1. Banta ng Tabing Dagat
Marami sa ating mga Pilipino ang nais magkaroon ng masaganang buhay.
Makakain ng tatlong beses man lang sa isang araw.
Makapag-aral sa malaking pamantasan.
At higit sa lahat ay magkaroon ng maayos na bahay na matutuluyan.
Bahay??? Tahanan??? Gaano ba ito kaimportante sa ating buhay?
Ang bahay, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng
tao upang magkaroon tayo ng proteksyon mula sa mundo sa labas, magkaroon ng pribadong buhay
at kaligtasan. May dindinga’t bubong ito na siyang nagbibigay kanlungan sa isang nilalang laban sa
init, lamig, hangni, ulan, mga kalamidad at mga tao o hayop na ibig pumasok ng walang pahintulot.
Karaniwan na ini-uugnay ang bahay sa tahanan subalit ito ay may kaibahan. Ang bahay sa
pangkalahatang kayarian, samantalang tumutukoy naman ang tahanan sa pakikipagugnayan
sa pamilya sa loob ng isang bahay. Ang salitang ugat na “Tahan” mula sa salitang tahanan ay
nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak o pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi lahat ng
lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan. Naririto ang pag-ibig, pagkalinga
at pag-aaruga ng bawat miyembro ng pamilya.
Ngunit bakit marami paring mga Pilipino ang hindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng isang
komporatableng bahay?
Bakit marami pa rin ang palaboy sa kalsada?
Bakit pilit pa rin nilang nilalasap ang pait ng karanasang manirahan sa tambak ng basura?
At bakit tinitiis at hinaharap nila ang banta sa kaligtasan ng paninirahan sa tabing dagat?
Kasabay ng paglaki ng ating populasyon ay patuloy ring tumataas ang bilang ng mga taong walang
mapagtayuan ng kanilang bahay o sa madaling salita walang matitirhan. Ang iba ay napipilitang
magpalaboy-laboy sa kalsada, manirahan sa ilalim ng tulay at manirahan sa tabing dagat.
Paninirahan sa tabing dagat??? Ligtas nga ba ito?
Hindi maikakaila ang ating bansa ay napapalibutan ng mga tubig kung kaya’t malapit tayo sa mga
delubyong dala nito. May mga panahon na kinakailangan nating lasapin ganti ng kaalikasan sa atin.
Sa madaling salita, may nakaambang na malaking banta ang paninirahan sa tabing dagat. Ang
kalamidad nga’y hindi natin maiiwasan ngunit ito nama’y ating mapaghahandaan.
May nagaganap na paglilipat na ng mga pamayanan na nasa tabing dagat ngunit ang pagtangi ng
iilan ang siyang nagpapabagal rito. May ibang ayaw umalis dahil dito nanggagaling ang kanilang
kabuhayan at ang iba’y ayaw umalis dahil sa hindi nila gustong iwanan ang tahanan na sa kanila’y
napamahal na.
2. Pero uunahin pa ba natin ang ating kaginhawaan sa ating kaligtasan? Ang hirap ng buhay ay
nagagawan ng paraan ngunit ang buhay na nawala ay hindi na kayang ibalik o palitan.
Maraming paraan ang maaaring gawin dito upang masolusyunan ang banta sa kaligtasan ng
paninirahan sa tabing dagat ngunit maraming tao ang dapat kasangkot dito.
Ang pamahalaan ay may malaking papel upang matugunan ang ligtas na tirahan sa mga mamamayan.
Maaari nilang irelocate sa isang ligtas na lugar ang mga ito at sisiguraduhing sa relocation site ay may
hanapbuhay na nakaambang sa kanila at sapat na tubig at kuryente na tulong upang matugunan ang
kanilang pang-araw-araw na gawain.
Tayo ring mga mamamayan ay dapat makiisa rin. Laging isaalang-alang ang pansariling kaligtasan
bago ang pansariling kaginhawaan. Maging mulat sa kaisipan sa mga ulat panahon na makadaragdag
sa simpleng hakbang ng kahandaan, mga gawaing magagawa mo. Huwag laging umasa sa tulong na
ibinibigay. Magsumikap at makiisa.
Isulong…Ligtas na Tahanan—Para sa Mamamayan!