2. Linangin
Sa bahaging ito ay inaasahan na
malilinang at matututuhan mo ang
mga bagong kaalaman kung
paano nagsimula at umunlad ang
Sinaunang Kabihasnan sa Asya.
3. Ano ang kahulugan ng
salitang Sibilisasyon?
Ang sibilisasyon ay mula sa salitang-
ugat na civitas na salitang Latin na ang
ibig sabihin ay lungsod. Ito ay
nangangahulugang masalimuot na
pamumuhay sa lungsod.
4. Ano ang kahulugan ng
salitang KABIHASNAN
Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-
ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay
eksperto. Ito ay pamumuhay na
nakagawian ng maraming pangkat ng
tao. Kasama rito ang wika, kaugalian,
paniniwala at sining
8. • Ang Mesopotamia ang kinilala
bilang cradle of civilization
dahil dito umusbong ang
unang sibilisadong lipunan ng
tao.
• Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na tinawag na Fertile
Crescent kung saan
matatagpuan ang kambal ilog
na Tigris at Euprates.
9. Sistemang Pampulitika at Pang-
ekonomiya
• Ilan sa mga
pinakamahalagang
lungsod na lumitaw
sa Sumer ay ang Ur,
Uruk, Eridu,
Lagash, Nippur, at
Kish.
10. Sistemang Pampulitika at Pang-
ekonomiya
•Pagtatanim, pangangalakal,
pangangaso at pag-aalaga ng hayop
ang pangunahing hanapbuhay ng
mga Sumerian.
11. Sistemang Panrelihiyon
• Ang pinakamalaking
gusali sa Sumer ay
ang templo na
tinatawag na
Ziggurat. Pinamunuan
ng mga haring pari
ang mga lungsod dito.
12. Sistemang Panlipunan
•Sa usaping pamumuhay may
espesyalisasyon ang mga Sumerian na
nagbigay-daan sa pag-usbong ng uring
panlipunan. Mataas ang tingin sa mga
pinunong hari, kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at mga scribe,
at sa huli ay mga magsasaka at alipin.
13. Mga Ambag ng Sumerian
• Sistema ng pagsulat -
Cuneiform
Paraan ng pagsulat ng mga
Sumerian. Sa simula, mga
marka lamang itong makikita sa
pagdiin sa mga luwad na
tableta. Gumagamit ang mga
eskriba ang isang maliit na
patpat na tinatawag na stylus.
14. Mga Ambag ng Sumerian
• Imbensyon - Gulong
Mula sa
pagkakaimbento ng mga
Sumerian sa gulong, mas
napadali ang pagbubuhat
ng mga bagay at mas
napadali ang paggawa. Sa
pagkatuklas nila ng gulong,
naimbento nila ang unang
karwahe.
15. Mga Ambag ng Sumerian
• Matematika - Algebra
Sa prinsipyong ito
ng Matematika,
ginagamit ang sistema
ng pagbilang na
nakabatay sa 60,
paghahati o fraction
gayundin ang Square
Root.
16. Mga Ambag ng Sumerian
• Imprastraktura - Ziggurat
Gusaling itinayo ng
mga Sumerian. Umaabot
ng 7 palapag at may templo
sa pinakangtuktok ng
gusali.
17. Iba pang kontibusyon
•Epic of Gilgamesh
• Araro at mga kariton na may gulong
• Palayok
• Perang pilak
•Lunar calendar
•Decimal system
18. Panuto: Basahin ng Mabuti ang bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.
KABIHASNAN SIBILISASYON CIVITAS CRADLE OF CIVILIZATION
FERTILE CRESCENT UR ZIGGURAT.
1. Ang sibilisasyon ay mula sa salitang-ugat na _________________
2. Ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay ang templo na tinatawag na ______
3. Ito ay nangangahulugang masalimuot na pamumuhay sa lungsod. ______
4. Ang Mesopotamia ang kinilala bilang____________ dahil dito umusbong ang
unang sibilisadong lipunan ng tao.
5. ________ay nagmula sa salitang-ugat na bihasa na ang ibig sabihin ay
eksperto.
Sumagot ng TAMA sa mga talata na tama At MALI pagmali ang talata.
6. Ang Ziggurat ay pinagmumunuan ng mga haring pari ang mga lungsod dito.
7. Ambag ng Sumerian sa Sebilasyon ang Lunar Calendar at Decimal System.
Enumeration
8-10 Mga kabihasan sa Asya