Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Banta ng terorismo ♥

7,991 views

Published on

FOLLOW me on twitter @luckymeitnok

  • Login to see the comments

  • Be the first to like this

Banta ng terorismo ♥

  1. 1.  Higit na naging mapanganib ang buhay ng tao sapagkat walang pinipiling bibiktimahin ang terorismo--opisyal o sibilyan man, bata o matanda man. Kabilang sa mga aktibong grupong terorista sa Asya ang Jemaah Islamiyah, Al-Qaeda Network, Hezbollah at iba pa.
  2. 2.  Usap- usapan sa buong daigdig ang pagbomba sa iba’t-ibang panig ng asya. Kabilang dito ang masaklap na pagbomba sa isang lugar panturista sa Bali, Indonesia noong Oktubre 12, 2002 na ikinamatay ng mahigit 200 katao at ikinasugat din ng mahigit 200 pa.
  3. 3.  Noong Disyembre 30 2000, apat na sunod- sunod na pagsabogng bomba sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang gumimbal sa Pilipinas. Tinagurian itong Rizal Day Bombing. Sa Mindanao, may naganap ding pagsabog ng bomba sa isang palaruan sa Maguindanao noong 2004 at sa paliparan sa Davao noong 2003. Lahat ng ito ay ibinibintang na gawa ng mga terorista na naghahasik ng lagim at gumagamit ng dahas upang isulong ang kanilang layunin
  4. 4.  Napabalita rin ang mga “kidnapping” o pagdukot ng mga dayuhan sa Pilipinas. Nagresulta ang sunod sunod na pagbihag ng mga dayuhan sa Pilipinas sa pagbaba ng sigla ng turismo. Kabi-kabila ang mga babala ng mga pamahalaan ng ibang bansa sa kanilang mga mamamayan ukol sa panganib na banta ng terorismo sa Pilipinas at ibang bahagi ng Asya. Ikinabahala rin ito ng mga lokal at dayuhang namumuhunan sa Pilipinas. Ibayong pagbabantay rin sa mga matatao at estratehikong lugar tulad ng paliparan, daungan ng barko, imbakan ng langis, at istasyon ng pampublikong sasakyan ang isimagawa ng pamahalaan.
  5. 5.  Upang labanan ang banta ng terorismo, naglaan ang pamahalaan ng mas malaking pondo sa sandatahang panlakas, Nangangahulugan ito na mas madaragdagan ang mga kagamitan at pagsasanay na militar sa halip na gamitin ang pondo sa mga pangunahing serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, pabahay, at iba pa. Nangamba rin ang marami ng lumaganap ang iba’t – ibang uri ng bio – terrorism tulad ng paggamit ng “anthrax” at iba pang nakamamatay na virus at bacteria.
  6. 6.  Noong Setyembre 11, 2001, pinasabog ng mga terorista ang ilang bahagi ng United States, kabilang ang World Trade Center. Bilang tugon ng United States at mga bansang kaalyado nito, naglunsad sila ng malawakang giyera laban kay Saddam Hussein, pinuno ng Iraq. Ang giyerang ito ay nagresulta sa sapilitang pagpapauwi ng marami sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Iraq. Ikinabahala ito ng maraming Pilipinong may mga mahal sa buhay na nagtatrabaho at naninirahan sa Iraq at maging sa mga karatig bansa nito.
  7. 7.  Ang pagkakasangkot ng ilan sa mga grupong Islamic Fundamentalist o mga radikal na Muslim sa Kanlurang Asya ay tuwiran at di- tuwirang nakaapekto sa pangkalahatang imahe ng mga kapatid nating Muslim sa Pilipinas. Ang Islamic Fundamentalist ay nagtataguyod ng kanilang radikal na layunin at gumagamit ng dahas upang mapaabot ang kanilang mga hinihiling. Dahil sa kagagawan ng ilang miyembro ng mga grupong Islamic Fundamentalists, mas lumaganap ang diskriminasyon at maling impresyon sa mga Muslim sa Mindanao. Sa kabuuan, karamihan sa mga Muslim ay namumuhay nang mapayapa at maayos.
  8. 8.  Sa pangkalahatan, malawak ang naging epekto ng terorismo sa pampulitika, pangekonomiya, pangkalusugan, at pangkapayapaang aspeto ng

×