3. Ang panghalip pamatlig ay mga panghalip na ginagamit sa
pagtuturo sa kinalalagyan ng mga pangngalan o panghalip.
Kapag malapit sa taong nagsasalita
- ang mga bagay na tinutukoy o itinuturo, gumagamit ng
sumusunod na mga panghalip pamatlig:
ito, dito/rito, nito, heto ganito
Halimbawa:
Ang payong na ito ay kay Mina.
4. Kapag malapit sa taong kausap
- ang mga bagay na tinutukoy o itinuturo, gumagamit ng
sumusunod na mga panghalip pamatlig:
iyan, diyan/riyan, niyan, hayan, ganyan
Halimbawa:
Nag-aaral si Manuel diyan.
Ang ibang sangkap niyan ay mula sa ibang bansa.
5. Kapag malayo sa dalawang taong nag-uusap.
- ang mga bagay na tinutukoy o itinuturo, gumagamit ng
sumusunod na mga panghalip pamatlig:
iyon, doon/roon, niyon, hayun, ganoon
Halimbawa:
Hinog na ang manga sa puno. Sungkitin mo na iyon.
Doon kami kakain.
6. Ang panghalip pananong ay mga panghalip na ginagamit sa
pagtuturo sa pagtatanong o pag-uusisa at ang inaasahang
sagot ay isang pangngalan o isang panghalip. Ito’y may anyong
maaring isahan o maramihan.
Isahan Maramihan
sino
ano
kanino
sino-sino
ano-ano
kani-kanino
Halimbawa: Sino ang nagkalat sa daan?
Ano-ano ang tinda sa palengke?
7. Tukuyin ang panghalip pamatlig at panghalip pananong
sa bawat pangungusap.
1. Huwag kayong mag-alala. Parating na kami diyan.
2. Dito namin binili ang mga pasalubong.
3. Bababa na tayo ng van.Iwan mo rito ang bag mo.
4. Ano-ano ang mga paborito mong bulaklak?
5. Sino ang batang kasama mo?