahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap sa isipan.
Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa hakbang ito.
c. REAKSYON. Sa hakbang ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
d. ASIMILASYON. Sa hakbang namang ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati
nang kaalaman at/o karanasan.
Kahalagahan ng pagbasa:
1.Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
2.Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang larangan ng buhay.
3.Patnubay ito ng mga karanasan, mga mithiing pangarap.
4.Nagsisilbing unang hakbang sa anumang larangan ng pagaaral at pagkatuto.
5.Ginigising ang damdamin ng isang indibidwal.
6.Nagiging lunas ng mga suliranin at kahinaan ng isang tao.
7.Nasasalamin ang buhay ng ibang tao at naiuugnay ito sa sariling karanasan ng bumabasa.
Uri ng Pagbasa:
1. Masaklaw na pagbasa- ito ay nauukol sa malayang pagbabasa ng anumang paksa at ng posisyon ng
bumabasa.
3. 2. Masinsinang pagbasa- pormal na pagbabasa sa silid-aralan o sa aklatan.
3. Mabilisang Pagbasa- may dalawang uri
a. Skimming- pinaraanang basa.
b. Scanning- paghahanap o pagbabasa sa isang tiyak na impormasyong kailanganin sa isang
pahina.
4. Tahimik na pagbasa- mata lang ang ginagamit.
5. Malakas na pagbasa
Apat teorya ng pagbasa:
a. Teoryang Bottom-Up- Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na
mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang
pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago
malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang
teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa
proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa
tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto
(bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa
teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong
holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay
may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na
kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag
din ang teoryang ito na inside out o cenceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay
nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit
nga kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na
kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya.
Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at
hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na
nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa
teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong
awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may dalawang direksyon o
bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang
isang proseso at hindi bilang produkto.
d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng
isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang
4. iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha
o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang
teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng
pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa