2. Isang taon nalang at matatapos na rin ni Mario ang kaniyang pag-
aaral sa sekondarya. Pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo at
maging isang guro balang-araw kaya napakamasigasig niya sa
kaniyang pag-aaral.
Isang araw habang naglalakad siya sa pasilyo ng kanilang paaralan
patungo sa kaniyang susunod na klase ay nakita niya si Jose, ang
bagong lipat na estudyante sa kanilang paaralan. Si Jose ay nasa
may pader ng paaralan na tila may planong tumakas at lumabas.
Agad siyang pinuntahan ni Mario at kinausap. Ipinaintindi ni Mario
kay Jose ang kahalagahan ng pag-aaral at ang masamang epekto ng
pagtakas nito. Agad namang napagtanto ni Jose ang kaniyang
ginawa at humingi ito ng tawad at nangakong maging isa ng
mabuting mag-aaral.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang
nangyari kung hindi
pinagsabihan ni Mario si Jose?