2. 1060. “Gayon pa ma'y tingnan natin
sa bago kong hihilingin sa bigat nito
marahil buhay niya'y makikitil.”
1061. Ipinatawag si Don Juan
Prinsipe'y humarap naman,
ngunit kanyang iniwasang sa palasyo
mag-ulayaw.
1062. Kaya nang pinaaakyat tugon
lamang ay. “Salamat,mag-utos ang
Haring liyaga ko'y handa sa
pagtupad.”
1063. Katugunan ng prinsipe sa Hari ay
nakapipi, pinaglimi nang maigi, ang
paing minamabuti.
1064. Praskong ingat-ingat
niya'y medaling pinakuha, sa
palasyo’y nanaog na’tkay Don
Juan ay sumama.
1065. Pagdating sa isang pook
na lingid sa manunubok
praskong bitbit ay dinukot sa
lalagyang gintong pulos.
1066. Saka, anyang buong giliw;
“Praskong ito ay malasin,
ang nariya'y maiitim,
mga taong munsing-munsing.”
3. 1067.“Labindalawang negritobuhay
namang mga tao,ito'y mga alaga ko't
minamahal na totoo.”
1068."Sila'y aking pawawalansa laot
ng karagatan,isilid mong muli
namansa prasko nilang tahanan.”
1069. "Sa iyo'y mahigpit kong
bilinutos na iyong tutupdin,negrito
koay mahalingparang iyan ay iyo rin.”
1070.“Isa ma'y huwag
magkulangang negritong
pawawalan,isa nitong
mapalita'ykapalit ang iyong buhay.”
1071. Pinawalan na ngang lahat parang
isdang pumupusag, Haring Salermo'y
naghayag ng ganitong bagong atas:
1072. “Sa aking pag-aagahansa umaga'y
kailangangmga negrito ay datnansa
hapag kong kinakainan.”
1073. Praskong hawak ng Monarka kay
Don Jua'y iniabot na,naghiwalay ang
dalawa't ang Hari ay namahinga.
1074. Nang gumabi ay dumating si
Donya Mariang butihin, nagtanong sa
kanyang giliw kung ano ang dapat
gawin.
1075. “Naririto, aking sinta,ang utos ng
iyong ama,itong praskong bigay niya ay
may lamang mgå ita.”
4. 1076.Mga ita'y pinawalan sa laot ng
karagatan, bukas, bago mag-agahan
makita nang naririyan.”
1077. “Bilang ay labin dalawang
naririyang mga ita, pag nagkulang daw
ng isa buhay ko ang kahalaga.”
1078. “Iya'y munting bagay lamang,”
kay Donya Mariang saysay,“huwaġ
magulumihan a't kay dali tang
malusutan.”
1079. “Ano na ang mga itanglaruan ng
aking ama,sa tawag kong mahina pa'y
pahuhuling walang sala.”
1080.Para silang naglilibang ang
magkasi'y nag-agapay hanggang sa
madaling-araw kay saya ng salitaan.
1081.Ikaapat nang tugtuginang
Prinsesa ay nagturing:“Halika na, aking
giliwat ang ilaw ay bitbitin.”
1082. “Akin naman iyang prasko'tsa
dagat tayo patungo,sa tubig lulusong
tayo'ttatawagin ang negrito.”
1083. Sumapit na ang dalawasa
baybay ng dagat nila,pagkalusong ng
Prinsesahumiyaw kapagkaraka.
1084.“Bawat dumating sa
inyopumasok agad sa prasko,nasa
tubig man nga kayo'ymasisilab sa galit
ko.”
1085.Narinig ng mga itaang tinig ni
Donya Maria,lahat ay nag-unahan na
nang pasilid sa frasquera.
5. 1086.Nagsidating at pumasok na
giniginaw sa takot, nang sa prasko'y
mapaloob wala ng kibo't nakaukmot.
1087.Umahon na ang magkasingpras ko'y
siyang dilidili, sa lakad na magkatabi
katuwaa'y pagkalaki.
1088.Bago sila naghiwalay wika ng
Prinsesang mahal:“Muwi ka na, aking
hirang labis na ang kapagalan.”
1089. Ako'y siya nang bahalana sa
prasko'y mamahala,natitiyak kong
mamayaang ama ko ay hahanga.”
1090.Nagtuloy na sa palasyoang
Prinsesa'y tumatakbo,ang Prinsipe ay sa
kubo, sa puyat ay inuubo.
1091.Praskong tahanan ng ita
na katayo na sa mesa,ang
napuyat na Prinsesa sa silid ay
natulog na.
1092. Haring Salermo'y
nagising prasko'y agad nang
napansin,mga ita nang bilangin
kabilangan ay dati rin.
1093.Isa ma'y walang nawala
pagtataka'y di kawasa,at sa
laki ng paghanga parang
namamalik mata.
6. 1094. Saka parang nangangarap nagsalita nang
malakas:“Ako ay hindi papayag'magahis ng isang
hamak.”
1095. Noon din nga ay binuo ang panibago niyang
hibo,sa sarili niyang kuro ito'y mabigat pang lalo.
1096. “Dito sa bago kong utos,”sabing masaya
ang loob,“galing niya'y masusubok kapag kanya
pang nasunod.”
11. Muling ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan upang
papanhikin sa palasyo ngunit tumanggi si Don Juan.
Pinuntahan ni Haring Salermo si Don Juan sa hardin at sila'y
naglakad. Inilabas ng hari ang prasko nå may lamang labin
dalawang negrito. Pinakawalan ng hari ang mga negrito sa
karagatan. Nais ng hari na hulihin lahat iyon ni Don Juan at
muling isilid sa prasko. Kailangang makita iyon ng hari
kinaumagahan upang makaligtas ang prinsipe sa parusang
kamatayan. Matamlay na nakipagkita si Don Juan kay Maria
Blanca. Paano niya mahuhuli ang mga negrito sa malawak na
karagatan? Pinayapa ni Maria Blanca ang kalooban ni Don Juan.
12. Inutusan siya ni Maria Blanca na kumuha ng ilaw at pagsapit ng
ikaapat ng madaling araw na tugtog ng orasan ay nagtungo sila sa
tabing dagat. Muling ginamit ni Maria Blanca ang kapangyarihan.
Nag-utos lamang ito sa mga negritong laruan ng kanyang ama na
magmadaling bumalik sa prasko kung ayaw ng mga itong
matikman ang kanyang galit. Nagmamadaling nag-ahunan sa
karagatan ang mga negrito at isa-isang pumasok sa prasko.
Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa mesa ang prasko na may
lamang labindalawang negrito. Nagngingitngit sa galit si Haring
Salermo dahil hindi niya magawang kitlin ang buhay ni Don Juan.
Nag-isip ang hari ng mas mabigat na pagsubok.
13.
14. PANUTO:
Basahin ang mga tanong at sagutan ito ng maayos. (2
pts. kada bilang ng numero)
1. Sino ang nagpalakas-loob at tumulong kay Don Juan?
2. Paano ni Maria Blanca ibinalik ang labin dalawang negrito
sa prasko?
3. Bakit kaya nagngingitngit sa galit si Haring Salermo?
4. Ano ang ipinakitang katangian ni Maria Blanca kay Don
Juan? Ipaliwanag.
5. Sa iyong palagay, tama ba ang ipinakitang ugali ni Haring
Salermo kay Don Juan? Ipaliwanag.